You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I – ILOCOS REGION
SCHOOLS DIVISION OF LAOAG CITY
BALATONG INTEGRATED SCHOOL

ARALING
PANLIPUNAN 9
(Ekonomiks)
S.Y. 2023-2024
I. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa bawat aytem. Piliin
at itiman ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomia, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay:
A. pagtitipid C. pamamahala ng tahanan
B. pakikipagkalakalan D. pangangasiwa ng negosyo
2. Nakaugalian na ni Anna na pag-isipan muna ng mabuti ang
pagdedesisyon sa isang bagay kung ito ba ay may pakinabang sa kanya
o wala. Ang ginagawa ni Anna ay isang halimbawa ng anong konsepto ng
matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade-off
3. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanatili ang
kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na ________.
A. hilig-pantao C. pangunahing pangangailangan
B. luhong pangkatawan D. sekundaryang pangangailangan
4. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
A. Alokasyon B. Imbensyon C. Kalkulasyon D. Produksyon
5. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano
matutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan at kagustuhan
kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
A. Antropolohiya B. Ekonomiks C. Heograpiya D. Sosyolohiya
6. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng
ekonomiks?
A. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
B. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu
sa politika.
C. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta
at pagiimpok.
D. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang
usaping pangekonomiya.
7. Tumutukoy sa isang institusyunal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng
isang lipunan.
A. Mixed Economy C. Command Economy
B. Market Economy D. Sistemang Pang-Ekonomiya
8. Alin sa mga sumusunod ang kasagutan sa pangunahing katanungang
pang-ekonomiko na nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala?
A. Credit Economy C. Pinaghalong Ekonomiya
B. Incentives Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya
9. Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang
yamang-tubig, yamang mineral at yamang gubat bilang salik ng
produksiyon.
A. Entreprenyur B. Lakas paggawa C. Lupa D. Puhunan
10. Ang mga salik ng produksyon na ibinahagi upang makagawa ng
kalakal ay tinatawag na _________.
A. input B. output C. factor gain. D. capital gain
11. Anong uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag bumili tayo ng
produkto upang gamitin sa paglikha ng iba pang produkto o serbisyo?
A. Maaksaya B. MapanganibC. Produktibo D. Tuwiran
12. Ito ay uri ng pagkonsumo na kung saan ay matatamo agad ng tao
ang kasiyahan dulot ng produkto.
A. Maaksaya B. MapanganibC. Produktibo D. Tuwiran
13. Alin sa sumusunod na uri ng pagkonsumo na wala namang
natatamong kasiyahan ang tao?
A. Maaksaya B. MapanganibC. Produktibo D. Tuwiran
14. Ito ang uri ng pagkonsumo ng mga bagay kung saan ay maaaring
magdulot ng sakit at perwisyo sa tao.
A. Maaksaya B. MapanganibC. Produktibo D. Tuwiran
15. Anong tungkulin ng mamimili na maipahayag ang sarili at kumilos
upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo?
A. Pagkilos C. Mapanuring Kamalayan
B. Pagkakaisa D. Kamalayan sa Kapaligiran
16. Bumili si Maria ng tatlong kilo ng bangus sa Pamilihang Lungsod ng
Dauin. Pagdating niya sa bahay, natuklasan niyang kulang ng ¼ kilo ang
timbang ng kanyang pinamiling bangus. Saang ahensiya ng lokal na
pamahalaan siya maaaring dumulog at maghain ng reklamo?
A. BFA B. BFAD C. ERC D. City Treasurer’s Office
17. Ang DA ay ahensya na makakatulong sa konsyumer na kung saan
tumatanggap ng reklamo sa mga nagtitinda ng mga gulay at prutas na
kontaminado ng mga nakalalasong kemikal. Ang DA ay tumutukoy sa___.
A. Development of Agriculture C. Department of Agriculture
B. Department of Agreement D. Department of Amendment
18. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
19. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang
pagkonsumo?
A. kakaunti ang suplay C. mataas ang presyo
B. marami ang suplay D. mababa ang presyo
20. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na makapagsimula ng negosyo
sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
A. entrepreneurship B. kapital. C. lupa D. paggawa
21. Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa
ng mga gawain at ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan.
A. Oligopolyo C. Market Economy
B. Monopolyo D. Command Economy
22. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-
alang sa paggawa ng desisyon?
A. hilig at kagustuhan C. paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. dinadaluhang okasyon D. opportunity cost sa pagdedesisyon
23. Bakit kailangan pag-aralan ang paglalaan ng pinagkukunang-yaman
para sa mga pangangailangan?
A. Sapagkat ang pangangailangan ay bahagi ng buhay ng mga tao.
