You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MID-YEAR GENERAL ASSESSMENT OF PROFICIENCY IN ARALING
PANLIPUNAN 9
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng
tao sa kaniyang _________ na pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kaniyang
_________ pangangailangan.
A. limitado; may hangganan C. sapat; may hangganan B. limitado; walang hanggang
2. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangang pag- aralan
ang ekonomiks?
A. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
C. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa
lipunan.
3. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa pakinabang na tinalikdan mo sa iyong pagpili.
Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na opportunity cost kung pinili mong kumain ng
gulay kaysa processed food?
A. sustansiya ng gulay
B. murang presyo ng gulay
C. kasiyahang dulot ng pagkain ng processed food
4. Nakakaapekto ang paglaki ng populasyon sa pagtindi ng suliranin sa kakapusan. Ito ay
dahil _______________.
A. kakaunti ang nakakapagtrabaho
B. dumarami ang mga batang nag-aaral
D. dumarami ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
5. Si Gng. Dina ay isang negosyante. Itinago niya ang kaniyang mga panindang uling kung
kaya’t tumaas ang presyo ng uling sa pamilihan. Dahil sa pagtaas ng presyo ng uling ay
muli na niyang ibinenta ang kaniyang produkto. Anong tawag sa ginawa ni Gng. Dina?
A. hoarding C. kakulangan B. kakapusan D. panic buying
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng KATOTO- HANAN?
A. Ang kakapusan ay panandalian lamang.
C. Lahat tayo ay nahaharap sa pagpili at pagdedesisyon.
D. Ang kakapusan ay nararanasan lamang ng iilang mahihirap.
7. Ang mga sumusunod na mga sitwasyon ay nagpapatunay sa kahalagahan ng pag-aaral
ng ekonomiks, MALIBAN sa.
A. Inireklamo ni Tuding ang isang tindera sa palengke dahil sa pandarayang ginagawa nito
sa timbangan.
B. Si Atoy ay bumili ng itim na sapatos na gawa sa Marikina sa halip na sapatos na
imitasyon na may sikat na tatak.
D. Pagkatapos ng klase, si Liza ay umuuwi agad sa bahay upang matulungan ang kanyang
ina na magbenta sa kanilang maliit na tindahan.
8. Nasalanta ng habagat ang inyong pamayanan na nagdulot upang maging limitado ang
mga produktong maibebenta sa inyong pampublikong pamilihan. Magiging epekto nito ang
pagkakaroon ng ________.
A. pagkakaisa C. bigayan sa produkto B. agawan sa produkto D. kompetisyon sa pamilihan
9. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang
paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. command economy C. mixed economy
B. market economy D. traditional economy
10. Sa ilalim ng command economy, kaninong kamay nakasalalay ang mga pagpapasya
kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain? A. konsyumer C. pamilihan
B. pamahalaan D. prodyuser
11. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa paglutas sa
suliranin ng kakapusan sa lipunan?
A. Magtipid ng pera. B. Mag-aral ng mabuti.
C. Pahalagahan ang oras. D. Gamitin ng wasto ang mga gamit.
12. Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng
mga salik upang makabuo ng output.
A. alokasyon C. pagkonsumo
B. distribusyon D. produksyon
13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng
produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay? A. Ang produksyon ay lumilikha ng
trabaho
B. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-
araw-araw.
C. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambayanan sa
pagbili ng produkto at serbisyo.
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, dahil
dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.

14. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa itaas ukol sa produksyon? A. Magaganap


