You are on page 1of 10

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1A
Konsepto ng Ekonomiks
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1A: Konsepto ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan, EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lanilyn E. Gueta
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: John Jesson S. Monserate
Arnold G. Chan

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang


matutuhan mo ang paksang “Konsepto ng Ekonmiks”. Sa pamamagitan ng modyul na
ito, ikaw ay mabibigyan ng mas malalim na pang-unawa sa mga konsepto at prinsipyo
ng ekonomiks. Mas higit mong mauunawaan ang epekto ng mga konseptong ito sa
kaunlaran ng bansa at maging sa patuloy na pagbabago ng daigdig. Gamit ang mga
konseptong ito, matututuhan mo ang naidudulot ng pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon upang makatugon sa iyong pangangailangan sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


dalawang aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin 1 – Katuturan ng Ekonomiks
Aralin 2 – Mahahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito ay inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto (most essential learning
competency - MELC) at mga kaugnay
na layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan at mahahalagang konsepto ng Ekonomiks;
2. Napahahalagahan ang pag-aaral ng ekonomiks; at
3. Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks (kabilang ang kaugnay na konsepto
nito) sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia. Ano ang ibig
sabihin ng salitang ito?
A. pamamahala sa gobyerno C. pamamahala sa paaralan
B. pamamahala sa negosyo D. pamamahala sa tahanan

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na konsepto ng ekonomiks?


A. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ang walang hanggang
pangangailangan gamit ang walang hanggang pinagkukunang-yaman.
B. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ang limitadong pangangailangan
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
C. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ang walang hanggang
pangangailangan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
D. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ang limitadong pangangailangan ng
tao gamit ang walang hanggang pinagkukunang-yaman.
3. Nalalapit na ang iyong pagtatapos sa high school at ikaw ay nag-iisip kung ikaw ay
magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo o magtrabaho na agad. Anong konsepto sa
ekonomiks ang ipinapakita sa sitwasyong ito?
A. Incentives B. marginal thinking C. opportunity cost D. trade off

1
4. Ang trade off, opportunity cost, marginal thinking at incentives ay mga konsepto sa
ekonomiks na maaari mong magamit sa pagbuo mo ng isang matalinong
pagdedesisyon. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggamit
incentives sa pagbuo ng isang matalinong pagdedesisyon.
A. Maglaro ng computer sa halip na mag-aral
B. Bumili ng gamit sa mall tuwing may sale kahit na hindi kailangan
C. Mag-aral nang mabuti upang makahanap ng magandang trabaho.
D. Lumiban sa klase upang makasama ang mga kaibigan sa panonood ng palabas sa
sinehan.
5. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong ang iyong kaalaman sa ekonomiks sa
pagbuo mo ng matalinong pagdedesisyon?
A. Matututo akong tumawad sa mga bilihin sa palengke.
B. Magiging mataas ang aking marka sa iba’t ibang asignatura.
C. Magiging sikat ako sa aming paaralan bilang isang role model.
D. Maaari itong humubog sa pang-unawa, ugali at gawi sa pamamaraang
makatutulong sa aking pagdedesisyon para sa kinabukasan

Modyul

1A Konsepto ng Ekonomiks
Araw-araw, mula sa paggising mo sa umaga hanggang sa iyong muling pagtulog sa gabi,
ikaw ay gumagawa ng pagpapasya mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap.
Kinakailangan mong gumawa ng pagpapasya kung alin ang pinakamahalaga sa marami mong
pagpipilian. Ang lahat ng tao, anuman ang edad ay may pangangailangan at kagustuhan, at
ang pagpapasya mong gagawin kung alin sa mga pangangailangan at kagustuhan na ito ang
iyong tutugunan at paano mo ito tutugunan ay maaaring maiugnay sa pag-aaral ng ekonomiks.

Balikan

Tuklasin

Habang ikaw ay nagmamasid sa iyong paligid, maraming bagay


ang iyong nakikita. Mga bagay na mahalaga upang matugunan
mo ang iyong pangangailangan at kagustuhan sa pang-araw-
araw. Subalit hindi lahat ay iyong kayang tugunan kung kaya’t
kinakailangang maunawaan mo ang iba’t ibang konsepto na
makatutulong sa iyo sa pagtugon sa mga ito.

