You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONMIKS)

WEEK 2

I. PANIMULA

Bilang pagbabalik-aral, ano ang ekonomiks? Anu-ano ang iyong naiisip sa tuwing
naririnig mo ang salitang ekonomiks? Napansin mo ba na sa tuwing ikaw ay
manunuod ng telebisyon o makikinig sa radyo, ang salitang ekonomiks ay madalas
naiuugnay sa mga balitang may kaugnayan sa larangan ng kalakalan o negosyo,
pagbabadyet at mga paraan ng pagpapalago ng kita o puhunan. Ang lahat ng
nabanggit ay totoong napapaloob sa pag-aaral ng ekonomiks, ngunit alam mo ba
na may ekonomiks na nagaganap sa ating pang araw araw na pamumuhay at
lipunan?

II.KASANAYANG SA PAGKATUTO

Naitataya ang kahalagahan ng ekonomiya sa pang araw-araw na pamumuhay ng


bawat pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia-2)

III. Nilalaman o Paksa: KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

IV. Pagyabungin Natin (Discover/ Discussion):

KAHALAGAHAN AT KATUTURAN NG EKONOMIKS

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo
bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang
maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga
desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon
ng iyong pamilya.

ANG EKONOMIKS AT ANG ATING PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Hindi lahat ng nais natin sa buhay ay ating nakakamit. Ang pangunahing


aspetong tinutugunan ng ekonomiks ay ang tunggalian ng suliranin ng kakapusan
ng pinagkukunang-yaman sa daigdig o scarcity at ang paparami at walang
hangganang pangangailangan at hilig-pantao. Ang ekonomiks ay isang sangay ng
agham panlipunan na natutungkol sa paggamit ng mga kapos o di-sapat na
pinagkukunang-yaman upang magamit sa pagbuo o paglikha ng mga produkto at
serbisyong makatutugon sa walang katapusan at paparaming pangangailangan at
hilig ng tao.

Dahil sa reyalidad ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman, bahagi na ng


buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choices o mga pagpipilian. Sa pagproseso ng
pagpili mula sa mga choices, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang
pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang
tradeoff, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro? Sa
sitwasyong ito, ang iyong pipiliin ay ang trade-off. Sa iyong palagay, ano ang mas
mainam na pasya?
Sa lahat ng ating ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang
opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Halimbawa, mag-
aaral ka ba o maglalaro? Kapag pinili mo ang pag-aaral, ang opportunity cost nito ay
ang pagpapaliban ng paglalaro; kapag pinili mo ang paglalaro, ang opportunity cost
nito ay ang iyong pagpapaliban ng iyong pag-aaral? Sa iyong palagay, ano ang
mainam na desisyon?

Gawain 1: Apple o mansanas?


Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano sa palagay mo ang ipinapakita ng


dalawang larawan?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

2. Kung ikaw ang bata sa larawan, ano ang iyong pipiliin, Apple o mansanas?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Tukuyin ang trade-off at opportunity cost sa iyong pagpili. _________________________


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Tayo na sa canteen…

Si Nicole ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang


bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang lingo,
binibigyan siya ng kanyang mga magulang ng Php100 na baon pambili ng kanyang
pagkain at iba pang pangangailangan sa pag-aaral. Suriin ang talahanayan ng mga
produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen at sagutan ang pamprosesong
tanong sa ibaba.

Produkto Presyo bawat Piraso


Purified Water Php 10.00
Ensaymada Php 8.00
Kanin Php 10.00
Ulam Php 20.00
Juice Php 10.00
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit upang
makabili ng inuming tubig? Bakit? ______________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw si Nicole, magkano ang nais o handa mong gastusin mula sa iyong
baon tuwing may pasok sa eskwela? Bakit? ______________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Nagkaroon ng promo ang canteen sa mga kanin at ulam (combo meals) at
bumaba sa Php25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si Nicole, paano mo
pamamahalaan ang iyong baon o badyet? _______________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

