You are on page 1of 5

Governor Andres Pascual College

1045 M. Naval Street, San Jose, Navotas City

PAUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan : ____________________________ Baitang at Pangkat : __________


Guro : ___________________________ Petsa : _______________________ Iskor : __________

PANUTO: Unawain mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang letra ng
pinakamahusay na sagot.
I.

________1. Salitang Greek na pinagmulan ng ekonomiks na nangangahulugang pamamahala ng


sambahayan.
A. Oikonomein C. Oikonomikos
B. Oikonomia D. Oikonemein
________2. Siya ang tinaguriang “ Ama ng Makabagong Ekonomiks”
A. Adam Smith C. John Legend
B. Lionel Robbins D. Redentor Cruz
________3. Ano tawag sa pag-aaral na nakatuon sa mga bagay o pangyayari sa natural na mundo.
A. Advanced Science C. Physical Science
B. Natural Science D. Social Science
________4. Tawag sa mga yaman na nagmumula sa kalikasan.
A. Yamang Gubat C. Yamang Mineral
B. Yamang Likas D. Yamang Tubig
________5. Ito ay enerhiyang nanggagaling sa init mula sa ilalim ng lupa.
A. Geothermal Energy C. Solar Energy
B. Hydropower Energy D. Wind Energy
________6. Ito ay isang katangian ng mga mineral.
A. Alienable C. Non - Renewable
B. Inalienable D. Renewable
________7. Hindi kasapatan ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga kagustuhan
ng isang tao.
A. Kagustuhan C. Kakulangan
B. Kakapusan D. Pangangailangan
________8. Ito ay ang mga bagay na nakapagpapagaan at nakapagbibigay ng kasiyahan sa isang tao.
A. Kagustuhan C. Pangangailangan
B. Pagmamahal D. Suporta
________9. Batay sa kanyang teorya ang mga pangangailangan ng isang tao ay nahahati sa herarkiya
na may limang baitang
A. Abraham Maslow C. Adam Smith
B. Abraham Graham D. Adam James
________10. Ito ay ang dami ng tao na naninirahan sa isang lugar
A. Population Growth C. Population
B. Population Density D. Population Boom
________11. Ito ay tawag sa kasiyahan o satisfaction na nakukuha sa pagkokonsumo ng produkto o
serbisyo.
A. Marginal Utility C. Utility
B. Total Utility D. Utility Maximazation
________12. Ang mga sumusunod ay ang mga salik ng produksiyon maliban sa:
A. Entrepreneurship C. Lakas-Paggawa
B. Kapital D. Produksiyon
________13. Ito ang tawag sa pamamahagi ng mga kapos na yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
A. Alokasyon C. Pamimigay
B. Distribusyon D. Desisyon
________14. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng negosyo, maliban sa:
A. Sole-Proprietorship C. Partnership
B. Corporation D. Cooperative
________15. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na tanging pamahalaan lamang ang pinagmumulan ng
pagpapasiya tungkol sa mga batayang suliranin ng ekonomiya
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy
________16. Ang talaan ng nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilihin ng mga mamimili sa iba’t-
ibang presyo.
A. Demand C. Demand Functions
B. Demand Curve D. Demand Schedule
________17. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa nakakaapekto sa pag demand ng mamimili?
A. Presyo C. Panlasa
B. Kita D. Lahat ay tama.
________18. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
sa iba’t-ibang presyo?
A. Monopolyo C.Demand
B. Supply D. Entreneurship
________19. Lugar kung saan nagkikita o nagtatagpo ang mamimili at ang negosyante?
A. Pamilihan C. Kapit-bahay
B. Mall D. Bahay
________20. Batas na kung saan mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo sa quantity
demanded ng isang produkto.
A. Batas ng Ekonomiko C. Batas ng Supply
B. Batas ng Pilipinas D. Batas ng Demand
________21. Tumutukoy sa dami ng at handang kayang bilihin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo?
A. Supply C. Ekonomiks
B. Demand D. Produkto
________22. Ang grapikong paglalarawan sa pagitan ng quantity demand at ng presyo?
A. Curve C. Demand Curve
B. Supply Curve D. Economics Curve
________23. Pinapakita nito na kapag mas tumaas ang presyo ng isang produkto ang mga mamimili ay
hahanap ng ibang pamalit. Ano ito?
A. Effective C. Income Effect
B. Substitution Effect D.Price Effect
________ 24. Pinapakita nito na kapag mas malaki ang halaga ng kinikita mas mababa ang presyo.
A. Effective C. Income Effect
B. Substituion Effect D. Price Effect
________25. Matematikong paglalarawan o pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demand.
A. Demand Function C. Supply Function
B. Functioning D. Economic Function
________26. Batas na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo at quantity supplied ng isang
produkto.
A. Batas ng Ekonomiks C. Batas ng Supply
B. Batas ng Plipinas D. Batas ng Demad
________27. Aktor sa isang pamilihan na kung saan siya ang nagbebenta ng mga produkto.
A. Supplier C. Mamimili
B. Demander D. Mangungutang
________28. Ang batas ng ng demand ay nagsasaad nang?
A. Pagmataas ang presyo bumababa ang quantity demanded, kapag bumaba ang
presyo tataas ang quantity demanded.
B. Pagmataas ang kita bumababa ang quantity demanded, kapag bumaba ang kita
tataas ang quantity demanded.
C. Pagtumaas ang presyo tataas ang supplied, kapag bumaba ang presyo bababa ang
Supplied.
D. Pagtumaas ang quantity demanded bababa ang presyo, pag bumaba ang quantity
