You are on page 1of 4

GABAS INTEGRATED SCHOOL

SCHOOL YEAR 2023-2024


IKALAWANG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 9
(POST - TEST)

PANGALAN: ______________________________________________ SEKSYUN:___________ MARKA: ____________


PETSA: __________________________________________________ LAGDA NG MAGULANG: ___________________

I. PANUTO: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
______1. Sa batas ng demand, ano ang ipinapahiwatig ng “ceteris paribus”?
A. Ang ibang salik ay may tuwirang epekto sa presyo.
B. Ang ibang salik maliban sa presyo ay hindi nagbabago.
C. Ang ibang salik ay may di-tuwirang epekto sa presyo.
D. Ang salik at presyo ay nagbabago.
______2. Piliin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng demand.
A. Produkto at serbisyo na handa at nais bilhin sa iba’t ibang presyo.
B. Produkto at serbisyo na nais at handing ipagbili sa iba’t ibang presyo.
C. Talaan ng produkto at serbisyong bibilhin sa iba’t ibang presyo.
D. Talaan ng produkto at serbisyong ipagbibili sa iba’t ibang presyo.
______3. Alin sa sumusunod ang pinakatumpak na paliwanag ng graph sa ibaba?

A. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand.


B. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand.
C. Madaming mabibili kapag mataas ang presyo.
D. Kaunti ang mabibili kapag mababa ang presyo.
______4. Bilang isang mamimili, paano ka naaapektuhan ng negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas ang demand.
B. Kapag mataas ang presyo, mababa ang demand.
C. Kapag mababa ang presyo, mababa ang demand.
D. Kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa demand.
______5. Kapag tumaas ang presyo ng isda, ano ang iyong dapat gawin bilang isang matalinong mamimili?
A. maghanap ng kahalili
B. bilhin pa rin ang isda
C. huwag kumain ng isda
D. dagdagan ang bibilhing isda
______6. Ang tsaa ay maaring maging kapalit ng kape na inumin na pampagising. Kapag mataas ang presyo ng tsaa, ano
ang maaaring epekto nito sa produktong kape?
A. Bababa ang presyo ng kape at tataas ang demand nito.
B. Tataas and demand sa kape, at tataas ang presyo nito.
C. Bababa ang presyo ng kape at bababa ang demand dito.
D. Parehas na tataas ang presyo dahil magkakompetensiya.
______7. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang
gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser?
A. Produkto B. Goods C. Demand D. Supply
_____8. Mabenta sa kabataan ang mga merchandise items na may larawan ng kanilang mga Kpop Idols kaya karamihan
sa mga nagtitinda ay nagdesisyon ng pasukin ang ganitong negosyo. Sa sitwasyong nabanggit, ano ang
salik ng suplay na tinutukoy dito?
A. Panahon/Klima B. Teknolohiya C. Bilang ng Nagtitinda D. Ekspektasyon
_____9. Nitong nakaraan lamang ay naganap ang problema sa biglaang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at
apektado ang suplay nito sa pamilihan kasabay din ang pagbaba ng kita ng negosyo dahil sa nararansang
pandemiya. Ano ang mainam na mungkahi para sa negosyanteng nagtitinda nito?
A. Hindi muna magbebenta ng karne ng baboy, antayin na maresolba ang krisis ukol dito.
B. Patuloy pa rin sa pagbebenta ng karne ng baboy pero sa mas mababang presyo
C. Hintayin ang ayuda na ibibigay ng pamahalaan upang makadagdag sa puhunan ng pagbebenta ng
karne ng baboy
D. Hindi na muna magbebenta ng karne ng baboy sa halip ay maghahanap ng alternatibong ibebenta na
produkto pansamantala.
_______10. Sa interaksiyon ng demand at supply, ano ang tawag sa pinakasunduang presyo ng prodyuser at konsyumer?
A. Surplus C. Ceiling Price
B. Ekwilibriyong Presyo D. Shortage
_______11. Ano ang tawag sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa isang
partikular na produkto o serbisyo?
A. Demand Schedule C. Demand Function
B. Demand Curve D. Quantity Demanded
_______12. Ano ang tawag sa salik na nakakaapekto sa Demand kung ang dahilan ay sa dami ng bumibili sa isang
produkto?
A. Bandwagon B. Presyo C. Panlasa D. Kita
_______13. Kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied kaysa bahagdan ng pagbabago
ng presyo, ano ang isinasaad nito?
A. Ang supply ay inelastic C. Ang supply ay Unit Elastic
B. Ang supply ay Elastic D. wala sa nabanggit
_______14. Bilang isang konsyumer paano mo maipapakita ang matalinong pagpapasiya bilang pagtugon sa mga
pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand.
A. Kapag may pagtaas ng kita, bibilhin ang lahat ng bagay na gusto.
B. Kapag tumaas ang presyo ng produkto, humanap ng alternatibo o pamalit nito.
C. Bumili ng maraming produkto dahil bumaba ang presyo nito.
D. Magpanic buying sa panahon na may kakulangan ng produkto.
_______15. Paano mo ilalapat ang kahulugan ng supply batay sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral sa
pampublikong paaralan?
A. Pipiliin kong bilhin ang mga gamit na mas marami ang supply dahil mas mura ito.
B. Kung ano ang nauuso yon ang bibilhin ko para sosyal naman.
C. Bibili ako ng mga gamit ko ayon sa aking panlasa kahit mahal ito.
D. Ipaubaya ko na lang kay nanay ang pamimili.
_______16. Ano ang tawag sa estruktura ng pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante ay malayang pumasok at
maging bahagi ng industriya?
A. Ganap na kompetisyon C. Kontrolodang kompetisyon
B. Hindi-ganap na kompetisyon D. Monopolyo
_______17. Bakit ang labis na suplay ay mag-uudyok sa mga bahay-kalakal nababaan ang presyo ng produkto?
A. upang maingganyo ang mamimili na bumili ng kanilang produkto
B. upang maabot ang ekwilibriyong presyo
C. upang hindi masira ang produkto
D. upang magkaroon ng malaking tubo
_______18. Ang Equilibrium Price ay;
A. Qd < Qs B. Qd > Qs C. Qd = Qs D. Qd > P
_______19. Ano ang legal na protection na ipinagkaloob sa gumagawa at naglalathala ng mga aklat, computer
software, video, at komposisyong musical laban sa pangongopya ng iba?
A. publisher right C. Jounalism Act
B. copyright D. Publication right
_______20. Bakit tinatangkilik pa rin ang produkto ng monopolyo kahit mataas ang presyo nito?
A. kilala ang produkto C. maganda ang kalidad ng produkto
B. kailangan ng tao ang produkto D. walang kalaban sa negosyo

