You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Samar
District of Gandara II
TAWIRAN ELEMENTARY SCHOOL

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

Bilang Kinalalagy Bilang ng
ng an ng Tamang
Mga Kasanayan Sagot
Aytem Aytem

EsP5PKP – Ia- 27
1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:
1.1. balitang napakinggan 5 1-5
1.2. patalastas na nabasa/narinig
1.3. napanood na programang pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet
EsP5PKP – Ib - 28

2. Nakasusuri ng mabuti at dimabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng

pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood
2.1. dyaryo 10 6-15
2.2. magasin
2.3. Radyo
2.4. telebisyon
2.5. pelikula
2.6. Internet
EsP5PKP – Ic-d - 29
3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral
3.1. pakikinig
3.2. pakikilahok sa pangkatang gawain
3.3. pakikipagtalakayan 10 16-25
3.4. pagtatanong
3.5. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools)
3.6. paggawa ng takdang-aralin
3.7. pagtuturo sa iba
EsP5PKP – Ie - 30
4. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan 5 26-30

EsP5PKP – If - 32
5. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain 5 31-35

EsP5PKP – Ig - 34 5 36-40
6. Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at
saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang
kinabibilangan. Hal. Suliranin sa paaralan at pamayanan

EsP5PKP – Ih - 35
7. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng:
7.1. pagkuha ng pag-aari ng iba 10
7.2. pangongopya sa oras ng pagsusulit
7.3. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Division of Samar
District of Gandara II
TAWIRAN ELEMENTARY SCHOOL

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ESP V

Pangalan:___________________________________________Iskor:____________
Baitang at Pangkat:_____________Guro:______________________________
A. Iguhit ang ( ) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tungkol sa mabuting pagsusuri
ng katotohanan at ( ) naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero.
______1. Narinig ni Mika mula sa kalaro na may darating na lindol sa kanilang lugar. Agad
niya itong ikinalat at ibinalita sa mga kakilala.
______2. Napanood ni Maria sa isang Tiktok video ang tungkol sa sakit na Monkey Pox at ito
raw ay makukuha sa makikipagsalamuha sa mga unggoy, agad na nagsaliksik si Maria
tungkol dito at napag-alaman na hindi totoo ang napanood sa Tiktok.
______3. Nakapagbasa ng isang article si Pedro tungkol sa mga dapat gawin kapag
nagkasakit ng Covid-19, agad siyang nagtanong sa tiyahing nurse kung totoo ba ang mga
nabasa niya.
______4. Habang nag fi-Facebook nabasa ni Helen ang post ng isang taong hindi niya kilala
tungkol sa kapibahay nila, ito raw ay magnanakaw. Agad na ikwinento ni Helen sa mga
kakilala ang nabasa.
______5. Napag-alaman ni Kurt mula sa kaibigan na mabisang pampaputi raw ang Zonrox
kaya ipinahid niya ito sa kanya mukha at nagkaroon ng impeksyon sa balat.

B. Isulat ang Sumasang-ayon kung tama ang inilalahad ng pahayag. Hindi Sumasang-ayon
naman kung ang ang diwa ng pangungusap ay tumataliwas.
_______________6. Ang pagbabasa ng mga aklat gaya ng dictionary at Encyclopedia ay
nakakadagdag sa ating kaalaman.
_______________7. Mas mainam na maglaro ng computer games kaysa gawin ang mga
Takdang-aralin.
_______________8. Magbasa ng dyaryo upang malaman ang iba’t-ibang pangyayari sa loob
at labas ng ating bansa.
_______________9. Unahing tapusin ang mga pinapanood na teleserye kaysa ang manood
ng mga balita.
_______________10. Manood ng mga videos na nagtuturong gumawa ng mga bagay na
pwedeng pagkakitaan.
_______________11. Gayahin ang mga malalasawang sayaw na nakikita sa Tiktok.
_______________12. Subukan lahat ng produktong nakikita sa mga patalastas nang hindi
nagsasagawa ng pananaliksik tungkol dito.
_______________13. Manggalap at magbasa ng impormasyon sa ibat-ibang sanggunian sa
tuwing kailangan mag-ulat sa klase.
_______________14. Makinig lamang sa paborito mong artista, lahat ng sinasabi at kanyang
gagawin ay dapat mong tularan.
_______________15. Pahalagahan ang opinyon ng ibang tao kahit ito ay iba sa opinyon mo.
C. Ipahayag ang iyong pananaw, tamang pagpapsya at magandang saloobin sa mga
sumusunod na sitwasyon o gawain. Isulat ang sagot sa patlang.
16. May proyekto na ibinigay ang iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Paano mo
mapapadali ang pag-gawa ng iyong proyekto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
17. Ano ang nararapat mong gawin habang hinihintay ang inyong guro sa klase?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
18. Malapit na ang inyong pagsusulit o exam. Ano ang nararapat mong gawin upang
makakuha ka ng kasiya-siyang marka?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
19. Binigyan kayo ng pang-pangkatang gawain ng inyong guro, bilang miyembro ng grupo
paano ka makakatulong?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
20. Madalas kang mahuli sa pagpasok ng klase dahil hinahatid mo pa ang iyong
nakababatang kapatid. Paano mo ito malulunasan upang hindi maapektuhan ang iyong pag-
aaral lalo na ang iyong mga marka?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
21. Nagkataong nagbigay ang iyong guro sa klase ng pagsusulit. Nakiki-usap ang iyong katabi
na mangongopya sa iyo ng sagot dahil hindi siya nakapag-aral. Ano ang iyong gagawin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
22. Sa panahon ngayon na uso na ang gadgets gaya ng cellphone at computer , Paano mo
gagamitin ang mga ito para ito’y makabuti sa pag-aaral?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
23. Mas mataas ang nakukuha mong grado sa Filipino dahil ito ang paborito mong asignatura
habang mababa naman ang iyong marka sa ibang asignatura. Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
24. Mayroon kayong pang pangkatang presentasyon ngunit lumiban sa araw na iyon ang
inyong lider na siya sanang mag-uulat sa harapan ng klase. Bilang miyembro ng inyong grupo
ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
25. Nahihirapan at mabagal ka sa pagbabasa, nakikita mong ang mga kaklase mo ay bihasa o
magaling na sa pagbabasa. Ano ang mainam mong gawin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
D. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓) kung sang-ayon ka
sa pahayag at ekis (X) kung hindi.

_____26.Ang tagumpay ng isang proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng bawat miyembro.

_____27.Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
_____28.Ang lider ng pangkat ang dapat masusunod.
_____29.Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
_____30.Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
E. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang diwang
isinasaad nito.
________31. Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.
________32. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
________33. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
________34. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
________35. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
________36. Nakikipagkaibigan sa masamang barkada.
________37. Nagdadahilan kung bakit nahuhuli o lumiliban
________38. Nagsasabi kapag masama ang loob sa kaibigan
________39.Nangongopya sa oras ng pagsusulit dahil hindi nakapag- aral.
________40. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan

F. Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng katapatan sa iyong kaibigan o kamag-aral o

pamilya.(Sampung puntos)

45-50.

GOOD LUCK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Inihanda ni:

MARY BELLE L. DERRACO

Teacher I

Noted:

RONALYN N. ROSADIÑO
Teacher-in-Charge

You might also like