You are on page 1of 4

PANIMULANG PAGTATAYA

(PRE-TEST)
FILIPINO 7
Pangalan: ________________________________ Petsa: ________________
Baitang at Pangkat: ________________________ Iskor: ________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
_____ 1. Anong kulturang Muslim ang makikita sa Pag-Islam?
A. pag-uugali B. paniniwala C. tradisyon D. pananampalataya
_____ 2. Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?
A. Si Juan Tamad at ang mga Palayok C. Indarapatra at Sulayman
B. Si Pilandok at ang Batingaw D. Kuwento ng Ulan at Araw
_____ 3. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan
kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng
binyag na tinatawag na Pang-Islam. Ano ang ibig sabihin ng Pag-Islam?
A. Pagbibinyag ng Muslim C. Ritwal na ginagawa sa bagong kasal
B. Relihiyong itinaguyod ni Mohammed D. Paghingi ng patnubay bago makidigma
_____ 4. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang matanda kapag dinagdagan ng
panlaping – in (matanda+in)
A. matalas ang memorya C. ulayanin
B. madaling makalimot D. mahirap makaalala
_____ 5. Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga tauhan?
A. sanaysay B. anekdota C. epiko D. pabula
_____ 6. Ano ang akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos
at nagsasalitang parang mga tao?
A. sanaysay B. anekdota C. epiko D. pabula
_____ 7. Siya ang tinaguriang Ama ng Pabula.
A. Herodotus B. Aesop C. Socrates D. Aristotle
_____ 8. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. nagbibigay-aral C. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas
B. nagtatanong D. nangangaral
_____ 9. Kung nais mong makasulat ng isang tekstong naglalarawan sa kutura ng iyong bayan,
anong uri ng teksto ang iyong isusulat?
A. nangangatuwiran C. naglalahad
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
_____ 10. Isang araw, nakiusap ang inang pusa sa inang daga para bantayan ang anak niyang
kuting dahil ito ay may sakit. Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
A. talagang C. sa totoo lang
B. tunay na D. sa tingin ko
_____ 11. “Mag-imbak tayo ng pagkain, Tipaklong, maaring umulan nang matagal”, hikayat ni
Langgam. Alin sa salitang nakatala ang nagpapahayag ng posibilidad?
A. araw B. mahaba C. maari D. tayo
_____ 12. Kung ang layunin ay makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal, ano ang angkop na
tekstong susulatin?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
_____ 13. Anong uri ng pangungusap ang, “Aray!”
A. walang paksa B. tambalan C. payak D. paturol
_____ 14. Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw?
A. mayaman C. may kaya sa buhay
B. nakaririwasa D. Maharlika
_____ 15. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?
A. magandang kumilos C. mahusay mamuno at magdesisyon
B. may matipunong pangangatawan D. mapagkawanggawa
_____ 16. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali'y igagalang ko ang gusto mo.
Ano ang kahulugan ng salitang naumid?
A. di-nagulat B. di-nabahala C. di-nakaimik D. di-nakapagsalita

