You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Central Luzon-Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
106823 - ANONANG ELEMENTARY SCHOOL
ANONANG, CABANGAN, ZAMBALES

TABLE OF SPECIFICATIONS
Second Periodical Test in FILIPINO 5
2023-2024
ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT No. of
COMPETENCY CODE
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Evaluate / Create / Items
Knowledge Comprehension Application Analysis Synthesize Evaluation
Nababaybay nang wasto ang salitang F5PU-Ic-1 1-5 5
natutuhan sa aralin at salitang hiram
Nasasagot ang mga tanong sa F5PB-Id-3.4 6-10 5
binasa/napakinggang talaarawan, journal F5PB-Ie-3.3
at anekdota F5PB-IIf-3.3
Naibabahagi ang isang pangyayaring F5PS-Id-3.1 11-13,15 14 5
nasaksihan o naobserbahan
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng F5PD-Id-g-11 16-20 5
napanood na pelikula at nabasang teksto F5PB-IIa-4
Nabibigkas nang may wastong tono, diin, F5PS-Ie-25 21-25 5
antala at damdamin ang napakinggang
tula
Naibibigay ang paksa/layunin ng F5PN-Ic-g-7 26-30 5
napakinggang kuwento/usapan/talata, at F5PN-IIg-17
pinanood na dokumentaryo, F5PD-IIf-13
Nagagamit ang magagalang na pananalita F5PS-Ig-12.18 31,32,34 33,35 5
sa pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa F5PS-IIf-12.12
pagsasabi ng ideya sa isang isyu, at sa F5PS-IIj-12.10
pagtanggi
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa F5PB-Ig-8 F5PN- 36,38,40 37,39 5
isang talata at tekstong napakinggan Ih-17
Naipapahayag ang sariling opinyon o F5PS-Ia-j-1 42,44 41,45 43 5
reaskyon sa isang napakinggang balita,
isyu o usapan,
Naibibigay ang bagong natuklasang 46-50 5
kaalaman mula sa binasang teksto at
datos na hinihingi ng isang form
TOTAL NUMBER OF ITEMS 15 14 5 11 3 2 50

Prepared by:
JEROME C. OLILA
Teacher I Checked by:
CONSUELO V. ABIVA
Head Teacher III
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF _________
District of _____________
SECOND PERIODICAL TEST IN FILIPINO 5
2022-2023

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
PANUTO: Ibigay ang wastong baybay ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Kukuha ako ng bisa bilang kahingian sa pagpunta sa ibang bansa.


A. Visa B. vissa C. vixa D. bissa
2. Isa sa paborito kong pagkain ay ang ispageti.
A. Espageti B. espagite C. espagiti D. spaghetti
3. Masarap ang piña kapag hinog na ito.
A. Peña B. piniya C.pinna D. pinya
4. Ang masdyid ay isang sagradong lugar para sa mga muslim.
A. Masjid B. masgid C. mashid D. masjyid
5. Ang mga mag-aaral ngayon ay kailangan ng kumpyuter para sa kanilang pagaaral.
A. cumputer B. computer C. kompyuter D. kompyutte

Panuto: Basahin ang journal at sagutin ang susunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

Setyembre 30, 2015, ika-8 ng gabi


Isang tanong ang nabuo sa aking isipan bunga ng karanasan kong ito. Yehey! Sama-sama
kaming naimbitahan ng aking mga kaibigan sa isang pagtitipon. Nasabik akong makasama sila,
makakuwentuhan, at makasamang kumain sa isang hapag-kainan. Ngunit noong ako ay dumating kasama
ang aking magulang ay agad kaming sinalubong ng mga tagapanguna ng nasabing pagtitipon. Pinaupo
kami sa isang espesyal na mesa kasama ang iba pang may katungkulan sa aming lalawigan. Ang nanay at
tatay ko ay kapwa mga politiko ring may katungkulan sa aming lugar. Hindi na ako nakaalis sa aming mesa
dahil hindi rin ako pinayagan ng aking magulang. Nakuntento na lamang akong pagmasdan at ngitian ang
aking mga kaibigan kasama ang kanilang magulang. Sa sinasabing mesa para sa ordinaryong taong dumalo
sa nasabing pagtitipon.
Naitanong ko sa aking isip, “Kailangan ba talaga ang ganitong bagay?”

