You are on page 1of 5

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
R E H I Y O N XI
SA N G A Y N G L U N G S O D N G D A B A W
LUNGSOD NG DABAW
IKAL A WA NG MA R KA HA N
KAB U U A NG PA GS U S U R I S A AR AL ING PA NL IP U NA N 9
SY 2021-2022

Pangalan : ____________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat aytem. Piliin ang titik na kumakatawan sa inyong
sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

____ 1. Anong pahayag ang nagsasaad ng batas ng demand?


A. Maaari lamang tumaas ang quantity demanded ng isang produkto kung ito ay naaayon sa iyong panlasa.
B. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto tataas din ang quantity demanded nito.
C. Mayroong positibong relasyon ang presyo at quantity demanded ng isang produkto.
D. Magkasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ng isang produkto.

____ 2. Sa sumusunod na mga konsepto, alin ang nangangahulugang walang ibang salik o dahilan ang
maaaring makapagpabago o makakaapekto sa dami ng demand maliban sa presyo?
A. substitution effect C. income effect
B. ceteris paribus D. bandwagon effect

____ 3. Alin ang naglalarawan sa demand schedule gamit ang grapikong presentasyon upang makita ang
ugnayan ng presyo ng produkto at ng quantity demanded nito?
A. Batas ng Demand C. Iskedyul ng Demand
B. Kurba ng Demand D. Grap ng Demand
____ 4. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng demand?
A. Dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t- ibang presyo
B. Kakayahan ng mamimili na mabili ang kanyang pangangailangan
C. Kapalit na produkto sa panahon na mataas ang presyo
D. Dami ng produkto na handang ipagbili ng prodyuser

____ 5. Si Mang Kanor ay bumili ng bigas na doble ang dami sa karaniwang binibili noon dahil sa unti-
unting paglawak ng COVID- 19 Pandemic sa maraming lugar sa bansa. Anong salik ang nakaaapekto
sa kanyang demand?
A. inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap C. dami ng mamimili
B. presyo ng magkaugnay na produkto D. panlasa

____ 6. Ang tunay na konsepto ng demand ay ipinahihiwatig ng alin sa mga pahayag?


A. Bumibili ang mga mamimili ng mga produkto ayon sa patalastas na napapanood sa telebisyon.
B. Likas sa mga mamimili na bumili ng mga produkto na rekomendado ng kanilang mga kaibigan.
C. Tinatangkilik ng mga konsyumer ang mga produkto na mula sa iba’t- ibang bansa dahil sa kalidad nito.
D. Ang mga konsyumer ay naghahanap ng pamalit o kahalili ng produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng
nakasanayan nilang produkto.
____ 7. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng supply schedule?
A. Kapag mababa ang presyo, tumataas ang suplay ng produkto.
B. Tumataas ang presyo, kapag bumaba ang suplay ng produkto.
C. Kapag tumaas ang presyo ng produkto, tumataas din ang kayang isuplay ng mga prodyuser.
D. Kapag ang suplay na kayang iprodyus ng prodyuser ay bumaba, tumataas ang presyo ng produkto.

____ 8. Anong konsepto ang inilalarawan gamit ang isang grapikong presentasyon kung saan ipinakikita
ang direktang ugnayan ng presyo ng produkto at quantity supplied?
A. Grap ng Supply C. Batas ng Supply
B. Kurba ng Supply D. Iskedyul ng Supply
____ 9. Ang presyo ng kalakal at dami ng supply ay may positive relationship dahil kapag mababa ang
presyo, mababa ang supply at kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply. Aling konsepto
ang nagpapahayag nito?
A. Grap ng Supply C. Batas ng Supply
B. Kurba ng Supply D. Iskedyul ng Supply

____ 10. Naging patok ang pagbebenta ng facemask sa Barangay Calinan dahil sa Covid-19 kaya nahikayat
si Lenie na magbenta ng facemask sa kanilang lugar. Alin sa sumusunod na mga salik ang
nakakaapekto sa supply?
A. panahon C. paggamit ng teknolohiya
B. dami ng nagtitinda D. presyo ng ibang produkto

