You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PASULIT

Pangalan:___________________________ Baitang at Sek.:____________Petsa______Iskor_____


Contact no:____________________ Contact no. ng Magulang______________________________

1. “Wow! Napakaganda ng kanyang nilikha.Anongdamdamin ang ipinapahiwatig sa pahayag?


A. galit B. kayabangan C. paghanga D. pangungutya
2.
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko'y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan
Ang damdaming nangingibabaw sa saknong ay _______.
A. pagkatuwa B. pagsuko C. pagkainis D. pagkalungkot
3. "Puwedeng kilala ko siya," pagbibigay-loob ni Ibarra. "Lamang ay hindi ko maalala ngayon."
A. katapatan C. pagpapasensya
B. paggalang D. pagpapaumanhin

4. "...Iyan ang masamang epekto ng pagdadala sa Europa ng mga kabataang Indio! Kailangan itong
ipagbawal ng gobyerno!"

A. aliw B. poot C. paninisi D. pagkalugod

5. "Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalaala."

A. pagkaawa B. pagmamahal C. pagdaramdam D.pagiging tapat

6. Padabog niyang (Padre Damaso) ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na
kalansing at saka sinabayan ng tulak sa pinggan.

A. awa B. . galit C. inis D. lungkot

7. "..Mistulang isang dayuhan na ni hindi nakaalam kung kailan at kung paanong namatay ang aking
ama!"

A. kalungkutan B. pag-ibig C. pagkasuklam D. pagkahabag


8. . "Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa
kulot ng inyong buhok," pangangatwiran ng militar sabay layo..

A. paghanga B. pagkainis C. . pangungutya D. pagmamalabis

9. Ang naramdaman ni Sisa nang pagitnaan siya ng dalawang kawal ay

A. kahihiyan sa ginawa ng anak

B. kahihiyan dahil wala siyang kasalanan

C. kahihiyan nab aka malaman ito ng kanyang asawa

D. kahihiyan dahil lalo itong nagpababa sa kanyang pagkatao

10. Pagkasaya-saya ng mga batang nakatanggap ng bagong mga gamit pang eskwela. Anong salita
ang nagpapahayag ng pagpapasidhi ng damdamin?

A. bata B. gamit C. nakatanggap D. pagkasaya-saya

11. Lagi na lang niyang iniisip ang sasabihin ng iba, kaya’t hindi makapagpasya si Tenyente Guevarra.

A. Tao sa Tao C. Tao sa Lipunan

B. Tao sa Sarili D. Tao sa Kalikasan

12. Si Donya Consolacion ay isa sa nagdulot ng mga kasawian ni Sisa.

A. Tao sa Tao C. Tao sa Lipunan

B. Tao sa Sarili D. Tao sa Kalikasan

13. Kamangmangan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang alipin ng mga dayuhan.

A. Tao sa Tao C. . Tao sa Lipunan

B. Tao sa Sarili D. Tao sa Kalikasan

Bagama’t hindi ko mabata ay muli kong dinala sa paaralan ang mga pamalo
at sinimulan kong muli ang hindi makataong Gawain. Pinagpilitan ko mang
dalangan hangga’t maaari ang pamamalo ay nagdaramdam din sila,naaaba
at nagsisiiyak ng buong kapaitan. Sa gayo’y nadudurog ang aking puso.
Napapaso ako sa kanilang mga luha,nagsisikip ang aking dibdib.

14. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag na nasa kahon?

A. Tao sa Tao C. Tao sa Lipunan

B. Tao sa Sarili D. Tao sa Kalikasan

15... Malakas ang kabog ng pagbayo ni Ibarra sa ulo ni Padre Damaso. Ang tayutay na ginamit ay

A. eksaherasyon B. onomatopeya C. personipikasyon D. simili


16. Ang bayan ay nagtitiis ng hirap sa gitna ng karangyaan ng pamahalaan at simbahan. Ang tayutay
na ginamit ay

A. eksaherasyon B. onomatopeya C. personipikasyon D. simili

17.Ang tayutay na ginamit sa pahayag na “Nagliliyab ang mata ni Ibarra sa galit.”

A. eksaherasyon B. onomatopeya C. personipikasyon D. simili

18. Ang bayan ng San Diego ang pinagkukunang yaman at sa muling pagbabalik ni Crisostomo Ibarra
,ang bayan ay wala pa ring pagbabago. Ito ay nangangahulugan na ang bayan ng San Diego ay
simbolo ng

