You are on page 1of 20

10

Unang Markahan-Modyul 3:
Teksto-Parabula
Filipino– Grade 10
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 3: Teksto-Parabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Ganunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul


Manunulat: Charmie Lovely T. Lacap
Editor: Leonisa Asuncion
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Unang Markahan – Modyul 3:
Teksto-Parabula
Alami

Alamin

Magandang araw Igan !!


Isang makabuluhang modyul sa iyo'y aking hinahandog. Ang modyul
na ito ay naglalaman ng mga kaalaman na sa iyo'y huhubog hindi lamang
patungkol sa karungungan bagkus pati narin sa kagandahang-asal. Ang
kinakailangan lamang igan ay maglaan ng kaunting oras at atensyon upang
sa ganon ay mapagtagumpayan ang modyul na ito. Bilang isang krisyano at
mananampalataya ng Diyos alam kong may alam ka patungkol sa mga salita
ng ating panginoon o mga kwento na hinango sa mga Bibliya na tinatawag
nating Parabula ito ang matutunghayan natin sa modyul na ito.Tatalakayin
din natin dito ang ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.
Handa ka na ba sa isang kapana-panabik na aralin? Huwag magalala
Igan sapagkat ika'y hindi ko iiwanan sasamahan kita mula sa simula
hanggang sa dulo ng modyul na ito.
Sa modyul na ito matatalakay at matututunan natin ang tungkol
sa: Panitikan: Parabula
Gramatika: Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo
sa araling ito:

➢ Nasusuri ang tiyak na bahagi ng


napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
(F10PN-Ib-c-63)
➢ Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng
binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong;
binasang parabula
(F10PB-Ib-c-63)
➢ Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa
mga salita at ekspresyong ginamit sa akda; ang bisa
ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
matinding damdamin.
(F10PT-Ib-c-62)
➢ Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay
sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapadaloy ng
mga pangyayari, pagwawakas) (F10WG-Ib-c-58)
Subukin

Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang


letra ng tamang sagot.

___1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?


a. dula b. tula c. sanaysay d. maikling kwento

___2. Ito ay kwento tungkol sa mga diyos at diyosa?


a. epiko b. dagli c. alamat d. mito

___3. Mga kwentong madalas hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay
a. dagli b. parabula c. pabula d. nobela

___4.Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?


a. magiging sikat sa pamayanan
b. mapapabuti ang buhay
c. bibigyan ng medalya ng pagkilala
d. hindi mapapaaway

___ 5. Batay sa pahayag sa parabula na pinamagatang Talinghaga ng may ari ng ubasan " Ang
nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli" ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. kung sino ang unang dumating siya rin ang unang aalis
b.lahat ay may pantay-pantay na karapatan batay sa napag-usapan
c.ang nahuhuli ang kadalasang unang umaalis
d. mahalaga ang oras sa paggawa

___6. Matutulog ako ng maaga hindi ako mahuli sa klase. Piliin ang tamang pang-ugnay.
a. samantalang b. dahil c. para d. kasi

___7.Bibili ako ng kalamay_ prutas sa palengke para kay baldo. Piliin ang angkop pang-ugnay.
a. una b. saka c. sawakas d. isa pa

___8. Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
a. pandiwa b. pang-abay c. pang-ugnay d. pang-uri

___9. "Huwag mong kakalimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa. ito ay isang_______?
a. pangangatwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan

___10.Ito ay isang kwento na karaniwang mga hayop ang pangunahing tauhan.


a. dagli b. parabula c. pabula d. nobela
Lesson
TEKSTO-PARABULA
3

Balikan

MASINSINANG PAGBASA!
Basahin at unawain ang isang napapanahong
sanaysay ukol sa pagtuklas ng kagandahang-asal. Bago
magsimula ay gawin muna ang isinasaad ng pamagat.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan
sa ibaba.

“Simulan sa Isang Ngiti.”

Dahil gahol na gahol sa panahon ang mga tao sa maraming lugar,


kadalasan nang hindi man lang sila makapagbatian ng “hello” o “kumusta?”
Siyempre pa, hindi naman kailangang kausapin ang lahat ng
nakakasalubong natin sa daan. Pero maraming ibang angkop na
pagkakataon para batiin ang iba. Palabati ka ba o isnabero? Baka hindi natin
namamalayan, hindi na pala maganda ang ating inaasal.
Pinaalalahanan tayo ni Jesus: “Kung ang inyong mga kapatid lamang ang
binabati ninyo, anong pambihirang bagay ang inyong ginagawa? Hindi ba
ginagawa rin ng mga tao ng mga bansa ang gayunding bagay?” (Mat. 5:47)
Kaugnay nito, isinulat ng konsultant na si Donald Weiss: “Sumasamâ ang
loob ng mga tao kapag hindi sila pinapansin. Wala talagang dahilan para
hindi batiin ang iba. Simple lang ang remedyo: Batiin ang mga tao. Kausapin
sila.” Maganda ang resulta kung lalabanan natin ang tendensiya na maging
malayô sa mga tao.