lamang ang produksyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin dito.
B. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas paggawa kaysa sa
mga makinarya.
C. Ang produksyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa,
lakas-paggawa, kapital, at entreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
D. Ang produksyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at
serbisyo upang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at kakayahan ng
entreprenyur.
15. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan?
A. alokasyon C. pagkonsumo
B. distribusyon D. produksyon
16. Kailan masasabi na tama ang ginagawang pagkonsumo ng produkto at serbisyo? A.
kapag nabibigyan ng kasiyahan ang sarili
B. kapag napadali ng produktong nabili ang dating mahirap na gawain C. kapag nakuha
ang inaaasahang pakinabang mula sa produkto at serbisyo
D.kapag maganda ang halaga o abot-kaya ang binibiling produkto at serbisyo
17. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan ng
kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan. B.
Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan.
C. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kaysa sa dami ng kanyang mga
pangangailangan.
D. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo sa kanyang
mga pangangailangan at kagustuhan.
18. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng tao. Bilang
isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang? A. Dapat may sapat na halaga ng
pera bilang pambayad ng utang. B. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili
ng pangangailangan. C. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa
pagkakautang.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong pinansyal.
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa nilalaman ng batas na Consumer Act of
the Philippines?
A. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinanaing ng mga mamimili. B. Kaligtasan at
proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.
C. Pagkakataong mabigyan ng mababang presyo sa lahat ng produkto sa lahat ng
pagkakataon.
D. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya.
20. Si Mica ay nagdrive-thru sa isang sikat na fast food restaurant. Sa kaniyang pag- uwi ay
nakita niya na kulang ang ibinigay sa kaniya na burger. Siya ay agad na nagreklamo sa
customer service nito at dali-dali ay nagpadala ang nasabing fast
food restaurant ng kanilang kinatawan sa tahanan ni Mica na may dalang pagkain. Anong
karapatan ang naibigay kay Mica?
A. karapatang pumili B. karapatang dinggin C. karapatan sa kaligtasan
D. karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
21. Ano ang demand?
A. Dami ng produktong gustong bilhin ng mamimili.
C. Dami ng produktong kayang bilhin sa anumang presyo.
D. Dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa isang takdang presyo.
22. Ang graph sa baba ay nagpapakita ng ugnayan ng preyo at ng demand. Kung ang Y-
axis ang presyo ng produkto at ang X-axis ang dami ng produkto na maaaring mabili, alin
sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapali- wanag nito?

A. Maraming mabibili ang mga mamimili kapag mataas ang presyo.


B. Kaunti ang mabibili ng mga mamimili kapag mataas ang presyo.
C. Habang bumaba ang presyo ng produkto tumataas ang demand ng mga mamimili.
D. Habang tumataas ang presyo ng produkto tumataas ang demand ng mga mamimili.
23. Kuhanin ang halaga ng elastisidad at sabihin kung anong uri ng elastisidad ng demand
ito. Gamitin ang sumusunod na mga datos.
Q1 = 200 P1 = 50
Q2 = 100 P2 = 80
A. 1.45 ; di-elastik C. 0.45 ; di-elastik B. -1.45 ; elastik D. 0.45 ; elastik
24. Ano ang suplay?
A. Dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilihin ng mga mamimili sa isang
takdang lugar.
B. Dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilihin ng mga negosyante sa isang
takdang presyo.
C. Dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang ipagbili ng mga mamimili sa isang
takdang presyo.
D. Dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang ipagbili ng mga negosyante sa isang
takdang presyo.
25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng isang salik ng suplay? A.
Tumaas ang presyo ng asukal at harina kaya bumaba ang suplay ng tinapay sa mga
panaderya.
B. Nauso ang mga hikaw na gawa sa putik o clay kaya dumami ang bumibili nito sa
pamilihan.
C. Tumaas ang kita ng mga tao kaya marami ang namimili ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan.
D. Napabalitang may paparating na bagyo kaya maraming tao ang namili ng pagkain, tubig,
at flashlight.
26. Alin sa mga sumusunod na graph ang nagpapakita ng interaksyon ng demand at
suplay?

