You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 9

EKONOMIKS

I. Layunin

A. Kasanayan sa Pagkatuto
Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya.

B. Pamantayan sa Pagganap: AP9MYKIIa-1

C. Mga Tiyak na Layunin

Sa loob ng 50 minuto, 80 bahagdan ng mag aaral ay inaasahan na:

1. natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand


2. nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand; at
3. nakagagawa ng matalinong papagpasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng mga salik na
nakaaapekto sa demand.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Konsepto ng Demand (Part II)
Mga Salik na Nakaka-Apekto Sa Demand

b. Mga Sangunian: 1. EASE IV Modyul 6


2. Ekonomiks (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 151.
3. Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012. pp. 5256.
4. Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV. 2012. pp.
141143

c. Mga Kagamitan LCD Projector


Yeso
Pisara

d. Estratehiya: Brainstorming
Roundtable Discussion

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga! Magandang Umaga din po
Sir!
2. Pagdarasal
Bb. Gador, Maari ba na ikaw ang magdasal sa araw na ito? Opo Sir!
3. Pagsasaayos ng Silid (Aayyusin ng mga mag-aaral ang
Bago natin simulan ang ating klase paki-ayos muna ang inyong kanilang upuan at pupulutin ang
upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong upuan kanilang kalat.)
pagkatapos itapon ninyo sa ating basurahan.

4. Pagtala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase natin ngayon?

Magaling. Simulan na natin ang ating aralin Sir, wala po!

B. Pagbabalik-Aral
Sir, ang salitang demand ay
Ano ang demand? tumutukoy sa dami ng produkto o
paglilingkod na gusto at kayang
bilhin ng isang konsyumer sa isang
takdang presyo.
Magaling!

Ano ang demand schedule? Sir, ang demand schedule po ay isang


talaan na nagpapakita ng dami ng
kalakal na kaya at gustong bilhin ng
mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
Malinaw na ipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng presyo
at quantity demanded ng isang
kalakal.
Tama!

Ano ang batas ng demand? Sir, ang batas ng demand ay bahagi ng


micro economics na nagasasabi na
ang pagtaas ng presyo ng produkto ay
dahilan upang bumaba ang demand
dito, at ang pagbaba ng presyo nito ay
magdudulot sa pagtaas ng demand
para sa produkto.
Magagaling kayo mga bata at naintindihan ninyo ang ating
talakayan kahapon.

C. Pagganyak
Panuto: Tukuyin kung ano ang mga nasa larawan Base sa
larawang ipinakita may malaking epekto kaya ito sa demand?

Unang Larawan (Sabay sabay na titingin sa screen


projector ang mga mag-aaral)
Sir, ayon po sa unang larawan
nagpapakita po eto ng presyo ng
bigas.

Tama!

Pangalawang Larawan

Sir, yan po ay nagpapakita ng


populasyon.

Tumpak!

Pangatlong Larawan

Sir, yan po ay nagpapakita ng pera.


Ang ibig sabihin po kita.
Magaling!

Lahat ng inyong kasagutan ay tama.

D. Pagtalakay ng Aralin

Batay sa mga larawan na ipinakita sa presentasyon ano kaya ang Sir, ayon po sa larawan na aming
tatalakayin natin ngayong araw? nakita sa screen ang ating po
tatalakayin ay may kinalaman sa mga
salik na nakaka apekto sa demand.

Mga Pamprosesong Tanong:

Anu-anu ang mga salik na nakakaapekto sa demand? Sir ang mga salik po ng demand ay
ang mga sumusunod:
1. Kita
2. Panlasa
3. Dami ng Mamimili
4. Presyo ng magkaugnay na
produkto sa pagkonsumo
5. Inaasahan ng mga mamimili sa
presyo sa hinaharap

Ano pangunahing salik na nakakaapekto sa demand? Sir presyo po.

Magaling!

