You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Samar
District of Gandara II
TAWIRAN ELEMENTARY SCHOOL

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ESP VI


Pangalan: ____________________________________________________ Iskor:
__________
Bilang at
Pangkat:___________________Guro:______________________________________
A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_______1. Kinausap ka ng guro ng iyong nakakabatang kapatid dahil sa madalas
itong lumiban sa klase ngunit alam mong araw-araw naman itong umaalis ng bahay
niyo para pumasok sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kong nagkasakit ang kapatid ko at pagtatakpan ang kanyang ginawa.
B. Hahayaan na lang ang sinabi ng guro.
C. Sasabihin sa ko sa aking mga magulang ang sinabi ng guro upang makausap nila
ang aking kapatid at malaman kung may problema ba ito.
D. Aawayin ko ang aking kapatid para mapilitang pumasok.
_______2. Niyaya si Alexa ng mga kaibigan na manood ng sine at sinabihan na mag-
absent sila sa mga asignatura nila sa hapon pero alam nilang nag-anunsyo ng
pagsusulit ang kanilang guro, kung ikaw si Alexa ano ang gagawin mo?
A. Makikinig ako sa mga kaibigan ko at sasama ako sa kanila.
B. Hindi ako sasama sa kanila dahil mas mahalaga ang makukuha kong marka at ang
mga matututunan ko.
C. Aawayin ko sila at hindi na makikipagbati.
D. Hahayaan ko silang lumiban at isusumbong sa mga guro para sila mapagalitan.
________3. Nakita mong naiwan ng isang babae ang kanyang cellphone nang tumayo
siya sa kanyang kinauupuan. Ano ang gagawin mo?
A. Titignan ko kung may iba bang nakakita bago ko kunin at itago ang cellphone.
B. Hindi ko papansinin dahil hindi naman ito sa akin.
C. Hahabulin ko ang babae at sasabihan siya na naiwan niya ang kanyang cellphone.
D. Sasabihan ko ang aking kaibigan na dahan-dahan itong kunin.
_________4. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng asukal. Pagkatapos mong bumili,
nalaman mong kulang ang ibinigay sayong sukli ng tindera.
A. Babalik ako sa tindahan at maayos na hihingin ang kulang na sukli.
B. Magrereklamo ako at tataasan ko ang aking boses.
C. Hindi ko na lang hihingin dahil barya lang naman yon.
D. Hahayaan ko na lang dahil nakakahiya.
________5. Sa pagpapasya dapat tayo maging __.
A. Padalos-dalos
B. Pabigla-bigla
C. Magpadala sa bugso ng damdamin
D. Mapanuri at timbanging mabuti ang desisyon
________6. Sa tuwing may problema at naguguluhan mainam na gumawa ng __.
A. Wastong pagpapasiya
B. Isa pang problema
C. Gulo at away
D. Panibagong pag-iisipan
________7. Si Troy ay gumagawa ng isang mahalagang pagpapasiya, sa pag gawa ng
desisyon dapat niyang isaalang-alang ang __.
A. Sarili lamang
B. Ang gusto ng nakararami
C. Ang nakakabuti para sa kanya at sa mga taong maapektuhan ng kanyang desisyon.
D. Wala sa nabanggit
________8. Nahihirapan ang iyong kaibigan na magdesisyon kung siya ba ay tatakbo
bilang Presidente ng Supreme Pupil Government o SPG sa inyong paaralan. Bilang
isang kaibigan paano mo siya matutulungan?
A. Pipilitin ko siyang tumakbo at wag nang magdalawang isip.
B. Sasabihin kong sundin niya kung ano ang mas matimbang sa kanya. Kung nais
niyang maglingkod sa kapwa namin mag-aaral o ang takot at kaba na kanyang
nararamdaman at iyon ang piliin niya.
C. Hahayaan ko siya sa buhay niya dahil hindi ko naman iyon problema.
D. Sasabihin kong wag na siyang sumali dahil hindi niya naman kaya.
________9. Nakita mong umiiyak ang kapatid ng iyong kaklase dahil sa nawawala
ang kanyang pera na para sana pamasahe niya pauwi, ano ang iyong maaring gawin?
A. Pagtawanan siya dahil hindi siya nag-iingat.
B. Pahiramin siya ng ekstra mong pera kung meron kung wala naman ay manghingi
ng tulong sa guro.
C. Hanapin ang kanyang kapatid para pagalitan ito
D. Wag na itong pansinin dahil uwian na.
________10. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat gawin sa pagbuo ng desisyon
maliban sa __.
A. Pag-isipan ito ng mabuti
B. Ikonsidera ang magiging epekto ng desisyon sa sarili at sa ibang tao.
C. Gawin lamang ang gusto
D. Magdasal at manghingi ng gabay ng Panginoon sa mga gagawing desisyon.
________11. Kung gagawa ng desisyon o bubuo ng pagpapasya siguraduhing ito ay
___.
A. Makakabuti sa nanay at tatay
B. Makakabuti sa iyong sarili at sa kapwa tao
C. Makakabuti sa kapitbahay at sa mamamayan
D. Makakabuti sa buong bansa
________12. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na
balang araw magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw
niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon.
A. pagmamahal sa katotohanan
B. may paninindigan
C. may pananampalataya
D. katatagan ng loob
________13. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya
upang ipambili ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang
ipinapakita ni Marta?
A. kaalaman
B. pagmamahal sa pamilya
C. bukas na isipan
D. lakas ng loob
_______14. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa
kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil
babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase
kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga.
A. lakas ng loob
B. kaalaman
C. pagiging responsible
D. may paninindigan
_______15.Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan.
Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling
kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi
makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral.
A. pagiging malinis
B. may paninindigan
C. mapanuring kaisipan
D. pagiging mahinahon
_______16.Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga
magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi
ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama
ng loob.
A. pagkamatiyaga
B. pagmamahal sa katotohanan
C. pagkabukas ng isipan
D. pagkamahinahon
_______17. Nakita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang
kapitbahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin.
C. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay na-aangkop


