You are on page 1of 5

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

UNANG KWARTER (LINGGO 4-6)


SY 2019-2020
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
LAYUNIN/KASANAYAN KAALA
MAN
PAG-
UNAWA
APLIKAS
YON
PAGSU
SURI
SINTESIS/
PAGLALA
EBALW
AS
KABU
UAN
PAT YON
1. Nakapagbibigay ng hinuha
sa kalalabasan ng mga 6 2 2
pangyayari sa kuwentong
napakinggan. F6LC-Ide-12

2. Nasasagot ang mga tanong


tungkol sa napakinggang 1, 25 2
kuwento. F6LC-Iabg-3.1

3. Nagagamit nang wasto ang


mga pangngalan sa 27 11,12, 5
pakikipag-usap sa iba’t ibang 13,14
sitwasyon. F6G-Iabcd-2

4. Nagagamit ang iba’t ibang


uri ng panghalip sa iba’t 7,18, 10
ibang sitwasyon. 8,17, 20,
F6G-Iefg-3 19,23 21,
22, 24
5. Naibibigay ang kahulugan ng
pamilyar at di-kilalang salita 9 1
sa pamamagitan ng
sitwasyong pinaggamitan.
F6V-Ie-1.8

6. Naibibigay ang kahulugan ng


pamilyar at di-kilalang salita 5 1
sa pamamagitan ng gamit sa
pangungusap. F6V-Id-1.14

7. Napupunan nang wasto ang


kard pang-aklatan. F6SS-Ie-13 29,30 2

8. Nakasusunod sa panuto
F6LC-Ifh-1.1 15,16 2

9. Nasasagot ang mga tanong


na bakit at paano sa 26 10, 28 3 4
kuwento. F6RC-If-3.2.1

10. Nagagamit ang


pangkalahatang 4 1
sanggunian. F6SS-Ibfd-6

KABUUAN: 7 9 9 2 2 1 30
BAHAGDAN: 23% 30% 30% 7% 7% 3% 100%
Innihanda ni:
ROSEMARIE B. SAGUM, MT1
Guro sa Filipino 6

1
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
UNANG KWARTER
SY 2019-2020

Pangkalahatang Panuto: Piliin ang titik nang wastong sagot.

Para sa Aytem Bilang 1-10, basahin at unawain ang kuwento.

Sa Museo

Isang Sabado ng umaga, dinala ni Bb. Ramos ang kaniyang klase sa museo.
Kaugnay ng kanilang aralin sa Agham ang kanilang pagdalaw doon. Sa museo, nakita
ng mga bata ang mga lumang kalansay at posil ng mga tao, hayop, at halamang
nabuhay noong mga unang panahon. Nakita nila ang iba’t ibang hayop, kulisap at
ibon. Sa mga larawan sa paligid, nakita ng mga bata ang mga pagbabagong naganap
sa mundo. Tuwang-tuwa ang mga bata. Sa pagdalaw nila sa museo, nakita nila ang
katotohanan ng mga bagay na kanilang nababasa sa mga aklat.

1. Sino ang nagpunta sa museo?


a. ang mga bata b. ang buong paaralan
c. ang mga guro d. ang klase ni Bb. Ramos

2. Bakit kaya dinala ni Bb. Ramos ang kaniyang klase sa museo?


a. upang doon mag-aral ng agham
b. Upang makita ang laman ng museo
c. upang makita ng aktwal ang mga bagay na may kinalaman sa kanilang aralin sa
agham.
d. upang maiba naman ang kanilang pag-aaral sa asignaturang agham at
makapamasyal doon.

