You are on page 1of 6

GRACE BAPTIST ACADEMY

New Poblacion, Buenavista Guimaras


Contact Nos. 033 5807736/ 09663770305/ 09474109266
gracebapacademy@gmail.com
grace baptist academy of buenavista guimaras
nhsjuhcjd

Unang Markahang Pagsusulit


Filipino 7

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: __________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1 Anong uri ng kuwentong-bayan ang tumutukoy sa mga diyos at diyosa at kung paano sila nakikipag-
ugnayan sa mga tao?
A. Mito B. Pabula C. Alamat D. Maikling-kuwento

_____2. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi tungkol sa kuwentong-bayan?


A. Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay tungkol sa pook, mga mamamayan, paniniwala,
kaugalian, tradisyon o relihiyon.
B. Ang kuwentong-bayan ay inaawit.
C. Ang kuwentong-bayan ay hindi masasabing anyo ng panitikan.
D. Ang kuwentong-bayan ay nagsasalaysay tungkol sa hanap-buhay ng mga tao noon.

_____ 3.Alin sa ibaba ang hindi kabilang?


A. Alamat ng Sampagita C. Bidasari
B. Alamat ng Ilog Pasig D. Bakit Matamis ang Lansones

_____4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasabi tungkol sa pahayag na nagpapatunay?
A. Kailangang ito ay kapani-paniwala.
B. Kailangang ito ay may matibay na patunay.
C. Kailangang walang larawan na ipapakita.
D. Kailangang mayroon itong pahiwatig.

_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay?


A. Ayon sa datus na ipinalabas ng DOH, patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.
B. Tumataas na ang kaso ng Monkey Pox dito sa ating bansa.
C. Batay sa mga impormasyong ibinigay ng mga mamamayan, marami na ang angkasakit ng
dengue sa Maynila.
D. Kitang-kita sa mga video na marami ang mga pasyente sa Ospital dulot ng dengue.

Para sa bilang 6-10, sagutin ang mga katanungan tungkol sa “Bakit Nakakalbo ang Datu”.

_____6.Ano ang papelna ginagampanan ng konseho sa kuwento?


A. Siya ang naging kanang kamay ng datu .
B. Siya ang nagbibigay patnugot sa mga mamamayan.
C. Siya ang tumulong sa datu upang makapag-asawa ito.
D. Siya ang tagapagsalita ng datu.

_____7. Ano ang nararamdaman ng hari sa ipinapakitang pagmamahal ng dalawa niyang asawa?
A. Naging maligaya ito na may pagsisisi kung bakit hindi siya kaagad nag-asawa.
B. Naging mainitin palagi ang datu at nagsisisi kung bakit siya nag-asawa.
C. Naging masaya ito dahil mayroon nang magsisilbi sa kanya sa lahat ng oras.
D. Naging malungkot ito dahil sa ipinakita ng kanyang mga asawa.

_____8. Anong kultura ng mga Muslim ang ipinapakita sa kuwento?


A. Pagpili ng mapapangasawa C. Pagpaparami ng yaman
B. Pag-asawa ng marami D. Pananamit

_____9. Bakit nahirapan ang datu sa pagpili ng kanyang maging asawa?


A. Dahil ang mga dalaga ay magaganda at angkop na angkop na maging asawa niya.
B. Dahil ang mga dalaga ay mababait at magaganda na angkop upang maging asawa niya.
C. Dahil ang mga dalaga ay mapili at bata pa at hindi angkop para maging asawa niya.
D. Dahil ang mga dalaga ay mahihirap at walang gana para mag-asawa.

_____10. Paano ipinapakita ng dalawa asawa ang kanilang pagmamahal sa datu?


A. Pinagsisilbihan nila ito buong araw.
B. Ginagawa nila ang lahat ng utos ng datu.
C. Binubunutan nila ng itim at puting buhok ang datu kapag natutulog ito.
D. Nilalagyan nila ng pabango ang damit ng datu sa tuwing bibihis ito.

_____11. Anong uri ng kuwentong-bayan ang karaniwang kapulutan ng aral o paalala tungkol sa buhay?
A. Mito B. Pabula C. Alamat D. Maikling-kuwento

_____12. Alin sa mga sumusunod na pabula ang tumutukoy sa pagpapalitan ng papel ng mga tauhan bilang bida at
kontrabida?
A. “Ang Pagong at Ang Matsing” C. “Ang Kuneho at Ang Pagong”
B. “Ang Unggoy at Ang Buwaya” D. “Ang Hukuman ni Sinukuan”

_____13.Alin sa mga sumusunod ang walang gamit ng ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad?


A. Posible kayang uulan bukas?
B. Siguro naman papayagan akong bumili ng pagkain mamaya.
C. Sa tingin ko, galit siya sa akin ngayon.
D. Sa lahat ng nandito, ikaw ang pinakamaingay.