o nararapat at MALI kung hindi.
___________18. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay
isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Maipapakita ito sa
pamamagitan ng pagbibigay halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan
ang desisyon ng nakararami.
___________19. Ang pagkakaroon ng reponsableng ama at mapagmahal na ina na
nagsasama nang matiwasay at payapa ay ang una ang pinaka-pangunahing
pamantayan sa paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya.
___________20. Ang Pamilya Santos ay sabay-sabay na nag-sisimba kada linggo at
sabay-sabay ding nagdarasal araw-araw. Nagpapakita sila ng pagkakaisa sa
pananampalataya.
___________21. Si Mang Karlos ay isang lasengong ama, madalas siya ay nagtataas
ng boses at lahat ng desisyon sa kanilang pamilya ay kailangang siya lamang ang
nasusunod.
___________22. Hindi pinapahalagan ni G. Kulas at Gng. Betty ang opinyon ng
kanilang tatlong anak sa pag gawa ng desisyon sa kanilang bahay dahil mga anak
lamang sila at magulang lang dapat ang nasusunod.
___________23. Nagsimula ng isang maliit na sari-sari store si Emma at ang buo
niyang pamilya ay nakaalalay at nakasuporta sa kanyang desisyon.
___________24. Plano ni Martha na mag trabaho sa ibang bansa at hindi niya ito
pinaalam sa kanyang pamilya dahil makakagulo lamang ang mga ito sa nais niyang
gawin.
___________25. Ang buong pamilyang Reyes ay namahagi ng relief goods sa mga
nasalanta ng bagyong Paeng sa Mindanao.
___________26. Nagpaiwan si Elsa sa kanyang pamilya na magbabakasyon sa
Boracay at sumama sa mga kaibigan na mag hiking sa Sagada.
___________27. Hindi nagustuhan ni Paula ang desisyon ng kanyang pamilya na
hindi magpa-party sa kanyang kaarawan dahil sa nagtitipid at simpleng handaan na
sila-sila lang ang magsasalo ang kanilang napag-usapan. Sa araw na iyon siya ay
nagkulong siya sa kwarto at nagmukmok upang ipakita ang hindi niya pagsang-ayon
sa gusto nila.
C. Sagutin ng mabuti ang mga sumusunod na katanungan.
28. Ano ang mga kailangan sa pagpapasya para sa sarili at bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
29. Ano ang epekto ng hindi pagsang-ayon sa pasya ng nakararami? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
30. Ano ang tamang paraan ng pagsalungat sa opinyon ng iba at bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
31. Bakit mahalagang igalang ang desisyon ng nakararami?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
32. Paano ka makakagawa ng tamang desisyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
33. Bakit mahalagang iisa ang desisyon ng isang pamilya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
34. Bakit kinakailangan nating ipaalam sa ating pamilya ang ating mga desisyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________
D. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
35-39. Ano-ano ang mabuting epekto ng Social Media? (5 puntos)
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
40-44. Ano-ano ang hindi-mabuting epekto ng Social Media? (5 puntos)
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
45-50 Piliin ang mga hakbang sa tamang paggamit ng impormasyon na makukuha sa
radyo, telebisyon at social media at isulat sa loob ng bilog.

 Responsible sa pagbabahagi ng impormasyon


 Agad-agad na naniniwala sa mga narinig o napapanood
 Ipaalam o ikalat kaagad ang mga bagay na nabasa o narinig
 Sinusuring mabuti ang mga imprmasyong nakuha
 Sinisigurong totoo ang mga impormasyon bago gamitin o ibahagi
 Inaalam kung maaasahan ang pinagkunan ng impormasyon
 Ibinabahagi ang impormasyong makakatulong sa kapwa
 Binabalewala ang mga impormasyong walang kwenta o kabuluhan
GOOD LUCK!!!!!!!

You might also like