You are on page 1of 8

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8

Pangalan____________________________Seksiyon__________Petsa_____________Iskor_____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.

__D__1. Ito ang tawag sa mga salitang eupemistiko, patayutay, o idyomatiko na


ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
__A__2. Anong uri ng karunungang-bayan ang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan ng mga bagay na madalas makita?
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
__D__3. “Mabuti pang ibaon sa hukay ang alaala ng pandemya.” Ano ang
kahulugan ng nakasalungguhit na pahayag?
A. Alalahanin C. huwag pansinin
B. ihukay sa lupa D. kalimutan na
__C__4. “Butas na ang bulsa ng mamamayang Pilipino.” Ano kahulugan ng
nakasalungguhit na pahayag?
A. naiinis na C. wala ng pera
B. nasira ang bulsa D. yumayaman
__A__5. “Sa panahon ngayon, kailangan ng bawat isa ang pagiging masipag upang may
maipantawid sa pang-araw-araw na buhay. Matuto tayong magtiis at
magsakripisyo para sa ating pamilya.” Ano ang pinakaangkop na karunungang-
bayan ang mabubuo sa pahayag?
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis.
C. Sa paghangad ng kagitna isang salop ang nawala. .
D. Ang gumagawa ng kabutihan ay hindi natatakot sa kamatayan.
__D__6. Ano ang kahulugan ng salawikaing “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng
tinapay”.
A. Batuhin mo ng batuhin hanggang sa magtanda.
B. Bato ang ibinato sa iyo kaya batuhin mo rin ng bato.
C. Ginawan ka ng masama kaya gawan mo rin siya ng masama.
D. Huwag mong sabayan ng galit ang iyong kaaway sa halip ay suklian mo siya
ng pawang kabutihan.
__C__7. “Napanood ko sa bidyo ang di-maliparang-uwak na kanilang ari-
arian.”
Ano ang ibig sabihin ng sawikain na nakasalungguhit?
A. maganda B. makitid C. malawak D. malayo
__C__8. Si Pedro ay kinakitaan ng katiyagaan sa buhay. Masaya at kuntento na siya
sa kung ano ang mayroon siya ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Anong salawikain ang maaaring iugnay sa ugaling ito ni Pedro?
A. Ang taong nagigipit sa patalim ay kumakapit.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
D. Ang tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim.
__B__9. Alin sa mga pahayag ang hindi halimbawa ng salawikain?
A. Kung ano ang puno, siya ring bunga.
B. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.
C. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
D. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
__A__10. “Biglang nagkasakit ang asawa ni Aling Berta. Kailangang madala siya sa
doktor sa madaling panahon. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa isang
kamag-anak ngunit wala siyang nahintay na tugon mula rito. Sa kasamaang
palad, pumanaw ang asawa ni Aling Berta at nabalitaan ito ng nasabing
kamag-anak. Gustuhin man niyang magbigay ng tulong ngunit huli na ang
lahat.” Anong karunungang-bayan ang mabubuo kaugnay sa pahayag na ito?
A. Ang tunay na kaibigan sa gipit maaasahan.
B. Ang taong nagigipit sa patalim ay kumakapit.
C. Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
D. Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan.
__D__11. “Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa
pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga
magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging inspirasyon
upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon at ikaw ay
nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at
nagkaroon na ng magandang buhay.” Anong karunungang-bayan ang
mabubuo sa pahayag na ito?
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Sa paghangad ng kagitna isang salop ang nawala.
D. Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.
__C__12. Anong mga salita o pahayag ang nagtataglay ng malalim na
kahulugan at sumasalamin sa pagiging makulay, masining,
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
A. Eupemismo C. Matalinhagang Pahayag
B. Kasabihan D. Sawikain
__A__13. Ano ang tawag sa mga salitang mahinahon na ginagamit na pamalit sa mga
marahas, at hindi magandang salita o nakahihiyang salita upang maiwasang
makapanakit ng damdamin ng kapuwa?
A.Eupemismo C. Matalinhagang Pahayag
B.Kasabihan D. Sawikain
__C__14. Ang kaniyang paboritong alaga ay nagpantay ang paa. Ano ang kahulugan
ng idyomang ginamit sa pangungusap?
A. Lumaki na B. Umuwi na C. Namatay na D. Umalis na
__D__15. Sa eupemismo, sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ______.
A. Nagpantay ang paa C. Sumakabilang bahay
B. Sumakabilang buhay D. Parehong A at B
_C___16. Ipaliwanag ang nais ipakahulugan ng mga nasalungguhitang
pahayag.
“Dito nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo
kahinhinang asal na pakitang-tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.
- Mula sa “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar
A. Natanggal ang damit
B. Nagbabait-baitan
C. Nailantad ang masamang pag-uugali
D. Nailantad ang mabuting pag-uugali
__B__17. Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang pangungusap upang
mabuo ang diwa ng pahayag. “__________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa
mga taong sa ginhawa nagmula.”
A. Higit na umaani ng salat C. Higit na umaani ng pighati
B. Higit na umaani ng tuwa D. Higit na umaani ng lungkot
__A__18. Parehong maganda ang pamamalakad ng kanilang mga direktor kaya
umasenso ang kanilang kompanya. Anong uri ng paghahambing ang ginamit
sa pangungusap?
A. Pahambing na magkatulad C. Pahambing na pasaho
B. Pahambing na palamang D. Pahambing na pasaklaw
__D__19. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pangungusap para sa
salitang magkasingtalino?
A. Magkasingtalino si Fatima kaysa kay Noah.
B. Di-gasinong magkasingtalino si Dan at Niel.
C. Si Deborah ay magkasingtalino kaysa kay Menorah.
D. Magkasintalino ang magkapatid na Vina at Shainah.
__C__20. Akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang may kababalaghan.
A. Alamat B. Anekdota C. Epiko D. Pabula
__A__21. Sino ang kapamilya ni Lam-ang na naging dahilan ng kaniyang maagang
pakikipagsapalaran?
A. Ama B. Ina C. Lola D. Lolo
__D__22. Sa epikong binasa, anong masamang panaginip ni Lam-ang ang
nag-udyok sa kaniya upang hanapin ang nawawalang kapamilya?
A. Nanaginip siya ng isang magandang dalaga.
B. Nanaginip siya na kinain siya ng isdang Berkakan.
C. Nanaginip siya na siya’y tinatawag ng kaniyang ina.
D. Nanaginip siya na pinaslang ng mga Igorot ang kaniyang ama.
__C__23. Alin sa sumusunod na katangian ang hindi dapat taglayin ng isang lider
ng bansa.
A. Makatarungan B. Mapagmalasakit C. Mapanlamang D. Matulungin
__D__24. Kung hindi sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang tungkol sa pagpapasisid
nito sa dagat upang kunin ang mga buto niya ay maaaring____.
A. Magpapakasal na siya sa iba at magpapakalayo-layo na
B. Maging sirena at mamumuhay na lang siya sa ilalim ng dagat.
C. Magpakamatay na rin si Ines para magsama na sila ni Lam-ang.
D. Di na mabubuhay si Lam-ang at magluluksa na lamang ang kanyang asawa.
__A__25. Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa talatang nagbibigay
katuturan sa isang bagay o salita?
A. Pagbibigay-katuturan B. Paglalahad C. Pagsusuri D. Pagtutulad
__D__26. Anong paraan ng pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa pahayag?
“Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim.Kaya
naman, kahit gaano kahirap ang pagsubok na ating kinakaharap ngayon ay
huwag tayong susuko.?
A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri
B. Paglalahad D. Pagtutulad
Para sa bilang 27.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na
si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga
ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga
ordinaryong mamamayan ay nagsabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-
dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

