You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)

QUARTER EXAM IN ARAL PAN 8

Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel bago ang numero. No erasures!

1. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa
ng pamilihan.
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy
2. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.” ni
John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
3. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
4. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pangekonomiko. Alin sa sumusunod ang
kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
5. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuser
6. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser
7. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
8. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy.
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon b. Kaarawan c. Kalamidad d. Palabas sa telebisyon
10. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng demonstration effect?
a. Billboards b. Internet c. Pahayagan d. Radyo
11. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
12. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?
a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b. Lumalaki ang ipon sa bangko
c. Walang utang na kailangang bayaran
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
13. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso c. Binibili ang mga napapanahong gamit
b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

14. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


a. kakaunti ang suplay b. marami ang suplay c. mataas ang presyo d. mababa ang presyo
15. Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain?
a. Karapatang Dinggin c. Karapatan sa Patalastasan
b. Karapatan sa Kaligtasan d. Karapatang Pumili
16. Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
a. Kamalayang Kapaligiran b. Mapanuring Kamalayan c. Pagkilos d. Pagkakaisa
17. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging makatwiran?
a. Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo
b. Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan
c. Marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng
produktong dating binibili
d. Sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalakal nito
18. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?
a. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo
b. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo
c. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan
d. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo
19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at
kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit?
a. Kamalayan sa Kapaligiran c. Mapanuring Kamalayan
b. May Alternatibo o Pamalit d. Pagmamalasakit na Panlipunan
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan?
a. Department of Labor and Employment
b. Department of Trade and Industry
c. Energy Regulatory Commission
21. d. Securities and Exchange CommissionIsang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks B. Sosyolihiya C. Kasaysayan D. Heograpiya
22. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at
gaano karami ang gagawin.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
23. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon
na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano
ang tawag dito?
A. Opportunity Cost B. Marginal Thinking C. Incentives D. Trade-Off
24. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opportunity Cost
25. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kamalayang Panlipunan D. Kamalayan sa Kapaligiran
26. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa araw-araw.
27. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang siya sa
maari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
28. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba may
pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
29. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras na
iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
30. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang
sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off

31. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman
32. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya.
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa
iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
d. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay
sa araw-araw.
33. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
b. patayuan ng mga imprastraktura d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
34. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon?
a. interes b. kita c. pera d. regal
35. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
b. pagtayo ng mga d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
36. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya
MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
b. maging malikhain d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
37. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon
38. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
39. Paano mo mapapatunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
a. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo
40. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
a. interes b. sahod c. subsidy d. tubo o profit
41. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip
kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue
collar job” ay________________.
a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
d. nagtatrabaho sa malalaking kompanya
42. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. enterprise b. kapital c. lupa d. paggawa
43. Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng
produksyon?
a. bahay-kalakal b. industriya c. pamahalaan d. sambahayan
44. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
b. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at
serbisyo.
c. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil ditto masasabing mas
mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

You might also like