You are on page 1of 5

REVIEWER ARALING PANLIPUNAN 9 – EKONOMIKS

QUARTER 1 EXAMINATION

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na mayroong layuning pag-aralan ang kilos at pagsisikap
ng mga tao sa paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na hango sa dalawang salita oikos na ang ibig sabihin ay
bahay at nomos naman ay pamamahala.

Ang pagpapaliban ng pagbili o pagpili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.
-Trade-off

Tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. -
opportunity cost

Ang mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga ng
isang desisyon. - incentives

Ang pagpapalawak ng isipan para makagawa ng matalinong pagdedesisyon ay tinatawag na . Ito ay ang proseso
ng pag-aanalisa sa kung paanong ang isang desisyon ay mas makakapagbigay ng pinakamalaking potensyal na
balik kaysa sa gastos. -marginal thinking

Ang matalinong pagdedesisyon ay mahalaga sa bawat produkto at serbisyong pagpipilian, subalit kung minsan
kahit nakabuo ka na ng desisyon ay hindi maiiwasan na maaari pa rin itong magbago sa bandang huli.

Ang kakapusan (scarcity) ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na


ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyong hindi sapat upang tugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Ang kakulangan (shortage) naman ay panandalian lamang. Sinasabi na ang kalagayang ito ay dulot ng bagyo,
peste, El Nino, pandemiya at iba pang kalamidad o maaaring namang gawa o likha ng tao na tinatawag na
artipisyal na kakulangan.

Ang maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa.

Ang maykroekonomiks ay isang sangay ng ekonomiks na sumusuri o tumatalakay sa maliit na yunit ng bansa.

Pangangailangan (needs) ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa pagpapanatili ng buhay ng tao. Mga
halimbawa nito ay pagkain, damit, tirahan at kalusugan.

Kagustuhan (wants) ay tumutukoy sa mga bagay na magpapagaan ng uri ng pamumuhay at magbibigay


kasiyahan sa tao.

Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang katapusan ngunit ang pinagkukunang yaman ay limitado
kaya ang tao ay kailangang gumawa ng pagpili. Ang pangangailangan ng tao ay may ibat-ibang digri o tinatawag
na Herarkiya ng Pangangailangan

Tradisyonal na Ekonomiya (Traditional Economy). Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga
suliraning pang- ekonomiya sa pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran ng lipunan.

Market na Ekonomiya (Market Economy). Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagsagot sa mga suliraning
ano, paano, at para kanino ang gagawin at isinasagawa ng indibidwal at pribadong sektor.

Command Economy, ang estado ang may responsibilidad sa pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya. Nasa
ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa.

Ang komunismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang nagmamay-ari at kumukontrol
sa yaman ng bansa at sa produksiyon.

Pinaghalong Ekonomiya (Mixed Economy). Isang sistemang pang-ekonomiya na masasabing pinaghalo dahil sa
pag-iral ng command at market na ekonomiya.

Ang produksiyon ay tumutukoy sa paggawa o pagdagdag ng mga bagay o serbisyo na kapaki-pakinabang. Ito rin
ay tumutukoy sa proseso kung paano pinagsama-sama ang mga pinagkukunang-yaman at mapagbagong anyo
bilang mga tapos o ganap na produkto o serbisyo.

Ang lupa ay ang mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto.
Kapital-ito ang mgaa produktong nakakalikha ng panibagong produkto o mga kalakal na nakalilikha ng iba pang
produkto.

Entreprenyur - tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng negosyo.

Paggawa -ito ang mga tao na siyang lumilinang sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran para gawing
produkto.

Ang white collar job ay mga manggagawang may kakayahang mental. Halimbawa ng mga ito ay ang mga
doctor, guro, abogado, inhinyero, at iba pa.

Ang blue collar job naman ay mga manggagawang may kakayahang pisikal. Mas ginagamit nila ang kanilang
lakas sa paggawa kaysa sa isip. Halimbawa ng mga ito ay ang mga karpentero, magsasaka, drayber, at iba pa.

Sahod o suweldo ang tawag sa kabayaran ng mga maggagawa sa paglilingkod.