_C___27. Batay sa talata anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa


pagsulat.
A. Pagbibigay-katuturan C. Pagsusuri
B. Pagmamalabis D. Pagtutulad
_C___28. Aling teknik sa pagpapalawak ng paksa ang naisakatuparan kung ang
katangian ng paksa ay iniuugnay sa isa pang bagay sa loob ng isang talata?
A. Pagbibigay- katuturan C. Pagsusuri
B. Paglalahad D. Pagtutulad
_C___29. Kung gagawa ka ng pahayag na paghahawig o pagtutulad hinggil sa epiko,
alin sa mga sumusunod ang wasto?
A. Ang epiko ay tumatalakay sa kabayanihan.
B. Ang epiko ay kinakailangang may banghay, matatalinhagang salita, sukat at
indayog, tugma, tagpuan at tauhan upang mabisang maitanghal ang
kabayanihan ng mga tauhan sa masining na paraan.
C. Ang epiko ay katulad ng nobela dahil parehong nagsasalaysay ng
masasalimuot na pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
D. Ang epiko ay mahaba-habang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o
mga ginawa ng isang bayani o maalamat na nilalang (UP Diksyunaryong
Filipino)
_C___30. Ito’y isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad.
A. Katha B. Komposisyon C. Talata D. Sanaysay
_C___31. Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung
ano ang kaniyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o
inilalahad.
A. Gitna B. Katawan C. Panimula D. Wakas

Para sa bilang 32.

Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo
mapadpad. Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan. Sa kabila ng mga
pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa rin ang bayanihan
upang masugpo ang hirap na nararanasan natin. May nagbibigay ng mga
donasyon, serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong para sa nangangailangan.
Nagsisilbi itong pundasyon at pagkakakilanlan nating Pilipino.
__A__32. Ano ang pinapaksa ng talata?
A. Pagtutulungan B. Pagmamahal C. Pagkakaisa D. Pagtitiwala
_D___33. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kapwa?
A. Sumali sa mga organisasyong pangkabataan.
B. Dumalo sa mga pagpupulong sa programang pangkabataan.
C. Makipagsangguni sa barangay sa mga programang pangkabataan.
D. Mag-volunteer sa paggayak at pamimigay ng mga tulong para sa
frontliners
_D___34.
Ang pamilya Reyes ay likas na masipag sa lahat ng bagay. Sila ay
binubuo ng limang kasapi. Ang tatay ay si Mang Juan. Ang nanay ay si
Aling Dora at ang mga anak ay sina Ana, Karen at Nina.
Ang mag-anak ay madalas makikita sa kanilang bukirin na
nagtutulungan sa pagtatanim ng mga gulay.
Sina Mang Juan at Aling Dora ang nangunguha ng mga gulay. Sina
Ana, Karen at Nina naman ang naglalagay ng mga gulay sa basket. “Ako
na ang maglalagay ng mga gulay na kalabasa” ang sabi ni Ana. “Ako
naman sa mga petsay,” ang sabi ni Karen. “Ako naman sa mga ampalaya,”
tugon ni Nina. Masayang nagtatrabaho sa gulayan ang Pamilya Reyes
kaya naman hinahangaan sila ng ibang tao dahil sa kanilang
pagtutulungan at kasipagan.

Ano ang mabubuong pamagat mula sa talata?


A. Ang Tamad na Pamilya Reyes
B. Ang Maarte na Pamilya Reyes
C. Ang Mayamang Pamilya Reyes
D. Ang Masipag na Pamilya Reyes
__D__35. Ito ang tawag sa pinagmulan ng isang pangyayari at gumagamit ng
mga pangatnig na pananhi upang ipahayag ang mga ito.
A. Bunga B. Idea C. Paksa D. Sanhi
____36. Ito naman ang tawag sa kinalabasan, resulta, o dulot ng isang
naunang pangyayari.
A. Bunga B. Idea C. Paksa D. Sanhi

Para sa bilang 37-39.Basahin at unawain ang teksto,pagkatapos sagutin ang


mga tanong.
KALIKASAN

Ang mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur sa rehiyon ng
Caraga ay biniyayaan ng yamang mineral. Kaya naman lumobo ang kita ng mga
mining companies na pinapatakbo rito.
Subalit isa ang Surigao sa tinukoy ni dating Department of Environment
and Natural Resources Sec. Gina Lopez na masyado nang nasira ang kalikasan
dahil sa mga iresponsableng pagmimina. Ilan sa nararanasan ng mga
mamamayan sa nabanggit na mga lalawigan ay ang sumusunod:
Dahil sa pagputol ng mga kahoy sa kagubatan, nabawasan ang nagbibigay
ng malinis na hangin gayundin ang mga punong-kahoy na pumipigil sa pagbaha.
Kapag bumubuhos ang malakas na ulan nagiging kulay kape ang ilog at pati na
rin ang dagat. Bunga nito, wala nang malinis na suplay ng tubig mula sa mga
mangingisda ay kailangan pang pumalaot kasi kakaunti na lamang ang kanilang
nahuhuling mga isda.
Ang mga magsasaka naman ay nalulugi sa kanilang pagsasaka. Dahil sa
matigas na ang lupa mas kakaunti na ang kanilang ani. Kung noong una ay
puwedeng walang abono ngayon ay nangangailangan na ng abono para tumaba
ang lupa.
Sa ganitong mga dahilan, nangangamba ang mga residente na darating
ang araw na magugutom ang kanilang mga anak.
Kung kaya labing-apat na minahan sa rehiyon ng Caraga ang ipinasara na
ng DENR sapagkat sinisira ng mga ito ang kalikasan.