Kunin ang iyong kuwaderno at sagutin ang mga gawain sa ibaba.


I-decode Mo!

2
Gamit ang mga larawan sa ibaba, bumuo ng isang salita na tumutukoy sa isa
sa mga konseptong tatalakayin dito.

-Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/Main_Page
https://www.flickr.com/photos/tillyholland/13982108866/

Puno ng Kayamanan!
Mag-isip ng mga salitang maaaring iugnay sa
salitang nabuo mula sa gawaing I-decode Mo!. Isulat
mo ang mga ito sa mga salaping makikita sa money
tree. Magsimula kang maglagay sa salaping may pinakamababang halaga. Matapos
mong punan ang mga salapi sa money tree ay pagsama-samahin ang halaga ng salapi
na nalagyan ng salita. Tingnan sa kanan ang katumbas na puntos.

Suriin

Katuturan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay kaakibat na sa buhay ng isang tao. Mula sa kaniyang paggising
hanggang sa kaniyang pagtulog ay nariyan ang ekonomiks sa kaniyang buhay. Kung ating
pagbabatayan ang sinasabi at pananaw ng iba’t ibang ekonomista, ang salitang ekonomiks ay
may iba’t ibang kahulugan. Narito ang ilan sa mga ito:

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos
ay nangangahulugang “bahay”, at ang nomos na “pamamahala”. (Viloria, 2000);

Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral nang wasto at mahusay na paggamit ng mga limitadong
pinagkukunang-yaman upag makabuo ng mga kalakal para sa kasiyahan ng walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. (Gabay, Rematin, Uy);

Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral ng wastong paglalaan, paggamit at epektibong paggamit


ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan ng tao. (Bermudez);

Ang Ekonomiks ay pag-aaral sa kung paanong ang indibidwal at ang lipunan sa kabuuan
ay pumipili kaugnay ng paggamit sa kapos na pinagkukunang-yaman sa harap ng iba’t ibang
alternatibong kagustuhan na dapat matugunan. (Sicat 2003).

Kadalasan, sa tahanan din nababatid ang


dalawang katotohanan sa pag-aaral ng ekonomiks:
Una, ang walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao, at ikalawa, ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ang katotohanang ito ay
maaaring mauwi sa isang suliranin na maaaring
maranasan hindi lamang sa loob ng tahanan
bagkus maging ng bawat indibidwal at maging ng
buong bansa. Nang dahil sa suliraning ito, ang mga
tao ay kinakailangang magpasya o mamili kung ano
sa napakaraming pangangailangan at kagustuhan
ang uunahin nilang tugunan sapagkat nalalaman
niya na hindi niya kayang tugunan ang lahat ng
mga ito. Makatutulong ang ekonomiks sa pagbuo

3
ng bawat tao ng isang matalinong pagdedesisyon kung paano niya matutugunan ang kaniyang
mga pangangailangan at kagustuhan.

Makikita sa dayagram sa kanan kung paano nagkakaugnay ang ekonomiks at ang


pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sa pagtugon sa dalawang katotohanan sa pag-aaral ng
ekonomiks. Sa dayagram na ito, ipinakikita na ang ekonomiks ay may dalawang pangunahing
suliranin na nais tugunan. Ito ay ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
at ang limitadong pinagkukunang yaman.

Dahil sa iyong kaalaman sa ekonomiks, ikaw ay matutulungan na makabuo ng


matalinong pagdedesisyon sa kung paano matutugunan ang iyong mga pangangailangan at
kagustuhan gamit ang apat na mahahalagang konsepto na pag-aaralan sa susunod na modyul.

