You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon ng Caraga
Sangay ng Lungsod ng Butuan
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Kagawaran ng Filipino

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Baitang 10 Filipino

Pangalan: ________________________________ Seksyon: ______________________

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Titik lamang ang isulat sa inyong
sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya


A. Aristocratic B. Egalitarian C. Matrilinear D. Patrilinear

2. Akdang pampanitikan na tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng


sansinukuban, kalipunan ng iba’t-ibang paniniwala sa diyos at diyosa.
A. Alamat B. Epiko C. Mito/Mitolohiya D. Parabula

3. Ito ay tumutukoy sa paglilipat ng pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at


estilong nasa wikang isasalin
A. Pagkiklino C. Pagsasaling wika
B. Pagpapakahulugan D. Pagsusuring wika

4. Bansang pinagmulan ng Anekdotang Mullah Nasreddin.


A. Kenya B. Uganda C. Persia D. Africa

5. Pinakamahusay sa pagkukwento ng katatawanan.


A. Mullah Nasreddin B. Liongo C. Mang Simon D. Iloy

6. Ang pangunahing layunin ng Anekdota ay


A. Magbigay inspirasyon C. manghikayat ng tao
B Makapagturo ng pag-iingat D. Ipabatid ang katangian ng tong ipinapaksa

7. Pagkukwento o pagsasalaysay ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita


A. Pagsasalaysay C. Pangangatwiran
B. Paglalahad D. Pagkukuro-kuro

8. Ang akdang Mullah Nasreddin ay anekdota mula sa Persia/Iran na isinalin sa Filipino ni


A. Roderick Urgelles C. Roselyn Salum
B. Consolation Conde D. Magdalena Ucson

Para sa bilang 9 -12

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa ilalim ng
sakit na dala-dala ng ating mga puso na sa tuwing makikita natin ang ating bans ana nalulugmok sa di pagkakasundo
at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil
sa nagiging pambansang batayan ang ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo
9. Ang rasismong nabanggit sa bahagi ng talumpati na binasa ay nangangahulugang;
A. pagtanggal at paglaban sa batas
B. pakikipag-unahan sa bawat bansa sap ag-unlad
C. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
D. hindi pagkapantay-pantay na pagtingin sa magkakaibang lahi

10. Ito ay epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasisimo.


A. pagtanggi sa rasismo C. pagkalugmok sa sarili
B. espiritwal at pisikal na kaisahan D. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

11.Ang isa sa maaaring dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay


A. pagpapahirap sa mamamayan
B. pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. pagpapairal ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa
D. di pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba- iba ang estado sa buhay

12. Inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang pisikal at espirituwal subalit nananatili
siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang inaakala ko ay nagpapahiwatig ng
A. Paghihinuha B. Paglalarawan C. Panghihikayat D. Pangangatwiran

13. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa “Hele ng isang Ina sa kanyang panganay”. Ano
ang ibig sabihin ng salitang panagimpan.

Ang Ina’y di dapat pagnakawan


Sa iyo’y wala silang masamang panagimpan.

A. Nais B. Mithi C. Hangad D. Pangarap

Para sa bilang 14-15

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kanyang sarili . Nang mawalla ang aming
ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kanya. Inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang
pisikal at espiritwal subalit nananatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.

14. Ano ang maaring naging bunga ng pagkakaroon ng panananampalataya sa Diyos ng isang
Ina?
A. Katatagan ng buong pamilya
B. panghihina ng espirituwal na aspekto.
C. Pamumuhay ng masaganang buhay
D. maraming pagsubok sa pamilya

15. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na “Sa tingin ko nga mas mahal pa niya kami kaysa
kanyang sarili.
A. gagawin ng magulang lahat para sa mga anak
B. Alam ng magulang kung anong nakabubuti para sa anak
C. ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili
D. ibibigay ng ina ang pangangailangan ng mga anak.

16. Isang uri ng maikling kwento na binibigyan diin ang ugali o katangian ng tauhan.
A. Kuwento ng Tauhan C. kuwento ng madulang pangyayayri
B. Kuwento ng katutubong kulay D. kuwentong bayan
17. Sa kuwentong ang “Alaga” ano ang alaga ng pangunahing tauhan?
A. Aso B. Itim na baboy C. bibe D.pusa

18. Ito ay nilikha upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang
pagyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari.
A. Maikling Kuwento B. Talambuhay C. Anekdota D. Mitolohiya

19. Ang maikling kuwento ay dapat magtataglay ng mga sumusunod maliban sa isa;
A. may sukat at tugma
B. iisang kakintalan
C. May pangunahing tauhan, may mahalagang suliranin na kailangan bigyan ng solusyon
D. May mahalagang tagpuan

20.Ngayon, gugugulin niya ang kanyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. ilalaan B. kakalimutan C. puputulin D. hahanapin

21. Ang kuwentong “Alaga” ay akda mula sa bansang,


A. East Africa B. Nigeria C. Kenya D. Uganda

Para sa bilang 22-23.

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter
na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang
pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong
hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng
ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga
misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan
ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta.
Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip
sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

22. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?


A. Palaganapin ang Kristiyanismo
B. May tatlong persona sa iisang Diyos
C. Mabuti ang pagsamba sa diyos diyosan
D. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala

23.Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa bathala ng
Lupa?
A. Nagkasakit si G. Brown
B. Sinunog ang tahanan ni Enoch
C.Sumanib ang masamang Espiritu
D. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isan Egwugwu.

