You are on page 1of 2

Ikalawang Markahan sa Pagsusulit Filipino 3

Pangalan____________________________________ Iskor ______________________


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Si Dr. Jose Rizal ay ang ating pambansang bayani. Alin sa mga sumusunod ang Pangalang Pantangi?
A. Dr. Jose Rizal B. Bayani C. Si D. ang

2. Sa Maynila kami magbabakasyon ngayong Mayo. Ang Pangalang Pantangi ay__________.


A.Sa B. Maynila C. Magbabakasyon D. Mayo

3. Ang guro natin sa Filipino ay walang iba si Gng. Calla. Alin sa mga sumusunod ang Pangalang
Pambalana?
A. Filipino B. Gng. Calla C. Natin D. Guro

4. Ang bansa natin ay tinatawag na Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang Pangalang Pantangi?
A. Bansa B. Pilipinas C. Ang D. Natin

5. Araw-araw binabasa ng tao ang dyaryo upang malaman ang bagong balita. Alin sa mga sumusunod ang
salitang may klaster?
A. Tao B. Balita C. bagong D. dyaryo

6. Ang dyanitor ay ang katulong sa paaralan at naglilinis ng bakuran. Alin sa mga sumusunod ang may
salitang may klaster?
A. Katulong B. Paaralan C. Dyanitor D. Bakuran

7. Pakisara ng gripo Ben dahil puno na ang banga. Ang salitang may klaster ay ___________.
A. gripo B. Puno C. banga D. Pakisara

8. Malala ang krisis sa tubig kung tagtuyot. Ang salitang may klaster ay _________________.
A. malala B. Krisis C. tubig D. Tagtuyot

Sagutin ang mga tanong tungkol sa graph:


Mga bote ni Juan
Mga Bote Bilang ng Bote

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Legend: = 5 bote

9. Ilang bote ang nakolekta ni Juan noong Lunes?


A. 20 B. 25 C. 10 D. 15
10. Ilang bote ang nakolekta ni Juan noong Biyernes?
A. 25 B. 10 C. 20 D. 10
11. Anong araw ang may pinakamaraming bote na nakolekta?
A. Lunes B. Martes C. Miyerkules D. Biyernes
12. Ilang bote ang nakolekta ni Juan sa limang araw?
A. 100 B. 80 C. 90 D. 70
13. Maliligo (ang mga bata) _________ sa Springland ngayong Sabado.
A. kayo B. Tayo C. Kami D. Sila
14. (Ako at ang mga bisita) _________ ay dadalo sa iyong kaarawan.
A. kayo B. Tayo C. Kami D. Sila
15. Sasakay (ako at ikaw) _________ ng eroplano papuntang Cebu.
A. kayo B. Tayo C. Kami D. Sila
16. (Ikaw at ang mga guro) ___________ ay sasayaw sa darating ng Pista sa ating Barangay.
A. kayo B. Tayo C. Kami D. Sila
Basahin ang kuwento at sagutin ang tanong.

ANG MANIKA NI SONIA


Isang araw sa bahay nina Sonia ay tumutulo ang luha ni Sonia dahil sirang-sira na ang
kanyang manika na regalo ng kanyang tiya na nasa America. “Huwag mo nang iyakan ang iyong
manika, Sonia,” wika ng Nanay. “Susulatan mo ang iyong Tita Myrna. Humingi ka sa kanya ng
isang katulad niyan.
Ngumiti si Sonia. “Tiyak kong susulatan si Tita Myrna,” wika niya.

17. Ano ang Pamagat ng Kwento?


A. Ang Pag-iyak ni Sonia C. Ang Pagsulat ni Sonia
B. Ang Regalo ni Sonia D. Ang Manika ni Sonia
18. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
A. Sonia B. Nanay C. Tita Myrna D. Sonia, Myrna, at Tiya Myrna
19. Saan nangyari ang kwento?
A. bahay B. America C. paaralan D. Parke
20. Bakit umiyak si Sonia?
A. dahil nawala ang kanyang manika C. dahil hiniran ang kanyang manika
B. dahil hindi siya binigyan ng manika D. dahil nasira ang kanyang manika
21. Ang buhok ni Nanay ay mahaba na. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. mataas B. maikli C. pandak D. malapad
22. Ang kulay ng ulap ay asul. Ano ang kasingkahulugan ng asul?
A. pula B. dilaw C. berde D. bughaw
23. Ang bundok ng Maranag ay maganda pa rin dahil punung-puno pa ito ng mga punungkahoy. Ano ang
kasalungat ng maganda?
A. marikit B. kaakit-akit C. pangit D. malinis
24. Ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw ay tinatawag na ________________.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-abay
25. Ito ay mga salitang naglalarawan. Ito ay tinatawag na ____________________.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-abay

Nagmamadali Pa Naman
Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng
uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya. Malapit na siya sa gate ng
kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid. Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi
na rin niya hinintay na makarating siya sa tamang tawiran.
“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya. Muntik na siya.
Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok nang araw na iyon.
Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo
na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa kalsada.

26. Sino ang tauhan sa kuwento?


27. Saan-saan naganap ang kuwento?
28. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?
29. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran?
30. Bakit nagmamadali si Rosa?

V. Isulat ang PB kung ang pangalan ay pangalang pambalana at PN kung pangalang pantangi.

______ 31. Joseph ______ 36. Kawasaki


______ 32. Palengke ______ 37. bisikleta
______ 33. Narra ______ 38. Nido
______3 4. bahay ______ 39. gatas
______3 5. Sasakyan ______ 40. Milo

You might also like