You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO
Calao Prieto Diaz, Sorsogon
TP: 2022-2023

Filipino 10
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan: Iskor:
Taon at Pangkat Petsa:
I. PAGPILI
Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa,
bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
a. Epiko b. Alamat c. Mitolohiya d. Kuwentong Bayan
2. Ito ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin.
a. Paglalarawan b. Pagsasalaysay c. Pagsasalin-wika d. Pagpapakahulugan
3. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsalin.
“A true friend is always faithful, “Kaibigang tunay ay lagging matapat,
provides help at any time. ang tulong ay laan sa lahat ng oras.
She is kind and honorable, Siya ay mabait at saka marangal
can be relied upon at any time. sa lahat ng saglit at maaasahan.
A perfect friend, a faithful friend Kaibigang lubos, kaibigang tapat
can also be compared to treasure.” ay kayamanan din ang makakatulad.”

a. Basahin ng paulit-ulit
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Tingnan ang bawat salita sa isinalinan
d. May sapat na kaalaman sa dalwang wikang kasangkot
4. Ano ang kahulugan ng salitang MATRILINEAR na may kaugnayan sa mitolohiyang ayon sa paggamit nito sa
kuwentong Liongo?
a. Pamamahala ng kababaihan
b. Pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono
c. Pamumuno ni Liongo ng Shangha sa Fazo o Isla ng fate
d. Ang matagumpay na pakikipaglaban ni Liongo laban sa Gala

5. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.


“A negative mind will never give you a positive life”
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
6. Ang Mashsya at Mashayana ay mito ng __________.
a. Pagsilang
b. Pagkalikha
c. Pagbinyag
d. Pagkain
7. Sa pagsasalin, anong mga hakbang ang dapat na isaalang-alang?
a. Muling isalin
b. Magdagdag at magbawas ng salita
c. Ihambing sa iba ang ginawang salin.
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
8. Paano mo sinusuri ang akdang pampanitikan bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin
b. Malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Filipino at ng ibang bansa.
9. Noong unang TIME ang kalangitan at ang kalupaan ay mag-asawa.
Ano ang salin sa Filipino ng time ayon sa pangungusap?
a. Bagyo
b. Panahon
c. Oras
d. Maya-maya
Para sa bilang 10 at 14
“Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi
nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina
na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwa nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kaparehas na tsinelas.”
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

11. Anong uri ng sasakyan ang tinutukoy sa kuwento?


a. Jeep
b. Barko
c. Bangka
d. Balsa
12. Anong bagay ang nawala sa nagsasalaysay?
a. Tsinelas
b. Bakya
c. Kahoy
d. Ang ina
13. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. mahusay ang sumulat
c. kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.
14. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. Karapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
15. Ito ay isang diskurso naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
a. Tunggalian b. Paglalarawan c. Pagkukuwento d. Pagsasalaysay
16. Ito ay mga uri ng pagsasalaysay, Maliban sa;
a. Maikling kuwento b. Anekdota c. Travelogue d. Tauhan
17. Siya ang nagsalin sa Filipino ng Mulla Nassreddin.
a. Roderic P. Urgelles b. Roderic Uy c. Jose Rizal d. Andres Bonifacio
18. Ang Sufism ay______.
a. nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.
b. nakapokus sa akin lamang at hindi sa iba.
c. wala lang
d. lahat ng nabanggit
19. Si Michel de Montaigne ang tinaguriang _______.
a. Ama ng Maikling kuwento b. Ama ng sanaysay c. Ama ng tula d. Ama ng talumpati
Para sa Bilang 20 at 21
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupang ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na
dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga
tao sa mundo. Ito ay dahil sa nagging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng
rasismo.
Mula sa Talumpati ni Nelson Mandela
20. Ang rasismo na nabanggit sa bahagi ng talumpati ay nangangahulugang ___________.
a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
21. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok sa sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
22. Ano ang maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?
a. pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
b. pagkakaroon ng matatalinong pinuno
c. pagkakaroon ng maraming empleyado
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay
23.Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit
sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng _________
a. paghihinuha b. paglalarawan c. panghihikayat d. pangangatuwiran
Para sa bilang 24 at 25
Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod.
24. Espiritwal:Kaluluwa :: Pisikal:____________
a. Katawan b. Kaluluwa c. Espirtiwal d. Lamang loob
25. _________:Gutom :: Tubig:Uhaw
a. Tubig b. Prutas c. Tinapay d. Uhaw
26. Mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.
a. Tuwirang Pahayag b. Di-tuwirang Pahayag c. May katotohanan d. Walang katotohanan
27. Mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinion ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.
a. Tuwirang Pahayag b. Di-tuwirang Pahayag c. May katotohanan d. Walang katotohanan
28. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit na mula sa taludtod ng tulang Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap
Para sa Bilang 29-31
Ang ilaw na iyang maganda sa mata
Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapit sa kaniya