3. Paano napahalagahan ng mga bata ang kanilang aralin sa agham?


a. Ikinatuwa nilang makita ang katotohanan sa mga bagay na kanilang napag-
aralan.
b. Natuwa silang makita ang mga lumang kalansay at posil ng mga tao, hayop.
c. Nasabik sila sa kanilang paglabas sa paaralan.
d. Natakot sila sa mga lumang kalansay.
4. Kung nais mong palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa mga posil at lumang
kagamitan, aling pangkalahatang sanggunian ang iyong babasahin?
a. diksyunaryo b. ensayklopedya c. atlas d. almanac

5. Tuwang-tuwa ang mga bata sa pagdalaw nila sa museo. Alin sa sumusunod ang
kahulugan ng salitang tuwang-tuwa?

2
a. hiyang-hiya b. galak na galak
c. mangiyak-ngiyak d. lungkot na lungkot

6. Ano ang pakay ni Bb. Ramos sa pagdala ng mga mag-aaral sa museo?


a. magpakuha ng larawan b. mamasyal
c. may matutuhan d. magkuwentuhan

7. Nakita nila ang iba’t ibang hayop, kulisap at ibon sa museo. Alin ang panghalip na
ginamit?
a. nakita b. nila c. hayop d. ibon

8. Kaugnay ng kanilang aralin sa Agham ang kanilang pagdalaw doon. Anong uri ng
panghalip ang kanila?
a. Panghalip na Panao b. Panghalip na Pamatlig
c. Panghalip na Pananong d. Panghalip na Panaklaw

9. Sa museo, nakita ng mga bata ang mga lumang kalansay at posil ng mga tao. Ang
posil ay isang __________.
a. sandata b. mga buto sa ulo
c. mga buto, labi, o bakas d. pormasyon ng mga bato
10. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga bagay sa museo?
a. Hahawakan ko at susuriing maigi ang mga katibayan ng ating kasaysayan.
b. Maghuhugas ako ng kamay bago humawak sa mga kalansay doon.
c. Panonoorin ko lamang ang mga naka-display doon at hindi ko gagalawin.
d. Tatanungin ko ang tagapamahala doon sa pinanggalingan ng mga posil.

Para sa Aytem Bilang 11-14, suriin ang mga pangngalan sa pangungusap.

11. Ang aking ninong ay isang dalubhasang doktor. Ano ang gamit ng pangngalang may
salungguhit?

a. simuno c. tuwirang layon


b. panaguri d. magkuwentuhan

12. Ang kalaro ni Ana ay isang tuta. Ano ang gamit ng pangngalang kalaro?

a. simuno c. tuwirang layon


b. panaguri d. kaganapang pansimuno

13. “Magkano po ang tumpok ng kamatis? Anong uri ng pangngalan ang may salungguhit?

a. pantangi b. simuno c. pambalana d. lansakan

14. Hindi pa ako nakararating sa Lungsod ng Mati. Alin ang pangngalang pantangi sa
pangungusap?

a. ako b. hindi pa c. nakararating d. Lungsod ng Mati

Para sa mga bilang 15-16, unawain ang panuto at sagutin ang mga katanungan.

15. Gumuhit ka ng limang parisukat sa ibaba. Pagdugtung-dugtungin mo sila


sa pamamagitan ng mga guhit na pahiga. Alin sa ibaba ang angkop sa panuto.

A.

B.

3
C.

D.

16. Palitan mo ang titik E ng K, ang M ng A, ang I ng L, ang B ng I, at ang O


ng N sa EMIBOISAN. Alin sa sumusunod ang mabubuong salita?

A. KARANASAN C. KILUSAN
B. KALINISAN D. KAPUSAN

Para sa aytem bilang 17-24, piliin ang titik ng tamang sagot.


17. Nagbibigay-galang sa pangulo ng bansa ang madla. Alin ang panghalip na panaklaw
sa pangungusap?
A. madla B. galang C. pangulo D. nagbibigay
18. Anong panghalip ang angkop sa pangungusap? _____ ang hinahanap nating bahay.
A. Ano B. Atin C. Hayun D. Kailan
19. Sa pangungusap na “Doon mo na lang ibigay ang lahat ng laruang ayaw mo na at
siguradong mapapasaya mo sila.” Anong uri ng panghalip ang salitang
nakasalungguhit?
A. panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw
20. Punan ng angkop na panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Magtatanong
_____ sa mga kinauukulan ukol sa kahinatnan ng mga pangyayaring iyan.
A. ko B. mo C. ako D. kaniya
21. _____ panig ng mundo, ang mga Pilipino ay kilalang magiliw sa pagtanggap ng bisita.
A. anuman B. saanman C. sinuman D. kailanman
22. Anong panghalip na pamatlig ang angkop sa pangungusap? _____ ang paraan ng
paggawa ng saranggola.
A. Dito B. Heto C. Hayan D. Ganito
23. Sino-sino ang gustong lumahok sa paligsahan ng pagsulat ng maikling sanaysay? Anong
uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap?
A. paari B. panao C. panaklaw D. pananong
24. Ang pag-asa ng bayan ay tayo. Ano ang gamit ng panghalip sa pangungusap?
A. layon C. panaguri
B. kaganapang pansimuno D. pang-uri