____ 11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng supply?
A. teknolohiya C. buwis at subsidy
B. panahon at klima D. mababang produksyon ng produkto

____ 12. Nang idineklara ng pamahalaan ang ECQ sa Maynila dahil sa Covid-19, isa ang tindahan ng sapatos
ni Aling Nena sa mga nagsara. Sa sitwasyong ito, saang direksyon lilipat ang kurba ng supply?
A. Pataas C. Pakaliwa
B. Pababa D. Pakanan

____ 13. Kailan masasabing nagkaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?


A. Kapag labis ang supply ng produkto at mababa ang demand nito
B. Kapag mababa ang supply ng produkto at mataas ang demand nito
C. Kapag magkapareho ang quantity demanded at quantity supplied
D. Kapag ang presyo ay manatiling matatag

____ 14. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mataas ang presyo ng facemask noong nakapasok sa bansa
ang pandemyang Covid-19?
A. Tumaas ang demand ng mga konsyumer sa facemask kaya lumipat ang kurba ng demand sa kanan na
nagreresulta sa pagtaas ng presyo
B. Nagkasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo
C. Magkasing dami ang supply at demand nito sa pamilihan
D. Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser

____ 15. Alin sa mga sitwasyon ang naranasan ng mga nagtitinda ng school shoes sa panahon ng
pandemya?
A. Shortage ng produkto C. ekwilibriyong presyo
B. Surplus ng produkto D. hoarding ng produkto

____ 16. Ang Covid-19 vaccine ay binili ng pamahalaan mula sa ibang bansa sa mataas na presyo upang
ibigay nang libre sa mga mamamayan. Bakit kaya mahal o mataas ang presyo ng vaccine?
A. Napakataas ng demand habang kakaunti lamang ang supply nito sa buong mundo
B. Labis ang supply nito kaya nagdudulot ng pagtaas ng presyo
C. Nawawalan ng gana ang mga doktor na magprodyus ng bakuna
D. Mahal ang mga produktong galing sa ibang bansa

____ 17. Ano ang kalagayang ipinahihiwatig sa sitwasyon kapag ang konsyumer ay nais bumili ng 100
gallons ng alkohol ngunit 93 gallons lamang ang natitirang supply nito sa Farmacia Sheila?
A. May nagaganap na shortage ng supply ng alkohol
B. Nagkaroon ng surplus sa produktong alkohol
C. May ekwilibriyo sa pamilihan
D. Nagkasundo ang konsyumer at prodyuser

-2-
____ 18. Alin sa mga nabanggit ang nararapat gawin ng iyong pamilya kapag nagkaroon ng kakulangan sa
budget sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan?
A. Manghiram ng bigas sa kapitbahay
B. Mangutang sa tindahan
C. Mag-loan sa bangko
D. Matutong pagtipid

____ 19. Alin sa sumusunod na pangungusap ang mainam na naglalarawan sa isang pamilihan?
A. Sa pamilihan nagaganap ang sale sa mga mall.
B. Ang pamilihan ay ang lugar kung saan mayroong maraming tao.
C. Ito ay isang mekanismo kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mamimili at nagtitinda
upang bumili at magbenta ng mga produkto at serbisyo
D. Sa pamilihan nagaganap ang paghahanap ng isang mamimili ng kanyang mga
pangangailangan at kagustuhan.

____ 20. Ang sumusunod ay katangian ng pamilihan na may ganap na kompetisyon MALIBAN sa
isa.
A. Maraming konsyumer at prodyuser
B. Ang produkto at serbisyo na ipinagbibili ay magkakatulad o homogeneous.
C. May kalayaan ang sinuman na may kapasidad na pumasok at magnegosyo.
D. May kakayahan ang mamimili na kontrolin ang presyo ng mga produkto at serbisyo.

