You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Tanggapan ng Sangay I ng Pangasinan
IKALAWANG DISTRITO NG MALASIQUI

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9


Pangalan: ___________________________ Marka: _________
Paaralan: __________________________ Guro: ___________________ Petsa: __________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang wastong


kasagutan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ekonomiks ay galing sa salitang grieyego na “oikonomia” na
nangangahulugang:
A. Pamamahala ng bansa C. Pamamahala ng kayamanan
B. Pamamahala ng lipunan D. Pamamahala ng sambahayan

2. Ito ay tutmutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang


bagay.
A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Choices

3. Ito ay tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman dahil sa walang katapusang


kagustuhan at pangangailan ng tao.
A. Ekonomiks C. demand
B. Kakapusan D. paggawa

4. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sap ag-aaral ng ekonomiks MALIBAN sa:


A. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ang walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
B. Pinag-aaralan nito kung paano tipirin ang mga bagay gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman
C. Pinag-aaralan nito kung ang tamang paggamit ng mga resources upang
matugunan ang kagustuhan at pangangailangan.
D. Pinag-aaralan nito kung paano pamamahalaan ng tama ang ating mga
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan.
5. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral kung paano matutugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks C. Maykroekonomiks
B. Agham Panlipunan D. Makroekonomiks

6. Ito ay ang halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.


A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Choices

7. Ito ay tumutukoy sa kasabihan na ang ibig sabihin ay sinusuri ng isang indibidwal


ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula
sa gagawing desisyon.
A. Think before You Buy C. Rational People Think at the Margin
B. Earn and save D. Buy Now, Pay Later

8. Bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks?


A. Makatutulong ito upang maunawaan ang konsepto ng kakapusan at
makabuo ng desisyon sa araw-araw na pamumuhay.
B. Maituturo nito ang pagtitipid sa mga bagay na kinakailangan ng tao.
C. Magbibigay ito ng gabay sa paggastos upang unahin ang kagustuhan kaysa
pangangailangan.
D. Wala sa nabanggit.

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mahalagang katanungang


pang-ekonomiko?
A. Para kanino ang mga produkto o serbisyo?
B. Anu-anong produkto ang serbisyo ang gagawin?
C. Saan kukunin ang mga produkto o serbisyo?
D. Paano gagawin ang mga produkto o serbisyo?

10. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?


A. Hindi nagagamit ng tama ang likas na yaman.
B. Walang ibang mapagkukunang-yaman kundi ang kalikasan lamang
C. Madaming populasyon kaya hindi sapat ang mga resources
D. Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao at limitado
lamang ang pinagkukunang yaman.

11. Sa paggawa ng isang desisyon, dapat tayo ay maging rasyonal. Ano ang dapat
nating isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Kultura at tradisyon ng pamayanan
B. Ang opportunity cost sa ginagawang pagpili
C. Ang opinion ng ibang tao
D. Ito ay dapat nakaakma sa okasyon

12. Bakit mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga


kabataan?
A. Mahalaga ang mga konsepto nito para makapasa sap ag-aaral
B. Maaaring maituro ang konsepto ng ekonomiks sa magulang at pamayanan.
C. Magiging maalam sa prosesong pang-ekonomiya para maggamit sa paggiging
kritiko ng pamahalaan.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.

13. Bakit maituturing na sangay ng Agham Panlipunan ang ekonomiks?


A. Ito ay nakabatay sa haka-haka at opinion ng nakararami.
B. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang
antas ng kabuhayan.
C. Nagbibigay ng suhestiyon kung ano ang dapat gawin para yumaman.
D. Pinag-aaralan dito kung paano punahin ang maling hawi ng gobyerno.

14. Ang ekonomiks ay isang sangay ng pag-aaral ng agham panlipunan kaya ito ay
gumagamit ng siyentipikong pamamaraan (scientific method). Ang ibig sabihin nito ay:
A. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang
may hawak ng puhunan.
B. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
C. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay
ng lapat o angkop na kongklusyon.
D. Naniniwala sa haka-haka at opinion ng nakararami.

