You are on page 1of 5

Para sa Aytem Blg. 1-3,tukuyin ang mga pares ng salitang magkasingkahulugan.

_____1. Noon ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang pagtahak sa matuwid na lantas upang marating ang
paroroonan.
A. landas-matuwid C. pagtalon-pagtalunton
B. marating – matuwid D. pagtahak-pagtalunton

_____2. Kulturang sinusuyod ng kapuri- puring ugali at marangal na kilos kulturang inihahain ng pagsamba't
prusisyon
A. kapuri- puri-marangal C. pagsamba’t prusisyon
B. kultura-kilos D. sinsuyod-inihain

_____3. Ang kultura’y pinayayabong nang may halong sigla at tuwa,nang may kasalong pagsubok at paghamon
A. halo- kasalo C. pinayayabong-kasalo
B. pagsubok- paghamon D. sigla-tuwa

_____4. Sabado noon at mag-iikapito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, ay kasalukuyang
naghuhugas ng mga pinggang kinainan sa ladies dormitory, sa isang unibersidad sa Amerika. Mabilis si Andres sa
kaniyang paghuhugas at wala siyang inaaksayang panahon. Batay sa paglalarawan, masasabing si Andres ay
___________
A. mapagkunwari B. masikap C. malusog D. maagap

_____5. “Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin,” patuloy ni Andres. “Halos ang gabi ay ginagawa
niyang araw,” dugtong pa ni Andres "Ibig niyang makaipon. Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.”
Ang ama ni Andres ay _______________.
A. madisiplinang ama C. mapangaraping ama
B. matapang na ama D. responsableng ama

_____6. Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan ang unang naging hanapbuhay. Naging
manggagawa sa iba't ibang bayan ng California. Namitas ng mansanas sa Oregon at Washington Dalanghita sa
Florida. Naging serbidor ng mga restawran. Naging utusan. Naglingkod sa salmunan Alaska. Nagpatag ng bato sa
daang tren saNevada.
A. maraming alam sa bhay C. masipag at matiyaga sa buhay
B. papalit-palit ng trabaho D. walang permanenteng magawa

_____7. “Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumating ang donyang asawa ng aming kasama, at
pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natatapos kumain ang mga panauhin sa itaas ay inuuna na raw ang
aming mga bituka. Lubha raw kaming mga timawa. Ang donya ay ______________
A. madisiplina B. maalalahanin C. mahigpit D. matapobre

_____8. "Ang totoo, Andy, ani ni Bill. Walang alinlangan mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag- aliw-
aliw ka naman. Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa iyong
libro.”
A. mahilig magliwaliw C. mapagpayo sa kaibigan
B. likas na masayahing tao D. walang pangarap sa buhay

_____9. Iyan, Mama, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency o CIA, ang pamahalaang hindi nakikita.” Biyong-
bilyong dolyar ho pala, ang ginagasta niyan. At laganap pala sa buong daigdig ang mga ahente niyan.
A. nagbababala B. nagdaramdam C. naglilinaw D. nangangatwiran

_____10 “Iba na ho ang panahon ngayon, Mama. Baka matukso si Pidel. At makalimot. Marami na akong
nababalitaang mag-asawang nagkahiwalay.”
A.nagbababala B. nagdaramdam С. пagрарауо D. nagsisisi

_____11. “Kaya, Gaya, masisisi mo ba kong naisin kong umalis sa Pilipinas? Dito, kahit saan ka tumingin ay wala
kang makikita kundi ang marungis na mukha ng pulitika."
A. nagdaramdam B nangangatwiran C. пagрарауо D. nagsisisi
______12. "Kung naro’n ka ay maaari ka ring makapagturo. At makapag-aral. Maaaring doon mo na tapusin ang
iyong doctorate sa edukasyon.”
A.nagbababala B.naglilinaw C. пagрарауо D. nagsisisi

______13. "Del, naghahamon ang El Tor, ang malaria, ang Vietnam Rose, at iba pang karamdaman sa buong
kapuluan. Sumama ka sa pangkat ng Knights of Rizal."
A naglilinaw B. nangangatwiran C. nanghihikayat D nanghihinayang

______14. Ito ay sangay ng panitikang tumatalakay sa madulang pangyayari sa buhay ng tao kinasasangkutan ng
iilang tauhan at may isang kakintalan.
A. Dula B.Maikling Kuwento C. Nobela D. Tula

