Professional Documents
Culture Documents
SY 2020 - 2021
___________ 1. Sa anong aklat ibinatay ang mga gintong aral na mapupulot sa mga
parabula?
A. Diksyonaryo C. Banal na Aklat
B. Koran D. Encyclopedia
_________ 10. Ano ang pinakamabisang paraan para maipahayag o maipakita ang
pagdadalamhati sa pagkawala ng mahal sa buhay?
A. Pagsusuot ng itim
B. Di pagkain at pagkalasing
C. Pagsulat at pagbigkas ng elehiya
D. Pag – alala sa panahong kasama ang namatay
_________ 13. “Ang pagpapahalaga sa taong lumisan na”, Anong elemento ng elehiya
ito mapabilang?
A. Tema C. Tauhan
B. Tradisyon D. Tagpuan
_________ 14. Alin sa sumusunod ang paraan upang maipahayag ang masidhing
damdamin?
A. Pag – uulit ng pang – uri
B. Paggamit ng panlapi
C. Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
D. Lahat ng nabanggit
_________ 15. “Sinabihan niya ako na magpakadalubhasa sa larangang aking pinili.”
Ano ang paraan sa papapasidhi ng damdamin sa pang – uring may
salungguhit?
A. paggamit ng panlapi
B. pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
C. pag – uulit ng pang – uri
D. paggamit ng pasukdol
_________ 16. Alin sa sumusunod ang tamang pang - uring gamitin kung nais ng
naglalarawan na gumamit ng paraang pasukdol?
A. Maganda C. Magandang - maganda
B. Magpaganda D. Walang Kasingganda
_________ 17. Ayusin ang mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinapahayag nito?
1. Tawa 2. ngiti 3. halakhak 4. bungisngis
A. 1 2 3 4 C. 2 4 1 3
B. 2 3 1 4 D. 4 2 3 1
________ 18. Isang malakas na bagyo ang tumama sa lugar nila Sarah. Binaha ang
kanilang bahay at nasira ang kanilang ari – arian. Anong tunggalian ang
makikita sa pangyayari?
A. Tao vs. Tao C. Tao vs. Sarili
B. Tao vs. Kalikasan D. Tao vs. Lipunan
Hamon ng Nakaraan
ni: Venicar P. Eltanal
Gabi na ngunit nanatiling dilat pa rin ang mga mata ni Ellise. Di siya makatulog.
Paano kasi di niya natupad ang pangako niya sa kaniyang nanay. Di niya napigilan
ang sigaw ng puso. Nasagot niya si Jake.
Ilang buwan na rin siyang sinusuyo ng binata. Lahat ng iwas ay nagawa na niya.
Ayaw niyang saktan ang ina, Subalit nang minsang di pumasok ang lalaki ay
natuklasan niyang hinahanap na niya ang pag – aabang at pangungulit nito sa kanya.
Mga bata pa sila, wala pang kakayahang tumayo sa sariling mga paa. Kumbaga
may mga gatas pa sa labi. Pero paano kung matutulad lamang siya sa ina na
maagang nabuntis saka iniwan. Iyon din ba ang daang tatahakin niya?
“Iwasan mo ang mga lalaki kung nais mong makapagtapos ng pag – aaral,” ang
laging sambit ng kaniyang ina.
Ito ang nagsusumiksik palagi sa kaniyang isipan at bumabagabag sa kaniya
ngayon.
“Hindi! Iba ang magiging kapalaran ko,” matatag na sinabi ni Ellise na nag –
aalala pa rin na maunahan siya ng mga tsismosang kapitbahay na magsabi sa ina.
________ 19. Anong uri ng tunggalian napabilang ang Talata 1?
A. Tao vs. Tao C. Tao vs. Lipunan
B. Tao vs. Sarili D. Tao vs. Kalikasan
________ 20. Anong tunggalian ang mahihinuha sa pag – aalala ni Ellise na malaman ng
ina ang kaniyang sekreto mula sa tsismosang kapitbahay?
A. Tao vs. Tao C. Tao vs. Lipunan
B. Tao vs. Sarili D. Tao vs. Kalikasan
________ 21. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na may salungguhit sa
teksto?