15. Mas pinili ni Sofia na mag-aral ng kanyang leksyon sa Araling Panlipunan kaysa
sa maglaro ng Mobile Legends ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Incentives
16. Si Jairus ay nag-aaral ng mabuti dahil pinangakuan siya ng kanyang nanay na
bibigyan siya ng bagong cellphone kapag nakakuha siya ng 90 pataas na grado. Ang
salik ng pagdedesisyon batay sa matalinong pagpapasya ay tumutukoy sa?
A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Incentives

17. Kahit walang baon si Christopher ay minabuti pa rin niyang pumasok sa paaralan
dahil nanghihinayang siya sa maaari niyang matutunan na leksyon. Ang salik ng
pagdedesisyon batay sa matalinong pagpapasya ay tumutukoy sa?
A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Incentives

18. Pagkatapos ng inyong klase ay niyaya ka ng iyong mga kaklase na pumasyal at


pumunta sa milktea shop. Bukod sa kulang ang iyong pera ay inaalala mo pa ang
paggawa ng assignment para bukas. Anong salik ng matalinong pagpapasya ang
maari mong pagbatayan ng iyong desisyon?
A. Trade-off C. Marginal Thinking
B. Opportunity Cost D. Incentives

19. Nais ni Jumuel na mag -aral sa pampribadong paaralan dahil ito lamang ang nag-
oofer ng strand na gusto niyang kunin sa Senior High School ngunit hindi sapat ang
kanilang pera para tustusan ang pag-aaral niya dito. Sa kabilang banda ay may
malapit na paaralan sa kanila na nagbibigay ng ibang strand. Batay sa salik ng
matalinong pagpapasya, ano ang maari niyang pagbatayan ng kanyang desisyon?
A. Trade-Off C. Choices
B. Opportunity Cost D. Incentives

19. Si John Michael ay nahihirapang mamili kung siya ba ay magpapatuloy sa Senior


High School o kaya ay maghanap na lang ng trabaho para makatulong sa pamilya. Sa
huli ay napili niyang magpatuloy ng pag-aaral dahil nagpag-isipan niyang mas
marami ang magagandang trabaho na maghihintay sa kanya kung siya ay nakapag-
aral. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang kanyang ginamit?
A. Marginal thinking C. Trade-off
B. Opportunity Cost D. Incentives

20. Mas pinipiling maglakad ni Valerie kaysa sa sumakay sa tricycle dahil siya ay
nagtitipid ng kanyang baon dahil siya ay nag-iipon para may maipambayad sa
paparating na parcel na binili niya sa online. Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang kaniyang ginamit?
A. Marginal thinking C. Trade-off
B. Opportunity Cost D. Incentives

21. Pursigido si Patricia na magtrabahong maigi para makuha ang promotion na


ipinangako sa mga manggawang masipag at maaasahan. Anong salik ng matalinong
pagdedesisyon ang naging kaniyang basihan sa kanyang pagpapasya?
A. Marginal thinking C. Trade-off
B. Opportunity Cost D. Incentives

22. Mas pinili ni Mariel na maglaro ng mobile games kaysa sa gumawa ng kanyang
takdang aralin. Kung pagbabasehan ang salik ng matalinong pagdedesisyon, tama ba
ang napiling pasya ni Mariel?
A. Tama, dahil pinili niya ang mas makapagpapasaya sa kanya.
B. Mali, dahil maaari pa namang maglaro ng mobile games sa susunod na
araw.
C. Mali, dahil hindi niya tinignan ang opportunity cost na maaaring ibigay sa
kanya ng paggawa ng takdang aralin.
D. Tama, dahil lagging mas matimbang ang kagustuhan kaysa sa
pangangailangan.
23. Dahil sa naka 50 percent off ang mga paninda sa isang grocery store, minabuti ni
Aling Maria na bumili ng mas marami para ilagay ito sa kanyang tindahan. Batay sa
mga salik ng matalinong pagdedesisyon, tam aba ang naging pasiya niya?
A. Tama, dahil nakita niya ang opportunity cost na maaaring ibigay sa kanya
ng 50 percent off.
B. Mali, dahil hindi tama ang pagbili ng isang bagay dahil lamang sa ito ay sale
C. Tama, dahil kahit kagustuhan ang kaiyang binili, ito pa din ay mahalaga.
D. Mali, dahil hindi siya nagtira ng kaniyang savings.