Ang Ekonomiks ay may dalawang bahagi o sangay. Ito ay ang maykroekonomiks at


makroekonomiks. Ang maykroekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na “maykro” na
nangangahulugang “maliit.” Ang Maykroekonomiks ay nangangahulugang pag-aaral ng maliit
na bahagi ng ekonomiya. Sumasaklaw ito sa kayarian ng mga negosyo, at gayundin sa
pagpapasya at kaganapan sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang sangay na ito ng ekonomiks
ang may kinalaman sa pag-aaral kung paano makabubuo ng isang matalinong pagdedesisyon
ang mga tao, tahanan, industriya, pamilihan gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Samantalang ang makroekonomiks ay nagmula sa salitang Ingles sa “makro” na ang ibig


sabihin ay “malaki.” Ang makroekonomiks ay nangangahulugang pag-aaral ng kabuuan o
pangkalahatang bahagi ng ekonomiya. Ito ay mahalagang sangay ng ekonomiya sa humaharap
sa pagsasakatuparan, estruktura at pag-uugali ng isang natatanging bansa. Sumasaklaw ito sa
kabuuang antas ng presyo, kabuuang antas ng empleyo, pangkalahatang produktong pambansa
(GNP), at pangkalahatang gastusin o bayarin.

Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks


Ang pagpili ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa pagpili natin ay gumagawa tayo ng isang
pagpapasya o pagdedesisyon. Ang pagpapasya o pagpili na ginawa ng isang tao upang
matugunan ang walang katapusan niyang pangangailangan gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman ay tinatawag na individual choice. Sa bawat pagpili ng isang
indibidwal ay dapat isaisip ang kasiyahan o kapakinabangang matatamo sa ginawang pagpili.

Samantalang ang social choice ay ang pagpili ng pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan ng sambayanan. Ito ay isang pagpapasya kung paano gagamitin ng
pamahalaan ang mga pinagkukunang-yaman nito upang matugunan ang pangangailangan ng
kaniyang mamamayan. At sa mga pagpapasya ng indibidwal man o ng pamahalaan (economic
choice) ay may mga konsepto sa ekonomiks na maaaring makatulong sa kanila sa bubuuing
desisyon.

A. B.

Masdan ang dalawang larawan. Ano ang napapansin mo? Ang bawat tao sa bawat
larawan ay may mga pagpipilian. Sa larawan A, ang batang babae ay nag-iisip kung siya ba ay
magpapatuloy sa kaniyang pag-aaral pagkatapos niya ng high school o siya ba ay magtatrabaho
na agad. Samantalang sa larawan B naman, ang lalaki ay nag-iisip kung siya ba ay magtatanim
ng palay o ng mais. Sa dalawang sitwasyong ito ay kinakailangang mamili ng isa at sa gagawin
nilang pagpili ay kinakailangan nilang magsakripisyo ng isang bagay para sa napiling ibang
bagay. Ito ay tinatawag na trade-off.

Ang trade-off ay nangangahulugang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng


isang bagay. Mahalaga ang trade-off sapagkat ang tao ay matututong suriin nang mabuti ang
kaniyang mga pagpipilian nang sa gayon ay makatiyak siya na ang kaniyang mapipili ay ang
bagay na may higit na kapaki-pakinabang sa kaniya. Sa larawan A, Kung ang pinili ng mag-
aaral ay ang magpatuloy sa kaniyang pag-aaral, alin sa mga pagpipilian ang kaniyang

4
isinakripisyo? Naitrade-off o naisakripisyo niya ang pagtratrabaho. Sa larawan B naman, kung
pipiliin ng lalaki ang magtanim ng palay ay naisakripisyo naman niya ang pagtatanim ng mais.

Ang ginawang pagpili o pagsasakripisyo ay may kaakibat na opportunity cost. Sa ating


unang halimbawa sa larawan A, pinili ng mag-aaral na magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at
sa larawan B, pinili ng lalaki ang magtanim ng palay. Samakatuwid naisakripisyo ang
pagtratrabaho at ang pagtatanim ng mais. Sa bawat pagsasakripisyong ito ay may katumbas
na halaga at ito ay ang opportunity cost.