Sa inyong palagay bakit ito ang pinakamahalagang salik na Sir ang presyo po kasi ay
nakakaapekto sa demand? nakdepende palagi sa supply.
Karaniwan po na mataas ang presyo
kapag mababa ang supply. Kapag
mataas po ang presyo mababa din po
ang demand.
Magaling Bb. Longson

Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw sa demand Presyo. Ang presyo lamang ang salik
curve? Sa paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na na nakakaapekto sa pagbabago ng
presyo sa ibang salik? quantity demanded, habang ang ibang
salik ay hindi nagbabago o
nakakaapekto rito.

Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa Sir, kapag may pagtaas sa kita,
pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand? maging matalino sa paggasta nito.
Matutong pagplanuhan nang mabuti
ang paggastos at unahin ang
mahahalagang bagay na dapat bilihin.

Bukod sa naunang sagot meron pa ba makapagbibigay ng sagot? Sir, maghanap ng alternatibo o


pamalit sa mga produktong may
mataas na presyo. Maraming
mapagpipiliang produkto sa
mababang presyo sa iba’t
ibang pamilihan.

E. Pangkatang Gawain

The Convincing Power of Advertisement Inaasahan na nakapaghanda na ang


1. Mula sa pagkakahahati ng grupo kanina. Ang bawat grupo mag aaral ng kanilang maikling
ay inaatasan gumawa ng maikling Commercial (tatlong patalastas. Bawat Grupo ay binibigyan
minuto bawat grupo). lamang ng 1 minuto paghahanda at 3
2. Ang nilalaman ng komersyal ay nararapat na nakabataysa minutong presentasyon.
mga salik na nakaaapekto sa demand.Ang pangunahing
layunin ng komersyal ay makumbinsi ang guro na bumili ng
produkto na kanilang ini-endorso.

Group 1: Kita
2: Panlasa
3: Dami ng Mamimili
4: Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo
5: Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa
hinaharap

Rubrics sa Pagmamarka
Presentasyon Nagpapakita ng Malikhain 5 puntos
Iskip Maayos at Malinaw ang 5 puntos
Pagkakasunod sunod ng
ideya

Kaangkupan May koneksyon sa mga salik 5 puntos


na nakaka apekto sa demand
Karakter May katotohanang pagganap 5 puntos
F. Paglalapat/Pagpapahalaga
Gamit ang iyong matalinong pagpapasiya, Paano mo
matutugunan ang mga pagbabagong dulot ng mga salik
na nakakaapekto ng demand?

G. Paglalahat
Bigyan lamang ng 3 minuto para
I-R-F (Initial, Revised and Final) CHART magasagot ang mga bata sa IRF Chart.

Sa bahaging ito ay muli mong sagutin ang katanungang nasa kahon Pagkatapos nilang magsagot
at isulat ito sa ikatlong kolumn ng tsart upang malaman ang magtawag ng dalawang mag aaral ng
kabuuang kaalaman na iyong natutuhan sa araling ito. magpapaliwanag ng kanilang sagot.
Paanong ang demand at mga konsepto nito ay
makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng
konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang
kaunlaran?
Alam ko Nadagdag ko Ito na ang alam
ngayon kalaman ko

IV. Pagtataya
Panuto: Ipakita ang pagbabagong sa demand para sa isang produkto batay sa nga sa mga pagbabago ng

mga sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang kung tataas ang demand at kung bababa ang
demand.
1) Banwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand)
2) Paglaki ng kita (nakatouon sa normal goods)
3) Pagbaba ng kita (nakatoon sa inferior goods)
4) Pagiging lipas sa uso nng isang produkto
5) Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
6) Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo
7) Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
8) Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
9) Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
10) Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit

V. Takdang Aralin
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga uri ng Price elasticity of demand.
1. Elastic
2. Inelastic
3. Unitary o uri ng Elastic
4. Perfectly elastic
5. Perfectly Inelastic demand

You might also like