You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
MONKAYO EAST DISTRICT
PASIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS


DIAGNOSTIC TEST
Pangalan:______________________ Petsa:________
Baitang: _______________________ Iskor:________

PANUTO: Basahin ang mga sumusund. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang
________________________ na pinagkukuang yaman upang matugunan ang kanyang _______________________ na
pangngailangan.
A. Sapat; walang hanggang C. Sapat; may hangganan
B. Limitado; walang hanggan D. Limitado; may hangganan
2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa
A. Kakapusan B. Produksyon C. Distribusyon D. Pagkunsumo
3. Pangunahing tinatalakay sa ekonomiks ang suliranin sa
A. Kawalan ng trabaho B. Pagkasira ng pinagkukunang-yaman C. Gutom D. Kakapusan
7. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang
mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong
maimumungkahi upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gastusin C. Huminto muna sa ;pag-aaral
B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain D. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo
8. Ang madalas na pagbiyahe ni Pagulong Arroyo ay nagpapakita ng kanyang pagiging ekonomista. Alam niya na ang
pagdalaw sa iba’t ibang bansa ay paraan upang…
A. higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig
B. marating ang mga bansang may kaugnayan sa atin
C. magkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan
D. maranasan ang buhay sa mga bansang kanyang pinupuntahan
9. Ang pagkakaroon ng maayos nasistema ng transportasyon ay nakakatulong sa ekonomiya sapagkat
__________________.
10. Sa pinagtibay na desisyon ng Korte Suprema ukol sa Mining Act of 1995, nabuksan ang pagmimina sa mga dayuhang
interesado na mamuhunan sa negosyong ito. Alin sa palagay mo ang pinakaangkop na pagtataya ukol sa epekto ng batas
na ito sa pambansang ekonomiya?
A. Pagtingin sa bilang ng nadagdag na may trabaho
B. Maaring sa pagbabago ng pambansang kita
C. Pagtaya sa pagbabago ng produksyon ng ginto, pilak, tanso
D. Pagtantiya sa antas ng kita ng mga mamamayan
11. Ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan ng Quezon dulot ng bagyong Winnie ay katunayan na:
A. Malawak na ang pagkasira n gating kagubatan C. Mapanira ang bagyo
B. Mahirap pigilan ang ganti ng kalikasan D. Kailangang mag-ingat ang mga tao kung may bagyo
12. Ang modernisasyon ng Philippine Navy ay magbubunga ng pangangalaga sa ating –
A. yamang lupa B. yamang tubig C. yamang mineral D. yamang gubat
13. Taglay ng yamang tao ng Pilipinas ang mataas na antas ng pagpapahalaga sa paggawa sapagkat sila ay _____
A. Masisipag at matitiyaga C. Madalas mag-overtime
B. Nakatatanggap ng matataas ang sweldo D. Madaling matuto ng gawain
14. Ilagay sa tamang kolum ang mga bagay ayon sa katangian nito
PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
A. pagkain B. jag
C. Apartment D. eksklusibong paaralan
E. Cell Phone