6. Kailan isinulat ang binasa mong journal?


A. Setyembre 4, 2013 B. Setyembre 30,2004
C. Setyembre 30, 2014 D. Setyembre 30, 2015
7. Sino ang sumulat ng journal?
A. Isang Ina B. Isang bata C. Isang politiko D. Isang pangulo
8. Anong oras naganap ang pagtitipon?
A. Ika-6 ng gabi B. Ika-8 ng gabi
C. Ika-4 ng hapon D. Ika-8 ng umaga
9. Anong tanong ang nabuo sa kanyang isipan bunga ng kanyang karanasan?
A. Kailangan ba talaga ang ganitong bagay?
B. Ano ang magaganap sa pagtitipon?
C. Ano ang kailagan kong susuotin?
D. Sino ang makakasama ko?
10. Ang kanyang nanay at tatay ay isang ______ sa kanilang lugar.
A. Doctor B. Sundalo C. Politiko D. Magsasaka

PANUTO: Sagutan ang mga tanong mula sa kuwentong pinanood. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

SI DINONG BULAGSAK
Tuwing hapon, pagkauwi ng bahay, laging inihahagis ni Dino ang kanyang bag sa kahit saang
parte ng kanilang bahay. Pagkatapos noon ay manonood na siya ng telebisyon. Pagkatapos kumain ng
hapunan doon pa lamang siya gagawa ng takdang-aralin. Hinanap niya ang kanyang bag ngunit hindi niya
ito makita. Lingid sa kanyang kaalaman nagtago ang kanyang mga kagamitan. Nagtago si Bag sa likod ng
pinto. Nagtago si Lapis sa ilalim ng upuan. Nagtago si Pambura sa ilalim ng mesa. Nagtago si papel sa
ilalim ng kama. Nagtago si Pantasa sa tabi ng bintana. “Ah! Nasaan kaya ang aking mga gamit?” sambit ni

3|P a g e
Dino. “Sige Dino hanapin mo kami,” sabi ni Lapis. “Hindi mo kami pinahahalagahan,” sabi ni Pambura. “Oo
nga, lagi mo kaming inihahagis,” dugtong ni Bag. “Huwag tayong magpakita sa kanya,” sabi ni papel.
“Hayaan natin siyang mapagod at magpahalaga,” banggit ni Pantasa. Hanap nang hanap si Dino sa
kanyang bag ngunit di pa rin niya ito makita. Nag-iiyak si Dino. Iyak siya nang iyak hanggang sa mapagod
sa kaiiyak at kahahanap. Naisip niyang dapat pahalagahan ang mga gamit para hindi ito mawala. Nakita
ang kanyang pagsisisi ng kanyang kagamitan. Nakatulog si Dino nang dumating ang kanyang nanay. “Dino,
anak nakatulog ka,” sabi ng nanay. “Inay, nasaan po ba ang bag ko?” tanong niya sa nanay. “Oh ayan ang
bag sa tabi mo,” sagot ni nanay. Biglang niyakap ni Dino ang kanyang bag. Tiningnan ni Dino ang lapis,
papel, pambura at pantasa. Lahat ay nasa loob ng kanyang bag. Tuwang-tuwa si Dino. “Buhat ngayon ay
pahahalagahan ko na kayo,” ang pangako ni Dino sa kanyang kagamitan. Nakangiting nakasilip sina Lapis,
Papel, Pamnura at Pantasa sa loob ng bag.Pinagpatuloy na ni Dino ang pagsagot sa kanyang vtakdang-
aralin nang may ngiti sa labi.