A. C.
27. Ito ang ibinigay na tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka kapag labis ang presyo
ng mga kagamitan para makapagtanim ng palay? Ano ang tawag sa binigay na tulong sa
mga magsasaka?
A. price ceiling C. price stabilizer b. price floor D. subsidy
28. Dahil sa bagyong Glenda, ipinatupad ng pamahalaan ang price freeze sa mga
pangunahing bilihin. Dahil dito, ano ang ipinagbabawal?
A. pagbili ng mga pangunahing bilihin. B. pagluwas ng mga pangunahing bilihin.
C. pag-angkat ng mga pangunahing bilihin. D. pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin.
29. Bakit kailangag ipatupad ng pamahalaan ang minimum wage law o batas sa
pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa? Ito ay upang ________.
A. yumaman ang mga manggagawa B. dumami ang mga dayuhang namumuhunan
C. makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo.
D. suportahan ng mga manggagawa ang iindorso ng pangulo sa susunod na eleksyon.
30. Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang nasira. Ano kaya ang
maaaring ibunga nito?
A. Maghintay ng donasyon ng bigas mula sa dayuhang bansa. B. Mababawasan ang supply
ng bigas at tataas ang presyo nito. C. Kikita ng malaki ang mga magsasaka dahil tataas ang
presyo. D. Maraming biyaya ang darating dahil may badyet ang pamahaalaan na nakalaan.
31. Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect.
Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Anong salik ito na
nakakaapekto sa demand?
A. kita B. Panlasa C. dami ng mamimili D. presyo ng magkaugnay na produkto
32. Bilang pagtugon sa mga pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa demand,
kailangan nating maging matalino sa pagpapasya. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang HINDI kabilang sa matalinong pagpapasya?
A. Magpanic-buying sa panahaon ng kalamidad.
B. Magkaroon magandang plano sa maayos na paggastos.
C. Kapag may pagtaas sa kita, maging makatwiran sa paggasta.
D. Humanap ng mapagpipiliang produkto na may mababang
presyo sa iba’t ibang pamilihan.
33. Gamit ang supply function na Qs=0+5P, ilan ang dami ng kaya at handang ipagbiling
kendi ng prodyuser kung ang presyo nito ay 2 piso?
A. 2 piraso C. 7 piraso B. 5 piraso D.10 piraso
34. Ito ay isa sa mga salik na nagpapabago sa supply kung saan ang pagbabago ng presyo
ay nakakaapekto sa quantity supplied ng ibang mga produktong kaugnay nito. Ito ay
tumutukoy sa pagbabago sa __________________.
A. teknolohiya B. bilang ng mga nagtitinda
C. presyo ng kaugnay na produkto D. halaga ng mga salik ng produksyon
35. Upang matugunan ang mga pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply, alin
kaya sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI makatutulong sa matali- nong pagpapasya
ng isang prodyuser?
A. Kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad sa negosyo.
B. Kailangang isaalaang-alang ng prodyuser sa lahat ng oras at pagkakataon ang kanyang
pansariling interes.
C. Dapat ay maging handa ang prodyuser sa anumang inaasahang balakid tulad ng natural
na kalamidad at krisis sa ekonomiya.
D. Dapat ay isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng nakararami lalo na ng mga
konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo.
36. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapaliwanag kung paano nakaka- apekto
ang income o kita ng isang konsyumer sa pamilihan MALIBAN sa.
A. Dumadami ang kayang bilhin ng konsyumer kapag maliit ang kanyang kita
B. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng produkto kapag nagmahal ang presyo
nito.
C. Kapag bumaba ang kita ng isang tao ay maghahanap ang mamimili ng mas murang
mga produkto.
D. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ay mangungutang ang mga mamili upang
makabili pa rin sa kabila ng pagtaas ng presyo.
37. Masasabi natin na ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kung________. A.
homogenous o maraming magkakatulad na produkto ang matatagpuan sa pamilihan.
B. walang anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihan.
C. mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
D. ang mga produkto ay walang kauri kaya nakokontrol ng prodyuser ang presyo at ang
dami ng supply.
38. Alin sa mga sumusunod na istruktura ng pamilihang may di-ganap na kompetisyon
ang hindi maaring magtakda ng dami ng suplay? A. Monopolistikong Kompetisyon C.
Monopsonyo
B. Monopolyo D. Oligopolyo
39. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng kahulugan ng
pamilihan?
A. Sa pamilihan ginagawa o pinoproseso ang mga produkto.
B. Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa o pandaigdigan ang lawak.
C. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito
karami.
D. Ito ay ang lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa kanyang mga
pangangailangan at kagustuhan.
40. Mahalaga ba ang papel ng pamahalaan sa pamilihan?
A. Hindi. Dahil hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa pamilihan. B. Hindi. Dahil
kayang-kaya pamahalaan ng prodyuser at konsyumer ang mga kaganapan sa pamilihan.
C. Mahalaga. Dahil ang pamahalaan ang magtatakda ng presyo sa lahat ng mga produkto
at serbisyong kailangan ng mga mamamayan.
D. Mahalaga. Dahil tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng proteksyon ang mga
mamimili laban sa mataas na presyo dulot ng hoarding at profiteering

You might also like