You are on page 1of 18

BUCAL NATIONAL INTEGRATED SCHOOL

Bucal 2, Maragondon, Cavite

ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
S.Y. 2020-2021

Pagpapalalim #1

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. (AP8HSK-ld-4)

Layunin:
1. Natatalakay ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig;
2. Naiuugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal
ng daigdig;
3. Nabibigyang-halaga ang pag-aaral ng heograpiya sa pag-unawa sa
katangiang
pisikal ng daigdig.

Talakayan:

Limang Tema ng Heograpiya

Sa pag-aaral ng lipunan at kasaysayan ng tao ay mahalagang

matutunan muna natin ang heograpiya. Ang heograpiya isang maka-
agham na pag-aaral at pagsusuri sa katangiang pisikal ng daigdig at
ang kaugnayan nito sa pamumuhay ng tao. Upang maging madali
ang
pag-unawa nito, hinati ang hegrapiya sa limang tema.
Pagsasanay #1: Think, Pair, and Share

Matapos na talakayin ang paksa, nais ko na

pumili kayo ng magiging kapareha sa pagsagot .
Suriin nyo ang mga katanungan na nakasulat sa
unang kolum. Sa ikalawang kolum, isulat ang
tema ng heograpiya na tinutukoy nito, Sa
Mga Katanungan
ikatlong kolum ay bigyan ngTema ng
kasagutan ang Kasagutan Paliwanag
tanong batay sa tema na inyongHeograpiya
isinagot at sa
ikaapat na kolum ay isulat ang inyong paliwanag.
1. Nasaan ang maraming
kabundukan sa
daigdig?
2. Ano ang mayroon sa
bahaging ito ng
daigdig?

3. Paano nagkakatulad at
nagkakaiba ang mga
lugar sa daigdig?

4. Paano naapektuhaan
ng kapaligiran ang
buhay ng tao?

5. Paano nagkakaroon
ng ugnyan ang iba’t
ibang lugar sa
daigdig?

Pagsasanay #2: Mahusay Ako!

Ngayon ay suriin mo ang mga larawan. Pagkatapos ay

suriin ang tema ng heograpiya at ibigay ang dahilan ng
iyong sagot

Mga Larawan Tema ng Heograpiya Dahilan

Ebalwasyon: Entrance at Exit Slip

Panuto: Punan ng matapat na sagot ang kahon sa ilalim ng entrance at exit slip

Ang alam ko tungkol sa Limang Tema ng

Heograpiya ay:

E
N
T
R
A
N
C
E
Ang palagay ko tungkol sa Limang Tema
Heograpiya ay:
S
L
I
P

Ang natutunan ko tungkol sa Limang Tema ng

E Heograpiya ay:
X
I
T

S
L
I
P
Sanggunian;

Leraning Module AP8 1.1

EDITHA D. ALANO
Writer - Bucal National Integrated School

CYNTHIA N. GIRAY
Editor - Bucal National Integrated School

RHONNEL D. SOBERANO
Chief Editor - Bucal National Integrated School

ELOIDA R. MAGDARAOG
Focal Person - Bucal National Integrated School

BUCAL NATIONAL INTEGRATED SCHOOL

Bucal 2, Maragondon, Cavite

ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
S.Y. 2020-2021
Pagpapayaman #1

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. AP8HSK-ld-4

Layunin: Naiuugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal

ng daigdig

Talakayan:

Noong 1984, pinangunahan ng National Council for Geographic Education at

Association of American ang pagbalangkas ng limang tema ng heograpiya. Binuo ito
upang mapadali at gawing simple ang pag-aaral bilang isang disiplina ng agham
panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas magiging madali na para sa mga tao na
maunawaan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang limang tema ng heograpiya ay ang
mga sumusunod:

Lokasyon. Ito ang kinaroroonan ng mga bagay sa daigdig. May dalawang paraan sa
pagtukoy ng lokasyon. Ito ay ang lokasyong absolute at relatibong lokasyon. Sa
lokasyong absolute, ginagamit ang imaginary lines na makikita sa globo, ang longitude
at latitude line, upang matukoy ang kinarorooan ng isang bagay. Samantala, sa
relatibong lokasyon, ang batayan para matukoy ang lokasyon ng mga bagay ay ang
mga lugar na nasa paligid nito.

Lugar. Ito ay tumutukoy sa katangiang natatangi lamang sa isang pook. May dalawang
paraan para matukoy ang isang lugar. Una, ang pisikal na katangian ng kinaroroonan
katulad na lamang ng kung ano ang klima sa isang lugar, mga likas na yaman, at ano-ano
ang mga anyong lupa at anyong tubig na maaring matatagpuaan dito. Pangalawa, ang
katangian ng mga taong naninirahan sa pook atulad ng densisad o dami ng tao, wika,
kultura, relihiyon, sistemang politikal, mga pinaniniwala, at iba pa.

