You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Negros Oriental
ZAMBOANGUITA DISTRICT
GREGORIO ELMAGA MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Talaan ng Ispesipikasyon sa Filipino 6


(Summative Test)
Learning Competency Code Number Item Percentage
of Items Placement
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
F6PN-la-g-3.1, 10%
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, 2 1, 2
F6PB-lc-e3.1.2
tekstong pang-impormasyon at usapan.
Nasasagot ang tanong na bakit at paano. F6PB-lf-3.2.1 2 3, 4 10%
Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag
F6PN-Ic-19 2 5, 6 10%
ng mga tauhan sa napakinggang pabula.
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan
at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang F6WG-Ia-d-2 4 7,8, 9, 10
sitwasyon
20%
Nabibigyang kahulugan ang sawikain F6PN-Ij-28 3 11, 12, 13
15%
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
F6PB-Ib-5.4F6RC- 5%
kuwento sa tulong ng nakalarawang 1 14
IIe5.2
balangkas at pamatnubay na tanong.
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng
F6PN-Id-e-12;
mga pangyayari bago, habang, at matapos 3 15, 16, 17 15%
F6PB-IIIf-24
ang pagbasa.
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
F6PS-Id-12.22,
iba’t ibang sitwasyon:
F6PS-IIc-12.13,
F6PS-IIIf-12.19, 18, 19, 20
- sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin
F6PS-IVg-12.25, 3 15%
- pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid
F6PS-IVh-12.19
-pagpapahayag ng ideya
-pagsali sa isang usapan
- pagbibigay ng reaksiyon
TOTAL 20 1-20 100%

Prepated by:

NACEL JOYCE E. HORTIZ


Grade 6 Adviser
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Negros Oriental
ZAMBOANGUITA DISTRICT
GREGORIO ELMAGA MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Summative Test sa Filipino 6

I. Panuto: Basahin at unawain ang pabula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang Lobo at ang Kambing


Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahon palabas
ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng
lobo.

“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na
sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y
niloko lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at
gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano
natin gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,” pangako nito.

“Sige,” ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing
para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung
walang kambing na magpapaloko.”

At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

1. Sino ang nahulog sa balon?


A. Kambing B. Lobo C. Ahas D. Aso

2. Ano ang pamagat ng pabula na iyong binasa?


A. Ang Aso at ang kanyang kaibigan C. Ang Aso at ang Uwak
B. Ang Lobo at ang Kambing D. Ang Lobo at ang Matsing

3. Paano matutulungan ng lobo ang kambing?


A. Hahatakin palabas ng Lobo ang kambing.
B. Kukuha ng maraming tubig ang lobo upang mapuno ang balon.
C. Bibigyan ng pagkain ang kambing.
D. Tatawanan lamang ang kambing.

4. Bakit kailangang maging matalino sa mga desisyong gagawin?


A. Para maging masaya
B. Para hindi maloko ng mga magpasamantalang tao
C. Para maging malungkutin
D. Para maloko ng mga tao

II. Panuto: Bigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa pabula. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.
5. “Hayaan mo, mula ngayon, magbabago na ako.”
A. masungit B. mapagmalasakit C. mapagpakumbaba D. matatag

6. Iniisip ng tagak kung paano matutulungang magbago ang buwaya.


A. masungit B. mapagmalasakit C. mapagpakumbaba D. maawain

III. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

7. Ito ay pantawag sa tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.


A. pambalana B. pantangi C. Pangngalan D. konkreto

8. Ano ang tawag sa salitang ipinanghahalili sa ngalan ng tao?


A. pangngalan B. panghalip C. panao D. pantangi

IV. Piliin ang panghalip na angkop ihalili sa may salungguhit na salita o parirala at isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

9. Si Rica ay pinsan ni Joel.


A. niya B. siya C. ako D. kami

10. Maaari bang humingi ng tulong sa iyo at sa kuya mo?


A. natin B. inyo C. kayo D. sila

V. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikan na nakaitalisado. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

11. Mabigat ang dugo ko sa taong ‘yan dahil sa katarantaduhang ginawa niya.
A. nasusuklam; walang anumang pagkalugod C. nainip sa kahihintay; matagal
B. magsasaka; manggagawa D. mahilig sa gala, lakad o pag-alis

