You are on page 1of 11

ELLNA REVIEWER

FILIPINO 3

Para sa aytem 1-3, basahin ang teksto.

Modyular man, Natututo pa rin Ako


ni: Elma M. Sore

Panahon ng pandemya, nabago ang lahat,

Paraan ng pag-aaral tila lahat ay nanibago’t nagulat.

Sa modyular na paraan halos lahat bumanat,

Kalidad na edukasyon kailangan iangat.

Ito ay hindi hadlang sa aking pagkatuto,

Ang nanay at tatay pati mga kapatid dinamay ko.

Malugod na tinanggap ang bagong estilo,

Sa modyular na paraan, natuto pa rin ako.

1. Anong bagong paraan ng pag-aaral ang nabanggit sa


tula?
A. Face-to-Face C. Offline Class
B. Modyular D. Online Class
2. Ano ang pakiramdam ng lahat sa bagong paraan ng pag-
aaral?
A. masaya B. malungkot C. nanibago D. natakot
3. Bakit nagkaroon ng modyular na paraan ng pag-aaral?
A. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19
B. Upang maiba naman ang paraan ng pag-aaral
C. Dahil napapagod na ang mga guro sa pagtuturo sa mga
bata
D. Upang hindi na papasok ang mga bata sa paaralan
Para sa aytem 4-5, basahin ang kuwento at sagutin ang mga
tanong.

Ang Magkaibigan
Ni: Maria Fe C. Linao

Lunes ng umaga, maagang pumasok ang magkakaibigang


Arah, Peter at Uzman sa paaralan. Pagdating sa kanilang silid-
aralan, agad nilang kinuha ang kanilang modyul at sinagutan.

4. Ano ang ginawa ng magkakaibigan pagkatapos nilang


maglinis?
A. Sinagutan nila ang kanilang mga modyul.
B. Umuwi sila sa kanilang bahay.
C. Kinuha ang kanilang mga modyul.
D. Pumasok sila nang maaga sa paaralan.
5. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang unang naganap
sa kuwento?
A. Maagang pumasok sa paaralan ang magkakaibigan.
B. Tumulong sila sa kanilang guro.
C. Umuwi sila sa kanilang bahay.
D. Kinuha nila ang modyul at sinagutan.

Para sa aytem 6-8, piliin ang mga salitang magkatugma sa bawat


saknong ng tula o awit.

6. Munting mundo ko ma’y iyong


nabago,
Di mo ako matatalo.
Pandemya ka lang,
Malusog na bata yata ang iyong
tinalo.
A. nabago – malusog C. matatalo - tinalo
B. matatalo – pandemya D. tinalo – bata
7. Pagkain ng prutas at gulay,
Resistensiya ang taglay.
Sa sakit mabisang panlaban
Upang pamilya’y
Maproteksiyunan.
A. gulay – taglay C. panlaban - resistensiya
B. pagkain – pamilya D. prutas – pamilya
8. Alin sa mga sumusunod ang katugma ng salitang may
salungguhit?
Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan.
A. paglakbay C. katiyakan
B. iiwan D. mundo
Para sa aytem 9-10, piliin ang pahayag na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan ng teksto.

9. Ang pangangalakal sa Pilipinas ay nagsimula noon pa


sa panahon ng mga sinaunang Pilipino. Tinatawag nila itong
barter.
Nagpapalitan sila ng kanilang mga produkto sa mga
dayuhan tulad ng aning prutas, mga alagang hayop, ginto,
pilak, halamang-dagat at iba pa.
A. Nagpapalitan sila ng kanilang mga produkto sa mga
dayuhan.
B. Natuto ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan noon pa
man.
C. Umuutang ang mga Pilipino sa mga dayuhan.
D. Walang gustong mangalakal sa Pilipinas.
10. Walang pasok at maaliwalas ang panahon. Masayang
naglalaro ang mga bata sa bakuran. Maririnig ang
halakhakan, hiyawan, at tawanan. Masaya nilang
pinagsaluhan ang inihandang pagkain.
A. Walang pasok at maaliwalas ang panahon.
B. Pagod na pagod ang mga bata sa paglalaro.
C. Galit ang kapitbahay sa ingay ng mga bata.
D. Masayang naglalaro ang mga bata sa bakuran.

Para sa aytem 11-12, piliin ang angkop na pangngalan.

11. Nakakalusog ang palaging pag-inom ng preskong


gatas mula sa __________.
A. kabayo B. aso C. ibon D. baka
12. Nang hinimatay si Mang Juan, agad siyang dinala sa
malapit na _________.
A. terminal B. mall C. paaralan D. ospital

Para sa aytem 13-15, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan na


may salungguhit.

13. Ang pangalan ko ay Juan Dela Cruz. ______ ay walong


taong gulang.
A. Ako B. Ikaw C. Kami D. Sila
14. Si Lola Remedios ay matanda na ngunit _______ pa rin
ang nag-aalaga sa amin.
A. kami B. kayo C. sila D. siya
15. Sina Ana at Elsa ay kambal. Pareho _______ng
magagaling sumayaw at umawit.
A. kami B. kayo C. sila D. tayo

Para sa aytem 16-18, piliin ang kahulugan ng salitang may


salungguhit.

