You are on page 1of 3

E.C.

BERNABE NATIONAL HIGH SCHOOL 30


Bagac, Bataan 2107
SY 2022-2023
First Quarter - First Summative Test (M1-M3)
ARALING PANLIPUNAN 9
Pangalan: ___________________________________________ Grade & Section: _____________
Guro: Mrs. Melanie G. Manzano______________________ Petsa: _____________
Test I Multiple Choice
Pantuo: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanunga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa bukod na sagutang
papel.
1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
A. Pamamahala ng negosyo C. Pamamahala ng tahanan
B. Pakikipagkalakakan D. Pagtitipid
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
A. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang material
na pangangailangan
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapit ang tao
D. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng Lipunan?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang
tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:
A. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao
B. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
D. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay:
A. Dinadaluhang okasyon C. Opportunity cost ng desisyon
B. Kagustuhang desisyon D. Tradisyon ng pamilya
6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan ang pag-aaral ng ekonomiks. Ibig
sabihin nito ay:
A. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon
B. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon
C. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
D. Ang sasabihin lamang ng gma suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan
C. Mapag-aralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa Lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng
diwang tao?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, nagpahahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa Lipunan
kaya’t nauuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa
C. Ang pagkalikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang
antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
11. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang kanilang
pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
A. Antropolohiya C. Heograpiya
B. Ekonomiks D. Sosyolohiya
12. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin
ang kakapusan?
13. Bilang bahagi ng Lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-ekonomiya
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
D. Naiintindihan mo ang Sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok
14. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay Maganda at mura, eco-friendly pa. Ang
sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
15. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras
na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
16. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng
average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling
salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
17. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito,
kailangang magdesisyon ang Lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang
“tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
A. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
18. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit
mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga
bagay-bagay sa araw-araw
19. Nakaugalian n ani Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdedesisyon sa isang bagay kung ito ba may
pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
20. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang
siya sa maaari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng
matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
21. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
A. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan
D. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili
22. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy?
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang-yaman
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain
23. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng:
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser
24. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. Likas-yaman B. Pamahalaan C. Presyo D. Prodyuser
25. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa
B. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito
C. Upang makaagapay ang Lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang
pinagkukunang-yaman ng bansa
D. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
26. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-ekonomiko. Alin sa sumusunod
ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
A. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan
B. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan
C. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
D. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalaan
27. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito
B. Upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at ang mamamayan nito
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan
28. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi
sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakakaraming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komrephensibong control at regulasyon ng pamahalaan
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at
kung sino ang dapat gumamit
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo at pangangasiwa ng gawain
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado
29. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa
puwersa ng pamilihan
A. Traditional Economy C. Command Economy
B. Market Economy D. Mixed Economy
30. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang “There isn’t enough to go around.”
ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailan ng tao
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman at hahantong sa kakapusan
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig

Prepared by:
Ma’am Melanie G. Manzano
“Ma’am Melai”
AP9 TEACHER

You might also like