You are on page 1of 3

Unang Markahang Pagsusulit sa FILIPINO 2

Panuruang Taon 2023-2024

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang letra ng
tamang sagot.
1. Nakasalubong mo ang iyong guro isang umaga. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Magandang umaga po. C. Magandang hapon po.
B. Magandang tanghali po D. Magandang gabi po.
2. Ano ang dapat mong sabihin kapag binigyan ka ng iyong kaklase ng kaniyang baon?
A. Pahingi naman niyan. C. Maraming salamat.
B. Dagdagan mo pa. D. Walang anuman .
3. Kapag nagpasalamat ang iyong kaklase, ano ang iyong isasagot?
A. Paumanhin po. C. Makikiraan po.
B. Walang anuman. D. Bahala ka.
4. Itinatapon ng kapatid ko ang balat ng saging sa tamang basurahan kaya siya ay sumunod
sa:
A. Maghiwalay ng basura. C. Bawal magtinda dito.
B. Mag-ingat sa pagtawid. D. Bawal umihi dito.
5. Tumitingin sa kaliwa’t kanan ang mga tumatawid na tao sa daan upang maiwasan ang
disgrasya kaya:
A. Mag-ingat sa pagtawid. C. Maghiwalay ng basura.
B. Bawal umihi dito. D. Bawal magtinda dito.
6. Alin sa mga salita ang may wastong baybay?
A. platu B. plorera C. blosa D. Pira
7. Ano ang tamang baybay ng nasa larawan?

A. bolaklak B. bolalak C. bulaklak D. bulalak


8. Nilagyan ng tatay ng palaman ang tinanapay. Alin sa pangungusap ang may maling
baybay?
A. palaman B. tinanapay C. tatay D. nilagyan
9. Alin sa mga salita sa ibaba ang nakaayos ayon sa Alpabetong Filipino?
A. dalawa, buko, sawali, lapis C. papel, lapis, aklat, bag
B. dalandan, lansones, papaya, tsiko D.labanos, okra, talong, sitaw
10. Ang salitang “kulay” kapag pinalitan ang unang tunog ng“ma”, Ano
Ang bagong salita?
A. tulay B. makulay C. kulay D. Malay
11. Ang salitang “laba” kapag dinagdagan ng tunog “bo” sa hulihan. ano
ang bagong salita?
A. laboba B. bolaba C . lababo D. bola-bola

12. Isulat ang pangalan sa loob ng kahon. Lagyan ng tsek ang pangalan.
Alin ang wasto sa sumusunod? Ted
A. Ted B. Ted/ C. / D.

Ted/
13. Ang pasahero ay kabilang sa ngalan ng __________.
A. tao C. hayop
B. bagay D. lugar
14. Masarap ang suman na ginawa ni Aling Laura. Alin ang bagay ?
A. masarap C. suman
B. ginawa D. Aling Laura
15. Alin ang ngalan ng lugar? Sa hardin kami naglaro ng aking pinsan.
A. kami C. pinsan
B. hardin D. naglaro
16. Ang hari ay pangngalang _______ .
A. Pantangi C. walangkasarian
B. pambalana D. bagay
17. Ipinasyal ni G. Reyes ang kaniyang mga anak sa Manila Zoo. Ang salitang
may salungguhit ay pangngalang _____________.
A. pantangi C. a at b
B. pambalana D. wala
18. Alin sa sumusunod na salita ang matatagpuan sa salitang paaralan.
A. pangalan B. ngalan C. paara D. aral
19. Alin sa mga salita ang may kambal katinig?
A. aklat C. klinika
B. papel D. paaralan
20. Hilaw pa ang mga prutas sa kusina. Alin ang salitang may kambal-katinig?
A. hilaw B. kusina C. prutas D. mga
21. Ano ang wastong bantas ang dapat ilagay sa pangungusap?
Sasama ka ba sa Luneta Park sa Sabado__
A. . B. ? C. ! D. ,
22. Alin ang halimbawa ng parirala?
A. ang paglalaro
B. Sa amin ka na lamang matulog.
C. Nagbabasa ng aklat si Benjie araw-araw.
D. Ang mga Pilipino ay likas na matulungin.
23. Sa mga sumusunod, alin ang pangungusap?
A. maging matulungin
B. inimbitahan sila
C. tumuloy sa bukid
D. Tanggapin ang pagkatalo sa paligsahan.
24. Ang ating dyanitor ay naglinis ng paaralan. ______ ay masipag.
Anong panghalip panao ang dapat ilagay sa patlang?
A. Ikaw B. Siya C. Sila D. Tayo

25. Sina Karen at Lenie ay pupunta sa Rizal Park bukas. Ano ang wastong
panghalip panao ang dapat ipalit sa salitang nasalungguhitan?
A. Tayo C. Sila
B. Ikaw D. Ako
C.
II.Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat lamang ang
letra ng tamang sagot.

Ang Batang Maaasahan


Tuwing walang pasok, nanonood sa pagluluto ng Nanay niya si Melinda. Natutuhan
niya ang wastong paraan ng pagluluto.Isang araw, nagkasakit ang ina niya. Hindi ito
makapagluluto. Hinayaan na lang niyang magpahinga si Nanay para gumaling. Si
Melinda ang nagluto para sa kanyang buong pamilya. Talagang maasahan siya.
26. Sino ang madalas manood kapag nagluluto si Nanay?
A. Si Tatay C. si Kuya
B. si bunso D. Si Melinda
27. Ano ang madalas gawin ni Melinda?
A. Manood ng T.V C. manood ng laro
B. manood ng sine D. manood ng pagluluto
28. Kailan pinapanood ni Melinda ang kanyang nanay sa pagluluto?
A. tuwing Sabado C. tuwing walang pasok
B. tuwing Linggo D. araw-araw
29. Ano ang katangian ni Melinda?
A. Mabait C. maasahan
B. matalino D. matapat
30. Ano ang nangyari sa kanyang ina?
A. Nagkasakit C. lumayas
B. namatay D. pumunta sa palengke

You might also like