You are on page 1of 7

UNANG MARKAHAN

EKONOMIKS
PANGALAN:_________________________ PETSA:____________________
TAON AT SEKSIYON:__________________ ISKOR:_____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.Bilugan ang titik na


tumutukoy sa pinakatamang sagot.

Remembering
1. Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang oikos at nomos. Alin sa sumusunod ang ibig
sabihin ng salitang ito?
A. Pamamahala ng negosyo
B. Pakikipahkalakalan
C.Pamamahala ng tahanan
D. Pagtitipid

2. Alin sa sumusunod ang may teoryang nagsasabi na ang ekonomiks ay pag-aaral sa


pagkakataon at balakid na kailangang harapin upang matugunan ang ating mga hangarin
at pangangailangan.
A. Gerardo P. Sicat
B. Karl Marx
C. Alfred Marshall
D. Bernardo M. Villegas

3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng kakapusan o scarcity sa mga pinagkukunang-yaman tulad


ng yamang-likas, yamang-tao, at yamang kapital?
A. Dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa malakas na bagyo at iba pang kalamidad na sumisira sa mga likas na yaman.
C. Dahil sa hoarding o pagtatago ng produktong ibinibenta sa pamilihan upang mapataas
ang presyo ng produkto
D. Dahilan sa kawalan ng disiplina ng tao.
Understanding
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may kakapusan ang isang
bansa?
A. Mga Pilipinong nangibang bansa upang magtrabaho
B. Malaking kita mula sa pag-eksport ng mga produkto
C. Disyertong lupain na pagkukunan ng yamang-tubig
D. Pagkakaroon ng pangangailangang paglilingkod

5. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng ibat-ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod


ang hindi nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakaranas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga
mamimili na bumibili ng ibat-ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malakas na bagyo at mahabang panahon ng El
Niño at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

6. Alin sa sumusunod ang maaring paraan upang malabanan ang kakapusan?


A. Iwasan ang sobra-sobrang pag angkat ng mga produkto na nakakaapekto sa kakapusan.
B. Sanayin ang sarili na limitado lamang ang pinagkukunang-yaman ng tao.
C. Maging maagap sa mga suliranin ng lipunan.
D. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga
pinagkukunang yaman.
Applying
7. Kung ang pamilya ay humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya, mas magiging matalino
ang pagdedesisyon kung sinusunod ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya. Bilang
miyembro ng inyong pamilya, Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng matalinong
pagpapasya?
A. Bigyang damdamin ang mga suliranin
B. Nagpapakita ng produktibo at makatotohanan
C. Pagbasa ng mga datos at impormasyon
D. Pagsunod sa payo ng mga kamag-anak

8. Naaprubahan ang papeles ni Zoe sa kanyang pinagtatrabahuhan kung kaya’t nadagdagan ng


halagang limang libo ang kanyang sahod. Naisipan niyang bumili ng mga branded na damit
para sa kanyang sarili. Alin sa mga sumusunod na salik ang nakakaapekto sa kanyang
pagkonsumo?
A. Kita
B. Mga Inaasahan
C. Panahon
D. Presyo

9. Ikaw, bilang panganay sa inyong magkakapatid ay naatasan ng inyong mga magulang na


badyetin ang allowance ninyong magkakapatid sa loob ng isang linggo dahil aalis sila. Alin sa
mga sumusunod na pamantayan ang iyong bibigyan ng pagpapahalaga?
A. Makatotohanan at maraming ebidensiya
B. Makatotohanan, kaangkupan at organisado
C. Mapagpakahulugan at naaayon sa panahon
D. Impormatibo, produktibo, makabuluhan at makatotohanan

10. Tumaas na naman ang singil sa kuryente ngayong Bagong Taon ayon sa Meralco. Ito ay
bunsod ng dagdag na presyo sa petrolyo na ginagamit at iba pang mga salik na ginagamit
sa pagpoprodyus nito. Alin sa sumusunod ang wastong pagpapakita ng lubusang paggamit
ng limitadong yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao?
A. Pagtitipid ng kuryente tuwing ginagamit
B. Linangin ang iba pang mga likas na yaman
C. Magbalangkas ng mga solusyon sa kakapusan
D. Makibahagi sa mga adbokasiya para sa alternatibong enerhiya.
11. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, Alin sa sumusunod ang iyong batayan sa pag-
gawa ng desisyon?
A. Isinasalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. Isinasalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. Isinasalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon
D. Isinasalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

12. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat maging prioridad para sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Alin sa sumusunod ang maaring maganap kung uunahin ang
pangangailangan kaysa sa kagustuhan,
A. Magiging maayos ang pagbabadyet
B. Maging pantay ang distribusyon sa pamilya
C. Maiiwasan ang suliranin sa kakapusan
D. Matutunan ng maisakatuparan ang lahat ng pangarap

Analyzing
13. Ang pamilya Santos ay palaging kinakapos sa badyet tuwing papatapos ang bawat buwan.
Dulot ito ng iba’t ibang uri ng gastusin sa kuryente, tubig, pamasahe, proyekto sa paaralan,
medisina, suweldo sa mga katulong, pagkain, junk foods, cellphone, load at iba pa. Alin sa
sumusunod ang dapat pakatandaan sa paggawa ng wastong budget?
A. Babawasan ang mga pangangailangan na aytem sa badyet.
B. Ito ay dapat tinutugunan ang kagustuhan ng miyembro ng pamilya.
C. Tukuyin ang mga alternatibong pagpipilian ng mga pangangailangan
D. Hikayatin na mag-impok upang may pambili ng nais nyang aytem

