You are on page 1of 9

Sangay ng Davao del Norte

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


S.Y 2014-2015
Pansangay na Pagsusulit sa Filipino Grade 8

Pangalan: ________________________ Taon at Pangkat:__________________________


Paaraan:_________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap.Itiman ang titik ng tamang
sagot .

1. Naipapakita ni Jose Rizal sa kanyang tula ang paggamit ng karunungang- bayan, ikaw bilang kabataan, paano mo
magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno?
A Pagsusulat ng mga halimbawang akda.
B Pagsasaulo ng lahat ng mga karunugang bayan.
C Pangongolekta nito mula sa iba’t ibang sanggunian.
D Pagsasabuhay sa mga mensaheng hatid ng karununganng bayan
2. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may kababalaghan. Alin sa mga
kaganapan sa Hudhod ni Aliguyon ang kinitaan ng kababalaghan?
A
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal.
B Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway.
C Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit
D Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata.
3., Karamihan sa mga akda sa panahon ng Espanol na binabasa o itinatanghal ay tumatalakay sa mga santo/santa.
Napapaloob ito sa mga panalangin at iba pang seremonyas ng mga Pilipino, ano ang ibig sabihin nito ?

A. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.


B Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
.
C . Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
D. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.
4. . Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?

A sumakabilang buhay para sa namatay


B magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
C buto’t balat para sa payat
D papatay-patay para sa hipong tulog
5. Sa dulang duplo, nilalahukan ito ng mga binata at dalaga na sila rin ang nagtatalo.Ano ang tawag sa mga kalahok ng
paigsahang ito?
A bilyako/bilyaka
B mambibigkas
C manunula
D prinsipe/prinsesa
6. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng salitang dumalaw ?
Panalangin
ni Asuncion B. Bola A bumisita
Pagsubok ‘pag dumalaw B pumunta
‘Di ka makapagpasiya C dumating
Ang Panalangin lamang D bunga
Sagot sa mga problema
7. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan
ng iyong magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka
makadadalo?
A “Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang magulang ko.”
B “Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang may panuntunan kaming sinusunod sa bahay.”
C“ Sana ginawa mo na lang nang hapon para makadalo ako.”
D “Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong kaarawan.

8. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag?


A tapat
B madaling umunawa
C magalang
D malumanay magsalita
9..Paano mapapatunayan na ang akdang pampanitikan ay isang epiko?
A Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay
B Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip tungkol kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay
C Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayarin supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
D Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
10. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
A nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
B madalas na itinatanong sa pagsusulit
C nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
D susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
11. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa pangyayari?

Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay
aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan
at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging
ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz.
Bzzzzzzzzzz.
Halaw mula sa alamat ng Bubuyog

Amakatotohanan
B posibleng maganap
C kapani-paniwala
D hindi kapani-paniwala
12. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang
bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa
inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di
inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral.
Ano ang iyong gagawin?
A Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
B Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral.
C Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
D Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan.
13. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan
ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
A Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan.
B Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
C Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
D Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video
14.Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang
palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang
parusahan?
A Balagtasan
B karagatan
C Batutian
D duplo

15. Aling bilang ng mga pahayag ang pawang nagpapakita ng paghahambing. Hanguin sa loob ng teksto ang mga
pahayag na nagpapakita ng paghahambing.

(1)Magkasingganda ang mga baybayin ng Surigao at ang lugar ng Boracay na


pinuntahan namin noon. (2)Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. (3) Tunay talagang
kahanga-hanga ang likas na yamang handog ng Maykapal.(4) Kaya hindi ko kailan man
ipagpapalit ang mga ito sa ibang bansa.

a.1 at 2 b. 2 at 3 c. 2 at 4 d. 3 at 4

16. Sa pangungusap na “ Di hamak na mas mahusay sa pag-aarte si Kim Chu kaysa kay Erich Gonzales”. Nagpapahiwatig
ito ng paghahambing na_____________.
a. pasahol b. palamang c.magkatulad d. di-magkatulad
17. Naghanda nang mabilis si Tuwaang para sa kaniyang paglalakbay. Ano ang kaugnayan ng salitang nakahilig sa
pandiwa ng pangungusap?
A nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang kilos.
B nagsasaad ng paraan paano ginawa ang kilos.
C nagsasaad kung kaian naganap ang kilos.
D nagsasaad kung bakit naganap ang kilos.

18.Paano naiiba ang haiku sa tanaga?


A tula ito na may tig-7 taludtod ang bawat saknong
B tula na may tigtatatlong taludtod ang bawat saknong
C tula na may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig
D tula na may 17 taludtod sa bawat saknong
19.Alin sa mga halimbawa ng karunungan bayan ang hindi ginagamitan ng talinghaga?
A Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin
B Maitim ang gilagid.
C Itaga mo sa bato.
D Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
20. Nangingibabaw ang panitikang Tagalog noong Panahon ng Hapones. Ano ang posibleng sanhi nito?

A a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog.