Isahang Pagmamay-ari (Sole Proprietorship) - Negosyo na iisa lamang ang nagmamay-ari at ini-rehistro sa
Department of Trade and Industry. Ang sari-sari store ang isa sa pinakalaganap na halimbawa ng isahang
pagmamay-ari.

Sosyohan (Partnership) - Negosyo na pag-aari ng dalawa hanggang apat na tao at ini-rehistro sa Securities and
Exchange Commission (SEC).

Korporasyon (Corporation) - Negosyo na pag-aari ng lima o higit pang tao at inirehistro sa SEC. Ang
malalaking publishing company at ang San Miguel Corporation ay ilan sa mga halimbawa ng isang korporasyon.

Kooperatiba (Cooperative) - isang uri ng samahan kung saan ang mga miyembro ay pinagsasama-sama ang
kanilang pera upang gawing puhunan sa isang negosyo. Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng
paglilingkod sa mga kasapi. Ang kita ng negosyo ay hinahati-hati at ibinabalik din sa bawat kasapi.

Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo na nagbibigay kasiyahan at
kapakinabangan upang matugunan ang walang hangggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Bilang isang mag-aaral, maipapakita ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-


araw na gawain.
-Oo, dahil maaaring ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng pangangailangan

Bilang bahagi ng lipunan, kinakailangan bang maging matalino sa pagdedesisyon ang isang tao
pagdating sa pagtugon ng kanyang pangangailangan at kagustuhan?
-Oo, upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman

Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19. Kinakailangan ang
dobleng sikap upang matulungan ang pamilya. Bilang panganay na anak, may magagawa ka ba upang
matustusan ang mga pangangailangan ng iyong pamilya?
-Oo, dahil maaaring tumulong sa paggbabadyet at pagtitipid ng mga gastusin.
.
Sapat ba ang pagkakaroon ng magaling at ekonomista na pinuno sa paglutas ng suliranin sa
kakapusan ng bansa.
-Hindi, dahil kailangan ang pagtutulungan ng mga mamamayan, wastong teknolohiya, at tamang
paggamit at alokasyon ng mga limitadong pinagkukunang-yaman.

Mahalaga ba ang konsepto ng ekonomiks sa loob ng pamilya?


-Oo, dahil may mga pangangailangan sa loob ng tahanan na kailangang matugunan at wastong
pagdedesisyon ang kinakailangan.

Si Mang Anton ay may-ari ng isang pabrika. Mula sa kaniyang kinikita inilalaan ang pambili ng mga
bagong makinarya upang mapabilis ang produksiyon at mapahusay ang kanilang produkto. Anong
katangian ni Mang Anton ang naging dahilan upang mapalago ang kanyang negosyo?
-Mahusay siyang magpalago ng kapital.

Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao. Ang susumsunod
ay kabilang sa kaniyang kapangyarihan at resposibilidad MALIBAN sa:
-Takasan ang anumang pagkakautang ng negosyo.

Ang paggawa ay isa sa mga salik ng produksyon. Sumasaklaw ito sa mga taong nagkakaloob ng mga
paglilingkod. Paano nakatutulong ang paggawa sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
-Lumilinang ng mga likas na yaman upang makalikha ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.

Mahalaga ang produksyon sa daloy ng ekonomiya sapagkat____.


-Tinutugunan nito ang pangangailangan ng bansa.

Mahalaga ang entreprenyur sa ekonomiya ng bansa dahil___.


-Sila ang nagpapatakbo ng negosyo at gumagawa ng mga mahalagang desisyon na nakaaapekto sa
produksyon.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang maituturing na produktibong pagkonsumo?


-Tinamnan nina Ana at Alexandria ang mga malalaking container ng tubig ng kamatis at pechay.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa konsepto ng pagbabago ng presyo bilang


isang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao?
-Kalimitan mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo, at kapag mababa ang presyo mataas
ang pagkonsumo.

Si Marie ay gumagamit ng iisang brand ng toothpaste, ngunit nang makita niyang may sale sa ibang
brand ay binili niya agad ito. Alin sa sumusunod na salik ang nakaapekto sa pag-konsumo ni Marie?
-Pagbabago ng presyo

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa maaksayang pagkonsumo?