21-30 Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung anong interaksiyon ng demand at supply ang
isinasaad nito? Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. surplus B. shortage C. ekwilibriyo

_____21. Si Juan ay nagpunta ng hardware upang bumili ng sampung kilong semento ngunit dalawa lamang ang kanyang
nabili.
_____22. Nagkasundo si Pedro at Si Aling Sita na tindera ng isda sa halagang Php1000 para sa 10 kilong bangus.
_____23. Si Mang Ruben ay nakapag-ani ng 100 kilong mangga ngunit 50 kilo lamang ang kinuha ng kanyang parokyano.
_____24. Si Tina ay naglako ng yema sa kanilang barangay at naibenta nya lahat ito.
_____25. Nabulok ang mga panindang calamansi ni Anne dahil marami syang kakompetensya sa pagbebenta nito.
_____26. Si Cyrill at ang mga barkada niya ay nagnanais sanang pumunta sa concert ng Momoland ngunit sold out na
ang lahat ng ticket.
_____27. Ang panindang halo-halo ni Lea ay hindi naubos sa araw na ito dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.
_____28. Mayroonng 200 kilo ng baboy sa palengke at 200 kilo rin ang bumili nito.
_____29. Nangangailangan ng 150 upuan ang paaralan ng Jose Fabella Memorial School ngunit 130 lamang ang
natitirang supply ng Alex General Merchandise.
_____30. Saktong sakto ang nagawang nilupak ni Josefa sapagkat pinakyaw lahat ito ng kanyang kapitbahay na si Julio.
31-35 Panuto: Buohin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng angkop/wasto na salita sa kahon. Isulat
lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.

A. Prodyuser C. Konsyumer E. Pamilihan


B. Presyo D. Kapakanan F. Gastusin

Pangunahing layunin ng bawat (31) __________ ang kumita mula sa kanilang negosyo. Ang (32) _____________
ang siyang pangunahing batayan ng isang negosyante kung kailan niya nais magsuplay sa pamilihan. Samantalang ang
(33) __________ sa pagbili ng sangkap o hilaw na materyales ay isa ring batayan kung gaano karami ang malilikhang
produkto sa isang takdang panahon. Dapat ding isaalang-alang ng prodyuser ang (34) _____________ ng mga mamimili
sa paglikha ng produkto o serbisyo, upang parehas silang magtamo ng kasiyahan sa loob ng (35) _____________.

36-40. PANUTO: Isulat ang titik kung anong salik ang nakakaapekto sa demand ng sumusunod na pangungusap. Piliin
ang sagot sa kahon.

A. Panlasa D. Okasyon
B. Kita E. Ekspektasyon
C. Populasyon F. Presyo ng magkakaugnay na produkto

_____36. Kapag mataas ang presyo ng semento, bababa ang dami ng demand para sa buhangin at graba.
_____37. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga kasuotang koreano mula sa napapanood nilang mga
idolo na K-pop star.
_____38. Mataas ang demand sa mga bilog na prutas tuwing bagong taon dahil sa paniwalang may dala itong suwerte.
_____39. Dahil sa enhance community quarantine maraming tao ang hindi nakapagtrabaho at nawalan ng kita na
nagbigay daan sa pagbaba ng demand sa mga pangunahing produkto.
_____40. Tuwing buwan ng Pebrero tumataas ang demand sa bulaklak at tsokolate sa pagdiriwang ng Araw ng mga
Puso.

****************************************GOODLUCK*************************************************
ANSWER KEY

1.

You might also like