ANG EKONOMIKS AT ANG ATING LIPUNAN

Maliban sa ating pang araw-araw na pamumuhay, mahalagang tandaan na ang


ekonomiks ay sumasaklaw din sa lahat ng mga suliranin at solusyong napapaloob sa
pagtugon ng mga pangangailangang pangkabuhayan at pangkaunlaran ng mga tao sa
lipunan. Napapaloob sa pag-aaral ng ekonomiks kung paano tutugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao sa lipunan kayat ito’y nabibilang sa agham panlipunan.
Bilang isang agham, gumagamit ang ekonomiks ng siyentipikong pamamaraan at mga
kasangkapan o kagamitan sa paglikom ng datos o estatistika upang makabuo ng
matalinong kongklusyon, prediksyon, at rekomendasyong pangkabuhayan.
Ang lipunan ay isang grupo o samahan ng mga taong nagsasama sa isang
teritoryo, may magkakatulad na paniniwala simulain, lahi, karanasan, at mithiin.
Kung may mga suliraning hinaharap ang isang lipunan ay nararapat na sama-
samang lutasin ng mga tao o miyembro ng lipunang iyon ang mga nasabing suliranin.
Sa ekonomiks, ang mga suliraning pinag-aaralang lutasin ay yaong may kinalaman sa
kabuhayan at kaunlaran ng lipunan.
Ang kabuhayan o materyal na pangangailangan ng lipunan ang paksa o diwa
ng ekonomiks. Bilang tugon sa tunggalian ng suliranin ng kakapusan ng
pinagkukunang-yaman o scarcity at ang paparami at walang hangganang
pangangailangan at hilig-pantao, ang ekonomiks ay nagtatakda ng alokasyon ng mga
kakaunti at kapos na pinagkukunangyaman sa lipunan. Kaakibat nito ang paggawa
ng mga desisyon sa pagpili ng mga sari-saring alternatibo upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
Ang alokasyon ay isang mekanismo o proseso sa pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang gamit upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao sa harap ng problema ng kakapusan. Nakapaloob sa
prosesong ito ang paghahanay-hanay ng mga kahalagahan ng mga pangangailangan
at hilig-pantao. Nakasalalay din sa porsesong ito ang pagtiyak ng mga alternatibo
upang makagawa ng desisyon sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan at
pangkaunlaran.
May dalawang (2) sangay o pokus ang ekonomiks: maykroekonomiks at
makroekonomiks. Ang maykroekonomiks ay nakapokus sa pagpapalago ng kita ng
indibidwal o bahay-kalakalan. Sinisikap nitong tugunan ang mga suliraning
patungkol sa mga pamilihan o merkado sa bansa, presyo ng bilihin, demand at suplay
at pagpapadami ng produksyon ng isang kumpanya o negosyante. Dito sa sangay na
ito, pinag-aaralan kung paano magkakaroon ng malaking tubo mula sa maliit na
puhunan, paglago ng negosyo, at malikhaing pagsasanib ng mga salik ng produksyon
upang mapalago ang produksyon at kita ng indibidwal na negosyante o ng mga
bahay-kalakal o establisimyento. Ang makroekonomiks naman ay nakapokus sa
pangkalahatang pagpapaunlad ng kalakalan, pananalapi, at kagalingang panlipunan
sa loob at labas ng bansa o sa buong daigdig. Sinusubukan nitong tugunan ang mga
suliraning patungkol sa pangkalahatang produksyon at kita ng lahat ng puwersa ng
paggawa sa isang bansa. Dito nakapaloob ang pagsusuri sa gross domestic product,
gross national product, mga paglago ng kita produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang
paglutas ng kahirapan gaya ng unemployment rate ng isang bansa. Ang pagsusuri sa
pangkalahatang kalagayan ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay sakop din ng
makroekonomiks.

Pakatatandaan din na ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang


oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pamamahala ng tahanan.
Maliban sa agham panlipunan, ang salitang ekonomiks ay itinuturing din na isang
siyensiya ng pamamahala upang magamit nang mabisa ang mga kapos na
pinagkukunang-yaman at matugunan ang sari-saring pangangailangan ng bawat
tahanan, bahay-kalakalan o pagawaan, at maging ng pamahalaan.

Sa proseso ng pamamahala ng kalakalan, sinasagot ang tatlong pangunahing


katanungan sa ekonomiks: kung ano ang gagawin o lilikhaing produkto o serbisyo, sa
paanong paraan ihahanda ang mga ito, sino ang gagawa o maghahanda nito, at para
kanino ang mga lilikhain o ihahandang produkto at serbisyo. Dahil dito, nakalilikha
ng iba’t ibang uri ng mga produkto para sa iba’t ibang gamit na hindi na mabilang sa
dami at uri.

Iniuugnay din ang ekonomiya sa pamamahala ng kalakalan at kaunlaran ng


mga bansa. Sa pamamahala ng pambansang kaunlaran, mahalaga ang paggawa at
pagpapatupad ng mga batas upang di lamang patuloy na pasiglahin ang pamilihan at
pataasin ang produksyon kundi upang isulong din ang seguridad na pang-ekonomiya,
at ang kalahatang pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa.

Gawain 3: Maykro o Makro?

Panuto: May dalawang sangay ang ekonomiks ayon sa pokus o lawak ng sakop ng
isyung pangkabuhayang tinutugunan nito. Basahin ang mga sumusunod at
ikategorya ang bawat isa kung maykroekonomiks o makroekonomiks.

1. ______________________ pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng


kapital o puhunan upang palaguin ang kayamanan ng mga negosyante at
establisimyento sa lipunan.