24. Ito ay nahahati sa bawat kabanata , punong-puno ng masalimoot na pangyayari


A. Nobela B. Anekdota C. Talumpati D. Sanaysay
25. Elemento ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari
A. Damdamin B. Banghay C. Tauhan D. Tagpuan

26. Ito ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika na pinakamalapit na katumbas na diwa at


estilongnasa wikang isasalin.
A. Pasulat B. Espeling C. Pagsasaling-wika D.Pagsasalaysay

27. Batay sa pagsasaling wika sa kahon,alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang
sa pagsasalin?

Love excuses everything, believe all Mapagpatawad ang pa-ibig,pinaniniwalaan


things,hopes all things,endures all things. ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga
bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.

A. Basahin ng paulit-ulit
B. Ikumpara ang ginawang salin
C. Suriin ang bawat isinasalin
D. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
28. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.
“ A negative mind will never give you a positive life.”
A. Ang isip na negatibo ay di nagbibigay ng buhay na positibo
B. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong pananaw.
C. Ang pag-iisip na negatibo ay di magdadala sa iyo sa magadang kinabukasan.
D. Ang negatibong pag-iisip ay hindi magbibigay sa iyo ng positibong buhay.
29. Fall in line. Ibigay ang tamang salin ng salitang may salungguhit.
A. Mahulog ka sa linya B. Pumuila ng maayos C. Hulog sa linya D. Lahat ng nabanggit

30. Take a bath.ano ang tamang salin ng salitang may salungguhit.


A. Kumuha ng paliguan B. Maligo ka C. kuhain ang banyo D. lahat ng nabanggit

31. Ilang pantig mayroon ang linyang nasa ibaba.

Alipataong lumapag
Sa lupa nagkabitak

A. labindalawahin B. Pipituhin C. Wawaluhin D. Labing- animin

32. Anong mga salita ang magkatugma sa dalawang linya ng tula na nasa ibaba.

Tunay ngayon umid dila’t puso


Sinta’y umiilag,tuwa’y lumalayo
A. so at yo B. puso at lumalayo C. o At o D. y at l

33. Elemento ng tula na pinipili at inaayos ang mga salitang ilalapat sa tula at kabuuan nito.
A. Sukat C. kariktan
B. tugma D. Talinghaga

34. Ito ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtud


A. Sukat B. Tugma C. Saknong D. Talinghaga
35. Ito ay ang pinakapuso ng tula apagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may
akda.
A. Sukat B. Tugma C. saknong D. Talinghaga

36. May malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
A. Pagsasalaysay
B. matatalinghagang pahayag/salita
C. Anekdota
D. Talumpati

37. Isang sinasadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salit upang gawing mabisa,
matalinghaga,makulay at kaakit-akit
A. Pagtutulad B. Talinghaga C. Tayutay D. Pagwawangis

38. Naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na


mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.
A. Simbolismo B. Anekdota C. Tuwirang pahayag D. Di tuwirang pahayag

39. Butas na ang bulsa ni tatay dahil sa pagtaas ng mga bilihin ngayon. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit.
A.maraming pera B. walang pera C. gutom D.duwag

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Titik lamang ang isulat sa inyong
sagutang papel.

40. Ugaliing pumunta sa silid- aklatan ng ikaw ay matuto. Ano ang sumisimbolo ng salitang may
salungguhit.
A. karunungan/kaalaman B. tulugan C.kawalan ng kalayaan D. kawalan ng pag-asa

41. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa lalaking Pilipino, Anong uri
ng pahayag ang pangungusap?
A. Tuwiran B.Di-tuwiran C. Transitional D. Pang-ukol

42. Ang pagtaas ng bilihin ay maaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
A. Tuwiran B.Di-tuwiran C. Transitional D. Pang-ukol

43. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
A. Tuwiran B.Di-tuwiran C. Transitional D. Pang-ukol

44. Walang malaking napupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng
kapwa.
A. Tuwiran B.Di-tuwiran C. Transitional D. Pang-ukol

45. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista
A. Tuwiran B.Di-tuwiran C. Transitional D. Pang-ukol
V. PAGTATASA ( CREATING)

Isalin sa Filipino ang sumusunod na parirala . Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang


ginawang salin.

1. captured our heart


Salin sa Filipino:__________________________________
Pangungusap:__________________________________________________________________
2. it happened several years ago
Salin sa Filipino: __________________________________
Pangungusap:__________________________________________________________________
3. you are wonderful
Salin sa Filipino:___________________________________
Pangungusap:__________________________________________________________________
4. important words
Salin sa Filipino:___________________________________
Pangungusap:__________________________________________________________________
5. least important word
Salin sa Filipino:___________________________________
Pangungusap:__________________________________________________________________

“Ang paggawa ng mabuti, ay ginagawa kahit walang saksi.”

Masusing inihanda nina: Sinuri ni:

LUZMINDA G. SANCHEZ, SST-III ANGELITO F. AGUSTIN, SSHT-III


Kagawaran ng Filipino

CARMELA G. SALISE, SST-II

Pinagtibay ni:

DENNIS R. ROA, DPA


Principal IV
KEY ANSWER:

1. D 26. C
2. C 27. D
3. C 28. D
4. C 29. B
5. A 30. B
6. A 31. B
7. A 32. B
8. A 33. C
9. D 34. A
10. D 35. D
11. D 36. B
12. A 37. C
13. C 38. A
14. A 39. B
15. A 40. A
16. A 41. A
17. B 42. B
18. A 43. A
19. A. 44. B
20. A 45. A
21. A 46. Naantig ang puso/ Nabihag ang puso
22. B 47. Nangyari ito makalipas ang ang ilang taon
23. D 48. Ang galing mo/Ang husay mo.
24. A 49. Mahalagang salita
25. A 50. Hindi gaanong mahalaga

You might also like