-Kinahiligan ni Mang Jose ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Bilang isang mamimili, mahalaga ba na maisulong mo ang iyong pananagutan sa pagkilos laban
sa mapagsamantalang negosyante?
-Oo, dahil may pananagutan ako na maipahayag ang aking sarili ukol sa pagbabantay sa
pagpapatupad ng mga presyong itinakda para sa kapakanan ng lahat laban sa mandarayang
negosyante.

Paano mo mailalapat ang konsepto ng ekonomiks sa pagbabadyet ng iyong baon sa araw-araw?


.-Bilihin lamang ang sapat na pangangailangan para sa pagkain at pamasahe.

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang kahalagahan ng pag- aaral ng
ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain?
-Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng pangangailangan.

Layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibidwal ang matalinong pagpapasya,


sa paanong paraan mo mailalapat ang konseptong ito?
-Maging mapanuri at matalino ako sa lahat ng aking gagawing desisyon.

Bilang isang anak, papaano ka makatutulong sa iyong mga magulang upang matugunan ninyo ang
inyong pangunahing pangangailangan sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin?
-Tipirin ang mga pagkain at di mag-aaksaya ng tubig at kuryente.
.
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
-Opportunity cost sa pagdedesisyon.

Layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibidwal ang matalinong pagdedesisyon. Kung ikaw
ang tatanungin, sa paanong paraan mo mailalapat ang konseptong ito sa iyong buhay?
-Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang magkaroon ako ng mas magandang kinabukasan.

Nakasanayan na ng mga mamamayang Pilipino ang paghahanda tuwing may okasyon tulad ng pasko
at Bagong Taon. Sa panahon ngayon na kasisimula pa lang nating makabangon mula sa pandemya,
makatwiran ba ang engrandeng pagdiriwang nito?
-Hindi, dahil sapat na ang simpleng selebrayon, ang mahalaga’y madarama ng bawat isa ang tunay na
diwa at kahulugan nito.

Makatutulong ba ang pag-aaral ng Ekonomiks sa kaunlaran ng isang bansa?


-Oo, natutunan dito ang iba’t ibang pamamaraan kung paano maisasagawa ang wastong pamamahagi
ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
May mabuting dulot ba sa tao ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga mahalagang konsepto ng ekonomiks?
-Oo, dahil makatutulong ito upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at mga desisyon sa
buhay.

Mahalaga bang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagtukoy


ng kahalagan ng ekonomiks?
-Oo, dahil makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Malaki ba ang naitutulong ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-araw na


buhay?
-Oo, dahil nakatutulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan
sa ating lipunan.

Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang
mag-aaral?
-Gagawa ako ng isang matalinong desisyon sa buhay na magbibigay sa aking ng malaking
kapakinabangan.

Bilang bahagi ng lipunan, kailangan bang maging matalino sa pagdedesisyon ang isang tao
pagdating sa pagtugon ng kanyang pangangailangan at kagustuhan?
-Oo, upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman.

Mahalaga ba ang pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


bawat pamilya at ng lipunan?
-Oo, dahil nakakatulong ito para magkaroon ng matalinong pagpapasya at maging responsable sa
paggamit ng pinagkukunang yaman.

Ang pangangaso at pangingisda ay pangunahing pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino upang


matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-
ekonomiya na nakabatay sa kanilang pamumuhay noon?
-Traditional Economy

Bakit mahalaga ang produksyon sa ating pang-araw araw na pamumuhay?


-Natutugunan ang ating pangangailangan at kagustuhan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI angkop sa konsepto ng wastong pagkonsumo?


-Mas inunang binili ni Paulo ang mamahaling cellphone kaysa sa mga materyales na kailangan sa
kaniyang proyekto.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang naglalahad na ang kita ay nakaaapekto sa


-Nakatanggap ng malaking sahod si Janus dahil ibinigay ng kanyang boss ang insentibo dahil sa
kasipagan nito, kaya
nakabili siya ng maraming konsumo para sa pamilya.