16. Masagana ang huli ng mga mangingisda kaya sila ay


masaya.
A. kaunting B. malaki C. marami D. mura
17. Maganda ang Sampaguita. Nagbibigay ito ng
mahalimuyak na amoy sa kapaligiran.
A. masangsang B. mabaho C. maputi D. mabango
18. Malawak ang kanilang kapaligiran kaya tuwang-tuwa
ang mga bata sa paglalaro.
A. marumi B. malapad C. maayos D. magulo

Para sa aytem 19-20, piliin ang pangungusap na may wastong


baybay ang nasalungguhitang salita.

19. A. Tayo ay manonood ng palatontunan bukas.


B. Kasali sila sa palatuntunan.
C. Masayang natapos ang palatontonan.
D. Punong abala sila sa isinagawang palatuntonan.

20. A. Mga malalaking sarangola ang kasali sa patimpalak.

B. Gawa sa mamahaling materyales ang sarangula.

C. Makulay ang ginawang saranggula ni Pilar.

D. Mataas ang lipad ng saranggola ni Pepe.

21. Kapag dinagdagan ng /t/ sa hulihan ng daga, ang salitang


mabubuo ay _________.

A. datga C. dagta

B. tdaga D. dagat

22. Anong salita ang mabubuo kapag dinagdagan natin ng /n/


sa gitna ng salitang pula?

A. pulna C. npula

B. punla D. pulan

23. Alin ang salitang may tamang baybay?

A. bahaghare C. dalampasegan

B. bukang-liwayway D. paro-paro
24. Aling salita ang mabubuo kapag papalitan ng /i/ ang /u/ sa
salitang kulay?

A. kalay B. keloy C. kilay D. kolay

25. Inihain niya ang ___itong isda sa kanilang hapag. Aling kambal
katinig ang angkop sa patlang upang makabuo ng salitang may
klaster?

A. br B. dr C. bl D. pr

Para sa aytem 26, basahin ang kuwento.

Ang Pamilyang Santos


ni: Maria Fe C. Linao

Tuwing araw ng Sabado, ang Pamilyang Santos ay laging


abala sa mga gawaing-bahay. Si Aling Marta at anak na babae
ay naglalaba at naglilinis ng buong bahay. Habang si Mang Leo
at ang kanyang anak na lalaki ay nagpapakain sa kanilang mga
alagang hayop. Nililinis din nila ang mga kulungan ng kanilang
mga manok. Ang kanilang bunsong anak na si Lucia naman ang
naghahanda ng kanilang meryenda.

26. Bakit kailangang magtulungan sa mga gawaing bahay?

A. para madaling matapos ang mga gawain

B. para makapagpahinga ang nanay at tatay

C. upang maging magulo ang buong bahay

D. upang hindi makapaglaro sa labas ang mga bata


Para sa aytem 27-29, piliin ang angkop na pamagat ng teksto sa
bawat bilang.

27. Nasa tawiran ng daan si Isko. Napansin niya na mabilis ang


pagtakbo ng mga sasakyan. May nakita siyang isang matandang
gustong tumawid, subalit mahina ito at walang kasama. Paghinto
ng mga sasakyan, agad nitong inalalayan ang matanda upang
makatawid nang ligtas.

A. Ang Batang Matulungin C. Ang Matanda at ang Bata

B. Ang Mabilis na Sasakyan D. Ang Matanda sa Tawiran

28. Masayang naglalakad at nagtatawanan ang


magkakaibigan patungo sa parke nang biglang tinugtog ang
pambansang awit habang itinataas ang bandila ng bansa.
Agad-agad na tumayo nang matuwid ang magkakaibigan at
nilagay ang kanang kamay sa kani-kanilang dibdib.

A. Masayang Magkakaibigan C. Paglakbay sa Parke

B. Paggalang sa Watawat D. Pagtugtog ng Lupang Hinirang

29. Maagang gumising sina Buboy at Elsa. Dahil walang pasok sa


paaralan, naisipan nilang maglinis ng bakuran. Pagkatapos,
pinakain nila ang kanilang mga alagang hayop. Inihanda rin nila
ang hapag-kainan upang sabay-sabay silang mag-anak na
kumain ng agahan.

A. Ang Matapat C. Mga Masisipag na Bata

B. Ang Mga Batang Pasaway D. Si Buboy na Masunurin


Para sa aytem 30-31, piliin ang angkop na sanhi ayon sa bunga
ng pangyayari.

30. Malusog ang pangangatawan ng bata.

A. Hindi siya kumakain sa tamang oras.

B. Masustansiyang pagkain ang kanyang kinakain.

C. Palakaibigan ang bata.

D. Palagi siyang puyat.

31. Nanalo ang magkapatid sa isang paligsahan sa pag-awit.


Nagkamit sila ng malaking papremyo mula sa tagapamahala ng
patimpalak.