A. Katapangan C. Progresibo

B. Kawalang Kaunlaran D. Pagkakaisa

19. Sisa: Basilio , Pia Alba: _________

A. Iday B. Andeng C. Victoria D. Maria Clara

20. Lahat ng ito ay mga katangian ni Padre Damaso maliban sa

A. Madamot B. Masungit C. Walang galang D. traydor na kaibigan

21. Ang oregano ay halamang gamot na mabisa sa pagpapagaling ng ubo. Ang sinalungguhitan ay
isang___
A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-angkop D. Pandiwa
22. Aalis ako sa bahay na ito kung kasama ka. Ang sinalungguhitang salita ay isang ______.
A. Pangatnig B. Pang-ukol C. Pang-angkop D. Pandiwa
23. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. Paglipas ng Panahon C. Mainit na ang Panahon
B. Malapit na ang taglamig D. Nalanta na ang Cherry Blossoms
24. bu.KAS: hindi nakasara ; LA:bi? :__________
A. natira B.pagkaing hindi naubos C. ibaba’t itaas ng nguso D. A at C
25. Alin sa sumusunod na pahayag ang nangangahulugang “inaamin niya ang kasalanan”.
A. Hindi, ako ang may kasalanan C. Hindi ako, ang may kasalanan
B. Hindi ako ang may kasalanan. D. wala sa nabanggit
26. Mabilis si Andres sa kanyang paggawa at wala siyang inaaksayang panahon. Siya ay…..
A. mapagkunwari B. masikap C. malusog D. maagap
27. “Yehey!”.. Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin o emosyon ang ipinipahiwatig?
A. Maikling Sambitla
B. Mga pangungusap na padamdam
C. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng isang tao
D. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diritsahang paraan
28. “Labis akong natutuwa sa iyong balita.” Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin o emosyon
ang ipinipahiwatig?
A. Maikling Sambitla
B. Mga pangungusap na padamdam
C. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o saloobin ng isang tao
D. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diritsahang paraan
29. Ayon sa ibang ekonomista, mas mayaman ang bansang Tsina kaysa sa Pilipinas dahil sa kanilang
_________na karagatan. Anong salitang naglalarawan ang mas angkop upang mabuo ang
pangungusap?
A. malaki B. malawak C. marangya D. mayabong
30. Masasabi nating makatotohanan ang isang pahayag kapag ito ay ginagamitan ng mga salitang
nagpapahayag ng patunay o batayan kagaya ng mga sumusunod maliban sa
A. batay sa B. mula sa C. ayon sa D. para sa
31. Linggo-Linggo kaming nag-aalay ng dasal para kay Inay. Anong pang-abay na pamanahon ang
ginamit sa pangungusap?
A. kaming B. Linggo-Linggo C. mag-anak D. nagsisimbang
32. Ang “Alamat ng Face Mask” ay nagpapahiwatig ng mga mahahalagang aral alang-alang sa mga
kabataan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?
A. Dapat unahin muna ang pag-aaral bago ang paglalaro.
B. Mahalagang makinig sa mga pangaral ng iyong mga magulang.
C. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.
D. Ang mga batang kagaya mo ay dapat nasa bahay na kapag nagtatakip-silim na.
33. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi napapabilang sa mga pang-ugnay na hudyat ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
A. pagkatapos B. sa huli C.una D. uulit-ulitin
34. Maituturing na impormal ang isang sanaysay kung _______
A. seryoso ang tono at di-nagbibiro
B. maingat na pinipili ang mga salita.
C. maaaring makahulugan, matalinhaga at matayutay.
D. nagbibigay kasiyahan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga karaniwan at pang-araw-araw na
paksa.
35. Anong akdang panitikan ang hinango mula sa bibliya na kapupulutan ng aral at magsilbing gabay
sa isang marangal na pamumuhay ng mga tao?
A. Maikling Kuwento B. Pabula C. Parabula D.Sanaysay
36. Pabula: Kasiya-siya , Elehiya:_________
A. Nakakainis B. Nakakabaliw C. Malungkot D. Mayabang
37. “Ang pag-iwas sa punglo ay di nangangahulugan ng karuwagan.” Ano ang ipinahiwatig ng
pahayag?
A. Hindi duwag ang pag-iwas sa gulo. C. Ang taong duwag ay laging umiiwas sa gulo.
B. Di dapat humawak ng baril ang mga tao. D. Kung ayaw mong tamaan ng bala,iwasan mo ito.
38. Malakas ang hampas ng murang katawan ni Crispin sa bawat baitang ng hagdan habang hinihila
ito pababa ng Sakristan Mayor. Mula sa pahayag na ito, ano kaya ang maaring mangyari kay Crispin?
A. Mababaliw si Crispin C. Mawawala sa hangin si Crispin
B. Maaring ikamatay ni Crispin D. Walang mangayayari kay Cripin
39. “Makakabuti sa atin ang tumuligsa kaysa walang saysay na pagpuri” Ang tuligsa ay may
kasalungat na kahulugang?
A. kumalaban B. pumuri C. sumalungat D. tumugon
40. Sa palagay mo, alin sa mga suliraning panlipunan ang hindi umiiral sa panahon ng pananakop ng
mga Kastila?
A. Kakuriputan ng mga gwardya sibil C. Kawalan ng hustisya para sa mga naaapi
B. Pang-aabuso sa mga kababaihan D. Hindi pagiging tapat ng mga opisyal sa simbahan

You might also like