24. Ang uri ng ekonomiya na kung saan ang nagdidikta o nagkokontrol sa kilos o
galaw ng ekonomiya sa command economy.
A. Mamimili C. Pamilihan
B. Pamahalaan D. Prodyuser

25. Sa sistemang pang ekonomiya na ito ay pinahihintulutan ang pagmamay-ari ng


mga pribadong mamamayan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa
usapin ng kalikasan, panlipunan at sa pagmamay-ari ng pamahalaan.
A. Traditional Economy C. Command Economy
B. Market Economy D. Mixed Economy

26. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng


pinagkukunang- yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng
mamamayan
nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na
umiiral.

27. Kung ikaw ay kabilang sa market economy, papaano mo gagampanan ang iyong
tungkulin bilang kasapi ng pangkat?
A. Wala, sapagkat ang pamahalaan ang magdidikta sa akin kung ano ang
gagawin ko.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tutulong ako sa mga gawain na nagtataguyod sa ikauunnlad at ikabubuti
ng
pinagkukunang yaman.
D. Nararapat lamang na ako ay magkamal ng malaking salapi mula sa mga
mamamayan.

28. Tumutukoy sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.


A. Kapital C. Paggawa
B. Lupa D. Produksyon

29. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng


bagong produkto.
A. enterprise C. Paggawa
B. Lupa D. kapital

30. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:


A. Paggamit ng hilaw na sangkap
B. Pagtayo ng mga pabrika
C. Pagsasama ng mga inputs para makabuo ng tinatawag na outputs
D. Pagkamalikhain ng mga manggagawa

31. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa lupa bilang salik ng produksyon maliban
sa:
A. Lupang pinagtataniman ng halaman at pinagtatayuan ng mga pagawaan o
pabrika.
B. Mga hilaw na materyales tulad ng puno
C. Mga bungang-kahoy
D. Mga yamang-mineral kagaya ng ginto

32. Bakitmahalaga ang mga manggagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay?


A. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
B. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
C. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan
ng mga tao.
D. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.

33. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa


pang araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
C. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang
ikonsumo.
D. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at
serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa
sa pagkonsumo.

34. Paano mo maipapaliwanag ang ugnayan ng paggawa at kapital?


A. Ang paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
B. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng capital
C. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
D. magkapareho ang dami ng manggagawa at kapital sa pagnenegosyo

35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaiba ng


produksyon at pagkonsumo?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay
paggamit ng produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa
pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng
produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
D. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo
nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.

36. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na
mesa at silya, alin sa sumusunod ang mga input nito?
A. kagamitan, makinarya, manggagawa.
B. kahoy, kagamitan, makinarya.
C. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy.
D. tabla, makinarya, teknolohiya

37. Isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas ay ang pamliya Sy na


nagmamay-ari ng mga malalaking Negosyo katulad ng SM at BDO. Anong salik ng
produksiyon ang kinabibilangan nito?
A. enterepreneurship C. Paggawa
B. lupa D. kapital

38. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?


A. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinenta sa pamilihan
B. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong
produkto
C. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
D. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

39. Sa anong salik ng pagkonsumo nakakaapekto ang mga kalamidad?


A. Demonstration Effect C. Okasyon
B. Mga inaasahan D. Presyo

40. Hindi na nakabili si Maricel at Marites ng BTS Meal dahil sa ito ay nagkaubusan
dahil sa pag-endorso ng sikat na K-Pop group. Anong salik ang nakaaapekto dito?
A. Demonstration Effect C. Okasyon
B. Mga inaasahan D. Presyo

41. Ayon sa aklat ni John Maynard Keynes na “The General Theory of Employment
and Interest and Money,” ipinapaliwanag nito na ang kita ng isang tao ang nagdidikta
ng kaniyang pagkonsumo. Paano ito maipapaliwanag?
A. Mas madami ang nabibili ng tao kung malaki ang kaniyang pagkakautang
B. Mas madami ang pwedeng makonsumo ng tao kung malaki ang kaniyang
kita
C. Mas kaunti ang pwedeng makonsumo ng tao kung maliit ang kaniyang kita
D. Mas madami ang pwedeng makonsumo ng isang tao kung maliit ang
kaniyang utang.
42. Bakit magkakaiba ang pagkonsumo ng tao?
A. maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. hindi tiyak ang ang pangyayari sa lipunan