11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa laman ng bag ni Dino?
A. Lapis B. Pambura C. Papel D. Orasan
12. Anong ang ipinangako ni Dino sa kanyang kagamitan?
A. Ipinangako niyang ito ay pahahalagahan na.
B. Ipinangako niyang ito ay paliliguan araw-araw.
C. Ipinangako niyang ito ay ipapasyal tuwing hapon.
D. Ipinangako niyang ito ay pakakainin ng masasarap na pagkain
13. Sino ang nagtago sa ilalim ng mesa?
A. Si Bag B. Si Pambura C. Si Lapis D. Si Papel
14. Bakit nagtago ang mga gamit ni Dino?
A. Gusto nilang makipaglaro kay Dino.
B. Gusto nilang pahalagahan sila ni Dino.
C. Gusto nilang kumain ngunit ayaw ni Dino.
D. Gusto nilang mamasyal ngunit ayaw ni Dino
15. Saan nagtago si Pantasa?
A. Sa ilalim ng mesa C. Sa likod ng pinto
B. Sa ilalim ng upuan D. Sa tabi ng bintana
16. Ito ay naglalarawan ng lugar na pinangyarihan ng kuwento.
A. May-akda B. Tagapagsalaysay
C. Tagpuan D. Tauhan
17. Maaaring hayop, tao o bagay ang gumanap dito sa isang kwento.
A. May-akda B. Nagbabasa C. Tagpuan D. Tauhan
18. Sa sala, sa tabing ilog, sa bakuran, sa kagubatan, ito ay ilan lamang sa halimbawa ng_____.
A. May-akda B. Nagbabasa C. Tagpuan D. Tauhan
19. Ang Alice, Koneho, Mangga at dagat naman ay halimbawa ng ______.
A. Manunulat B. Pamagat C. Tagpuan D. Tauhan
20. Ang pangunahing tauhan ng isang kwento ay maaari ding ituring na _______ kung ito ay sa pelikula.
A. Bida B. Kontrabida C. Litratista D. Manonood
21. Munti kong tampipi punong-puno ng salapi.
A. bag B. basket C. kabinet D. pitaka
22. Isda ko sa Mariveles nasa loob ang kaliskis.
A. dilis B. papaya C. sili D. tilapia
23. Buto't balat lumilipad.
A. Agila B. ibon C. plastik D. saranggola
24. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
A. atis B. bayabas C. langka D. suha
25. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.
A. araw B. bituin C. ilaw D. lampara
26. Ang _______________ ay isang programa sa radio,telebisyon,at maaari ding pelikula.
A. dokumentaryo B.gumigising C.katotohanan D. libangan
27. Ito ay _______________ sa diwa at damdamin ng isang taong nakapanood nito.
A. dokumentaryo B.gumigising C.katotohanan D. libangan
28. Ang mabisang dokumentaryo ay nagsisilbi ding _______________ ng mga tao.
A. dokumentaryo B.gumigising C.katotohanan D. libangan
29. Nagiging _______________ ang dokumentaryo kapag maayos ang pagkakalahad nito.
A. dokumentaryo B.mabisa C.katotohanan D. libangan
30. Naglalahad ng _______________ ang isang mabisang dokumentaryo.
A. dokumentaryo B.mabisa C.katotohanan D. libangan
31.Katatapos mo lang mag-floorwax sa loob ng silid-aralan ninyo, sinabihan ka ng iyong guro na maghugas
na ng iyong mga kamay dahil malapit ng magsimula ang unang aralin sa klase ninyo. Sa hindi inaasahang
4|P a g e
pagkakataon nakasalubong mo ang isang guro at inuutusan ka niyang dalhin mo ang sulat sa guwardiya na
kailangan ng isang magulang na naghihintay doon. Anong magalang na pagtanggi ang maaari mong
isagot?
A. Ma’am pasensya na po, hindi ko po magagawa. Magsisimula na po kasi ang unang aralin
namin sa klase.
B. Ma’am hindi ko po magagawa, sabay alis.
C. Ma’am iba na lang utusan ninyo.
D. Ma’am saan po ba iyon?
32.Araw ng Lunes maagang naghanda sa pagpasok sina Mario at Manny. Si Mario ay nasa ikalimang
baitang habang si Manny naman ay nasa ikatlong baitang. “Mario, Manny halikayo muna” ang tawag ng
kanilang Ina. Bibigyan na pala sila nito ng perang baon. Ngunit si Mario ay nakasimangot ang mukha, dahil