Rehiyon. Ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinag-isa ng

magkatulad na katangiang pisikal at kultural.

Interkasyon ng Tao sa Kapaligiran. Sa temang ito, pinag-aaralan ang ugnayan ng tao

sa kanyang kapaligiran. Tinatalakay dito kung ano ang epekto ng tao sa kanyang paligid
at kung paano inaangkop ng sangkatauhan ang kanilang sarili sa mga pagbabagong
nagaganap sa kapaligiran.

Paggalaw. Pinagtutuunan din sa heograpiya ang paggalaw. Ito ay tumutukoy sa paglipat

ng mga tao, bagay, o maging mga ediya mula sa pinagmulan nito patungo sa ibang lugar
dito sa daigdig.

Sanggunian:

Feature Image by Macrovector

https://www.e-education.psu.edu/geog882/l3_p4.html
https://de.slideshare.net/mobile/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya
https://www.worldatlas.com/the-five-themes-in-geography.html
http://www.amergeog.org/2018/03/25/importance-studying-geography/

Basahin at suriin natin ang teksto

https://www.slideshare.net/Jazzyyy11/pagtukoy-ng-lokasyon-ng-pilipinas

Pamprosesong Tanong:

1. Gamit ang absolute na lokasyon, saan matatagpuan ang Pilipinas?

2. Paano mo ilalarawan ang bansang Pilipinas gamit ang lugar sa tema ng
heograpiya?
3. Ano ang maaari mong gawin upang matiyak ang uri ng kabuhayan ng mga
taong naninirahan dito sa ating bansa?

Gawain #1: BROCHURE

Nais ko na bumuo kayo ng grupo
na may tig-sampung miyembro at
gumawa kayo ng isang brochure
na humihikayat sa mga turista na
magtungo sa inyong lugar. Gawing

Goal Makagawa ng isang brochure na nagpapakita ng paghimok at

pagmamalaki sa mga lugar dito sa Pilipinas.

Role Ang bawat miyembro ng grupo ay dapat na may adhikaing

maipagmalaki ang sariling bayan

Audience Mga kapwa mag-aaral

Situation Sa isang lugar na may magandang heograpiya

Product Isang brochure na humihimok at nagtataguyod ng isang lugar sa mga

Performance dayuhan

Rubriks:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailanga

n ng Higit na
Pagsasanay
4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Mahusay ang Bahagyang Hindi naipakita
naipamalas pagkakagawa kinakitaan ng ang
ang pagiging ng brochure pagkamalikhain pagkamalikhain
malikhain
Presentasyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Hindi maayos ang
at napaka ngunit medyo ang husay na ipinakita
ayos hindi maayos naipamalas
Panghihikayat Lahat ng Maraming Bahagyang Walang nahikayat
nakakita ay nakakita dami ng
naahikayat angnahikayat nakakita ang
nahikayat

Gawain #2: Suriin Natin Ito!

Maraming Pilipino ang walang

hanapbuhay at dumaraing na sila ay
nagugutom. Ano nga ba ang talagang
dahilan? Ating suriin ang heograpiya ng
inyong lugar na kinalalagyan.

Paksa: Ang kaugnayan ng aking lugar sa

kabuhayan ng mga mamamayan dito

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsusuri

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos

Nakapagsuring
Paksa mabuti sa paksang 4
tinatalakay

Nakapagbigay ng
Nilalaman mga ebidensya na 10
maaaring maging
suporta sa pagtalakay
sa paksa

Malinaw na
Pagpapaliwanag naipahayag ang nais 6
iparating sa mga
nakikinig at maayos
na nabigkas ang mga
salita

Kabuuang Puntos 20
Ebalwasyon: Path of Knowledge
https://int.search.tb.ask.com/search/AJimage.jhtml?&enc=0&n=78492df1&p2=%5EHJ
%5Expv845%5

WAKAS

Ano ang kaugnayan ng GITNA

heograpiya sa aming
kabuhayan?