_____ 17. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag usap sa mga hayop at insekto. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. hindi alam ng lahat C. alam na alam na ng lahat
B. B. inilihim sa tao D. ipinagsabi sa tao
_____ 18. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?
A. laruan B. pahayag C. bato D. nalaman
_____ 19. Ano naman ang konotasyong kahulugan ng bola kapag ginamit sa pangungusap na:
"Ayaw ko ng bola", pahayag ng dalaga sa isang manliligaw.
A. laruan B. binibiro C. niloloko D. bato
_____ 20. Ang pamimilit ni Alunsina kay Tungkong Langit na siya'y makalikha rin ng mga bagay na
nalilikha ng kaniyang asawa ay nagdulot sa kanila ng di pagkakaunawaan. Ano ang sinisimbolo ng paglikha na nais
gawin ni Alunsina?
A. pagtakas C.pakikipaghiwalay
B. paghahanapbuhay D. pakikipagtunggali
_____ 21. Paano naiiba ang awiting-bayan sa bulong?
A. isang panalangin C. nilalapatan ng himig
B. paulit-ulit na binubulong D. ginagamit sa ritwal
_____ 22. Anong uri ng tuluyan ang nagsasalaysay na ang karaniwang paksa ay buhay ng tao na
nangyayari araw-araw na nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. nobela B. maikling kuwento C. sanaysay D. dula
_____ 23. "Siguradong matutuwa ang kabataan kung maglalagay ng free wifi sa lahat ng
pampublikong lugar. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. kung B. sa lahat C. siguradong D. ng
_____ 24. Alin ang angkop na kahulugan sa pahayag na, "maraming bata ang iniwan ng magulang.
A. bubukod ng tirahan C. dahil akala iyon ay pawang pang-aapi
B. dahil lisa lamang sila sa mundo. D. dahil sa hirap ng buhay
_____ 25. Sa pangungusap na, "Niligawan niya si Alunsina na sintagal ng pagkakabuo ng
kalawakan, anong salita ang nagpapahayag ng paghahambing?
A. pagkakabuo B. niya C. sintagal D. kalawakan
_____ 26. Ano ang salitang-ugat ng salitang pinagbilinan?
A. bilin B. pinag C. bili D. bilinan
_____ 27. Sa pangungusap na, "Bilang panghuli, ang pakikiisa ninyo ay lalong kinakailangan para
sa ikatatagumpay ng programa ng paaralan, anong pang-ugnay ang ginamit sa pahayag?
A. ang pakikiisa ninyo C. Bilang panghuli
B. para sa ikatatagumpay D. programa ng paaralan
_____ 28. Sa pahayag na: "Bilmoko ng bagong gamit." Anong antas ng wika ang salitang may
salungguhit?
A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. pampanitikan
_____ 29. Aling pang-ugnay ang maaaring iangkop sa pangungusap na: "Takot na takot si Lucy
nang sumakay sa taksing nakaparada sa harap ng bahay. tinatambol ang dibdib niya."
A. anupat B. datapuwat C. kundi lang D. palibhasa
_____ 30. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?
A. laruan B. pahayag C. bato D. nalaman
_____ 31. Ano ang angkop na mga salitang dapat ipuno sa kasunod na patlang? “Tabi-tabi po,
Baka po kayo _________”.
A. malito B. maupo C. mapuno D. mabunggo

_____ 32. ______________ malaki ang epekto ng labis na pagggamit ng internet sa kabataan lalo
na sa kanilang pag-aaral. Ano ang angkop na pahayag na dapat ipuno sa patlang?
A. Dahil sa C. Sa aking palagay
B. Sa simula D. Walang ano-ano’y
_____ 33. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig
kapag binibigkas?
A. antala B. hinto C. diin D. intonasyon
_____ 34. Ano ang ipinahahayag ng pangungusap na, “harinawa’y makapasa ka sa pagsusulit”?
A. pagbibigay ng pag-asa C. pagmamalasakit
B. paghihintay D. pagpapaalaala
_____ 35. Ano ang damdaming ipinahahayag ng kasunod na saknong?
"Putak, putak Batang duwag!
Matapang ka't nasa pugad!
A. nagagalit C. nanunudyo
B. naiinis D. natutuwa
Para sa Bilang 36-37

Kahapon ay nasaksihan ko kung paano inaakay ng isang batang lalaki ang isang matandang
babae. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid _____; at ang matanda ay nailayo
sa panganib at kamatayan. Sabi ko sa aking sarili, gayundin ang dapat kong gawin!

_____ 36. Anong panghalip ang angkop gamitin sa bahaging may salungguhit?
A. ako B. kami C. sila D. siya
_____ 37. Ano ang layunin ng teksto?
A. magbigay-impormasyon C. mangatuwiran
B. maglarawan D. manghikayat
_____ 38. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang halos pabulong
kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. pahimig B. paimpit C. papahina/pawala na D. pasigaw
_____ 39. Sila'y mga binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa mga
bulang silang nilalagok ay unti-unting silang nangawala sa kanilang mga sarili. Anong panghalip ang dapat gamitin
bilang pamalit sa salitang sinalungguhitan?
A. akong B. kaming C. kanilang D. siyang