_____14.Ito ang dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.


A. Sanhi
B. Bunga
C. Pinagmulan
D. Hulihan

_____15.Ito ang dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari.


A. Sanhi
B. Bunga
C. Resulta
D. Epekto
Para sa bilang 16-20, sagutin ang mga katanungan tungkol sa pabulang“Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim
ng Dagat”.

_____16. Ano ang dahilan kung bakit ipinatapon ng datu si pilandok?


A. Dahil manloloko at nanlalamang ito. C. Dahil mahigpit at malupit ito.
B. Dahil sakim at mahigpit ito. D. Dahil sakim at malupit ito.

_____17. Anong panloloko ang ginawa ni pilandok upang makawala sa hawla?


A. Nagmakaawa siya sa isang mangangalakal na pakawalan ito.
B. Nanghingi siya ng tulong sa mangangalakal na kunin ang susi sa mga tanod.
C. Sinabihan niya ang mangangalakal na ayaw niyang magpakasal sa anak na babae ng datu.
D. Nagsinungaling siyang mayroong kaharian sa ilalim ng dagat.
_____18. Paano ipinakita sa kuwento ang kawalan ng respeto?
A. Sa pagiging mahigpit sa mga taong kanyang nasasakupan.
B. Sa panalalamang at panloloko.
C. Sa wagas na pagkuha ng mga yaman ng datu.
D. Sa pagtanim ng galit sa mga taong kanyang nasasakupan.

_____19.Anong katangian ng datu ang makikita na nag-udyok sa kanya na paniwalaan ang mga sinasabi ni
Pilandok?
A. Pagiging malupit C. Pagiging sakim
B. Pagiging matalino D. Pagiging mahigpit

_____20.Bakit naniwala ulit ang datu kay pilandok?


A. Dahil gusto niyang makita ang kanyang pinsan sa kaharian sa ilalim ng dagat.
B. Dahil gusto niyang makakuha ng kayamanan sa kanyang pinsan.
C. Dahil gusto niyang pagharian ang kaharian ng kanyang pinsan.
D. Dahil gusto niyang patayin ang kanyang pinsan.

_____21.Nagsalpukan ang dalawang sasakyan. Anong uri ng panlapi ang makikita sa salitang nakasalungguhit?
A. Unlapi B. Gitlapi C. Hulapi D. Kabilaan

_____22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may gamit ng salitang may panlaping laguhan?
A. Magaling maglaro ng basketbol si Alexander.
B. Niligpit niya ang kanyang laruan.
C. Gusto niyang matulungan ang mga inaapi.
D. Kung gusto mo ang isang bagay, pagsumikapan mo ito.

_____23.Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na malayang morpema dahil ito ay nakapag-iisa at may sariling
kahulugan at anyo?
A. Panlapi B. Salitang-ugat C. Morpema D. Parirala

_____24.Dinadala niya ang kanyang aklat araw-araw.Ano ang salitang-ugat ng salitang nakasalungguhit?
A. dadala B. dinala C. dala D. nadala

_____25. Anong bagong salita ang mabubuo kung pagkabitan ng panlaping –in at –han ang salitang-ugat na
“sama”?
A. sasamahan B. sinasamahan C. sinamahan D. sasamahin
_____26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may gamit ng pang-ugnay?
A. Marami ang nagpositibo sa COVID-19 kaya bawal na naman ang pagtitipon.
B. Huwag mo siyang papasukin mamamaya pagdating niya.
C. Dalhin mo dito ang lahat ng iyong natapos.
D. Magsisikap kami sa lahat ng araw.

_____27. Alin ang hindi totoo tungkol sa pang-ugnay?


A. Pinag-uugnay nito ang mga sugnay na makapag-iisa at di-makapag-iisa.
B. Nakatutulong ang pag-ugnay sa pagkakaroon ng kaisahan at ugnayan ng mga pangungusap sa
loob ng isang talata.
C. Nakatutulong ang pang-ugnay sa pagtukoy sa simuno at panag-uri sa pangungusap.
D. Nakatutulong ang pang-ugnay para sa malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad.

_____28.Malungkot sa maraming bayan dahil sa kalagim-lagim na sinapit ng Mindanaw.Ang nakasalungguhit ay


isang ____________.
A. Sugnay na makapag-iisa C. Simuno
B. Sugnay na di-makapag-iisa D. Panag-uri

_____29. Apat na halimaw ang doo’y nanalot _____ ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na dati’y
payapa. Anong angkop na pang-ugnay ang dapat gamitin?
A. sapagkat B. kasi C. kung D. dahil

_____30.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may sanhi at bunga?


A. Namatay si Sulayman dahil hindi niya alam ang pakikipaglaban.
B. Maligamgam ang tubig na pinapainom sa kanya ngayon.
C. Mas mabuti sana kung susundin natin ang utos ni Sulayman.
D. Dapat nating paghusayan ang ating mga gawain.

Para sa bilang 31-35, sagutin ang mga katanungan tungkol sa epiko.