A. Nagsanay sila nang maayos.

B. Nakalimutan nilang mag-ensayo.

C. Naaliw sila sa panonood ng pelikula.

D. Nawili sila sa paglalaro ng online games.

Nakaugalian nang magkapatid na mangolekta ng mga


plastic, bote, at karton. Kapag puno na ang imbakan, ibinibenta
nila ito sa malapit na junk shop sa kanilang lugar. Sa perang
naipon mula sa mga naibentang bagay, nakatutulong sila sa
kanilang mga magulang para sa pang-araw-araw na gastusin.

32. Alin ang sanhi ng mga pangyayari sa binasang teksto?

A. Naging malinis ang paligid.

B. Nangolekta ng mga plastic, bote, at karton ang magkapatid.

C. Nagkaroon sila ng pera sa kanilang gastusin.

D. Naiiwasan ang kalat sa kanilang bakuran.


Para sa aytem 33, basahin ang kuwento at sagutin ang tanong.

Ang Alamat ng Pinya

Isang araw, ipinahanap ng nanay kay Pina ang gunting sa


kanilang kusina. Hindi ito mahanap ni Pina at panay na ang
pagrereklamo niya. Kaya nagalit ang nanay at biglang kumulog
nang malakas. Hinanap nang hinanap ng nanay si Pina ngunit
hindi niya ito makita. Sa huli, nakita na lamang ng nana yang
isang hugis biluhaba at dilaw na prutas na may maraming marka
na parang mga mata.

33. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagsasalaysay ng mga


pangyayari sa Alamat ng Pinya?

I-Nagrereklamo si Pina sa paghahanap sa gunting.

II-Nakita ng nana yang dilaw na prutas.

III-Inutusan ng nanay si Pina sa kusina na hanapin ang gunting.

IV-Nagalit ang nanay at kumulog nang malakas.

A. 1-2-3-4 B. 1-3-4-2 C.3-1-4-2 D.4-3-2-1

34. Kailangan nating gumamit ng kutsara at _________ sa pagkain.


Aling salita na may wastong baybay ang ankop sa patlang?

A. tenedor B. tinidur C. tinidor D. tenedur

35. Ano ang tamang baybay ng ngalan ng nasa larawan?

A. magtunog B. metunog C. miktinig D.mutunog

36. Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasulat ng


pangalan n gating pambansang bayani?

A. Dk. Jose P. Rizal C. Dok. Jose P. Rizal

B. Doc. Jose P. Rizal D. Dr. Jose P. Rizal


37. Kung ang salitang tanim ay dadagdagan ng panlaping –an,
aling salita ang iyong mabubuo?

A. natanim B. taannim C. tananim D. taniman

38. Si Elmo ay magaling magpinta. ________ din siyang gumawa


ng mga tula. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit na angkop para sa patlang?

A. Mabilis B. Mahusay C. Matalino D. Mahinhin

39. Alin ang salitang ugat ng kasipagan?

A. sipagan B. kappa C. pagan D. sipag

40. Sinabihan ng nanay si Edna na huwag maingay dahil


natutulog nang __________ ang kanyang bunsong kapatid. Aling
pang-abay ang angkop sa pangungusap?

A. maaga B. maayos C. mahimbing D. taimtim

41. Nagdasal nang __________ si Rene upang ligtas sa COVID-19.


Anong angkop na pang-abay ang maaaring maglalarawan sa
kilos na nagdasal?

A. mahimbing C. tahimik

B. malumanay D. taimtim

42. Gusto ng bata na maintindihan ang leksiyon ng kanyang guro


kaya nakikinig siya nang ________. Ano ang angkop na pang-
abay ang naglalarawan sa kilos?

A. banayad C. padabog

B. malungkot D. tahimik

Para sa aytem 43-44, basahin ang kuwento.

Umaga ng Marso 16, 2020, nagising na lamang si Nico at


ang kaniyang mga kaklase sa ikatlong baitang na magkakaroon
nang lockdown. Sususpendihin ang klase sa lahat ng antas dahil
sa naitalang kaso ng COVID-19 sa Rehiyon XII. Marami ang
nangamba sa napabalitang epekto nito sa kalusugan at
kabuhayan ng mga mamamayan.

43. Paano mo napapanatiling ligtas ang iyong sarili laban sa


COVID-19?

A. Pamamasyal sa iba’t ibang pook-pasyalan

B. Paglalaro sa daan buong araw

C. Pakikipaghalubilo sa mga tao sa lansangan

D. Pagsunod nang maayos sa mga health protocols

44. Kung ikaw si Nico, susunod ka pa rin bas a mga health


protocols na itinakda ng inyong paaralan?

A. Opo, dahil pagagalitan ako ng aking guro.

B. Opo, dahil kailangan kong manatiling malusog para sa aking


pamilya.

C. Hindi na po, dahil wala nang nagkakasakit ngayon.

D. Hindi na po, dahil hindi na gaanong seryoso ang COVID


ngayon.

Para sa aytem 45, piliin ang wastong kambal katinig upang


mabuo ang salitang may klaster ayon sa larawan.

45. _________ayber

A. dl B. dr C. br D. bl

You might also like