hindi pala parehas ang perang baon nila. Kung ikaw si Mario, anong magalang na pananalita ang sasabihin
mo sa iyong Inay?
A. Inay, ito lang po baon ko na pera.
B. Madami po kay Manny, Inay naman.
C. Hindi na lang po ako papasok ngayon.
D. Hindi po ako sumasang-ayon Inay, dahil parehas po ang binabayad namin sa pagbili sa
tray sa aming kantina.
33.Nagkaroon ng botohan sa loob ng inyong klase, para sa pagpili ng bagong opisyales sa asignaturang
Filipino. Pinili ng iyong kamagaral si Marvie para maging pangulo. Binotohan ito ng karamihan at siya ay
nanalo, ngunit hindi sumasang-ayon ang iba, dahil alam nila na ang mga bomoto kay Marvie ay magugulo
katulad niya. Kung ikaw ay isa sa mga kamag-aral nila, paano mo sasabihin ang ideya mo ng may
paggalang?
A. Iba ang pananaw ko, ayoko sa kanya kasi magulo siya.
B. Wala akong gagawin na pagsunod sa binoto ninyo.
C. Naniniwala po ako na dapat nating bigyan ng pagkakataon na mamuno ang ibinoto ng
karamihan.
D. Hindi ako sumasang-ayon, wala lang!
34.Inutusan ka ng iyong kamag-aral na manguha ng mangga sa likod ng inyong paaralan pagkatapos ng
klase. Ano ang iyong magalang na isasagot?
A. Pasensya ka na, hindi ko magagawa ang inuutos mo sa akin, dahil mali ang kumuha ng
walang pahintulot.
B. Iba na lang ang utusan mo, dahil hinihintay ako ni Nanay.
C. Ikaw na lang ang kumuha, para hindi ako madamay.
D. Ayoko nga! Mapagalitan pa ako.
35.Pinag didebatihan sa loob ng inyong klase ang 4Ps o Programang Pantawid Pamilyang Pilipino, kung
dapat bang ituloy ito ng pamahalaan o hindi. Bilang isa sa binipesyaryo ng 4ps, ano ang magalang na
opinyon mo ukol dito?
A. Sa tingin ko, dapat wala ng 4Ps.
B. Naniniwala po ako, na dapat ipagpatuloy ang 4Ps, dahil nakatutulong po ito sa aking pag-
aaral at sa aming pamilya.
C. Hindi ako sumasang-ayon, dahil nagbubunga ito ng mali.
D. Tama kayo, maganda ang 4Ps sa ibang pamilya.
36. Matulungin siya sa lahat ng nangangailangan hindi niya pinipili ang kanyang tinutulungan bata man ito
o matanda, mahirap o mayaman basta nangangailangan ng tulong. Tinatawag siyang “DARNA" ng
makabagong panahon. Sino Siya?
A. Kim Chu B. Angel Locsin C. Carla Estrada D. Marian Rivera
37. Maraming tao ang nagkasakit dahil dito, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Patuloy na
dumarami ang namamatay, nawalan ng trabaho, nahinto sa pag-aaral ng mga batang katulad mo. Ano ito?
A. Baha B. Covid-19 C. Sakuna D. Sunog
38. Ugaliing maghugas ng kamay, sabunin ng mabuti, huwag kusutin ang mata ng basta- basta, kumain ng
masustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas; panatilihing maging malusog at malinis ang ating
pangangatawan. Ano ang maaring maging pamagat nito?
A. Mga Kautusan B. Mga Kasabihan
C. Mga kasanayan D. Mga hakbang sa kalinisan
39. Isang magiting na pulis sa teleserye sa isang sikat na estasyon ng telebisyon. Tinatawag siyang “Cardo
Dalisay”. Ano ang pamagat ng nito?
A. Mulawin B. Probinsyano
C. Kambal karibal D. Ang Magiting na Pulis
40. Ito ay kuwento ng magkapatid na nagpakita ng tunay na pagmamahal at tiwala sa isa’t isa. Lalo pang
pinatanyag ng pelikulang ito ang awiting “Let it Go”. Ano ang pamagat nito?
A. Alice in the Wonderland B. Cinderella
C. Frozen D. Snow white
5|P a g e
Panuto: Basahin ang sumusunod na balita. Pakinggan itong mabuti at ibigay ang iyong sa
sariling opinion tungkol sa isyu. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

