You are on page 1of 2

Zamboanga Del Norte National High School

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Pre-Test

Pangalan:______________________________________________________ Marka:___________________
Taon at Seksyon: ________________________________________________ Petsa:___________________
I.Tama o Mali. Lagyan ng “Tama” kung ang gawain na nasaksihan sa sariling pamilya ay kapupulutan ng aral at
“Mali” kung hindi.
_____1.Nakita kong maraming lalabhan si Nanay kung kaya’t tinulungan ko siya sa paglalaba.
_____2.Sinagot-sagot si Tatay ni Kuya.
_____3.Nakita kong nagalit si Mama ng magsinungaling si Ate kaya’t hindi ko ito gagayahin.
_____4.Napansin kong isinoli ni Ate ang libro kung saan niya ito kinuha.
_____5.Masaya ako habang tinutulungan ko ang aking magulang na mamigay ng “relief goods” sa aming kapitbahay
na nasunugan.
_____6.Nagkunwari akong tulog upang hindi ako utusan ni Papa.
_____7.Nakita kong tinanggihan ni ama ang panunuhol ng isang kandidato upang ito ay iboto.
_____8.Hininaan ko ang telebisyon ng makita kong natutulog na ang aking kapatid.
_____9.Hindi ka pinayagan ng pinagtatarabahuhan mag-absent kahit na mayroon kang sakit.
_____10.Isinoli ko ang libro kung saan ko kinuha.

II. Suriin ang mga sumusunod na impluwensya at ilagay kung ito ba ay maihahanay sa apektong intelektuwal,
aspektong panlipunan, aspektong pangkabuhayan o aspektong politkal. Isulat ang buong sagot sa patlang.

______________________________11.Nagkainteres na magtayo ng kainan si Sam dahil sa ginawa niyang “interview” sa


isang sikat na “chef” na nagmamay-ari ng maraming kainan sa Pilipinas.
______________________________12.Madali na para sa iyo ang “pagsolve” ng mga “math problems” dahil sa sinanay
ka ng iyong guro na gawin ito lagi sa klase.
______________________________13.Naisipan ni Max na tumakbo bilang “konsehal” dahil sa madalas niyang pagsama
sa kaibigang konsehal sa mga baranggay na pinupuntahan nila ay nakita niya
ang kahirapan ng buhay at ninanais niyang makatulong din.
______________________________14.Gustong-gusto ni Val na sumali sa mga organisasyong may layong makatulong
sa kapwa dahil nakita niya ang kaligayahan sa pakikihalubilo sa ibang tao.
______________________________15.Naktapos ng may mataas na parangal si Edith dahil nakagawian na niyang
magbasa tulad ng kanyang ama.

III.Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat ang “Nambubulas” kung ito ay karakter ng nambubully at “Binubulas”
naman kung ito’y karakter ng laging nabibiktima ng pambubully.
____________________________16.Kaibahang Pisikal (physically different)
____________________________17.Madaling mapikon (short--tempered)
____________________________18.Hindi nakaramdam ng pagmamahal sa pamilya.
____________________________19.Ginamitan ng pananakit bilang pagdidisiplina
____________________________20.Mababa ang tingin sa sarili (low self-esteem)

IV.Sa loob ng “regalo” ay pumili ng titik na naglalaman ng paraan ng pagpapakita ng pagpapasalamat.

a.Magpadala ng liham-pasasalamat. b.Magbigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kailangan

c.Tumulong dahil makakatulong din ito sa iyo. d.Bigyan ng pera ang tumulong sa iyo upang wala ng utang na loob

e.Magbigay ng munti o simpleng regalo f.Magbigay ng napakamahal na regalo upang walang masabi
ang mabibigyan.

g.Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa ng h.Bawat kabutihang naibigay sa iyo ay bayaran o tumbasan ng


walang hinihintay na kapalit salapi

i.Magkaroon ng ritwal na pasasalamat j.Magpasalamat sa bawat araw

_____21. _____22. _____23. _____24. _____25. _____26.

V.Piliin at isulat ang titik sa patlang na naglalaman ng tamang sagot.

