You are on page 1of 4

THIRD PERIODICAL TEST IN FILIPINO 2

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ________

I. Pamamaraan: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.

A. pang-abay C. pang-uri
B. pangngalan D. pandiwa

2. Ano ang pangngalan na ginagamit sa pangungusap na nasa loob ng kahon?

A. Si C. Jessa
B. ay D. matalino

3. Alin sa mga pangngalan sa ibaba ang ngalan ng bagay?

A. tasa C. ilog
B. bata D. kaarawan

4. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang may wastong pagkakasulat?

A. Bakit umiyak si marco?


B. bakit umiyak si Marco?
C. Bakit umiyak si Marco.
D. Bakit umiyak si Marco?

5. Ang_________ay may maamong mukha.

A. kuting C. kambing
B. tuta D. daga

6. Napakagandang_______ang Apo.

A. isla C. lalawigan
B. bansa D. daungan

7. Bumili si Kuya Atan ng bagong___upang makapaglaro ng


basketbol.
A. bola C. sapatos
B. damit D. pagkain

8. Masayahing bata si Chelsie .________ rin ay matalino.

A.Ako C. Sila

1
B. Siya D. Kami

9. __________ay nagdiriwang ng Santacruzan tuwing


Mayo.
A. Siya C. Sila
B. Ikaw D. Ako

II. Panuto: Piliin ang maaaring sanhi o bunga ng mga pangyayari.

10. Malapit na ang araw ng pasukan. Abala si Aling Marta sa paglilista ng mga
bibilhing gamit para sa eskwela. Kasama niya si Nene sa pamimili sa
divisoria. Hindi namalayan ni Aling Marta na nawawala ang kanyang pitaka.
Ano ang magiging reaksyon ni Nene?

A. Natuwa si Nene.
B. Nalungkot at naiyak si Nene.
C.Nagalit si Nene sa kanyang Nanay Marta.
D. Nagmumukmok si Nene

11. Masipag mag-aral si Toni. Palagi siyang nagbabasa ng aklat pagkauwi niya
galing sa eskuwela. Manonood lang siya ng telebisyon pagkatapos gawin ang
takdang-aralin. May pagsusulit sila sa Matematika kinabukasan.

A. Hindi nakapasa si Toni sa kanilang pagsusulit.


B. Hindi nasagot ni Toni lahat ng mga katanungan sa pagsusulit.
C. Malaki ang nakuhang marka ni Toni sa pagsusulit.
D. Babagsak siya sa pagsusulit.

12. Isang magsasaka ang tatay ni Berto. Maliban sa mga gulay, nagtatanim din
siya ng mga punong kahoy. Lumipas ang ilang taon, biglang dumating ang
malakas na ulan.

A. Hindi nalubog sa baha ang kanilang lugar.


B. Nadaganan ng puno ang tatay ni Berto.
C. Hindi natuwa ang mga tao sa nangyari sa kanilang lugar.
D. Tangayin siya ng hangin.

13. Napabulyaw at nasabi niya ng malakas, “Ay,kabayo!” dahil sa matinding


gulat.

A. lungkot B. pagkabigla C. panghihinayang D. pagkalumbay

14. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang may ibang gumagamit ng
kanyang damit.

A. inis B. tuwa C. lungkot D. saya

15. “Naku, kinikilabutan at naninindig ang aking balahibo! Anong lugar kaya
ito?”

A. gulat B. takot C. pagkabigla D. saya

16. “Aha! Nandiyan ka lang pala nagtatago. Ikaw na ang bagong taya.”

2
A. lungkot B. tuwa C. pagkagulat D. takot

17. “Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga ang nanay ko sa paligsahan.”

A. tuwa B. lungkot C. pagkabigla D. Takot

III. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ang Magkakaibigan

Masayang-masaya na naglalaro ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang sa palaruan


ng paaralan. Iba’t–ibang laro ang kanilang ginagawa.

Mayamaya, biglang umiyak si Fatima.“Ano ang nangyari sa iyo Fatima? Tanong ng


guro. “Tinulak po ako ni Patrick ma’am.” Sagot ni Fatima sa guro. “Hindi ko po
sinasadya ma’am,” Sagot ni Patrick. “Ano ang dapat mong gawin Patrick?” tanong ng
guro kay Patrick. “Hihingi po ako ng tawad ma’am,” sagot ni Patrick. “Patawarin mo
ako Fatima hindi ko sinasadyang matulak kita.” Sabi ni Patrick kay Fatima. Pinatawad
ni Fatima si Patrick at nagpatuloy sila sa kanilang paglalaro.

18. Sino ang naglalaro sa paaralan?

A. guro B. mag-aaral sa ikalawang baitang


C. mga magulang ng mga bata D. wala sa nabanggit

19. Ano ang nararamdaman ng mga mag-aaral habang naglalaro?

A. malungkot B. nasasabik C. masayang-masaya D. nagulat

20. Tama ba ang ginawa ni Patrick sa kuwento? Bakit?

A. Oo, dahil humingi siya ng tawad kay Fatima.


B. Hindi, dahil wala siyang ginawa.
C. A at B.
D. Wala sa pagpipilian

21. Kung kayo ay maglalaro, ano ang dapat ninyong gawin?

A. mag-aaway
B. walang pakialam sa ibang batang naglalaro
C. mag-ingat na hindi masaktan at makasakit sa iba
D. hindi nangingialam

22. Ano ang magiging una mong reaksiyon kung kayo ay makakita ng batang
umiiyak?

A. Tingnan lamang siya.

3
B. Isusumbong siya
C. Pabayaan siyang umiyak at magpatuloy sa paglalaro
D. Lapitan siya at tanungin kung bakit siya umiiyak.

IV. Suriin ang bawat larawan. Ibigay ang iyong obserbasyon batay sa larawan na
ipinakita. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

23. A. Ang mga bata ay naglilinis sa kanilang bahay.


B. Ang mga bata ay naglalaro sa kanilang bahay.
C. Ang mga bata ay nag- aaral.
D. Ang mga bata ay naglalaro.

24. A. Itinapon ang mga basura sa tamang lalagyan.


B. Ang paligid ay malinis dahil walang basura.
C. Ang paligid ay marumi dahil sa nagkalat na mga basura.
D. Malinis na kapaligiran

25.
A. Ang batang babae ay nagpapaligo ng kanyang manok.
B. Ang batang babae ay nagpapakain ng kanyang manok.
C. Ang batang babae ay may alagang manok.
D. Nag-iihaw ng manok.

V. Panuto: Basahin ang mga salita sa ibaba. Isulat ang mga salitang magkasing-
tunog o magkatugma. Bilugan ang letra ng tamang sagot

26. kabayo

A. kalabaw B. kalesa C. tatakbo D. malayo

27. mahalimuyak

A. maginoo B. bulaklak C. marikit D. mabango

28. masakit

A. mataba B. patani C. marikit D. bote

29. Ako ay pambansang prutas. Berde ang kulay kapag pinitas. Dilaw naman
kapag nahinog. Masarap isawsaw sa bagoong.

A. saging B. atis C. pinya D.manga

30. Ako ang pambansang hayop. Makapal na balat hindi matatalop. Bagay na
bagay ang itim na kulay. Sa pagsasaka ng tanim na palay.

A. kalabaw B. aso C.pusa D.kabayo

You might also like