You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
SAN MARCELINO ELEMENTARY SCHOOL

Pangalan: __________________________________________________________

DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO I


I. Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong ukol dito. Isulat sa patlang ang letra nang tamang sagot.
_____ 1. Sino ang bata sa kuwento?
A. Mara B. Maria C. Mary D. May
_____ 2. Tungkol saan ang napakinggang kuwento?
A. Mga ayaw gawin ni Maria.
B. Mga paboritong pagkain ni Maria.
C. Mga gawain ni Maria tuwing umaga.
D. Mga utos ng nanay ni Maria sa kaniya.
_____ 3. Ano ang naramdaman ni Maria habang nag-aayos siya ng kaniyang
higaan?
A. galit B. lungkot C. saya D. takot
_____ 4. Ano ang simula ng napakinggang kuwento?
A. Si Maria ay nagdarasal.
B. Nakangiting nag-aayos ng higaan si Maria.
C. Araw-araw ay maagang gumigising si Maria.
D. Paglabas ni Maria ng kaniyang silid-tulugan ay agad niyang
kinukuha ang walis tingting.
_____ 5. Ano kaya ang gagawin ni Maria sa kinuha niyang walis tingting?
A. Maglalaro siya.
B. Uutusan niya ang kaniyang nanay.
C. Magwawalis siya sa kanilang bakuran.
D. Magwawalis siya sa loob ng kanilang bahay.
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang wastong pakakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento?

A.

B.
C.

D.

II. Isulat sa patlang ang letra nang tamang sagot.


_____ 7. Anong magalang na pananalita ang dapat gamitin kapag may
ibinigay sa iyong regalo?
A. Paalam po. C. Walang anuman po.
B. Paumanhin po. D. Maraming salamat po.
_____ 8. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan ng paalala?
A. Bawal tumawid. C. Bawal pumitas ng bulaklak.
B. Bawal tumakbo. D. Bawal magtapon ng basura.
_____ 9. Ang kasingkahulugan ng salitang maliit ay _______________.
A. malaki B. mataba C. pandak D. payat

?
_____ 10. Kailan ginagamit ang bantas na
A. Kapag nagulat C. Kapag nagtatanong
B. Kapag nag-uutos D. Kapag nagsasalaysay

_____ 11. Maraming matitingkad na mga ___________ sa hardin.


A. bulaklak B. gulay C. puno D. prutas
_____ 12. Ano ang kailanan ng pangngalang magkapatid?
A. isahan B. dalawahan C. maramihan D. A o B
_____ 13. Si ate at ako ay aalis bukas. _______ ay pupunta sa parke. Anong
panghalip ang dapat gamitin?
A. Ako B. Ikaw C. Kami D. Siya
_____ 14. Kaarawan ni Dina. Nakatanggap siya ng maraming regalo mula sa
kaniyang mga kaibigan. Masayang-masaya si Dina sa kaniyang
kaarawan. Ang regalo ay halimbawa ng?
A. salita B. parirala C. pangungusap D. talata
_____ 15. Ang lapis ay mahaba. Ano ang kasarian ng lapis?
A. pambabae B. panlalaki C. di-tiyak D. walang kasarian

_____ 16. Aling pangungusap ang angkop sa larawan?


A. Si Niko ay nagsusulat.
B. Si Niko ay gumuguhit.
C. Si Niko ay nagbabasa.
D. Si Niko ay nagbibilang.
_____ 17. Ano ang maaaring katugma ng salitang aso?
A. apa B. baso C. kahon D. lapis
_____ 18. Mabilis na naglakad si Ron patungo sa kanilang paaralan.
Paano naglakad si Ron patungo sa kanilang paaralan?
A. mabagal B. mabilis C. mahinahon D. masigla
_____ 19. Paano isulat nang wasto ang tiyak na pangalan ng tao?
A. john B. John C. johN D. JOHN
_____ 20. Anong pang-ukol ang gagamitin para mabuo ang pangungusap?
Ang tula na kaniyang ginawa ay ________ kaniyang ina.
A. para kay B. laban kay C. tungkol kay D. para sa

_____ 21. Paano mo dapat isulat ang pangalan ng nasa larawan?


A. walis B. Walis C. wal is D. wal iS
_____ 22. Sundin ang panuto: “Gumuhit ng bilog. Sa gitna nito ay isulat ang
malaking letrang A.”

A. A B. A C. A D.
A
_____ 23. Anong tunog ang bumubuo sa pantig na ma?
A. /m/a/ B. /n/a/ C. /ñ/a/ D. /ng/a/
_____ 24. Kung papantigin mo ang salitang bata, ilang pantig mayroon ito?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
_____ 25. Anong bagong salita ang mabubuo mo kapag pinalitan ng a sa
hulihan ang salitang puso?
A. pusi B. paso C. pako D. pusa
_____ 26. Anong salitang naglalarawan ang iyong gagamitin upang ilarawan
ang kabayo?
A. mabilis C. matamlay
B. mabagal D. mahinahon

_____ 27. Alin sa mga sumusunod ang wastong baybay ng


pangalan ng nasa larawan?
A. kalabasa C. kalapasa
B. kaladasa D. kalaqasa
_____ 28. Ang bata ay ___________ ng gatas.
A. kumakain C. umiinom
B. naglalaro D. umiiyak

_____ 29. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may wastong


pagkakabuo ng simuno at panaguri?
A. Ang mataba ay aso. C. Ang aso kong mataba.
B. Ang mataba kong aso. D. Ang aso ko ay mataba.
III. Isulat nang wasto ang pangungusap.
ang aso ay puti.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO I

Si Maria
Araw-araw ay maagang gumigising si Maria. Pagkatapos niyang magdasal ay nakangiti
siyang nag-aayos ng kaniyang higaan. Paglabas niya ng silid-tulugan ay agad niyang kinukuha
ang walis tingting.

1. B. 21. A.
2. C. 22. A.
3. C. 23. A.
4. C. 24. B.
5. C. 25. D.
6. A. 26. A.
7. D. 27. A.
8. D. 28. C.
9. C. 29. D.
10. C. 30. Ang aso ay puti.
11. A.
12. B.
13. C.
14. A.
15. D.
16. C.
17. B.
18. B.
19. B.
20. D.

You might also like