___27.Habang nakahiga ka at ineenjoy ang iyong bakasyon ay nalaman mong nagkasakit ang Titang mong nagpaaral
sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a.Tinext mo na lang at kinumusta, kasi ngayon ka lang naman makakapagpahinga.
b.Pinuntahan mo, dala-dala ang prutas na nabili mo.
c.Kinumusta mo na lang sa kanyang kasambahay at sinabihang itext ka lang palagi sa kalagayan nito.
d.Hindi na ako pupunta, mayaman naman ito at alam kong mahusay ang mga doktor na titingin sa kanya.
___28.Napabayaang lumaki ng hindi napapaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang ginagawa ay maituturing din na
isang batang: a.spoiled b.pasaway c.makulit d. tamad
___29.Hindi alintana ni Joe na humahagulhol na sa iyak ang kanyang binubulas, ni hindi siya nakararamdam ng awa dito.
Lumaki at nagkaisip itong pinagpapasa-pasahan ng sariling mga magulang. Naging bully siya dahil
a.lumaki siyang walang naramdamang pagmamahal mula sa pamilya.
b.hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan ng pamilya.
c.ginamitan ng pananakit bilang pagdedesiplina.
d.Wala sa pagpipilian
___30.Ako ay nagkasala kay Inay kaya
a.matapang kong inamin ang aking nagawang pagkakamali, dahil ito ang tama at nararapat.
b.ipagluluto ko siya ng pagkain ng hindi niya maalala ang aking kasalanan.
c.ibubunton ko na lang sa aking nakababatang kapatid tutal hindi naman niya ito pagagalitan.
d.hindi na muna ako uuwi sa bahay ng hindi ako mapagalitan.
___31.Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng kalinisang puri at pagmamahal?
a.Pilit na pinapatakas ni Joey ang kanyang girlfriend sa kalagitnaan ng gabi upang sila ay magdate.
b.Ipinagpaalam ni Ryan si Judy sa magulang na kumain sa labas at nangako itong iuuwi bago pa man mag-alas 9
ng gabi.
c.Pinili ni Rudy na dalhin ang kanyang girlfriend sa pinakasulok na bahagi ng sinehan upang ito ay kanyang
matsansingan.
d.Wala sa pagpipilian.
___32.Alin sa mga sumusunod na mag-aaral ang hindi kabilang sa isang fraternity o gang?
a.Si Mark na may burn sa gitna ng dibdib.
b.Si Jun na laging nasasangkot sa gulo kasama ang kanyang mga kaibigang laging nakasuot ng bandana sa ulo.
c.Si Edsel na ginagabi sa paggawa ng mga pangkatang gawain.
d.Si Rex na kasa-kasama ng mga kaibigan niyang kapwa may tatoo sa kamay.
___33.Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Gen X?
a.Si Earl na nagpapaturo sa kanyang kapatid kung paano magdownload ng apps sa internet.
b.Masusing binabasa ni Dianne ang manual ng kabibili nitong “cellphone” bago gamitin.
c.Hindi nagdadalawang isip si Dion na gamitin kaagad ang kabibiling bagong gadget.
d.Wala sa pagpipilian
___34.Bakit kinakailangang paghandaan ang migrasyon?
a.Upang maging handa sa buhay na kakaharapin.
b.Upang mas madaling makapag-adjust sa kanilang mga kaugalian.
c.Upang mas lalo mong mapatatag ang iyong mga plano sa buhay
d.Lahat ng nabanggit
___35.Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng migrasyon?
a.Nakapagpapatayo ng bahay.
b.Napagpapatapos ang mga anak sa pag-aaral.
c.Nababayaran ang mga pagkakautang ng pamilya.
d.Napapalayo ang kalooban ng magulang sa mga anak o sa mismong kabiyak sa buhay.
___36.Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang ___________ ay isa sa uri ng pagsisinungaling.
a.Prosocial Lying b.Proposal Lying c.Proportional Lying d.Professional Lying
___37.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya
a.Hindi pag-uusap ng magkapatid. c.Maayos na samahan ng pamilya.
b.Ang problema ni Ate ay nalaman ni Nanay mula sa kaibigan. d.Wala sa pagpipilian
___38.Alin sa sumusunod ang sa tingin mo’y nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at
anak na magbibigay daan din sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kanyang kapwa.
a.Mahinahon na humingi ng paumanhin ang magulang ng batang nakapanakit sa kanyang kalaro.
b.Hindi kinibo ni Nanay si Kuya dahil nalaman nitong nagsisinungaling ito sa kaniya..
c.Pasigaw niyang pinagsasabihan ang kapatid sa nagawa nitong pagkakamali..
d.Nagmamadaling umalis si Beth sa bahay dahil gusto niyang ikuwento sa kaibigan ang masamang nang-
yari sa kanilang paaralan.
___39.Alin sa sumusunod ang kabilang sa apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ayon kay Vitaliano
Gorospe. a.Pananahimik b.Pagtitimpi c.Pagmamaktol d.Pagsigaw
___40.Sino sa sumusunod na pamilya ang nagpapakita ng pagganap sa kanyang papel na pampolitikal at panlipunan?
a.Hindi pinakinggan ni Mayor Al ang hinihinging tulong ng isang taong biktima ng pang-aabuso.
b.Buong tapang na hinarap ni Emong ang hamon na tumakbo siya bilang konsehal upang matugunan ang
kahilingan ng kanyang kabaranggay na buong pusong sinoportahan ng kanyang buong pamilya.
c.Hindi nakiisa si Adel na maisulong ang pagsugpo sa laganap na droga.
d.Wala sa pagpipilian

Inihanda ni:
CHRISTINE S. CHUA

You might also like