41. “Klima sa Bansa, Hindi tama?”


Init-lamig, lamig-init, ulan at init sa tag-ulan. Lubhang Malaki na nga ang ipinagbago ng klima sa
ating bansa simula ng pumasok ang ika-20 siglo. Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng
tinatawag na “Climate Change” at “Global warming” kung saan hindi lamang ang ating bansa ang
naapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo.
A. Sa tingin ko mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
B. Hindi lamang nasusukat sa yaman ang kasiyahan ng isang pamilya.
C. Higit na dapat tayong umiwas sa bisyo tulad ng paninigarilyo dahil ito ay masama sa
kalusugan.
D. Sa aking pananaw sadyang magbabago ang klima dito sa ating bansa dulot ng Global
warming at Climate change.
42. “Indonesia may pinaka mataas na kaso ng Covid-19 sa East Asia”

Nalampasan na ng Indonesia ang bilang ng kaso sa China, para maging bansa na may
pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus sa East Asia na may 84, 882 infections habang
pinangangambahang mas tataas pa ang infection rate dahil sa mga undetected cases.
A. Sa aking palagay mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
B. Sa tingin ko marami ang hindi sumusunod sa alituntunin ng gobyerno.
C. Sa aking pananaw dapat bigyan ng regalo ang bawat bata hindi lamang tuwing Pasko.
D. Ang Indonesia ay katulad din ng bansa natin na mataas ang cases ng Covid, kaya
nararapat lamang paigtingin ang pagsunod sa mga alituntunin.
43. “2 Patay sa buy bust Operation”

Dalawang lalaking pinaghihinalaang drug pusher ang patay nang manlaban sa isinagawang
simultaneous buy bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Manila, nitong Sabado ng gabi.
A. Sa tingin ko ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
B. Nararapat lamang ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
C. Naniniwala akong dapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag
lalaro ng online games.
D. Alinsunod sa ating batas, nararapat lamang patawan ng parusa ang mahulihan ng droga
dahil nakakasira sa kinabukasan.
44. “BuCor Chief, Pinagpapaliwanag”

Pinagpapaliwanag na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections chief


Gerald Bantag kaugnay ng umano’y bagong death case ng COVID-19 mula sa mga inmate ng New Bilibid
Prisons sa Muntinlupa City.
A. Higit na nakakatakot ang makulong ngayong panahon ng pandemya.
B. Akoy naniniwala na karapatan ng bawat Pilipino ang matamasa ang kanilang kalayaan.
C. Sa aking palagay dapat sa magkaroon ng patas na sistema sa hukoman n gating bansa.
D. Nararapat lamang na magpaliwanag ang chief ng BuCor dahil sa pagkamatay ng isang
bilanggo doon upang maunawaan at maliwanagan ang lahat sa pagkamatay nito.
45. “Evaluation ng Rapid Test, OK sa DOST”

Aprub na sa Department of Science and Technology–Philippine Council for Health Research and
Development (DOST-PCHRD) ang hakbang na pagtutuunan na nang todo ang evaluation at validation ng
rapid antibody tests para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
A. Ang rapid testing ay mahalaga at dapat lamang gawin sa panahon na nakkaranas tayo ng
epidemya, kaya hanggat maari ay mabilisan ang pagsasagawa nito.
B. Buong igting kong ipapatupad na kailangan parusahan ang mga batang hindi sumusunod
sa mga magulang.
C. Naniniwala ako na kailangang makahanap nan g lunas sa Covid-19.
D. Naniniwala ako na totoo nakakatakot magkasakit ngayong panahon
46. Uri ng porma kung saan ginagamit ng mga mag-aaral upang makahiram ng mga libro.
A. Sedula B. Library card C. Bio-data D. Driver license
47. Klase ng porma na ginagamit sap ag-aapla ng trabaho.
A. Bio-data B. Sedula C. Driver license D. Registration form
48. Ito ay uri ng porma kung saan magagamit sa pagmamaneho ng ibatibang klse ng sasakyan.
A. Sedula B. Library card C. Bio-data D. Driver license
49. Kung nais mo bumoto kelangan mo sagutan ang pormang ito.
A. Bio-data B. Sedula C. Balota D. Library card
6|P a g e
50. Sa iyong Negosyo kailangan mo magbuwis kada taon, anong porma ang dapat mo sagutan?
A. Pormang pang buwis sa kita B. Sedula C. Balota D. Bio-data

7|P a g e
ANSWER KEY FOR FILIPINO 5

No. Answer No. Answer

1 A 20 A

2 D 21 D

3 D 22 C

4 A 23 D

5 C 24 C

6 D 25 C

7 B 26 A

8 B 27 B

9 A 28 D

10 C 29 B

11 A 30 C

12 A 31 A

13 D 32 D

14 D 33 C

15 D 34 A

16 C 35 B

17 D 36 B
18 C 37 B
19 D 38 D

39 B

40 C

41 D

42 D

43 D

44 D

45 A

46

47
48
49

50

8|P a g e
9|P a g e

You might also like