2. ________________________ pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano


gagamitin ang kanyang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na produkto sa
pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay-kalakal o mga
negosyante kung paano makabubuo ng pinakamahusay at de-kalidad na
produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid

3. ______________________ pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at


alokasyon ng mga produkto at serbisyo upang hindi kapusin sa mga
pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong bansa at
maging ang buong daigdig

4. _______________________ pag-iisponsor ng mga pag-aaral o research, gayundin


ang mga tulong mula sa mga internasyunal na organisasyon gaya ng World
Bank, Asian Development Bank, International Monetary Fund at mga
kahalintulad na institusyon

5. ________________________ mga proyekto ng gobyerno sa pagpapatayo ng mga


imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, tren, ospital, paaralan, evacuation
centers at iba pa

Gawain 4: Ekonomiks sa Tahanan

Suriin mo kung paano nagsasagawa ng desisyong pangekonomiks ang iyong


pamilya. Magbigay ka ng isang (1) pangunahing suliraning pang-ekonomiya na
naranasan o nararanasan ng inyong pamilya. Pagkatapos ay isipin mo kung paano
ang solusyong isinagawa ng iyong mga magulang. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila,
ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit? Kung hindi ka sang-ayon sa desisyon,
bakit? Ano ang maimumungkahi mo? Isulat mo ang iyong pagsusuri sa talahanayan.

Suliraning Pang- Desisyon ng Sang-ayon ka ba? Kung hindi sang-ayon,


ekonomiya ng iyong mga Bakit? ano ang mungkahi
iyong pamilya magulang mo?
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Kumpletuhin mo ang mga pangungusap sa Hanay A. Isulat ang letra ng


tamang sagot mula sa Hanay B sa patlang sa Hanay A.

Hanay A

1. Isang agham panlipunan ang ekonomiks dahil ___________________________


2. Kung ang pinagkukunang-yaman ay may hangganan, ang pangangailangan
at hilig-pantao naman ay __________________________
3. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay ___
4. Dalawang uri ang pangangailangan ng tao: _________________________
5. Ang ekonomiks ay __________________________________________________
6. Ang tatlong pangunahing katanungang sinasagot ng ekonomiks ay_____
7. Ang sangay ng ekonomiks na nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan
sa pagtaas ng pambansang kita at paglawak ng kalakalang pandaigdigan ay
tinatawag na _______________________________________
8. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng ______ sa pag-aaral ang
ekonomiks.
9. Mahalaga ang ekonomiks para sa kabataan sa dahilang _______________
10. Gumagamit ng mga kasangkapan sa ekonomiks gaya ng statistiks, pormula,
matematiks, at mga datos o impormasyon upang ____________
11. Ang ekonomiks ay mula sa salitang oikonomeia na ang ibig sabihin ay _
12. Ang ibig sabihin ng kakapusan ay ____________________________________
13. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig dahil __________________________
14. Ang tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa
pagbuo ng mga produkto at serbisyo ay ____________________________
15. Ang mga pangangailangan ng mga tao upang manatiling buhay at malusog sa
araw-araw ay tinatawag na ______________________________
16. Ang alokasyon ay pamamaraan o mekanismo ng ______________________
17. Ang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa pagpapalago ng kita ng tao at ng
bahay-kalakal lamang ay tinatawag na ________________________
18. Ang pagsasagawa ng desisyong pang-ekonomiks ay nangangailangan ng
pagpili ng ________________________________________________________
19. Ang pinakamahalaga o pinakaultimong layunin ng ekonomiks ay _____
20. Mahalaga ang ekonomiks sa lipunan sa dahilang _____________________
Hanay B

A. kakapusan ng pinagkukunangyaman at paparami at walang hangganang


pangangailangan at hilig-pantao
B. yamang-tao, yamang-likas, at puhunan
C. ano ang lilikhain o bubuuing produkto o serbisyo; paano lilikhain o bubuuin ang
mga produkto o serbisyo; at para kanino ang mga kailangang produkto o
serbisyo?
D. siyentipikong pamamaraan.
E. magkaroon ng batayan at pruweba sa pagtukoy ng kongklusyon at paggawa ng
desisyon hinggil sa mga isyung pang-ekonomiya.
F. matamo ang pag-unlad sa pamamagitan ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng
bawat tao sa bansa at sa buong daigdig
G. patuloy na nadaragdagan at walang hangganan ang pagdami.
H. napag-aaralan dito kung paano tutulungan ang bansa sa pagsasakatuparan ng
pagsulong na pang-ekonomiya at pag-unlad ng lipunan.
I. makabubuo sila ng tamang gawi, kaalaman, at kasanayan sa pagdedesisyon at
paghahanapbuhay na makatutulong sa kanilang kinabukasan.
J. nananatili ang sukat ng daigdig at dami ng kalikasan habang patuloy na
lumalaki ang populasyon ng daigdig.
K. agham panlipunan na tumatalakay sa pagtugon ng mga pangangailangan at
hilig-pantao sa pamamagitan ng paggamit at pamamahagi ng
pinagkukunangyaman at pagbuo ng pinakamataas na kalidad ng produkto at
serbisyo sa paraang pinakamatipid.
L. pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga
tao sa lipunan.
M. materyal at di-materyal.
N. hindi nakakasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
O. pamamahala ng tahanan.
P. mga pangunahing pangangailangan.
Q. pamamahagi ng mga pinagkukunag-yaman sa iba’t ibang gamit.
R. alternatibo.
S. makroekonomiks.
T. maykroekonomiks.

You might also like