12. Namuti ang mata ko dahil isang oras akong pinaghintay ng aking kausap.
A. nasusuklam; walang anumang pagkalugod C. nainip sa kahihintay; matagal
B. magsasaka; manggagawa D. mahilig sa gala, lakad o pag-alis

13. Dapat tayong magpasalamat sa mga anak-pawis dahil sila ang nagtutustos sa pangangailangan natin
sa pagkain.
A. nasusuklam; walang anumang pagkalugod C. nainip sa kahihintay; matagal
B. magsasaka; manggagawa D. mahilig sa gala, lakad o pag-alis

VI. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pabula. Isulat ang tamang bilang 1-5, kung
saan ang bilang 1 ang pinakaunang pangyayayari at bilang 5 naman ang panghuli o katapusan
ng kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. (Bilang 14)
_____ 1. Nais ni Lornang Tagak na tukain ang mga dumi at lintang nakadikit sa katawan ni Gardong Buwaya
ngunit inayawan at pinaalis ito.
_____ 2. Walang nagawa ang tagak kaya siya’y lumipad.
_____ 3. May isang buwaya na nananahan sa sapa na ubod nang damot at sungit kaya ni isa man ay walang
may nais na lumapit at makipagkaibigan sa kanya.
_____ 4.Sa ginawang tulong ni Lornang Tagak kay Gardong Buwaya ay naging matalik na magkaibigan ang
dalawa.
_____ 5.Kinabukasan, bumalik si Lornang Tagak habang tinitingnan ni niya si Gardong Buwaya ay mayroon
siyang naramdamang dumarating na grupo ng mangangaso papalapit sa sapa at agad itong tinulungang
makatago.

VII. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tukuyin kung ano ang posibleng kalalabasan
nito. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
15. Laganap na sa buong daigdig ang Covid-19.
A. marami ang nagkakasakit ng Covid-19
B. marami ang nasiyahan dahil sa Covid-19
C. madadagdagan ang bilang ng may mapagkikitaan
D. magiging malusog ang mga tao

16. Walang perang pambili ng pagkain ang mag-anak ni Ronie.


A. hihingi siya ng tulong sa kaniyang kamag-anak.
B. hindi sila kakain.
C. matutulog nalang sila.
D. mamamalimos ang mag-anak.

17. Uuwi ang anak ni Aling Rosa mula sa Cebu ngayong panahon ng pandemya.
A. didiretso siya sa kanilang bahay
B. sa quarantine area muna siya titira sa loob ng 14 na araw
C. ililihim ng kaniyang pamilya ang kanyang pag-uwi
D. sasalubungin ng kanyang pamilya sa daungan ng barko

VIII. Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at piliin ang angkop at magalang na tugon sa iba’t
ibang sitwasyon.

18. Gusto mong magbigay ng mungkahi sa pagpaplano ng iyong pamilya kung paano kayo mag-aaral
ngayong panahon ng pandemya.
A. “Ma, “Pa, maaari po ba akong magbigay ng mungkahi?
B. “Ang gusto ko ang dapat na masusunod.”
C. “Ayoko kong makinig sa mga mungkahi ninyo.”
D. “Dapat masusunod ang mungkahi ko.”

19. Nagtanong sa iyo ang iyong kapatid kung ano na ang mga nangyayari sa inyong pamayanan.
A. “Wala akong pakialam sa labas.”
B. “Walang mga kabataan at mga matatanda na pinapalabas ng bahay para makaiwas sa sakit na
Covid-19.”
C. “Maraming mga kabataan na naglalaro sa plasa.”
D. “Maraming matatanda na namimili sa palengke.”

20. Hinihingi ang iyong ideya kung paano malulutas ang ating suliranin.
A. “Sa palagay ko po ay dapat tayong makiisa sa ating pamahalaan.”
B. “Huwag ninyo akong isali sa inyong usapan.”
C. “Wala akong pakialam diyan.”
D. “Pakinggan ninyo ang sasabihin ng ibang tao.”

You might also like