A. bata pa C. di napunasan ang bibig
B. di pa tapos sa pag – aaral D. umiinom pa ng gatas
________ 22. Ayon sa teksto bakit ayaw ng nanay ni Ellise na siya ay makipagnobyo?
A. Dahil siya ay nag – aaral pa
B. Dahil kilala nito ang pamilya ng lalaki
C. Dahil baka iwan siya ng anak
D. Dahil baka matulad ito sa kanya
________ 23. Paano pinatunayan ng akda na ang tao ang gumagawa ng kanyang
sariling kapalaran?
A. Takot si Ellise na matulad sa ina.
B. Laging sinasabi ng ina na lumayo ang anak sa mga lalaki.
C. Sinuway ni Ellise ang ina at sinisikap na baguhin ang sariling
kapakanan.
D. Hinahanap – hanap ni Ellise si Jake nang di ito pumasok.
________ 24. Paano mo masusunod ang dikta ng puso nang di mo nasasaktan ang
damdamin ng iyong mga magulang?
A. Sikaping di nila malaman na may kasintahan ka na.
B. Hintayin na makapagtapos muna ng pag – aaral bago pumasok sa
isang relasyon.
C. Sabihin sa magulang ang totoo at paakyatin ng ligaw sa bahay ang
manliligaw.
D. Iwasan ang manliligaw at gumawa ng mga dahilan.
________ 25. Anong uri ng etimolohiya kung ang pinagmulan ng salita ay batay sa tunog
nito?
A. Pagsasama ng salita
B. Hiram na salita
C. Morpolohikal na Pinagmulan
D. Onomatopeia
________ 31. Sa pangungusap na, “Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga
babae ay tumatanggap nang pantay na posisyon at pangangalaga sa
lipunan.” Ano ang gamit ng salitang ngunit?
A. Pananda C. Pang-ukol
B. Pangatnig D. Pantukoy
________ 33. “Nakita ko siya datapwat saglit lamang.” Ano ang ginamit na pang – ugnay
sa pangungusap?
A. nakita B. siya C. datapwat D. saglit
________ 37. Ano ang masasabi mo sa ugaling ipinakita ng mga tauhan sa diyalogo?
(Mungkahi: Maaring palitan ng ibang tanong)
A. bihirang mangyari C. posibleng mangyari
B. laging nangyayari D. totoong nangyayari
________ 40. Ano kaya ang susunod na mangyayari kung di susunod ang ibang lulan ng
bangka?
A. makaligtas ang lahat C. may darating na tulong
B. tataob ang bangka D. tatalon ang iba sa dagat
________ 42. Taos-pusong nagpasalamat ang mga nasalanta ng bagyo sa relief goods
na tinanggap 1
2 3
nila sa barangay hall.
4
Alin sa mga salitang may salungguhit ang pang – abay na panlunan?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
________ 43. Ngayon darating ang mga kalakal na binili niya online. “Anong uri ng pang
– abay ang salitang may salungguhit?
A. Pang – abay na Panlunan
B. Pang – abay na Pamanahon
C. Pang – abay na Pamaraan
D. Pang – abay na Panaggi
(Mungkahi: Para sa bilang 41-43, Pumili ng lunsarang tekstong alamat
na angkop sa kompetensi (F9WG-IIIf-55)
________ 45. Sa epikong “Rama at Sita”, bakit ayaw ni Maritsa na labanan ang
magkapatid na Rama at Lakshamanan?
A. Dahil kakampi nila ang Diyos
B. Dahil makikisig ang magkapatid
C. Dahil may taglay silang kapangyarihan
D. Dahil natatakot siya sa magkapatid
Di napasuko ni Ravana si Sita. Ayaw nitong mahalin siya. Takot man sa gagawin
ni Ravana, mas nanaig pa rin ang kanyang pagmamahal sa asawa.
_________ 47. Anong kulturang Asyano ang nangingibabaw sa mga pahayag sa itaas?
A.Pagkamatakutin ng babae
B.Kahinaan ng isang babae
C. Pagiging tapat sa asawa
D. Pang – aagaw ng mahal ng iba
_________ 48. Ano ang katangian ni Sita ang nangibabaw sa pahayag sa itaas?
A.Matapang C. Mapaghiganti
B.Mapagmahal D. Matapat
Inihanda nina:
VENICAR P. ELTANAL at GERNADE G. OVILLE