______15. Sa bahaging ito mababasa ang paglalarawan sa katangian ng tauhan.


A. Gitna B. Pamagat C. Simula D. Wakas

______16. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Hindi niya namalayan, unti-unti na niyang naramdaman ang pagkaawa sa
sarili. Batay sa pangyayari, anong tunggalian ang maiuugnay rito?
A. Tao laban sa Kalikasan C. Tao laban sa Sarili
B. Tao laban sa Lipunan D. Tao laban sa Tao

______17. Gustuhin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa gaya ng mga kapatid, ang tungkulin ng
pangangalaga sa ama ang pumipigil sa kaniya. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor dahil nasa kanila na
ang luho at oras na makahanap ng babaeng makakasama habambuhay. Anong tunggalian ang maiuugnay sa
pangyayari?
A. Tao laban sa Kalikasan C. Tao laban sa Sarili
B. Tao laban sa Lipunan D. Tao laban sa Tao

______18. sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa't kamalayan, kulturang may ritmo ng pag-
awit, may kislot ng pagsayaw, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pimamaalam. Ang
tangis ng pamamaalam ay nangangahulugang ____________________.
A. sinasalamin ang kabiguan sa buhay
B. hindi na maubus ubos ang mga problema
C. makulay, masaya at magarbong pagdiriwang
D. pag-iyak dulot ng salut at pait ng paglisan ng taong minamahal

______19. kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon/ kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang- bayan/
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon. Anong interpretasyon ang sumasalamin sa mga taludtod ng
tula?
A. kulturang kaugnay ng sinaunang panahon bago ang pananakop
B. makulay, masaya at magarbong pagdiriwang kaugnay ng relihiyon
C. sinasalamin ang pagbubuwis ng buhay dulot ng digmaan
D. walang humpay na pagsasaya sa buhay

______20. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at bumalik sa lugar na pinanggalingan. Alam ni
Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. Ano ang ipinahihiwatig ng pangyayari sa kuwento? A. Dadalhin
ni Adrian ang kaniyang ama sa bahay-ampunan upang ilagak doon.
B. luuwi na ni Adrian ang kaniyang ama dahil tapos ang kanilang pamamasyal sa gubat.
C. Natauhan si Adrian at kailanman ay hindi na siya magkakamali muli ng mga desisyon sa buhay.
D. Walang nasabi si Adrian at ipinagpatuloy ang pagbuhat sa ama patungo sa kaloob-looban ng gubat.

_____21. Alin sa sumusunod an g nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura?


A. ang bawat paghakbang ay may patutunguhan ang bawat paghakbang ay may mararating
B. binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa nagbabanyos sa ating damdamin
C magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kultura
D. sumibol ang kay raming kulturang sinangkutsa sa ating diwa't kamalayan

_____22. Anong pagpapakahulugan ang maiuugnay sa maikling kuwentong "Nang Minsang Naligaw si Adrian?"
A. Konotatibo B. Denotatibo C. Payak D. Salungatan
______23. "Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko,
Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo'y nawala." Ang salitang may salungguhit ay may pagpapakahulugang
A. Konotatibo B. Denotatibo C. Payak D. Salungatan

______24. Pinasan ni Adrian ang kanyang ama patungo sa loob ng gubat habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng
kaniyang mga luha. Ang salitang pinasan ay halimbawa ng
A. Konotatibo B. Denotatibo C. Payak D. Salungatan

______25. Noong gabing umuwi ang kanilang ama na masamang masama ang timpla dahil nasisante ito sa trabaho.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. napagalitan B. nasuspinde C. natanggal D. natauhan

______26. Palaging nag-aabang ang magkakapatid sa pag-uwi ng kanilang ama at sinisipat kung may dala itong
brown na supot na nakabitin sa daliri nito. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. hinahanap B. nakikita C. tinataglay D. tinitingnan

______27. Maraming pangyayari sa ating buhay ang hindi inaasahan kung gayon kailangan nating maging maingat sa
pagpili ng desisyon sa buhay. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. inaasahan B. kung gayon C. maging D. natin

______28. Wala akong ibig gawin kung di ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho't nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit __________ ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Ano ang angkop
na salita sa patlang?
A kabilang B. nagtatanong C. nakatali D. sumusunod

______29. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong
iyon. Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. kalagan B. pahintulutan C. bantayan D. pakawalan