____ 21. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser
ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano
nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser
B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na lumikha ng produkto
D. sumisigla ang kompetisyon na magdudulot ng pagbaba ng presyo

____ 22. Sa aling istruktura ng pamilihan nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa
pamamagitan ng packaging, advertisement, at flavour o variance ng mga produkto upang
makaakit ng mga mamimili?
A. monopolyo C. monopolistikong kompetisyon
B. monopsonyo D. oligopolyo

____ 23. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa eksklusibong karapatan na ipinagkaloob ng


pamahalaan upang maprotektahan ang mga imbentor at ang kanilang imbensyon?
A. Copyright C. Patent
B. Trademark D. Hallmark

____ 24. Ito ay isa sa mga istruktura ng pamilihan na kung saan ang pamahalaan ang siyang nag-
iisang bumibili ng serbisyo ng mga pulis, sundalo, bumbero at iba pa at ang pamahalaan
din ang maaaring magtakda kung magkano ang pasahod sa serbisyong tatangkilikin.
A. monopolyo C. monopolistikong kompetisyon
B. monopsonyo D. oligopolyo

____ 25. Bakit sinasabing may kaugnayan ang pamahalaan at pamilihan?


A. Ang pamahalaan ay may tungkulin at pananagutan na magsilbi sa lahat ng mamamayan ayon sa
sinasaad ng ating Saligang Batas 1987, Artikulo1, seksyon 4.
B. Nararapat na tiyakin ng pamahalaan na maging ligtas ang lahat ng mamamayan.
C. Ang lahat ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay naglilingkod para sa bayan.
D. Nararapat na ibigay sa lahat ng mamamayan ang sapat na serbisyo.

-3-
____ 26. Ang pamahalaan ay papasok tuwing nakararanas ang lipunan ng market failure. Aling sitwasyon
ang HINDI maituturing na market failure?
A. Pagtaas ng bilang ng may trabaho
B. Polusyon ng kapaligiran
C. Overpricing
D. Monopolyo

____ 27. Kapag mapapanatili ng pamahalaan ang presyo ng mga kalakal sa pamilihan, alin ang maiiwasang
mangyayari sa pamilihan?
A. Inflation
B. Deflation
C. Economic Boom
D. Economic Recession

____ 28. Gaano kahalaga ang ugnayan ng pamahalaan at pamilihan?


A. Mabigyang pansin at matugunan ang mga problema sa loob ng pamilihan
B. Matugunan ang mga pangangailangan ng mga lahat ng mamamayan
C. Pawang mabigyang proteksyon ang mamimili at negosyante
D. Lahat ay tama.

____ 29. Makatarungan ba ang pakikialam ng pamahalaan sa mga gawaing pampamilihan?


A. Oo, dahil mapanatili nito ang kaayusan at kaunlaran sa tuwing may kakulangan ng sistema ang
pamilihan.
B. Oo, dahil maging madali pa rin ang buhay ng tao sa tuwing may pandemya.
C. Hindi, dahil may sistema na sinusunod ang mga gumaganap sa pamilihan.
D. Hindi, dahil magkakagulo ang mga tao sa pamilihan

____ 30. Sa iyong palagay, sapat ba ang ginagawang hakbang ng pamahalaan na ipairal ang price freeze
tuwing may krisis na hinaharap ang bansa?

A. Oo, sapagkat maiwasan ang inflation.


B. Oo, sapagkat mura pa rin ang presyo ng mga kalakal.
C. Oo,sapagkat makakain pa rin ang mga karaniwang Pilipino kahit may pandemya.
D. Oo,sapagkat pangunahing tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang mga mamimili laban sa
mapagsamantalang mga negosyante.

-4-
ANSWER KEY

1. D
2. B
3. B
4. A
5. A
6. D
7. C
8. B
9. C
10. B
11. D
12. D
13. C
14. A
15. B
16. A
17. A
18. D
19. C
20. D
21. D
22. C
23. C
24. B
25. A
26. A
27. A
28. D
29. A
30. D

You might also like