You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit

ARALING PANLIPUNAN 9
Pangalan: ______________________________________ Marka _____________________
Baitang/Seksyon: ________________________________ Petsa: _____________________
I. PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot. (1 puntos)
1. Paggamit ng mga kilalang personalidad gaya ng mga artista o blogger sa pag-endorso ng smartphone.
A. Scary B. Brand C. Bandwagon D. Testimonials
2. Agad na pagkonsidera sa pangalan ng produkto dahil ito ay kilala ngnakakaraming tao.
A. Scary B. Brand C. Bandwagon D. Testimonials
3. Ang gamot na pampapayat na kung saan ay tinutkoy nito na kung hindi kabibili nito ay maari mo itong
pagsisihan.
A. Scary B. Brand C. Bandwagon D. Testimonials
4. Kapag nakita natin ang isang kaibigan na gumagamit ng isang produkto, hinahangad natin na makagamit
din nito.
A. Kita B. Okasyon C. Presyo D. Panggagaya (Imitation)
5. Ito ang unang inaalam ng tao kung gustong bilhin ang mga produkto at serbisyo.
A. Kita B. Okasyon C. Presyo D. Panggagaya (Imitation)
6. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, aktibo,mapagmasid at handang labanan ang mga maling
gawain ng mga negosyante at nagtitinda.
A. Mapanuri B. Makatuwiran C. May alternatibo D. Hindi nagpapaday
7. Bumibili ang mamimili ng ayon sa kanyang kakayahan, kaya gustong gusto nila ang pagkakaroon ng mga
sale, buy-onetake- one promo at hanggang maari iniiwasan ng mamimili ang mangutang upang ipambili ng
mga produktong hindi kailangan.
A. Mapanuri C. Hindi nagpapanic buying.
B. Sumusunod sa budget D. Hindi nagpapadala sa anunsiyo.
8. Bago bilhin ang isang produkto, maityagang sinusuri lahat ng bahagi ng produktong pinag- aaralan ang
sangkap, puwesto, timbang at expiration date-ang panahon kung hanggang kailan puwedeng ikonsumo ang
produkto.
A. Mapanuri C. Hindi nagpapadala sa anunsiyo.
B. Sumusunod sa budget D. Hindi nagpapanic buying.
9. Ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng produkto ang isinasaalang-
alang
at hindi ang pag-aanunsiyo ng produkto, kung saan kilalang tao ang ginagamit sa pag endorse.
A. Mapanuri C. Hindi nagpapadala sa anunsiyo.
B. Sumusunod sa budget D. Hindi nagpapanic buying.
10. Ang matalinong mamimili ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa
pamilihan.
A. Mapanuri C. Hindi nagpapadala sa anunsiyo.
B. Sumusunod sa budget D. Hindi nagpapanic buying.
11. Tanggapan ng reklamo laban sa mga nagbebenta ng mga prutas at gulay na kontaminado ng nakalalasong
kemikal.
A. Department of Education C. Department of Trade and Industry
B. Department of Agriculture D. Department of Health
12. Tanggapan ng mga reklamo sa mga katiwalian at pang-aabuso ng mga negosyante.
A. Department of Education C. Department of Trade and Industry
B. Department of Agriculture D. Department of Health
13. Sumbungan ng depektibong tanke ng gas o Liquefied Petroleum Gas (LPG), mataas na presyo ng
gasolina, mga pang-aabuso ng gas dealers at patungkol sa serbisyo ng kuryente.
A. Department of Education C. Department of Trade and Industry
B. Department of Agriculture D. Department of Energy
14 Alin ang HINDI kabilang sa nilalayon ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of The Philippines?
A. Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili.
B. Edukasyon at impormasyon ng konsyumerismo.
C. Pagdinig ng Barangay Council sa reklamo ng mamimili.
D. Paglahok ng kinatawan ng mga konsyumer sa pagbuo ng mga patakaran.
15. Sa paanong pamamaraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon bilang isang
mamimili?
A. Pagpuna sa maling timbangan ng nagtitinda.
B. Pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
C. Pag-aaral sa nakatatak at etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
D. Pagtangkilik sa mga “buy 1 take 1” na pagaanunsiyo.
16. Ang sumusunod ay pawang mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng demand, alin ang hindi kabilang
sa pangkat?
A. Kagustuhan C. Populasyon
B. Pagdami ng nagbibili D. Kita ng mamimili
17. Ang tsaa ay maaring maging kapalit ng kape na inumin na pampagising. Kapag mataas ang presyo ng
tsaa,
ano ang maaaring epekto nito sa produktong kape?
A. Bababa ang presyo ng kape at tataas ang demand nito.
B. Tataas and demand sa kape, at tataas ang presyo nito.
C. Bababa ang presyo ng kape at bababa ang demand dito.
D. Parehas na tataas ang presyo dahil magkakompetensiya.
18. Kapag tumaas ang presyo ng isda, ano ang iyong dapat gawin bilang isang matalinong mamimili?
A. Maghanap ng kahalili. C. Huwag kumain ng isda.
B. Bilhin pa rin ang isda. D. Dagdagan ang bibilhing isda.
19. Ito potential market ng isang bansa ang populasyon dahil sa pagdami ng tao ay nagpapahiwatig
ng pagdami ng bilang na mamimili na siyang nagtatakda ng demand.
A. Kita C. Populasyon
B. Panlasa D. Presyo ng Kapalit na Produkto
20. Ito ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo.
A. Kita C. Populasyon
B. Panlasa D. Presyo ng Kapalit na Produkto
21. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon
ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A. Tiangge B.Talipapa C. Pamilihan D. Department Store
22. Upang matugunan ang pangangailangan ng tao, binigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na
limikha ng produkto upang kumita. Anong konsepto ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa ibat ibang presyo?
A. Demand B. Supply C. Presyo D. Negosyo
23. Isang institusyon na maaaring mangialam sa pagtatakda ng presyo ng mga bilihin upang maging
balanse ang takbo ng ekonomiya.
A. Pamahalaan C. Trade and Industry
B. Department of Agriculture D. Department of Health
24. Nagaganap ang pangyayari na ito kapag sobra ang produkto sa pamilihan.
A. Presyo B. Kakulangan C. Kalabisan D. Ekwilibriyo
25. Kaganapan na kung saan hindi kayang mapunan ang demand o ang dami ng
planong pagkonsumo ng tao.
A. Presyo B. Kakulangan C. Kalabisan D. Ekwilibriyo