15. Pagsunud-sunurin ang mga bagay sa ibaba ayon sa teorya ng panganga-ilangan ni Maslow.
1. pagkain
2. damit
3. tirahan
4. edukasyon
A. 1, 2, 3, 4 B. 2, 1, 3, 4 C. 3, 4, 2, 1 D. 4, 3, 2, 1
16. Alin sa mga paraan ng pag-aanunsiyo ang may pinakamalakas na epekto sa mamimili?
A. telebisyon B. radyo C. dyaryo D. billboards
17. Ang paggamit ng mga sikat o kilalang tao upang makilala ang produkto ay tinatawag na…..
A. band-wagon effect C. colonial mentality
B. status symbol D. testimonial
18. Gumagastos ang mga kompanya sa pag-aanunsiyo upang ipakilala ang produkto. Umaasa silang ito ay magbubunga ng ….
A. higit na maraming benta at malaking tubo
B. makababawas sa buwis na babayaran ng kopanya
C. pangunguna sa kompetisyon
D. makapagpapasaya sa tauhan ng kompanya
19. Ang pag-aanunsiyo ay makaka-apekto sa pagkonsumo ng mga mamimili sa pamamagitan ng….
A. paghikayat B. pakikiusap C. panggagaya D. pagsunod
20. Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga katangian ng matalinong mamimili, alin ang hindi kabilang?
A. malikhain B. maselan C. matipid D. mapanuri
21. Paghahanda kung araw ng pista. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. panlasa B. okasyon C. presyo D. panahon
22. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…
A. pera B. enerhiya C. panahon D. lahat ng nabanggit
23.Ang katanungang “ ano ang gagawin, paano gagawin, at para kanino gagawin?” ay sinasagot ng …
A. prodyuser B. konsyumer C. pamahalaan D. mamumuhunan
24.Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito na ang kanyang gawain ay…
A. Maging manggagawa C. maghanap ng magpapatakbo ng negosyo
B. Pamahalaan ang buong negosyo D. taga-utos sa mga empleyado
25.Ang kakayahang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang
kanilang kontribusyon ay nauugnay sa…
A. produksyon B. pagkonsumo C. pamamahagi D. pag-imbento
26.Ang demand ay tumutukoy sa kahandaan at kakayahang __________ ng prdukto at serbisyo.
A. bumili B. magbili C. lumikha D. mag-aksaya
27. Ang kahandaan at kakayahang magbili ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay tinatawag na…
A. demand B. suplay C. presyo D. ekwilibriyo
28. Ang pagtaas ng demand sa produkto sanhi ng pagbaba ng presyo nito ay naaapektuhan ng salik na…
A. panahon B. pagpili (preference) C. presyo D. populasyon
29. Ang kondisyon na mataas ang suplay kaysa demand ay nagpapakita na ang pamilihan ay…
A. nasa ekwilibriyo B. may kakulangan C. may kalabisan D. may suliranin
30. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand at suplay kaugnay ng bahagdan (%) ng pagbabago ng presyo ay tumutukoy
sa…
A. demand B. suplay C. ekwilibriyo D. elastisidad
31. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand bunga ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na …
A. elastisidad B. elastisidad ng demand C. elastisidad ng suplay D. ekwilibriyo
32. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan ito na ang elastisidad ay may epekto sa…
A. pagkonsumo B. produksyon C. demand D. suplay
33. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng…
a. GROSS NATIONAL PRODUCT C. CORRUPTION INDEX
b. HUMAN DEVELOPMENT INDEX D. CONSUMER PRICE INDEX
34. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa? _______________
35. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?
a. ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan
b. ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan
c. ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaan
d. ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan
36. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating pamahalaan?
a. pag-utang C. buwis
b. pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaan D. tulong mula sa ibang bansa
37. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng badyet?
a. magbabawas ng baon C. magbigay ng donasyon
b. magbayad ng tamang buwis D. mangilak ng karagdagang pondo
38. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga ng ating salapi. Matutugunan ang layuning ito
kung….
a. mataas ang palitan ng piso sa dolyar C. bumababa ang mga presyo
b. mataas ang implasyon D. nananatili o walang pagbabago sa presyo
39. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang makautang ng puhunan?
a. bangko B. kooperatiba C. GSIS/SSS D. Pag-ibig
40. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang maling gamit nito?
a. ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan
b. ginagamit ito bilang reserba ng bansa
c. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapi
d. ginagamit ito sa operasyon ng black market
41. Alin sa mga gawain ang magpapatatag ng halaga ng ating salapi?
a. pansamantalang pagtigil ng kalakalan C. pagtatago ng dolyar sa alkansiya
b. bawasan ang pagluluwas ng mga lokal na produkto D. pagpapalit ng dolyar sa bangko
42. Pangunahing kontribusyon ng impormal na sector sa ekonomiya ang ____________.
43. Ang Pilipinas ay nakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa. Nagpapatunay ito na ang ating pamahalaan ay nagpapairal ng
patakarang _______
A. closed economy B. open economy C. liberalisasyon D. globalisasyon
44. Ano ang inaasahang mabuting epekto ng liberalisasyon ng ekonomiya sa mga lokal na produkto ng Pilipinas?
A. Kompetisyon ng local na produkto
B. makikilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihan
C. pagpasok ng dayuhang produkto sa local na pamilihan
D. mabibili ang local na produkto sa mataas na halaga
45. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura ang presyo ng mga ito at magaganda rin naman.
Nagpabili si Jay sa kanyang ina at pinagbigyan naman siya. Tuwang-tuwa si Jay sa pagkakaroon ng bagong laruan. Anong bunga
ng liberalisasyon ang makikita sa kwento?
A. pagkakaroon ng maraming pagpipilian
B. higit na maginhawang mamili sa super market
C. mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyante
D. magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang local na mamimili
46. Sa tindahan naman ng gulay, isda at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang bumili ng imported na gulay, isda at karne. Mura
ang presyo ng mga ito kahit na frozen pa. Sa paanong paraan ito nakasasama sa ating ekonomiya?
A. pinaliliit nito ang kita ng ating mga produktong agricultural C. pinasisikip nito ang ating mga palengke
B. pinamamahal nito ang ating mga lokal na produkto D. nasasnay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen
47. Ang patas na kapakinabangan sa ugnayan ng mga kasaping WTO at APEC ay dapat maramdaman ng…
A. mga Pilipino
B. mga bansang kasapi
C. mga mamamayan sa buong daigdig
D. mga negosyante
48. Hindi lamang pang-ekonomiya ang dulot ng pagiging kasapi ng WTO at APEC, nagbibigay din ito ng kapakinabangang
_______
A. pampulitika
B. pangkalusugan
C. panseguridad
D. pang-edukasyonal
49. Kailangan ang mataas na kasanayan sa sector ng paglilingkod upang ______
A. patuloy na makaagapay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya
B. mapanatili ang ang mataas na kalidad ng paggawa
C. patuloy na madagdagan ang kita
D. manatiling may pagkakataon sa bagong trabaho
50. Tinatawag na impormal na sector ang mga gawaing pang-ekonomiya na…
A. maliit ang kita C. hindi nagbabayad ng buwis
B. walang permanenteng pwesto D. pabagu-bago ng negosyo

“Don’t strive for high grades, always strive for higher learning”

You might also like