14. Gusto nang magkapatid na Ed at Ted na mamasyal sa park, ngunit mas kailangan ng kanilang
Lolo na magpahinga muna sa bahay. Alin sa sumusunod na salik ang nakakaimpluwensiya
sa pangangailangan at kagustuhan?
A. Antas ng Edukasyon
B. Panlasa
C. Edad
D. Kita

15. Alin sa sumusunod na salik ang nakaaapekto sa pangangailangan ang ipinapakita ng


pagkahilig ng mga mayayaman at makabagong tinedyer sa sophisticated gadgets at personal
na kagamitan?
A. Antas ng kita
B. Antas ng edukasyon
C. Paniniwala sa buhay
D. Panlasa ng tao ayon sa gulang

16. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na


gaganapin sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring umuwi nang
maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase. Sa kabila nito, nais mo pa ring
paunlakan ang paanyaya ng iyong kaibigan. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting
desisyon na iyong gawin?
A. Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
B. Bigyang-halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
C. Hayaang anuman ang kahihinatnan ng piniling pagpapasya.
D. Bigyang-halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo

17. Bumili ang kaibigan mong si May sa grocery store ng mga pagkain subalit nang babayaran
na niya ito, napagtanto niyang sumobra sa bilang ang nakalaang salapi para sa kanyang mga
pinamili. Alin sa sumusunod na paraan upang maiiwasan ang ganitong suliranin?

A. Kumuha lamang ng iyong gustong bilhin


B. Magpasama sa kaibigan na mamili
C. Pigilan ang sarili na mamili ng mga kailangan
D. Ugaliing mag badyet at gumawa ng listahan

18. Ang mga taga-Hagonoy ay karaniwang mga mangingisda kung kaya malaki ang
pangangailangan nila sa lambat at bangka. Alin sa sumusunod na salik ang
nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.
A. Kapaligiran
B. Klima
C. Kita
D. Katayuan sa Lipunan
Evaluating
19. Kung ang pamilya ay humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya, mas magiging matalino
ang pagdedesisyon kung sinusunod ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya. Bilang
miyembro ng inyong pamilya, alin sa sumusunod ang naglalarawan ng matalinong
pagpapasya?
A. Bigyang damdamin ang mga suliranin
B. Nagpapakita ng produktibo at makatotohanan
C. Pagbasa ng mga datos at impormasyon
D. Pagsunod sa payo ng mga kamag-anak

20. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa market economy?
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa
plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang
yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga
gawain.

21. Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, alin sa sumusunod na


paraan upang maiiwasan ang pagkabaon sa utang?

A. Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.
B. Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.
C. Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.
D. Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.

22. Kapag pinag-uusapan ang pagkukunsumo, alin sa sumusunod na dahilan kung bakit mas
mainam na kunti lang ang utang?
A. Walang naniningil kung makatanggap ng sahod
B. Lumalaki ang ipon sa bangko
C. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. Kakaunti ang naiipon na pera mula sa kita.

23. Napanood ni Jenny sa isang patalastas sa telebisyon na nakakapayat at nakagaganda raw


ng kutis ang pag-inom ng Brand Y na tsaa. Napakaganda at balingkinitan ang model at alam
niyang natural na itong katawan ng babae kaya hindi na siya nag-isip na bumili ng nasabing
produkto. Alin sa sumusunod na katangian ang ipinamalas ni Jenny sa sitwasyong ito?

A. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo


B. Hindi Nagpapadaya
C. Hindi Nagpapanic-buying
D. Makatwiran
24. Si Kevin ay bumili ng bagong sapatos at tinignan niyang mabuti kung ito ba ay sakto sa
kanyang paa at walang depekto sa pagkakagawa. Alin sa sumusunod na karapatan ang
ipinamalas ni Kevin?
A. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatan na Pumili
C. Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan
D. Karapatang Dinggin

Creating
25. Batay sa impormasyong napag-alaman ukol sa kahalagahan ng produksiyon, Alin sa
sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-arawaraw na
pamumuhay?
a. Ang produksiyon ang pinagmulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-
araw-araw.
b. Ang produksiyon ay lumulikha ng trabaho.
c. Ang pagkukunsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo,
kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkukunsumo.
d. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa
pagbili ng produkto.
Para sa mga tanong sa bilang 26-27. Ibase ang mga kasagutan sa mga larawan sa baba.
I. III.

II.
IV.

26. Ito ang output kapag pinagsama-sama ang input na Balat ng hayop, tela at Sinulid.
A. I
B. III
C. IV
D. II

27. Ito ang output kapag pinagsama-sama ang input na teknolohiya, kagamitan, manggagawa at
mga sangkap gaya ng gatas, itlog, harina at asukal.
A. IV
B. III
C. I
D. II
Para sa mga tanong sa bilang 28-30. Ibase ang mga kasagutan sa mga larawan sa baba.
I. III.

IV.
II.

28. Ikaw ay nagbabalak na magtayo ng isang maliit na coffee shop, sa aling organisasyon ito ng
negosyo mapapabilang kapag naisakatuparan na ang iyong balak ?
A. I
B. II
C. III
D. IV
29. Si Mang Danny ay nakabili ng 100,000 shares sa isang kumpanya. Aling Organisayon ng
negosyo siya napapabilang?
A. IV
B. II
C. I
D. III

30.
Sa aling Organisayon ng Negosyo ito napapabilang?
A.II
B.IV
C. I
D. II

PREPARED BY: DUCOT, NAÏVE A.


EDU-533 ASSESSMENT IN LEARNING

You might also like