Ang opportunity cost ay nangangahulugang halaga ng bagay o best alternative na handang


ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair, at Oster, 2012). Sa madaling salita, ang
opportunity cost ay halaga ng bagay na iyong ipinagpalit o isinakripisyo. Sa ating halimbawa sa
larawan A kung saan mas pinili ng batang mag-aaral ang pag-aaral kaysa pagtatrabaho, ano
ang opportunity cost nito? Ito ay ang pagkakataon na agad na kumita ng pera. Sa larawan B,
ipinagpalit ng lalaki ang pagtatanim ng palay sa pagtatanim ng mais. Ano naman ang
opportunity cost nito? Ito naman ay ang pagkakataong makapagtanim at makaani ng mais. Ang
trade-off at opportunity cost ay magkaugnay sapagkat sa bawat gagawing pagpili o
pagsasakripisyo ay may kaakibat itong benepisyo na makaaapekto sa kanilang buhay kung
kaya’t nararapat lamang na pag-isipang mabuti ang gagawing pagdedesisyon. Kung ikaw ang
papipiliin, ano ang iyong pipiliin sa bawat larawan? Ano ang naitrade-off mo at ang opportunity
cost nito?

Ngayon na ikaw ay may kaalaman na


sa konsepto ng trade-off at opportunity cost,
ikaw ay matutulungan sa pagbuo mo ng
isang matalinong pagdedesisyon. Subalit
kung minsan, kahit na nakabuo ka na ng
isang desisyon ay maaari pa rin itong
mabago bunsod ng maraming bagay.
Unawain ang larawan sa kanan.

Ilan lamang ito sa mga bagay na maaaring makaimpluwensiya sa iyong desisyon. Isa na
rito ay ang mga bagay na ginagawa ng mga prodyuser o tagagawa o nagbebenta ng produkto na
iniaalok nila upang mas tangkilikin ang kanilang mga produkto. Halimbawa, nais mong bumili
ng rubber shoes at napagpasyahan mong bumili ng “Sapatos A” subalit pagpunta mo sa mall ay
nakita mong naka-sale ang “Sapatos B”. May bawas-presyo ito na 10%. Kahit buo na ang iyong
desisyon na bumili ng “Sapatos A” ay nagbago pa rin ang iyong isip dahil sa iniaalok na 10%
bawas-presyo ng “Sapatos B”. Ito ay ang tinatawag nating incentives o insentibo.

Ang incentives ay nangangahulugang mga pakinabang na makukuha o mga karagdagang


halaga na maiisip mong makapagpapataas ng halaga ng isang desisyon. Ito rin ay ang mga
bagay na maaaring makapagpabago sa iyong desisyon. Bilang isang mag-aaral ano-ano kayang
mga insentibo ang maaari mong makuha kung ikaw ay mag-aaral nang mabuti?

“Rational people often make decisions by comparing marginal


benefits and marginal costs.” Ito ay isang kasabihan sa ekonomiks na
ang ibig sabihin na ang bawat tao, bago gumawa ng isang desisiyon ay
sinusuri niya nang mabuti kung ang gagawing desisyon ay makabubuti
o makasasama ba para sa kaniya. Titimbangin niya ng pauli-ulit kung
mas nakalalamang ba ang benepisyong makukuha niya sa pagpili ng
isang bagay o ito ay makasasama lamang para sa kaniya. Sa larawang
ipinakita natin sa itaas, ang mag-aaral sa larawan A, sa pagbuo niya
ng matalinong pagdedesisyon ay susuriin muna niya nang mabuti ang mga benepisyo o kawalan
na matatamo niya kung ang pipiliin ba niya ang pagpapatuloy sa pag-aaral o ang magtrabaho.
Sa isa pang halimbawa sa pagpili ng rubber shoes ay mas pahahalagahan mo ba ang mas
mababang presyo o ang kalidad ng isang produkto. Ito lamang ay ilan sa mga bagay na maaaring
gamitin sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.