_____ 40. Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang
binabanggit sa hulihan ng pangungusap?
A. anaporik B. kataporik C. modal D. pamatlig
_____ 41. Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang
binabanggit sa unahan ng pangungusap?
A. anaporik B. kataporik C. modal D. pasaklaw
_____ 42. “Mabuting tao ang pamilyang Quintana. Tinutulungan nila ang kanilang mga
kapitbahay.” Ano ang tawag sa salitang sinalungguhitan?
A. pananda B. panghalip C. pang-ugnay D. pantukoy
_____ 43. Anong uri ng media ang may kapangyarihang pakilusin ang bawat biswal na pandama
at lumilinang ng pagkamalikhain sa pakikinig?
A. pelikula B. radyo C. teatro D. telebisyon
_____ 44. Ano ang tinatawag na sine totoo na matapat na inilalahad ang mga pangyayari sa ating
lipunan?
A. balita B. dokumentaryo C. investigative journalism D. pelikula
_____ 45. “Hindi dapat magkaroon ng deskriminansyon sa pagsasalita.” Ano ang damdaming
nangingibabaw sa pahayag?
A. nagbababala B. nagpapaalala C. nagpapayo D. nanunumbat
_____ 46. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa
pamamagitan ng magandang tinig nito.
A. Ibon ni Darna B. Ibong Mandaragit C. Ibong Lawin D. Ibong Adarna
_____ 47. Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga
babaeng minahal ni Don Juan.
A. Donya Leonora B. Donya Juana C. Donya Isabela D. Donya Maria Blanca
_____ 48. Ano ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan?
A. Berbanya B. Albanya C. Atenas D. Babilonya
_____ 49. Paano pinatunayan ni Don Juan ang pagmamahal sa mga kapatid niya?
A. ipinauwi niya ang ibon kina Don Pedro at Don Diego
B. hiniling niya na patawarin ng hari ang mga kapatid
C. hindi nalang niya sinabi ang katotohanan sa hari
D. nagpa sa walang kibo na lamang siya

Suriin ang katangian ng mga tauhan sa mga sumusunod na pahayag.

_____ 50. Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang
panata ko sa Panginoon.” (Donya Leonora)
A. maka-Diyos B. malungkutin C. mahilig mapag-isa D. masunurin

_____ 51. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan
patawad mo’y aking hintay.” (Donya Leonora)
A. maawain B. mapagmahal C. mapagkumbaba D. maka-Diyos

_____ 52. “O Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag, na
ituro yaong landas.” (Don Juan)
A. maawain B. mapamahiin C. matatakutin D. madasalin

_____ 53. “Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata, Pedro’y pasasaan bagang di matupad
iyang pita?”. (Haring Fernando)
A. mapagbigay B. matapat C. konsintidor na ama D. malupit na ama

_____ 54. “Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin, dito ako’y hintayin, ako’y agad
babalik din”. (Don Juan)

A. mayabang C. mahilig sa pakikipagsapalaran


B. maalalahanin D. gagawin lahat para sa minamahal

_____ 55. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?

A. namamatay B. nakakatulog C. nagiging bato D. naglalaho

_____ 56. Ano ang ibinigay ng hari kay Don Juan bago ito maglakbay?

A. salapi B. bendisyon C. pagkain D. kabayo

_____ 57. Ano ang ibingay ni Don Juan sa matandang nakasalubong niya?

A. tubig B. kanin C. tinapay D. prutas

_____ 58. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe noong humarap sila sa panganib para sa ama?

A. Wagas ng pagmamahal nila sa kanilang magulang


B. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari
C. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama
D. Kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan

_____ 59. Kanino humihingi si Don Juan ng tulong kapag siya ay nasa pagsubok?

A. sa kapatid nya B. sa hari C. sa diwata D. sa mahal na birhen

_____ 60. “Pagkat di nakatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prinsesang
sakdal-dikit.” Ano ang naramdaman ni Donya Maria nang makitang na kay Don Juan ang kanyang damit?

A. natuwa at humanga sa binata


B. nagalit siya sa binata
C. natakot siya dahil may nanilip sa kaniya
D. nahimatay siya

~wakas~

“Edukasyon ang pinakamainam na puhunan


upang masiguradong may patutunguhan”

You might also like