43. Natanggap ni Sheila ang kaniyan 13 th month pay kaya siya ay bumili ng bagong
smartphone ngunit hindi siya nagbayad ng kanyang nahiram nap era sa kaniyang
kaibigan. Batay sa mga salik ng pagkonsumo, tama ba ang ginawa niya?
A. Tama, dahil ang 13th month pay ay inaasahan kaya marapat lamang na
bumili siya ng gusto niya.
B. Mali, dahil maliit lamang ang kaniyang kita
C. Tama, dahil pwede pa naman siyang magbayad sa susunod na
pagkakataon.
D. Mali, dahil ang pagkakautang ay kailangan munang bayaran bago bumili ng
mga kagustuhan.

44. Kailangang pagkasiyahin ni Edward ang kaniyang baon na P150.00 sa loob ng


isang lingo. Paano niya ito pagkakasiyahin sa mga sumusunod na pangangailangan:
Pagkain, transportasyon, projects at savings.
A. Ibibili niya lahat ng pagkain ang kaniyan pera dahil ito ay basic needs.
B. Ilalaan niya ang kaniyang baon sa pagbili ng pagkain, projects at
transportasyon.
C. Hindi na siya gagastos at ilalagay lahat ng kaniyang baon sa savings.
D. Maglalaan siya ng kaukulang badyet para sa pagkain, transportasyon,
projects at savings.

45. Napansin ni James Michael na ang kaniyang biniling damit ay medyo madumi at
may maliit na himulmol kaya nagdesisyon siyang ibalik na lamang ito sa seller. Anong
tungkulin ng mamimili ang hindi niya naisagawa sa pagbili ng produkto?
A. Mapanuring Kamalayan C. Pagmamalasakit na lipunan
B. Kamalayan sa Kapaigiran D. Pagkakaisa

45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng tungkulun ng mga


mamimili?
A. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungo
B. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo
C. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan
D. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan
46. Bumili si April ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging
sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?

A. Karapatang Dinggin
B. Karapatan sa Kaligtasan
C. Karapatang pumili
D. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

47. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging makatwiran?


A. Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo
B. Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan
C. Marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa
pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili
D. Sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalakal nito.

48. Nahihiyang ibalik ni Cristine ang nabiling relo sa isang store kahit na ito ay may
sira dahil sa ang nagbbebenta nito ay ang kaniyang kaibigan. Anong tungkulin ng
mamimili ang hindi niya nagampanin?
A. Mapanuring Kamalayan C. Pagkilos
B. Kamalayan sa Kapaigiran D. Pagkakaisa

49. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?


A. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon
sa produkto
B. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong
bibilhin
C. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran
D. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang
bibilhing produkto

50. Bilang ahensiya ng gobyerno, ano ang pinangangasiwaan ng Department of Trade


and Industry o DTI?
A. pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto
B. pagmomonitor sa pag-aanunsiyo
C. pagtiyak sa mga produktong pang-agrikultura
D. pagtiyak sa pagbibigay ng sapat na impormasyon at edukasyon sa mamimili

Inihanda ni: 

JOSHUA T. BARBOZA
Tagasulat/Guro I

Iwinasto nina:
                 NEILA U. FERRER,
PhD
                       LUCIANA M. QUINAGON
                   Tagamasid Pampurok
                  Ulo ng TWG/Ulong guro I

SUSANA B. RAMOS
Itinalagang Punong-guro sa AP/Punong-guro I

Binalida ni: Inaprubahan ni:

RUSTICO P. ABALOS JR. CARMINA C. GUTIERREZ, EdD


EPS-Araling Panlipunan CID CHIEF
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D
2. A
3. B
4. B
5. A
6. B
7. C
8. A
9. C
10. D
11.B
12.D
13. B
14. C
15. A
16.D
17. B
18. A
19. A
20.C
21.D
22.C
23. A
24. B
25. C
26. D
27.C
28. C
29. A
30.C
31. A
32.C
33. D
34. B
35. C
36. C
37. A
38. B
39.D
40. A
41.B
42.B
43. D
44.D
45. A
46. A
47.A
48.C
49. A
50.A

You might also like