Hango sa “Matanda at Batang Paruparo”


Ni Rafael Palma
29. Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa saknong ng tulang binasa?
a. bisyo b. tukso c. panghihikayat d. kayamanan
30. Anong damdamin o saloobin ng persona sa tula?
a. nag-aanyaya b. nagbababala c. nangangako d. nagpapayo
31. Ano ang angkop na matalinghagang pananalita sa imahe ng saknong ng tulang binasa?
a. bukas ang kaisipan b. ibaon sa hukay c. ikurus sa noo d. isang kisap-mata
32. Ano ang ibig sabihin ng “bahag ang buntot”?
a. duwag b. matapang c. bilog d. lasenggero
33. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. Sukat b. Tugma c. Kariktan d. Talinghaga
34. Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ipinahihiwatig ng may-akda.
a. Sukat b. Tugma c. Kariktan d. Talinghaga
Para sa mga Bilang 35 at 36
Unang Tula Ikalawang Tula

Samakatuwid, ako’y minahal. At kung ako’y iyong nahambing sa iba


Samakatuwid, ako’y lumigaya. na di nagkaisip na layuan siya,
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. disin ako ngayo’y katulad nila
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. nawalan ng buhay at isang patay na.
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” “Ang Matanda at ang Batang Paruparo”
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora ni Rafael Palma
35. Batay sa dalawang tula, paano naiba ang tulang may malayang taludturan sa tulang may tradisyunal na taludturan?
a. Ang tulang Malaya ay walang sukat samantalang ang tulang tradisyonal ay may sukat.
b. Ang tulang Malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang tradisyonal ay may sukat at tugma.
c. Ang tulang Malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang tradisyonal ay may sukat at tugma at
parehong nagtataglay ng matatalinghagang pananalita upang lumitaw ang kariktan nito.
d. Ang tulang Malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang tradisyonal ay may sukat at tugma at
parehong nagtataglay ng matatalinghagang pananalita at simbolismo upang lumitaw ang kariktan at
talinhaga nito.
36. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa talinghaga ng mga ito?
a. araw gabi b. diyamante at bato c. halakhak at luha d. puti at itim
37. Nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari
tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari.
a. Maikling kuwento b. Nobela c. Epiko d. Alamat
38.Sino ang pangunahing tauhan sa Maikling kuwento na “Ang Alaga”?
a. Kibuka b. Baboy c. Yosefu d. Lolo
39. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog Kalansanda
a. Pupunta b. Ilalaan c. Tumalon d. Gigil
40. Paano maipapakita ang pagmamahal saiyong ina?
a. Pagrespeto at pagiging mapagmahal na bata
b. Pagsuway sa magulang
c. Wala sa nabanggit
d. a at b ang tamang kasagutan
41. Ang patalastas ay _______________.
a. maaaring pasalita at pasulat
b. paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radio at telebisyon
c. Wala sa nabanggit
d. a at b ang tamang kasagutan
42. Ano layunin ng mga salitang naka italic/ pahiling : Sa tingin ko, Inaakala ko, siguro, at maaari
a. mga salitang naglalahad ng opinion
b. mga salita lamang
c. wala sa nabanggit
d. lahat ng nabanggit
43. Lahat ay mga salitang naglalahad ng opinyon, MALIBAN sa,
a. Ayon kay b. sa palagay ko c. baka d. ipinahihiwatig sa kanitang sinabi
Para sa bilang 44-47
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.”
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.”
“at ako, ako ang nanakal nab aging na gagapang sa tuktok ng higanting kagubatan.”
“Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang mali.”
“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong
puwesto.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang
aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo
pangahas.”
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.”
Hango sa Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
44. Ano ang pamagat ng epeko?
a. Hango Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali b. Epiko c. Suntokan d. Mali
45. Sino ang dapat tumino?
a. Munting Bata b. Matanda c. Babae d. Lalaki
46. “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro; pahintulutan mo akong agawin ang iyong
puwesto.” Anong nais ipahiwatig sa talatang ito?
a. Hindi puwedeng dalawa ang maghari
b. Kailangan maghari silang dalawa
c. a at b ang tamang sagot
d. lahat ng nabanggit
47. Ang mga salitang ay may kasingkahulugan sa Digmaan, MALIBAN sa
a. Delobyo b. sakuna c. sagana d. hirap
48. Ang mga salitang ay may kasingkahulugan sa Pagliyabin, MALIBAN sa
a. Pagbagahin b. Paghimok c. Magsalin d. Magtagisan
49. Saan bansa nagmula ang Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali?
a. Africa b. Vietnam c. Pilipinas d. Japan
50. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko at kung ihahambing, kaninong kilalang personalidad ng
kasaysayan sila maitutulad?
a. Benigno Aquino II at Fernando Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Saddam Hussien
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo

You might also like