SIMULA

https://int.search.tb.ask.com/search/
AJimage.jhtml?&enc=0&n=
78492df1&p2=%5EHJ%
5Expv845%5ETTAB02%
5Eph&pg= AJimage&pn=1&ptb=
D727A911-6F60-412F-87CC
-1B3DD2632152&qs=&search
for=emoji+about+evaluation&
si=EAIaIQob ChMI27fK0ard2wI
VSZ6OCh3zjg2iEAEYASAAEgKW7
D_BwE&ss=sub&st=sb&tpr=sbt&imgs=1p&filter=on&imgDetail=true

Sanggunian

LM AP8 1.1
Feature Image by Macrovector
https://www.e-education.psu.edu/geog882/l3_p4.html
https://de.slideshare.net/mobile/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya
https://www.worldatlas.com/the-five-themes-in-geography.html
http://www.amergeog.org/2018/03/25/importance-studying-geography/

https://www.slideshare.net/Jazzyyy11/pagtukoy-ng-lokasyon-ng-pilipinas
https://int.search.tb.ask.com/search/AJimage.jhtml?&enc=0&n=78492df1&p2=%5EHJ
%5Expv845%5
https://int.search.tb.ask.com/search/AJimage.jhtml?&enc=0&n=78492df1&p2=%5EHJ
%5Expv845%5ETTAB02%5Eph&pg=AJimage&pn=1&ptb=D727A911-6F60-412F-87CC-
1B3DD2632152&qs=&searchfor=emoji+about+evaluation&si=EAIaIQobChMI27fK0ard2wI
VSZ6OCh3zjg2iEAEYASAAEgKW7_D_BwE&ss=sub&st=sb&tpr=sbt&imgs=1p&filter=on&
imgDetail=true

EDITHA D. ALANO
Writer - Bucal National Integrated School

CYNTHIA N. GIRAY
Editor - Bucal National Integrated School

RHONNEL D. SOBERANO
Chief Editor - Bucal National Integrated School

ELOIDA R. MAGDARAOG
Focal Person - Bucal National Integrated School

BUCAL NATIONAL INTEGRATED SCHOOL

Bucal 2, Maragondon, Cavite

ARALING PANLIPUNAN 8
Kasaysayan ng Daigdig
S.Y. 2020-2021

Interbensyon #1

Pamantayan sa Pagkatuto. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig. AP8HSK-ld-4

Layunin;
1. Natatalakay ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig;
2. Naiuugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang
pisikal ng daigdig;
3. Nabibigyang halaga ang pag-aaral ng heograpiya sa pag-unawa sa
katangiang pisikal ng daigdig.

Talakayan:

Noong 1984, pinangunahan ng National Council for Geographic Education at

Association of American ang pagbalangkas ng limang tema ng heograpiya. Binuo ito upang
mapadali at gawing simple ang pag-aaral bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa
tulong ng mga temang ito, mas magiging madali na para sa mga tao na maunawaan ang
mundong kanilang ginagalawan. Ang limang tema ng heograpiya ay ang mga sumusunod:

Lokasyon. Ito ang kinaroroonan ng mga bagay sa daigdig. May dalawang paraan sa
pagtukoy ng lokasyon. Ito ay ang lokasyong absolute at relatibong lokasyon. Sa lokasyong
absolute, ginagamit ang imaginary lines na makikita sa globo, ang longitude at latitude line,
upang matukoy ang kinarorooan ng isang bagay. Samantala, sa relatibong lokasyon, ang
batayan para matukoy ang lokasyon ng mga bagay ay ang mga lugar na nasa paligid nito.

Lugar. Ito ay tumutukoy sa katangiang natatangi lamang sa isang pook. May dalawang
paraan para matukoy ang isang lugar. Una, ang pisikal na katangian ng kinaroroonan
katulad na lamang ng kung ano ang klima sa isang lugar, mga likas na yaman, at ano-ano
ang mga anyong lupa at anyong tubig na maaring matatagpuaan dito. Pangalawa, ang
katangian ng mga taong naninirahan sa pook atulad ng densisad o dami ng tao, wika,
kultura, relihiyon, sistemang politikal, mga pinaniniwala, at iba pa.
Rehiyon. Ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinag-isa ng
magkatulad na katangiang pisikal at kultural.

Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran. Sa temang ito, pinag-aaralan ang ugnayan ng tao sa

kanyang kapaligiran. Tinatalakay dito kung ano ang epekto ng tao sa kanyang paligid at
kung paano inaangkop ng sangkatauhan ang kanilang sarili sa mga pagbabagong
nagaganap sa kapaligiran.

Paggalaw. Pinagtutuunan din sa heograpiya ang paggalaw. Ito ay tumutukoy sa paglipat ng

mga tao, bagay, o maging mga ediya mula sa pinagmulan nito patungo sa ibang lugar dito
sa daigdig.

Sanggunian:

Feature Image by Macrovector

https://www.e-education.psu.edu/geog882/l3_p4.html
https://de.slideshare.net/mobile/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya
https://www.worldatlas.com/the-five-themes-in-geography.html
http://www.amergeog.org/2018/03/25/importance-studying-geography/
LM Kasaysayan ng Daigdig AP8 1.1

Pagsasanay:
https://int.search.tb.ask.com/search/AJimage.jhtml?&n=78492df1&p2=%5EHJ
%5Expv845%5ETTAB02%5Eph&pg=

Ang Probinsya ng Kabite

Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na

matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng
Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang
nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo.
Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa
kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina

Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling

kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila.
[1] Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite)
at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang
Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo
noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong
lalawigan.

Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 base sa 2010

senso. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles.
Ang Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil
sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng
planta sa mga maraming industrial parks.
Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng
Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Molino (matatagpuan din
sa Bacoor), SM City Rosario, SM City Trece Martires, SM Center Imus, Robinsons Place
Imus, Robinsons Place Dasmariñas, Robinsons Place Tagaytay at Robinson's Place
General Trias.
Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na
gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan
ng teknolohiya sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay
isa na dito. Gayon pa man, ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling
may taniman ng mga kape, paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa
pamilihan sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan, kaya naman patuloy na magiging
kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng
pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang
lalawigang ito habang dumadaan sa Lungsod ng Tagaytay at patungo sa mga baybay dagat
ng karatig lalawigan ng Batangas.
Sanggunian: hango sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Kabite

Panuto:

1. Basahin ang artikulo na ibinigay ng guro.

2. Sumulat ng reaction paper ukol dito (sa A4 size bond paper, 2.3 bilang ng
pahina}
3. Sundin ang mga gabay na tanong.

Krayterya sa Paghuhusga/Ebalwasyon

PAGHUHUSGA MGA KATANGIAN NG PAPEL

Katanggap-tanggap  Orihinal na gawa ang papel
 Nasunod ang panuto na ibinigay ng guro
 Nasagot ang lahat ng gabay na tanong
 Malinis ang papel at maayos ang pagsulat
Hindi katanggap-tanggap  Kinopya o hindi orihinal an gang nilalaman ng
papel
 Hindi nakasunod sa panutong ibinigay ng guro
 May isa o higit a sa isang tanong na hindi
nasagot
 Hindi malinis ang papel at hindi maayos ang
pagsulat

REACTION PAPER
Ano ang mensahe ng may akda? (Buod ng artikulo)

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

Sumasang-ayon ka ba sa nilalaman ng artikulo? Magbigay ng mga pag-aaral o analysis

mula sa iba pang sanggunian na susuporta sa iyong sagot.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Konklusyon

_____________________________________________________________

Sanggunian: ______________________________________________________________
(Maaaring magdagdag ng papel)

Pagsusulit:
http://www.clipartpanda.com/clipart_images/happy

A. Pagtukoy

Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy ng mga sumusunod.

___________________1. Tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinag-isa ng magkatulad
na katangiang pisikal at kultural.

___________________2. Paglipat ng mga tao, bagay, o maging mga ediya mula sa

pinagmulan nito patungo sa ibang lugar dito sa daigdig.
___________________3. Ang batayan para matukoy ang lokasyon ng mga bagay ay
ang mga lugar na nasa paligid nito.

___________________4. Katangiang natatangi lamang sa isang pook.

___________________5. Tinatalakay dito kung ano ang epekto ng tao sa kanyang

paligid

B. Modified True or False

Panuto: Suriin ang kaugnayan ng ipinahahayag na kaisipan ng bawat pangungusap.

Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sagot sa bawat bilang.

A. Kung ang pangungusap A ay tama at ang pangungusap B ay mali.

B. Kung ang pangungusap A ay mali at ang pangungusap B ay tama.
C. Kung ang pangungusap A at B ay parehong tama.
D. Kung ang pangungusap A at B ay parehong mali.

___ 6. A. Ang pisikal na katangian ng kinaroroonan ay tinutukoy ng lugar na isa sa tema

ng heograpiya
B. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas
sa timog.

___ 7. A. Maraming kompanya katulad ng Intel ay nagtaguyod ng planta sa maraming

industrial parks.
B. Pinag-aaralan ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran ang kahulugan
temang Rehiyon.

___ 8. A. Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan

ng Kabite.
B. Ang Lugar ay tumutukoy sa katangiang natatangi lamang sa isang pook

___ 9. A. Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya

na gumagawa ng iba’t ibang produkto
B. Pinagtutuunan din sa heograpiya ang paggalaw

___10. A. Ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling may taniman
ng mga kape, paminta, at iba-ibang bungang kahoy
B. Sa bahagi ng daigdig na pinag-isa ng magkatulad na katangiang pisikal at
kultural ay tinatawag na Paggalaw.

Sanggunian:

LM AP8 1.1
EDITHA D. ALANO
Writer - Bucal National Integrated School

CYNTHIA N. GIRAY
Editor - Bucal National Integrated School

RHONNEL D. SOBERANO
Chief Editor - Bucal National Integrated School

ELOIDA R. MAGDARAOG
Focal Person - Bucal National Integrated School

You might also like