______30. Alam ko, maaaring dumating iyon ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Ang pangatnig
na ginamit sa pangungusap ay _____________
A iyon B. alam C. baka D. ngunit

______31 Alam kong para sa aking sarili'y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin. Alin ang pang-ukol na ginamit sa
pangungusap?
A. alam ko B. kaya lamang C. para sa D. may mga

______32. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at
kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo. Ang salitang ginamitan ng pang-angkop sa pangungusap
ay ______________
A wasakin B. naibigay C. angkop D. taong

______33. Alam kong para sa aking sarili'y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin. Ang pangatnig na ginamit sa pangungusap
ay ________________
A.alinman B.kaya C. lamang D. para sa

______34. Magbubuntung-hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina
at saka titingin kay Boy. Anong damdamin ang nakapaloob sa binasang pangungusap?
A. pagkainis B. pagkadismaya C. pagdaramdam D. pagkagalit

______35. Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga
kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako. Mula rito, masasabing _____________si Tiyo Simon.
A. nainis B. nagbago C. naghimagsik D. nagrebelde

______36. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal ng ilang
sandali, pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Ang may salungguhit ay nangangahulugang_______.
A. basag na tunog C. may pahiwatig na tunog
B. karaniwang tunog D. malakas na tunog
______37. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago ni Tiyo Simon?
A. Dati-rati, hindi siya nagsisimba ngunit ngayon ay sasama siya para kay Boy.
B. Narinig niya na tila nagtatalo si Boy at ang kaniyang ina dahil sa pagsisimba
C. Dahil malapit lamang si Tiyo Simon, nakita niya ang pagkasagasa sa batang babae.
D. Ikinuwento ni Tiyo Simon kay Boy ang pangyayaring nasagasaan ang batang babae.

______38. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan. Ito ay
nagpapahiwatig na ___________________
A. Ang dating kultura ay magpapatuloy at pauunlarin.
B. Ang kultura ay para sa darating na kinabukasan.
C. Ang dating kultura ay mababago at mananatili.
D. Ang kultura ay hindi mababago kailanman.

______39. Ang tulang sinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na "Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ________________
A. nagbabago B.nagpapatuloy C. naaalis D. naituturo

______40. “Isinuko ko ang aking kalayan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa
pahayag ay____________
A. pagkatalo B. pagiging sunod-sunuran C. kawalan ng kapangyarihan D. kasiyahan

______41. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa __________


A. Nakagagamot sa sakit as ubo ang dahon ng oregano.
B. Naganap ang makasaysayang EDSA Revalunion noong Pebrero 25, 1986.
C. Kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghihirapan.
D. Taon-taon ay dinaraanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas

Para sa Aytem Big. 42-44


Panuto: Basahin ang saknong ng tula sa ibaba at sagutin ang tanong.

“At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako'y umalis, siya'y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!”

_____42. Ang huling 2 taludtod ay naglalarawan ng pangyayaring _______________


A. Pareho lamang ang naging damdamin.
B. Marami siyang pasalubong sa pag-uwi.
C. Maiiba ang damdamin ng dadatnan.
D. Matutuwa ang taong babalikan.

______43. Ang naglalahad ng pag-aalay ng pagmamahal ay nasa taludtod bilang________________.


A 1,2 at 3 B.1,3 at 4 C.3,4 at 5 D. 2,5 at 6

_____44. Ang tugmaang di ganap sa binasang saknong ay ang mga salitang________________.


A.lahat, liyag B. bigas, landas C.umiiyak, magagalak D. wala sa nabanggit

_____45. Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag________________________


A. naganap sa mga tanyag na lugar
B. may makatotohanang pangyayari
C. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar
D. nagpapatunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay

Para sa Aytem Blg. 46-50


Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Denotatibo at Konotatibong kahulugan

_____________________46. Ang ama ay siyang haligi ng tahanan.


_____________________47. Ang mga araw ay mapanglaw sa dalawang taon nating pagdurusa dahil sa pandemya.
_____________________48. Mahangin ang dating ng mga taong hindi marunong magpahalaga sa pagiging Pilipino.
_____________________49. Ang wika ay instrumento ng isip at sagisag ng kalayaan ng isang bansa.
_____________________50 Kalunos-lunos ang naranasan ng mga nasalanta sa bagyong Karding.

You might also like