B. Ang pinagkukunang-yaman ng tao ay sapat sa lahat ng
kagustuhan.
C. Ito ang pinagkukunang-yaman ng tao ay sapat sa lahat ng
pangangailangan
D. Dahil ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan
samantalang limitado ang pinagkukunang-yaman.
24. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para
maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang
lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang
“tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling
katanungang pang-ekonomiko?
A. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
B. Paano gawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
D. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
25. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay:
A. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
B. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
C. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kaunting
pangangailangan at hilig-pantao.
D. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at maraming
mga pangangailangan at hilig-pantao.
26. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao n nakaka-
impluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
C. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng
kakapusan.
27. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Makatutulong ito sa pag-unlad ng sarili.
B. Isa sa mga asignatura sa pagkuha ng kurso.
C. Ito ay makatutulong upang makapasa sa baitang.
D. Dahil ito ay makakatulong sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon
28. Kung ang pamilya ay humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya,
mas magiging ang pagdedesisyon kung sinusunod ang mga hakbang sa
matalinong pagpapasya. Bilang miyembro ng inyong pamilya, paano mo
mailalarawan ang matalinong pagpapasya?
A. Bigyang damdamin ang mga suliranin
B. Pagsunod sa payo ng mga kamag-anak
C. Pagbasa ng mga datos at impormasyon
D. Nagpapakita ng produktibo at makatotohanan
29. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. Mas mapalawig nito ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Makamit nito ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
C. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano
episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
D. Matugunan dito ang walang katapusang kagustuhan at ito lamang
ang iniisip ng tao sa kabila ng kahirapan na nararanasan sa ating
bansa.
30. Ang isang entreprenyur ay itinuturing bilang “Kapitan ng Negosyo”.
Ang sumusunod ay katangian ng entreprenyur maliban sa isa. Ano ito?
A. maging malikhain
B. puno ng inobasyon
C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
D. handang makikipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
31. Naaprubahan ang papeles ni Zoe sa kanyang pinagtatrabahuhan
kung kaya’t nadagdagan ng halagang limang libo ang kanyang sahod.
Naisipan niyang bumili ng mga branded na damit para sa kanyang sarili.
Alin sa mga sumusunod ang mga salik na nakakaapekto sa kanyang
pagkonsumo?
A. Kita C. Demonstration effect
B. Pagkakautang D. Pagbabago ng Presyo
32. Iniidolo ni Lucas ang artistang si Daniel Padilla. Lahat ng produktong
iniendorso ng nasabing artista ay binibili at tinatangkilik ni Lucas.
Ginagaya rin niya ang pananamit at postura ng kanyang idolo gamit ang
mga produktong kanyang tinatangkilik. Ang katangiang ito ni Lucas bilang
mamimili ay sumasalamin sa epekto ng aling salik ng pagkonsumo?
A. Kita C. Demonstration effect
B. Pagkakautang D. Pagbabago ng Presyo
33. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.
A. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo
B. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi
wastong pagkonsumo
C. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating
kapakanan
D. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-
alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng
pamahalaan
34. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit
naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang
dapat ipaglaban dito?
A. Karapatang Pumili
B. Karapatang Dinggin
C. Karapatan sa kaligtasan
D. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
35. Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa karapatang
mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya na patalastas, mga
etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain?
A. Karapatang Pumili C. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatang Dinggin D. Karapatan sa Patalastasan
36. Ang trade-off ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay samantalang ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o
ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
Ano ang dahilan kung bakit may trade-off at opportunity cost?
A. upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
B. kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
C. umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
D. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
37. Ang bawat pamilya ay humaharap sa matinding pagtaas ng presyo ng
bilihin sa pamilihan. Bilang miyembro ng pamilya Santos, ano ang
gagawin mo sa personal na antas upang maiwasan ang suliraning
kinakaharap ng iyong pamilya?
A. Gumawa ng estadistika ng mga gastusin sa paaralan.
B. Maglista ng mga haka-haka na makakatulong sa pag-unawa ng
suliranin.
C. Gumawa ng badyet na naglalayong maging produktibo, at
makatotohanan
D. Sundin ang mga hakbang na batayan ng isang matalinong
pagpapasya sa pamimili ng kagustuhan.
38. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang
ekonomiks?
A. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang
kalakaran sa ekonomiya.
B. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa
paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-
unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan
at paghahanap-buhay sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong
pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
39. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi sa pangkat
kung ikaw ay kabilang sa isang pamayanang mayroong tradisyunal na
sistema ng ekonomiya?
A. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay na pakinabang sa
mga pinagkukunang-yaman.
B. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol
pa rin sa ibang mga gawain.
C. Malaya kang makakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes
nang hindi pinapakialaman ng pamahalaan.
D. Wala, sapagkat ang iyong tungkulin sa ekonomiya ay nagmula sa
utos ng pamahalaan batay sa isang central planning agency.
40. Ang lakas-paggawa ay itinuturing na mahalagang salik ng
produksiyon. Paano ito mapatunayan?
A. Pinagbabasehan dito ang dami ng oras para sa upa na ibabayad
sa lupa.
B. Nakasalalay dito ang sahod na maaaring ibigay sa kapital para
makabuo ng isang produkto.
C. Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagproseso
para makalikha ng produkto.
D. Walang silbi kung hindi ginagawa ng entreprenyur ang kanyang
mga tungkulin sa negosyo.
41. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng
mamimili?
A. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga
tindahan
B. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o
Negosyo
C. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga
panganib sapagkonsumo
D. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga
negosyanteng lumalabagsa patakaran ng pagkonsumo
42. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa Red
Tide. Bilang isang responsableng mamimili, ano ang dapat mong gawin?
A. Ipag-walang bahala ang balita sa telebisyon.
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan.
C. Ipagkalat sa Social Media and balita na bilhin ang tahong.
D. Hikiayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng
tahong.
43. Nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng pagkonsumo. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita nito?
I. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
II. Hindi na makakabili ang mga tao sa pamilihan.
III. Nagsasara ang mga malalaking tindahan.
IV. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan.
A. I, II, III C. I, III, IV
B. I, II, IV D. II, III, IV
44. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi
maubusan sa pamilihan.
B. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan
ang pagkakaroon ng sale.
C. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa
mamimili na pasok sa badyet.
D. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang
ng produktong binibili.
45. Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang araw-araw na
pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ngpagkonsumo.
B. Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang
pagkonsumo.
C. Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay
tulong sa mga tao
D. Ang kita sa bawat salik ng produksiyon ay ginagamit sa pagbili ng
produkto o serbisyo.

II. PAGGAWA NG SANAYSAY (5 pts.)


46-50. Bilang isang mag-aaral, ano sa tingin mo ang kahalagahan ng
pagtatanggol ng mga karapatan at pagganap ng mga tungkulin bilang
isang mamimili?

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
5 Ang mga ideya ay lubusang ipinaliwanag, lubos na
magkakaugnay na pagsulat, halos walang mga pagkakamaling
gramatika.
4 Ang mga ideya ay ipinaliwanag, magkakaugnay na pagsulat at
may kaunting pagkakamaling gramatika.
3 Ang mga ideya ay bahagyang ipinaliwanag, hindi gaanong
magkaugnay na pagsulat at may ilang mga pagkakamaling
gramatika.
2 Ang mga ideya ay hindi maayos na ipinaliwanag, hindi
magkakaugnay na pagsulat at maraming mga pagkakamaling
gramatika.
0 Walang naisulat na sanaysay.

Inihanda ni:
DONNA MAE A. CORPUZ
Teacher II

Sinuri ni:

MARICEL S. BADUA
Teacher I

Ninotahan ni:

JOFFREY P. DELA CRUZ


School Principal I

You might also like