II. PAGKIKILALA
Panuto: Basahin at sagutan ang mga hinihingi sa bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng inyong sagot sa
patlang bago ang bilang. (1 puntos bawat bilang)

A. Supply function B. Batas ng Supply C. Supply D. Pagbabago sa bilang ng mamimili


E. Inferior good. F. Pagbabago ng Panlasa G. Complimentary good H. Pagbabago sa Kita
I. Kurba ng demand J. Ceteris Paribus K. Demand L. Maykroekonomics
M. Klima N. Subsidy O. Pagbabago sa Teknolohiya P. Pagbabago sa Presyo

____1. Ito ay sangay ng ekonomiks na sumusuri sa galaw at pag-uugali ng mga mamimili at bahay kalakal
upang maunawaan ang proseso ng pagbuo ng desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan.
____2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng mamimili sa isang
takdang panahon, lugar at presyo.
____3. Ito ay salitang Latin na nangangahulugang “ang ibang pang bagay ay hindi nagbabago”.
____4. Ito ay nabubuo kapag pinagdugtong ang mga punto mula A hanggang E.
____5. Ito ang pangkaraniwang epekto ng pagtaas ng kita sa demand para sa maraming produkto.
____6 Ito ay tinatawag na ___ na kung saan ang dalawang produkto ay ginagamit nang sabay.
____7. Ito ay mahalagang salik din sa pagtaas ng demand para sa mga organikong pagkain.
____8. Ang mga kalakal naman sa kabila ng pagtaas ng kita ng sambahayan ay bumababa naman
ang demand para sa kanila.
____9. Ito ay ang pagbabago ng populasyon o estruktura at komposisyon nito ay maaari ding makaapekto
sa demand para sa iba’t ibang pangangailangan.
____10. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
ibat ibang presyo sa magkakaibang panahon..
____11. Kapag tumaas ang presyo ng produkto,tataas din ang dami ng supply at kapag bumaba naman ay
mababawasan din ang dami nito.
____12. Ito ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
____ 13. Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa dami ng supply ang pagkakaroon ng labis na tagtuyot o taglamig.
____ 14. Ang tulong pinansiyal na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga negosyante ay nagbubunsod ng
paglaki ng kanilang produksiyon dahil nakababawas ito sa gastusin ng isang prodyuser.
____15. Ito ay ang paggamit ng makabagong pamamaraan ng paggawa dahil napabibilis nito ang
proseso ng paglikha at pagtuklas na hahantong sa pagtaas ng supply.

III. SANAYSAY
A. Basahin at suriin ng mabuti ang inilalahad na sitwasyon at sagutan ang tanong.
(5 puntos bawat bilang)

1. Mayroon kayong pwesto ng gulayan sa palengke. Nabalitaan mo na mayroong darating na bagyo sa


inyong lugar at maaring tumaas ang presyo ng mga gulay sa mga susunod na araw. Ano ang gagawin
mo?
2. Sa kabila ng di-magandang nararanasan natin sa nakaraan dulot ng
pandemya, paano mo mapapatatag ang iyong negosyo?
3. Ipagpalagay natin na ikaw ay isang online seller. Iminungkahi ng mga
mambabatas na tataasan ang buwis patungkol sa shipping at service fee
ng produkto, paano mo haharapin ang ganitong pagbabago?

B. Basahin at suriin ng mabuti ang inilalahad na sitwasyon at sagutan ang tanong.


(5 puntos bawat bilang)

Sa panahon na nagaganap ang pandemya na Covid 19. Marami ang mga negosyo na lubhang
apektado nito. Sa ganitong sitwasyon ay may ilang negosyante ang nanamantala upang maging higit ang
kanilang kita.

4. Sa nabanggit na sitwasyon, dapat bang mabahala ang pamahalaan? bakit?


5. Sa tingin niyo, kailangan bang magdeklara ng PRICE FREEZE ang pamahalaan para maiwasan ang
mga negosyanteng nananamtala? Bakit?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

G. Roldan L. Lomuntad G. Jay M. Villahermosa


Subject Teacher JHS Academic Coordinator

Nirepasoi ni:

Gng. Merlita J. Rabino


School Principal

You might also like