Alin sa sumusunod na mga pamamaraan ang maituturing na ang isang mamimili ay


matalino sa kanyang pagkonsumo?
-Bibili lamang pagkatapos na isaalang-alang ang kapakinabangan, kahalagahan, at kasiyahang dulot
ng isang produkto.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita na ang panahon ay nakaaapekto sa ating
pagkonsumo?
-Ang matinding tag-ulan ay naka-eenganyong uminon ng kape, kumain ng mainit na sopas, at
masarap magluto ng tinolang manok.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad sa sistemang mixed economy?


-Kinapapalooban ito ng magkaugnay na katangian ng command at market economy

Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalahad sa katangian ng command economy?


-May komprehensibong kontrol at regulasyon ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensya.
Ang North Korea ay isa sa mga may maunlad na ekonomiya at makapangyarihang bansa sa Asya. Ang
pinuno nito ay kilala sa kaniyang mahigpit na pamumuno. Ano uri ng sistemang pang-ekonomiya ang
sinusunod ng bansa?
-Command Economy

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng wastong diwa tungkol sa mixed economy?
-Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan
sa mahahalagang usapin.

Ang kapitalismo ay kilala sa tawag na “free enterprise system”. Alin sa sumusunod ang pangunahing
katangian ng kapitalismo?
-Desentralisado ang pagdedesiyon at may layuning tumubo.

Paano naaapektuhan ang pagkonsumo ng tao tuwing may inaaasahang kalamidad tulad ng matinding
tag-ulan o La Niña?
-Magkaroon ng kakulangan sa suplay ng produkto, tataas ang pagkonsumo nito bilang paghahahanda
sa pangangailangan sa hinaharap.

Hindi lahat ng uri pagkonsumo ay may mabuting dulot sa isang tao. Alin sa mga sumusunod ang
maituturing na mapanganib na pagkonsumo?
-Pag-inom ng alak at paninigarilyo upang mapaangat ang kumpyansa sa sarili.

Ibinalita na nagkulang ng suplay ng coke sa Pilipinas kaya marami ang nag-istak ng suplay ng coke
at marami rin ang nanantalang negosyante na nagpataas ng presyo nito. Alin sa sumusunod ang may
kaugnayan sa salik ng pagkonsumo ang ipinapahayag nito?
-Presyo at Inaasahan

Ang sumusunod na mga pahayag ay tumutukoy sa inasaahan o ekspektasyon bilang salik na


nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao MALIBAN sa _________.
-Pagtangkilik sa mga produktong inendorso ng mga iniidolong artista.
.
Tuwing araw ng pasko, nakasanayan na ni Andy na bumili ng maraming regalo at ipamimigay ito sa
kanyang mga inaanak. Alin sa sumusunod na salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ni Andy?
-Panahon

Kung ang nabiling produkto ay depektibo, may karapatan ka ba bilang isang mamimili na isauli ito sa
tindahan ng iyong nabilhan?
-Oo, dahil karapatan ng isang mamimili na isauli ang anumang produkto na depektibo.

Bilang isang mamimili, dapat bang maniwala agad sa mga patalastas mula sa tv, radio, pahayagan, at
internet o iba pang social media sa pagbili ng ating mga produkto at serbisyo?
-Hindi, dahil ang matalinong mamimili ay dapat mausisa, mapanuri, mapagmasid at hindi
nagpapadaya.

Nararapat bang magtanong-tanong muna sa presyo at lugar kung saan dapat mamili ng mga produkto
at serbisyo?
-Oo, upang matiyak at maikumpara ang presyo at kalidad ng produkto at serbisyo at mapagkasya ang
badyet.

Nararapat bang kumilos ang mga mamimili laban sa mga mandaraya at mapanlinlang na mga
negosyante?
-Oo, dahil kung ito’y ating ipagsasawalang-bahala, patuloy ang pagsasamanta ng mga iilang
negosyante sa kanilang mga maling gawain. .

Tama bang umiiwas sa pagbili ng gamit na second hand at wala na sa kondisyon?


-Oo, upang maiwasan ang paggastos sa pagkukumpuni at pagpapagawa nito.

You might also like