_____31. Ano ang sinisimbolo ng apat na halimaw sa Indarapatra at Sulayman?


A. Malaking problemang dumating sa buhay ng mamamayan sa Mindanao.
B. Ang kasaganaan sa pulong Mindanao.
C. Ang apat na mamamayan na naging problema ng Mindanao.
D. Ang malaking kayamanan ng mga mamamayan sa pulong Mindanao.

_____32. Ano ang naging sandata ni Tarabusaw?


A. espada B. sanga C. tabak D. sibat at pana

_____33.“Ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa at kaniyang natantong ang kalabang ibon ay
dumating na”. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. nalaman B. nakita C. naisip D. narinig

_____34. “Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang”. Sinong bayani ang tinutukoy dito?
A. Indarapatra B. Sulayman C. Kurita D. Pah

_____35. Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;


At muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan,

Anong lugar ang tinutukoy sa bahaging ito?


A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. Maguindanao
Para sa bilang 36-40, alamin ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na simbolo. Piliin ang sagot sa kahon.
A. Katapangan D. Mayroong namatay
B. Swerte sa paglalakbay E. Napamahal
C. Walang katarangun F. Panatag

_____36. Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka.

_____37.Sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang
kabaong.

_____38.Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip
ang sumpa na sila’y ikasal.

_____39.Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t sangay
nangalabi;

_____40. “O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng
tabak.”

_____41. Sino ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”?


A. Edgar Allan Poe C. Deogracias Rosario
B. Jose Rizal D. N.V.M. Gonzales
_____42. Anong uri ng panitikan ang may iisang kakintalan o impresyon lamang?
A. Epiko B. Alamat C. Mito D. Maikling kuwento

_____43. Ang mga sumusunod ay elemento ng maikling kuwento, alin ang hindi?
A. Tagpuan B. Wakas C. Banghay D. Tauhan

_____44. Aling bahagi ng maikling kuwento makikilala ang mga tauhan at ang paksa o ang problemang
kakaharapin?
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Banghay

_____45. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng maikling kuwento?


A. Ang Aso at Ang Kanyang Anino C. Indarapatra at Sulayman
B. Si Malakas at Si Maganda D. Ang mga Munting Hiling ni Kiko sa Pasko

Para sa bilang 46-50, ang mga katanungan ay tungkol sa maikling kuwento na “Ang Munting Kaibigan”.

_____46. Anong suliranin ang nabanggit sa kuwento?


A. Ang kawalan ng oras sa pamilya. C. Ang kawalan ng pamilya.
B. Ang pagpatay ng mga hayop. D. Ang pagkaroon ng masamang kaibigan.

_____47. Bakit ayaw ng ama ng bata sa anumang hayop na alaga?


A. Dahil bawal ito sa kanilang relihiyon.
B. Dahil natatakot ito na makagat muli ng mga hayop.
C. Dahil wala silang ipapakain sa mga hayop.
D. Dahil malas ito sa kanilang negosyo.
_____48. Paano naging magkaibigan ang bata at ang daga?
A. Dahil pinoprotektahan niya ito kapag pinapalo ng kanyang ama.
B. Dahil ginawan niya ito ng maliit na bahay na nagustuhan ng daga.
C. Dahil palagi niyang dinadala ang daga sa paaralan.
D. Dahil binibigyan niya ito ng mumo tuwing gabi.

_____49. Ayon sa kuwentong binasa, anong tunggalian ang makikita dito?


A. Tao Laban sa Tao C. Tao Laban sa Kalikasan
B. Tao Laban sa Sarili D. Tao Laban sa Hayop

_____50. Anong gintong aral ang iyong mapupulot sa kuwentong binasa?


A. Maging palakaibigan.
B. Kailangang maging masunuring bata.
C. Maglaan ng oras sa pamilya.
D. Pagtuonan ng pansin ang negosyo ng pamilya.

Para sa bilang 51-60, Isulat ang pang-ugnay na bubuo sa pangungusap. Pumili ng letra sa kahon ng tamang
sagot.
A. Upang E. Hanggang I. Kung
B. Subalit F. Dahil J. Samantalang
C. O G. Kaya
D. Kapag H. At

_____51. Salamat sa regalo mo ______ sa Disyembre pa ang kaarawan ko.

_____52. Si Tita Mia _____ si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral.

_____53.Naghuhugas ng mga bote _____ tsupon si Martha habang natutulog nang mahimbing ang kanyang
sanggol.
_____54. Inihain ng mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay _____ ipagtanggol ang Pilipinas sa mga
mananakop.

_____55. Magbaon ka ng payong _____ baka umulan mamayang hapon.

_____56. Pupunta ako sa gimik _____ pupunta rin rin si Kuya Allan.

_____57. Basa ang sahig ng pasilyo _____ nadulas ang bata.

_____58. Sasama ako sa inyo manood ng sine _____ papaayagan ako ni nanay.

_____59. Sumali sa paligsahan si Danilo _____ sinabi nila na wala siyang pag-asang Manalo.

_____60. Wala kang ginagawa diyan _____ kanina pa abalang- abala sa pagluluto ang nanay mo.

You might also like