Para sa mga aytem Bilang 25-28, basahin at unawain ang seleksyon.

Rizal Park
Sinasabing isa sa pinakamagandang parke ang Rizal Park sa Maynila.
Napakaraming makikita rito. Narito ang bantayog ng ating pambansang bayaning si
Jose Rizal. Mayroon ditong malaking modelo ng mapa ng Pilipinas. Sari-sari ang hugis
at laki ng mga fountain na may pabago-bagong kulay. Mayroon pa ring tinatawag na
dancing fountain. Mayroon ditong bukas na tanghalan na maaaring panooran ng iba’t
ibang palabas. Sa di-kalayuan dito, makikita ang Japanese Garden at ang Chinese
Garden. Sa isang dako naman, may malaking palaruan para sa mga bata at mayroon
ding palaruan ng skating. Mayroon pang slide at duyan, mga punungkahoy at marami
pang iba.
Napakalaki at napakaganda ng Rizal Park. Maipagkakapuri ito sa buong mundo.

25. Ano ang mayroon sa Rizal Park na kakikitaan ng mga pulo at karagatan ng Pilipinas?

4
a. palaruan c. modelong mapa
b. bantayog d. iba’t ibang palabas

26. Bakit sinasabing isa ang Rizal Park sa pinakamagandang parke sa Maynila?
c. maraming hardin c. malawak at maraming makikita
d. maraming fountains d. may malaking mapa ng Pilipinas

27. Anong uri ng pangngalan ang Rizal Park?


a. pantangi b. lansakan c. tambalan d. pambalana

28. Paano mo maipagkakapuri sa buong mundo ang Rizal Park?


a. Ipo-post ko sa facebook ang mga larawan nito.
b. Padadalhan ko ng larawan nito ang aking tiya sa Amerika.
c. Iimbitahin ko ang mga dayuhang mamasyal dito.
d. Magsusulat ako ng blog tungkol sa kagandahan ng lugar na ito.

Para sa aytem 29-30, suriin ang pormularyong pampaaralan at sagutin ang mga tanong
ukol dito.

Aklatang Pampubliko
Kard sa Aklatan

Si Gina Perez na anak nina G. at Gng. Jose Perez ng 26 Quezon Boulevard, Cebu
City ay nga-aaral sa ika-6 na baitang sa Mababang Paaralang Sentral sa kanilang siyudad.
Alin sa mga datos ang isusulat niya sa Library Card sa ibaba.

Blg. ________________
Pangalan _________________________________ Gulang: _______________________
Tirahan ____________________________________ Guro: _________________________
Paaralan __________________________________ Baitang at Pangkat: ___________
Telepono: Bilang ng Tel. 745-95-07, Cebu City
I Magulang
Ama ________________________________ Ina: ___________________________

____________________________________________
Pirma ng Mag-aaral

29. Anong datos ang dapat isulat sa Paaralan?


A. Mababang Paaralang Quezon Boulevard
B. Cebu City Primary School
C. Mababang Paaralang Sentral ng Lungsod ng Cebu
D. Mababang Paaralang Sentral
30. Aling datos ang dapat niyang isulat sa tirahan?
A. Panacan Relocation, Davao City
B. #26, Quezon Boulevard, Cebu City
C. #26 Quezon Boulevard, Davao City
D. Purok 26, Panacan Relocation, Davao City

You might also like