Sabi nga sa larawan “You always have a choice.” Ang bawat tao ay mayroong maraming
pagpipilian, subalit kinakailangan na maging responsible sa bawat pagpiling gagawin. Sa bawat
pagpili ay may benepisyo o kawalan kang matatamo. Ang mahalaga sa bawat desisyon na iyong

5
gagawin ay sinuri, tinimbang, at pinag-isipang mabuti. Ang iyong mga kaalaman sa konsepto
ng trade-off, opportunity cost, marginal thinking, at incentives ay makatutulong sa iyo sa pagbuo
ng matalinong pagdedesisyon.

Kahalagahan ng Ekonomiks
Mahalaga na pag-aralan ang ekonomiks sapagkat ito ay kasa-kasama ng bawat tao sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalaga din ito sa pagbuo ng isang matalinong
pagdedesisyon. Paano nga ba makatutulong sa iyo ang ekonomiks bilang isang mag-aaral,
kasapi ng pamilya at lipunan? Narito ang iba’t ibang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks:

Bilang isang mag-aaral, makatutulong ang ekonomiks sa paghubog sa iyong pag-unawa,


pag-uugali, at gawi upang makatulong sa iyong pagdedesisyon para sa iyong kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap. Maaari ka ring maging mas matalino, mapanuri at mapag-
usisa sa mga nagaganap sa iyong paligid;

Bilang kasapi ng pamilya, maaaring makatulong ang ekonomiks upang lubos mong
maunawaan ang mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Ang iyong kaalaman sa ekonomiks ay makatutulong sa iyo upang
makapagbigay ng isang makabuluhang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng
iyong pamilya. Maaari mo ring mag amit ang iyong kaalaman sa alokasyon at pamamahala sa
mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paggasta, paglilibang, at pagtugon mo sa mga
pangangailangan at kagustuhan.

Bilang kasapi ng lipunan, makatutulong ang kaalaman mo sa ekonomiks upang


maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kinalaman sa
pagpapaunlad ng bansa at ekonomiya. Mas higit mo ring mauunawaan ang mga napapanahong
isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.

Ikaw, paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa ekonomiks


upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa? Nawa ay
sa pamamagitan ng mga natutuhan mo sa araling ito ay
makatulong sa iyo sa pagbuo mo ng matalinong pagdedesisyon
bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Konsepto ng


Ekonomiks”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Pagyamanin

Gawain 2
May Choice Ka! Si Shekinah ay dadalo sa kanilang
Acquaintance Party. May napili na siyang damit para sa
okasyon na iyon, subalit pagpunta niya sa mall upang bilihin
ang damit ay may nakita pa siyang iba na maaari niyang
pagpilian. Tulungan natin si Shekinah na makabuo ng isang
desisyon. Gamit ang larawan sa kanan, talakayin ang
mahahalagang konsepto na maaaring gamitin sa pagbuo ng
matalinong pagdedesisyon. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Gawain 3
Kaya Mo Ba ‘To? Ang pag-aaral ng ekonomiks ay mahalaga sa buhay ng tao lalo na
sa iyo bilang isang mag-aaral. Punan ng mahahalagang datos ang tsart na nasa ibaba.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

6
Paano ito magagamit
Kahalagahan ng Ekonomiks
sa pang-araw-araw?
Mag-aaral
Kasapi ng Pamilya
Kasapi ng Lipunan

Gawain 4
Isang Tanong. Isang Sagot! Basahing mabuti ang
Isaisip mga tanong. Sagutin ito batay sa iyong mga napag-
aralan tungkol sa Konsepto ng Ekonomiks. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

Isagawa

Gawain 5
I-trade-off Mo! Paano naapektuhan ng ekonomiks ang iyong pang-araw-araw na buhay
bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan? Ngayon at natapos na ang aralin
tungkol sa “Konsepto ng Ekonomiks” ay maipakikita mo na ang iyong mga natutuhan
sa pamamagitan ng paggsasagawa ng iba’t ibang gawain. Mamili ng dalawa mula sa
tatlong pagpipilian. Ang gawain ay mamarkahan ayon sa sumusunod na pamatayan:
nilalaman, paliwanang, at pagkamalikhain.
Gawain A. Gumawa ng Spoken Poetry na may sampung (10) pangungusap na
tumatalakay sa kahalagahan ng paggawa ng matalinong pagdedesisyon sa iyong buhay.
Gawain B. Gumawa ng isang 3-minute vlog na nagpapakita ng kabutihan sa tao sa
paggamit ng matalinong pagdedesisyon sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Gawain C. Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw mong buhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kompleto at wasto ang limang isinulat na
Nilalaman 10
katangian tungkol sa paksa.
Mahusay at makatotohanan ang mga
Paliwanag 10
paliwanag.
Orihinal ang mga ideyang ginamit,
Pagkamalikhain 10
napapanahon at hango sa sariling karanasan
Kabuuan 30