_C___37. Ano-anong hanapbuhay ang naapektuhan sa pagkasira ng


kalikasan?
A. Pagmimina at pagsasaka C. Pagsasaka at pangingisda
B. Pagmimina at pangingisda D. Pangingisda at pangangahoy
_B___38. Batay sa binasang tekstong “Kalikasan”, alin sa sumusunod ang hudyat ng
pinagmulan o sanhi?
A. Kung kaya B. Dahilan sa C. Bunga nito D. kapag
_C___39. Ang sumusunod ay bunga ng pagkasira ng kalikasan, MALIBAN sa isa.
A. Bumabaha na sa mabababang lugar.
B. Hindi na sariwa ang hanging nalalanghap.
C. Dumadami ang nahuhuling isda ng mga residente.
D. Wala ng malinis na suplay ng tubig mula sa mga watershed.
_B___40. Ano ang tawag sa mga personal na pahayag ng isang tao tungkol sa
isang isyu o kaganapan?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
_D___41. Anong ugaling pagpapakatao ang dapat tiyaking mapanatili sa
pagbibigay ng sariling opinyon?
A. Pagiging maalam C. Pagiging mahinahon
B. Pagiging madaldal D. Pagiging magalang
_C___42. "Para sa akin, kinakailangan pa rin nating magsuot ng face mask tuwing
tayo ay nasa loob ng klasrum upang tayo’y makaiwas sa sakit na COVID-19.”
Ang pahayag ay isang ___________.
A. Haka-haka B. Katotohanan C. Opinyon D. Paniniwala
_D___43. _______, kinakailangan pa rin nating magsuot ng face mask tuwing tayo ay
nasa loob ng klasrum upang tayo’y makaiwas sa sakit na COVID-19.” Ano ang
angkop na gamiting pahayag sa pagbibigay ng opinyon upang mabuo ang diwa
nito?
A. Ayon kay B. Ayon sa C. Batay sa D. Para sa akin
_D___44. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng opinyon
maliban sa isa.
A. Sa aking palagay, makabubuting harapin muna natin ang problema sa
wastong pagtatapon ng mga basura.
B. Sa nakikita ko, lalong dumarami ang nagkakasakit ng Covid-19 dahil sa
kawalan ng kaalaman sa safety health protocol ang mga tao.
C. Sa pakiwari ko, matatapos na ang paghihirap ng mga tao dulot ng pandemya.
D. Magkaisa at magtulungan tayong lahat upang malampasan natin ang
pagsubok na dulot ng pandemya.
_D___45. Ano ang tawag sa paghahanap ng mga totoong impormasyon o datos na
humahantong sa kaalaman?
A. Pagbabalangkas B. Pagbabalita C. Pagrerebisa D. Pananaliksik
__B__46. Nailalarawan ang mga kulturang Pilipino na naisabuhay sa nakalipas na
panahon. Nailalahad ang mga kultura na hindi na naisagagawa ngayon. At
naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga kulturang Pilipino na naisabubuhay
pa rin hanggang ngayon. Ang pahayag ay nasa ilalim ng _____ sa wastong
hakbang sa paggawa ng pananaliksik.
A. Pagpili ng paksa C. Paggawa ng talatanungan
B. Paglalahad ng layunin D. Pagsulat ng pananaliksik
_D__47.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas
https://pdfcoffee.com/323048200-pananaliksik-sa-wika-at- kulturang- pilipino-docxdocx-pdf-free.html

Sa pahayag na nakakahon sa itaas, anong hakbang ng pananaliksik


dapat itong gamitin?
A. Paggawa ng talatanungan
B. Pagsulat ng pananaliksik
C. Paghahanda ng talasanggunian
D. Paghahanda ng tentatibong balangkas
_B___48. Ang sumusunod ay mga pahayag na ginagamit sa pag-aayos ng datos
maliban sa.
A. Sa pagtatapos B. Pag-aalinlangan C. Sumunod D. Sa simula
__C__49. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may pananda ng
pagsasaayos ng datos?
A. Ipinakita sa talahanayan na Ekonomiya ang pangunahing aspeto.
B. Kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng Wikang
Filipino.
C. Sumunod ang pag-aaral na may 22 respondente o 44 % nang
kabuoang respondente.
D. Ito ay sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuoang
respondente.
__D__50. Batay sa ipinaliwanag nina Panopio at Rolda, tumutukoy ang kultura sa
paraan ng pagkilos, pag-iisip, pag-uugali, paraan ng pananampalataya, at iba
pa. Nakikita natin ang kultura ng mga kapwa natin Pilipino sa pamamagitan
ng pagmamasid, pakikisalamuha sa iba pang kababayan natin, at sa
pagbabasa tungkol sa kinabibilangan nilang relihiyon. Upang makilala nang
mabuti ang ating pagkakakilanlan hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa
iba pang bansa, gumagawa ng paraan ang pamahalaan na makilala tayo sa
pamamagitan ng industriya ng turismo. Pinalalakas ang turismo sapagkat
nakatutulong ito sa pagangat ng ekonomiya ng bansa at kaalinsabay nito ang
pagmamalaki sa mga natatanging kaugalian nating mga Pilipino at ang ganda
ng Pilipinas.” Anong angkop na pamagat ang mabubuo?
A. Ang Kultura nina Panopio at Rolda
B. Ang Ating Sariling Pagkakakilanlan
C. Pag-angat ng Ekonomiya ng Bansa
D. Pagpapahalaga sa Katutubong Kulturang Pilipino

Inihanda ni: Binigyang puna ni: Pinagtibay ni:

Divine Grace C. Nieva Arnila B. Cardinez Elsie V. Mayo


Teacher I Ulungguro III - Fil Punungguro IV

You might also like