You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO
Calao Prieto Diaz, Sorsogon
TP: 2022-2023

MALIKHAING PAGSULAT II
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT (2ND Sem)
Pangalan: Iskor:
Taon at Pangkat Petsa:

Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot. Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
Para sa Bilang 1-5, basahin ang mga pangungusap at suriin kung anong uri ng tayutay ang giamit dito.
A. Pagtutulad D. Apostrope G. Personipikasyon
B. Pagwawangis E. Eksklamasyon H. Repitasyon
C. Pagmamalabis F. Oksimoron
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nanenerbiyos ng mang-aawit. - A
2. Hinalikan ako ng malamig na hangin. - G
3. O tukso! Layuan mo ako! -D
4. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo ang aking kapighatian.- D
5. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin. -G

Para sa Bilang 6-10, Piliin ang tamang kasagutan.


6. Masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binigyang-pansin ang wikang ginagamit sa
susulatin.
a. Teknikal na pagsulat b. Malikhaing pagsulat c. Akademiko d. Journalistik
7. Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na lyunin.
a. Teknikal na Pagsulat b. Journalistik c. Akademiko d. Malikhaing pagsulat
8. Mga halimbawa ng Jornalistik na Pagsulat, MALIBAN sa;
a. balita b. lathalain c. artikulo d. katatawanan
9. Ang akademikong pagsulat ay ____________________.
a. Ito ay walang sinusunod na partikular
b. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon.
c. May layunin itong maipakita ang sarili.
d. Walang layunin
10. Mga halimbawa ng referensyal na pagsulat.
I. Teksbuk II. Ulat Panlaboratoryo III. Balita IV. Pagsusuring pangkasaysayan
a. I,II,III,IV b. I,II c. III,IV d. II,III
Para sa Bilang 11-15. Basahin ang kwento at sagutan ang mga katanungan.
“Holdap ‘to!” hiyaw na lamang ng lalaking nakaupo sa dulo ng jeep.
Napasigaw ang babaeng kolehiyala na katabi ng holdaper. Na napakalaki nitong pagkakamali. Ayaw yata ng
holdaper sa maiingay. Tinakpan agad nito ng kamay ang bibig ng kolehiyala at itinutok ang baril na hawak sa
sentido nito.
“Ilabas niyo ang mga pera niyo!” sigaw sa’min ng holdaper. Bata pa. Wala pang beinte-singko. “Pati mga
cellphone, alahas, lahat! Dali! Kundi papatayin ko ‘to!”
Tumalima agad sila. Nagsilabasan ang mga pera, cellphone, at mga alahas. Walang tumutol. Walang nanlaban.
Matatalinong tao, sa isip-isip ko.
Habang nangyayari ‘to’y walang kamalay-malay na natutulog ang isang ale sa likod ng drayber (Teka, bakit hindi
humihinto ang drayber? Walang karea-reaksyon! Tatandaan ko plate number mo, loko!).
“Gisingin mo!” singhal sa ‘kin ng holdaper.
Tinapik niya ng makatatlong beses ang ale bago ito naalimpungatan. Napatingin ito sa akin saka sa holdaper.
“Benedict?” hindi makapaniwala ang tinig ng ale. “Ikaw na ba ‘yan?”
Natigilan ang holdaper. Nanlaki ang mga mata. Namutla. Nabitawan ang baril.
“Para na!” sigaw nito at dali-daling huminto ang jeep.
Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punung-puno ng hiya ang mukha nito. Para ngang maiiyak pa.
“Sorry po, Ma’am!”
At saka ito bumaba.
11. Sino ang pangunahing tauhan?
a. Abugado b. Maam c. Holdaper d. Driver
12. Saan naganap ang kwento?
a. Jeep b. Taxi c. Tsuper c. Bus
13. “Holdap ‘to!” Anong mararamdaman mo kapag narinig mo ito?
a. Galit b. Kaba c. Gutom d. Natatae
14. Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punung-puno ng hiya ang mukha nito. Para ngang maiiyak pa. Anong
damdamin ang nasa pahayag?
a. Kahihiyan b. Saya c. Galit d. Wala lang
15. “Benedict?” hindi makapaniwala ang tinig ng ale. “Ikaw na ba ‘yan?” Anong damdamin ang nasa pahayag?
a. Pagkagulat b. Suklam c. Wala lang d. Nerbyos
16. Anong naiisip mo pandama kapag naririnig mo ang pahayag na “Gamitin mo ang iyong mata, huwag ang tenga”.
a. Nanunuod b. Nakikita c. Naaamoy d. Nalalasahan
17. Isaayos mula bilang I-V ang mga salita batay sa Sidhi ng damdamin, ang V pinakamataas na antas.
I. Kagalakan II. Katuwaan III. Kaluwalhatian IV. Kaligayahan V. Kasiyahan
a. I,II,III,IV,V b. V,IV,III,II,I c. II,V,I,IV,III d. II,V,IV,I,III
18. Isaayos mula bilang I-V ang mga salita batay sa Sidhi ng damdamin, ang V pinakamataas na antas.
I. Lungkot II. Lumbay III. Dalamhati IV. Pighati V. Pagdurusa
a. II, I, III, IV, V b. I,III,IV,V c. I,II,III,IV,V d. V,IV,III,II,I

Para sa Bilang 19 at 20: Basahin ang tula at sagutan ang mga tanong.
Tinapay
Ni Amado V. Hernandez

Putol na Tinapay
At santabong sabaw
Sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay

19. Anong talinghaga ng tula?


a. Nararanasang gutom ng isang mahirap
b. Nararanasang sarap sa buhay
c. Pighati sa sarili
d. Pighati sa buhay nang pagiging mayaman
20. Anong emosyon mo sa nabasang tula?
a. Awa b. Galit c. tuwa d. Suklam

Panuto: Isulat ang letrang A kapag ang pahayag ay TAMA at B kung ito’y MALI.
Para sa Bilang 21-25, basahin ang tula sa ibaba.
“Sinira ng pagwawala ko -9
Ang pagtitiwala mo,-7
Pati ng barkada-6
Kaya sising-alipin ako.-9
Ang laki ng naging kapalit -9
Sa binalewala kong pakikisama mo-13
Nasugapa lalo ang buhay ko.”10
21. Ang tula sa itaas ay halimbawa ng tulang may malayang taludturan. B
22. Ang salitang sising-alipin na nakasalungguhit sa itaas ay nangangahulugang walang pagsisisi. B
23. Ang kasalungat na kahulugan ng salitang nasugapa ay nasira. B
24. 9-7-6-9-9-12-10 – Ito ang sukat ng mga taludtod sa tula. B
25. Ang tula ay nahahati sa mga taludtod samantalang ang sanaysay ay nahahati sa mga talata. -A
26. Ang tugma ay pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.A
27. Isang elemento ng tula ang sukat kung saan ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat saknong ng isang tula. A
28. Kailangan maging matatas at malinaw ang pagbibitiw ng salita kung ikaw ay nagtutula. A
29. Sa pagbibikas ng tula ay hindi na kailangan ang pagkumpas. B
30. Sa pagtutula, kailangan parating mayroong tugmaan sa bawat hulihan ng taludtod. A

Para sa Bilang 16-24, suriin kung anong uri ng pag-uulit ang ginamit sa mga sumusunod na tula.

A. Aliterasyon C. Anadiplosis E. Empanodos


B. Anapora D. Epipora
31. Hayaang humagulgol ang aso sa tumana.
Hayaang sa duluha’y may lampong na pusa.
Hayaang sa punso’y may katyaw na tumutuka. B
~ Bahay-Bahayan
32. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit. E
33. Pag-ibig ...
ikaw ang ligaya’t lungkot ng puso,
pag-asa at kabiguan ng puso,
buhay at kamatayan ng puso. D
34. Gumising ka giliw sa gitna ng gabi
gupili’y gusuti’t garampot tang gintong
gunita’y gunamin. A
35. Panahon na upang ang diwa’y lumipad.
Panahon na upang ang puso’y tumigas.
Panahon na upang ang naipong lakas
ay pahulagpusin at sa’yo ibagsak. B
~ Paraanin Mo Ako!
Jose M. Buhain
Para sa Bilang 36-40, tukuyin ang kung anong kumbensyunal na tula ang sumusunod.
a. Tanaga c. Soneto e. Haiku
b. Tanka d. Diyona
36. Ganda ma’t ulangain
Kapuwa na bakurin
Yayamang simpanimdim - D
37. Lakas ng ulan
Kulog ng kamatayan
Araw ay nasan? -E
38. Magkapatid man pala
Magkarugtong bituka
Kung ang isa’y ginhawa
Hindi na magkilala -A
39. Namulat ka nang ginarote ang Gom-Bur-Za;
Kaya nabuo ang Kilusang Propaganda.
Sa salita’t sulat, giit mo ang reporma
Ngunit nagtengang-kawali lang ang Espaňa.
Gayunpaman, simulain mo ay di natalo;
Hinangad mong katarungan at pagbabago,
Tinanganan, isinigaw ni Bonifacio:
Napuno ang salop, dibdib ng Pilipino.
Kami ngayong mga anak ng lalawigang
Parangal sa iyong dakila at pangalan;
Gagawin tuwina ang pinakamainam
Upang itanghal ka sa rurok ng pedestal.
Kung pinatay ka man ng punglo sa Luneta,
Nabuhay kang muli sa puso’t alaala. -C
40. Kung dati’y walang gulo
Bakit nagbago
Mga taong nanakop
Dulot ng takot
Sa lahat ng kasakop -B

Isulat sa patlang ang letra ng bahaging nagpapamali sa pangungusap. Kung walang mali sa
pangungusap, isulat ang letrang E.
Halimbawa:
_D 1. Ang aking guro sa Filipino ay si Bb. Marco Darauay.
A B C D
41. Ang Larawang-Diwa ay paggamit ng mga salita na may ibang kahulugan sa mapanuring
A B C
isipan ng mga mambabasa. E
D
42. Ang Apostrope ay uri ng patalinghagang salita na gumagamit ng mga eksaherasyon.
A B C D
43. Ang Sukat ay isang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig
A B C
sa bawat taludtod. E
D
44. Ang paggamit ng Talinghaga ay sadyang paglayo sa paggamit ng pangkaraniwang salita
A B C
upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. E
D
45. Ang Malayang Taludturan ay uri ng tula ayon sa kayarian na may hindi pare-parehong
A B C
sukat sa bawat saknong. E
D

Para sa Baitang 46-50. Sumulat ng isang saknong na tula gamit ang dalawang uri ng kumbensyunal na tula sa ibaba.
Pamantayan: Bilang ng pantig sa taludtod (2), Malikhaing Pagkakabuo (3)

HAIKU TANAGA

You might also like