B b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles.
C c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog.
D d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa Tagalog.
21.“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw”, ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag na ito?
A Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina.
B . May problemang dinadala kaya di siya napapansin.
C Hindi umuulan kaya tigang ang lupa.
D Malungkot ang paligid.
22.Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
A magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain
B magiging sikat na mamamayan
C hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
D magkakaroon ng disiplinang pansarili

23. Sa halimbawang haiku sa loob ng kahon, anong paksa ang mahihinuha? Iyong galangin
A a. Buhay may asawa Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.
B b. Ang Pag-aasawa
Huwag nang buksan,
C c. Pagplano ng pamilya Lahat ng nakaraan
D d. Pag-aaruga ng pamilya Walang sumbatan.
24.Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng Hapon?
A Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata,
B mananaysay at manunulat ng maikling kuwento.
C Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan.
D Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan
ng mga Pilipino.
25.Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento?
a. 1941 c. 1942
b. 1943 d. 1944
26. Liwayway ang na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na
kumilala sa panitikan na kilala sa anong tawag ?
A a. likhang sining ng mga manunulat
B b. obra ng mga manunulat
C c. lakas ng manunulat
D d. buhay ng manunulat
27. Sa halimbawang tanaga sa ibaba anong kaisipan ang ipinapahiwatig?
A a. ang buhay ng isang pulubi
SIPAG B b.lahat ay may pag-asang magbubuhay-hari
Magsikhay nang mabuti C c.ang magandang maidudulot ng pagsisikap
Sa araw man o gabi D d. gawing araw ang gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari
28. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________.
a. prosa c. pasalaysay
b. patula d. tuluyan

Bahagi mula sa Tulang Pag-ibig sa tinubuang lupa ni Andres Bonifacio

Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay


Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak


Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo'y ubusin itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit!
29. Sa huling saknong ng tula, mauunawaan na layunin ng may-akda na______?
A a.Kapag magmahal, buong pag-ibig ang ialay
B b.handang ipaglaban ang kanyang bayan kapalit man ay pagbuwis ng buhay
C c.Walang maapi kung walang magpapaapi
D d. ipagtangol ang baying nilupig

30. Ginamit sa tula ang pahayag na “Hayo na nga, hayo”. Sino ang pinatutungkulan ng may-akda?
A ang mga dayuhang mananakop
B ang kapwa Pilipinong nagtaksil sa bayan
C ang mga Pilipinong hindi nawalan ng pag-asa
D mga pamilya ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay

31. Alin sa mga salitang ginamit sa tula ang magkakatugma ?


a.pagibig- itigis b. buhay-mapatid
c.lumiyag-nangabuhay d.handog-kapaitan
32. . Ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman
ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu?
A tula
B . dula
C sanaysay
D maikling kuwento
33. Sa usapan ng magkapatid, Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang ginamit?
. A modal
Fe: Hoy! Gising na. Tanghali na at baka mahuli pa tayo klase. B eksistensyal
Lorna: Haaaay! Salamat. Umaaraw na C penominal
D temporal
34. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw
ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?
A a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari
B b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya
C c. nagpapakita ng katotohanan
D d. opinyon lamang ng iba
35. Mula sa bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama
sa init ng kanyang dibdib”?
A batang nasa tabi ng ina na natutulog
B sanggol na kalong kalong ng ina
C nakikiramdam sa pintig ng puso
D masama ang pakiramdam
36. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
A banghay
B tagpuan
C tauhan
D tema
37.
Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pakadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig?
A sukat
B aliw-iw
C . tugma
D indayog
38. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng
buhay. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag?

A karunungang - bayan
B tanaga at haiku
C bugtong
D tula
39. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan
ang kaniyang talento sa pagtula?
A Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
B Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
C Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
D Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.

40. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.Alin sa mga pahayag ang hindi kinitaan kung kailan naganap ang kilos?
A a. Kailangan nating makarating doon sa gabi.
B b. Kahapon pa siya nakaalis.
C c. Tuwing buwan ng Mayo ipinaparada ang Santa Cruzan
D d. Sa Canteen sia magkikita mamaya.
Answer Key
1.d
2.b
3.a
4.a
5.a
6.c
7.b
8.c
9.c
10. d
11.d
12.c
13.a
14.d
15.a
16.b
17.b
18.c
19.d
20b
21.a
22.a
23.b
24.c
25.
26.
27.c
28.b
29.b
30.c
31.a
32.c
33.d
34.c
35.a
36.a
37.c
38.b
39.d
40.d
TABLE OF SPECIFICATION

Kasanayang Pampagkatuto Kaalama Proseso Pag-unawa No. of Items


n 30% 10%
60%
Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang 6,10, 1, ,
salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa 16, 4
teksto /diskursong pinakinggan
Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang
panggramatika 17, 40 2
na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang
komunikasyon tulad ng:
 mga pang-abay na:
 pamanahon
 panlunan
 pamaraan
Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang
panggramatika 15,16,33 3
na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang
komunikasyon tulad ng:
 dalawang uri ng
paghahambing
 pangungusap na walang paksa

Nasusuri ang karunungang-bayan, tula, alamat, 18, 36, 2, 19, 27


epiko, maiking kwento, haiku at tanaga batay sa 37,38 7
mga katangian nito
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na 9, 26, 3
masasalamin 3
sa mga akdang pampanitikan
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, 11, 14
kaisipan, 2
at opinyong nakapaloob sa teksto kung:
 totoo o hindi toto
 may pagbabatayan o kathang-isip lamang

Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga 5, 28, 32 31,


katangian nito: 4
 karagatan
 duplo
 tula
 sanaysay

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang 21,22


akda/ teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng 2
sanhi at bunga ng mga pangyayari

Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang


pangwika na 8 4 2
makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang
komunikasyon tulad ng:
 mga eupemistikong pahayag
 matatalinghagang pahayag
Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa 24, 25 2
pamamaraang :
 tuwiran
di-tuwiran
Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang 20, 30, 4
salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa 34, 35
teksto/
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa 7, 10 12, 13, 39 5
akdang binasa at sa:
pamantayang pansarili o pansariling
karanasan

Nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o 23, 29 2


ideyang nakapaloob sa akda /teksto

24 12 4 40
Kabuuan

You might also like