7
Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ang Ekonomiks ay nangangahulugang pamamahala ng tahanan. Sa anong dalawang
salitang Griyego ito nagmula?
A. oikos at namos C. oikos at nomos
B. oikus at nomos D. oikons at nomos
2. Ang sumusunod ay tumutukoy sa kahulugan ng Ekonomiks, maliban sa isa. Alin ito?
A. Ang Ekonomiks ay pag-aaral sa kung paanong ang indibidwal at ang lipunan sa
kabuuan ay pumipili kaugnay ng paggamit sa kapos na pinagkukunang-yaman
sa harap ng iba’t ibang alternatiibong kagustuhan na dapat matugunan.
B. Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral ng wasto at mahusay na paggamit ng mga
walang katapusang pinagkukunang-yaman upang makabuo ng mga kalakal para
sa kasiyahan ng limitadong pangangailangan at kagustuhan ng tao.
C. Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral ng wasto at mahusay na paggamit ng mga
limitadong pinagkukunang-yaman upag makabuo ng mga kalakal para sa
kasiyahan ng walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
D. Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego
na oikonomia, ang oikos ay nangangahuluhang bahay, at ang nomos na
pamamahala.
3. Paano mo maipakikita ang paggamit mo ng Marginal Thinking sa pagbuo mo ng isang
matalinong pagdedesisyon?
A. Mamimili ako kung ako ba ay bibili ng bagong sapatos o gagamitin ko na lang ang
luma kong sapatos.
B. Mag-aaral akong mabuti sapagkat maaari akong makakuha ng mataas na marka
sa lahat ng asignatura.
C. Kung pipiliin ko ang mag-aral kaysa maglaro ng basketbol, hindi ko makakasama
ang aking mga kaibigan sa paglalaro.
D. Pag-iisipan kong mabuti kung anong kurso ang aking kukunin pagdating ko sa
kolehiyo.
4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng ugnayan ng trade-off at opportunity
cost?
A. Si Jose ay nagpasya na magtanim na lang ng gulay kaysa mag-alaga ng mga
manok sapagkat mas malaki ang kita sa pagtatanim ng gulay.
B. Si Alecxis ay bumili ng bagong bag kaysa gamitin ang luma dahil ito ay naka-sale.
C. Pinili ni Aina ang magtrabaho dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa kung kaya’t
nanghihinayang siya sa maaari niyang kitain mula sa pagtatrabaho sa ibang
bansa.
D. Pinag-isipang mabuti ni Amiel kung siya ba ay liliban sa klase dahil manonood
sila ng mga kaibigan ng concert ng paborito nilang banda. Iniisip niya kung
makabubuti ba o makasasama ito para sa kaniyang pag-aaral.
5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng paggamit ni Nathan ng mahahalagang konsepto sa
Ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa. Alin ito?
A. Pinag-iisipang mabuti ni Nathan ang kahihinatnan ng anumang desisyong
kaniyang gagawin.
B. Binibili ni Nathan ang lahat ng bagay na kaniyang gusto kahit na hindi naman
niya ito kailangan.
C. Bago bilhin ni Nathan ang isang bagay ay tinitingnan niya kung saan siya higit
na makakatipid ng hindi nasasakripisyo ang kalidad ng produkto.
D. Nang pinili ni Nathan ang maglaro ng computer kaysa ang pumasok, nawala ang
pagkakataon na matuto siya ng aralin sa araw na iyon.

You might also like