You are on page 1of 6

TOBOSO NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
SUMMATIVE TEST
WEEK 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang
ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo.
b. pakikipagkalakalan.
c. pamamahala ng tahanan.
d. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan
ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI
kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng
yamang likas, yamang tao, at yamang capital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga
ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman
ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
a. Dinadaluhang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng
ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga
desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng
lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may
hawak ng puhunan.
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa.
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa
palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga
pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng
mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga
patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga
kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang
likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng
mga mamamayan sa isang bansa.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa
kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
TOBOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
SUMMATIVE TEST
WEEK 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga
tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya
b. Ekonomiks
c. Heograpiya
d. Sosyolohiya
2. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan.
Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang
pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
3. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng
KDrama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy
sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
4. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti
upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling
cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang
inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
5. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang
bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang
halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
6. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan
dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay
isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
7. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala
ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing
katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay
sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
8. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa
hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa
ekonomiya.
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at
gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
d. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa
pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
9. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
a. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
b. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-
ekonomiya.
c. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
d. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok.
10. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at
mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng
matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
TOBOSO NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS
SUMMATIVE TEST
WEEK 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang- yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
2. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
3. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.
a. Likas-yaman
b. Pamahalaan
c. Presyo
d. Prodyuser
4. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na
nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos nga pamilihan subalit maaaring manghimasok
o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
5. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-
ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy
6. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng:
a. Konsyumer
b. Pamahalaan
c. Pamilihan
d. Prodyuser
7. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t
enough to go around.” ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-
yaman.
d. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
8. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa market economy?
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan
batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang
mga gawain.
9. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-
ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang:
Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at
pamahalan.
10. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga
layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

You might also like