demanded tataas ang presyo.
________29. Ang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
A. Supply Schedule C.Supply Function
B. Supply Curve D. Supplier
________30. Ang pangunahing aktor sa pamilihan ay sila?
A. Konsyumer lamang C. Konsyumer at Prodyuser
B. Mangungutang at si Konsyumer D. Prodyuser lamang
________31. Ang pagpapakita ng talahanayan ng ugnayan ng presyo at quantity supply?
A. Supply Schedule C.Supply Function
B. Supply Curve D. Supplier
________32. Siya ang tinaguriang “Ama ng Komunismo” na naniniwala sa pagkakaroon ng
pagkakapantay ng tao sa lipunan.
A. Adam Lavine C. John Maynard Keynes
B. Karl Marx D. Robert Malthus
________33. Ang Pilipinas ay nakikipagkalakalan sa iba’t-ibang bansa. Nagpapatunay ito na ang ating
pamahalaan ay nagpapairal ng patakarang ___________.
A. Closed Economy C. Liberalisasyon
B. Globalisasyon D. Open Economy
________34. Ano ang inaasahang mabuting epekto liberalisasyon ng ekonomiya sa mga kalakalan na
produkto ng Pilipinas.
A. Kompetisyon ng lokal na produkto.
B. Makikilala ang lokal na produkto sa pandaigdigang pamilihan.
C. Pagpasok ng dayuhang produkto sa lokal na pamilihan.
D. Mabibili ang lokal na produkto sa mataas na halaga.
________35. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t-ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura ang presyo
ng mga ito at magaganda rin naman. Nagpabili si Jay sa kanyang ina at pinagbigyan
naman siya. Tuwang –tuwa si Jay sa pagkakaroon ng bagong laruan. Anong bunga ng
liberalisasyon ang makikita sa kwento?
A. Pagkakaroon ng maraming pagpipilian.
B. Higit na maginhawang mamili sa supermarket.
C. Mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyante.
D. Magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang lokal na mamimili.
________36. Sa tindahan ng imported na gulay, isda, at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang bumili.
Sa kadahilanan na ang presyo ng mga ito ay mura kahit na ito ay frozen pa. Sa paanong
paraan ito nakakasama sa ating ekonomiya.
A. Pinaliliit nito ang kita ng ating nga produktong agrikultural.
B. Pinamamahal nito ang ating mga lokal na produkto.
C. Pinasisikip nito ang ating mga palengke.
D. Nasasanay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen.
________37. Ang pagtaas na halaga ng dolyar ay nagbibigay ng mabuting epekto para sa mga ______.
A. OFW at kanilang pamilya C. Mamimili
B. Lokal na negosyante D. Pamahalaan
________38. Kinikilala ng ating pamahalaan ang kahalagan ng kontribusyon ng ating mga OFW’s sa
pamabansang ekonomiya. Dahilan ito upang tawaging sila __________.
A. Bagong bayani C. Mga bagong misyonero
B. Mabuting Halimbawa D. Overseas Filipino Investors
________39. Ang patuloy na pagtangkilik sa mga lokal na produkto sa kabila ng mahigpit na
kompetisyon sa pagdaigdigang pamilihan ay palatandaan ng pagpapahalaga sa ________.
A. Pagmamahal sa sariling produkto. C. Pagmamahal sa mga lokal na negosyante.
B. Pagmamahal sa bayan. D. Ang lahat na nabanggit ay tama.
________40. Ang patas na kapakinabangan sa ugnayan ng mga kasaping WTO at APEC ay dapat
maramdaman ng _______________.
A. Mga Pilipino C. Mga mamamayan sa buong daigdig
B. Mga bansang kasapi D. Mga negosyante
________41. Hindi lamang pang-ekonomiya ang dulot ng pagiging kasapi ng WTO at APEC, nagbibigay
din ito ng kapakinabangang ____________.
A. Pampuliyika C. Panseguridad
B. Pangkalusugan D. Pang-edukasyonal
________42. Kung ang demand function ay Qd = 400 – 26, ilan ang Qd kung ang presyo ay P13.00?
A. 26 C. 62
B. 39 D. 387
________43. Ang price ceiling na naitakda nang mas mababa sa presyong ekilibriyo ay nagbubunga ng?
A. Labis na demand C. Mataas na presyo
B. Labis na supply D. Surplus
________44. Ang isang produkto ay nominal good kung ito ay___________?
A. Umaayon sa batas ng demand
B. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan ng pagtaas ng demand nito.
C. Ang pagtaas ng presyo ng pamalit na produkto ay pagtaas ng demand nito.
D. Kung ito ay laging binibili ng mga mamimili.
________45. Ang presyo ng produkto ay tumataas sapagkat ______?
A. Kulang ang supply ng produkto.
B. Mataas na gastos sa produksiyon.
C. Humihingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa.
D. Ang lahat na nabanggit ay tama.
________46. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay tinatawag na _____________.?
A. Deplasyon C. Implasyon
B. Debalwasyon D. Migrasyon
________47. Lahat ng bansa ay mayroong isang bangko na tinatawag na bangko sentral. Sa ating
bansa, anong bangko ang tinatawag na “ bangko ng mga bangko”
A. Bangko Sentral ng Pilipinas C. Landbank of the Philippines
B. Bank of the Philippine Islands D. Philippine National Bank
________48. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa paniningil ng buwis?
A. BIR C. DPWH
B. BSP D.DTI
________49. Ang sistemang torrens ay nagpapahiwatig ng __________ na nag-umpisa sa panahon ng
pananakop ng Amerikano sa Pilipinas.
A. Titulo sa pag-aasawa C. Titulo sa lupa
B. Titulo sa edukasyon D. Titulo sa tubig
________50. Sino ang ekonomistang nagsulong hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga
gawaing pang-ekonomiya
A. Adam Smith C. John Maynard Keynes
B. David Ricardo D. Karl Marx

You might also like