Tingnan natin ang karanasan ng mag-asawang Tom at Carol na nakatira sa isang malaking
lunsod sa Hilagang Amerika. Bahagi na ng kanilang ministeryo ang pakikipagkuwentuhan sa mga
tao sa kanilang lugar. Paano nila ito ginagawa? Kaugnay ng Santiago 3:18, sinabi ni Tom:
“Sinisikap naming maging palakaibigan at mapagpayapa. Nilalapitan namin ang mga nasa labas
ng kanilang bahay at mga nagtatrabaho sa aming lugar.
Nginingitian namin sila at binabati. Ipinakikipag-usap namin ang mga paksang gusto
nila—ang kanilang mga anak, alagang aso, bahay, at trabaho. Sa kalaunan, kaibigan na
ang turing nila sa amin.” Sinabi pa ni Carol: “Kapag nakausap namin sila ulit, nagpapakilala
kami at tinatanong ang kanilang pangalan. Sinasabi namin ang aming sadya pero hindi
kami nagtatagal. Sa bandang huli, nakakapagpatotoo na kami sa kanila.” Marami sa kanila
ang nakapalagayang-loob nina Tom at Carol. Marami rin ang tumanggap ng kanilang
publikasyon at gustung-gusto ng ilan na matuto ng katotohanan.

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2009844

GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilahad ang iyong mga ginawang pamamaraan sa pagbibigay ng


pagbati sa mga taong nakikita o nakakasalubong?
2.

PAGBATI

3. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng pagbati sa mga taong ating


nakakasalamuha?
4. Ibigay ang mga pangyayari na nagpapakita ngkatotohanan,
kabutihan at kagandahang asal na masasalamin sa binasang teksto.

nu-ano ang mga Ibigay naman ang mga Anu-ano ang mga
makatotohanang iba't ibang kabutihang kagandahang-asal
pangyayari ngayon na nakapaloob sa ang masasalamin
masasalamin sa binasang sanaysay. sa sanaysay.
binasang sanaysay.
_ _
_ _
_ _
` Tuklasin

Halika kana! Basahin natin ang isang parabula na magbibigay at


magtuturo ng mga kaalaman at kagandahang asal.

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman


na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito
ang kaniyang ari-arian. 2 Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat
ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin. 3Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko?
Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4 Alam ko
na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5 Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.


Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’
6Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng

iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong


limampu,’ sabi ng katiwala. 7At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw,
gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto
ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo,
walumpu.’

8Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas


nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng
paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong
ito.
9
At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos
na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10Ang mapagkakatiwalaan sa
maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na
bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga
kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12 At kung
hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang
para sa inyo?

13Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang


panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi
kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14
Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim
sila sa salapi. 15Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong
matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng
inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao
ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
Suriin

GAWAIN 2: TALASALITAAN: UNAWAIN AT SAGUTIN NG


MATIMTIMAN!

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at


ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming
ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Hanapin sa mga sumusunod
na emoticon na nasa kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang


nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”

2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong


pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”

3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa.


Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos.”

4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa


paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”

5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sainyo?
GAWAIN 3: Pag-unawa sa Akda
Sagutin ang mga sumusunod na tanong

__________________________
1. Ipaliwanag ang suliraning kinahaharap ng __________________________
katiwala. __________________________
__________________________

2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya __________________________


__________________________
ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang
__________________________
amo?
__________________________
__________________________
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo kukunin mo ba ang
__________________________
ganitong uri ng katiwala para sa iyong negosyo?
__________________________
__________________________
__________________________
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa
__________________________
mga pangyayari sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
__________________________
__________________________
__________________________
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung
__________________________
mabalitaan mong nalulugi ang iyong negosyo dahil sa
__________________________
paglustay ng iyong katiwala?
__________________________
__________________________
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng
__________________________
parabula?
__________________________
__________________________

__________________________
7. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe? __________________________
Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga __________________________
mensaheng ibig ipahatid ng binasang parabula? __________________________
__________________________

GAWAIN 4: Mga Bahagi… Suriin __________________________

Ang parabula ay naglalahad ng makatotohanang pangyayari na naganap. Nagsisilbing patnubay at


lumilinang sa mabuting asal ang pag-aaral na mapupulot dito. Ang mensahe ng parabula ay isinulat
sa patalinghagang pahayag. Gamit ang grapikong presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa
parabula batay sa nilalaman, kakanyahan at elemento.

PARABULA NILALAMAN ELEMENTO KAKANYAHAN


Pagyamanin

ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PARABULA

Ang parabula o talinghaga ay mga maikling kuwento na galing sa bibliya na kung saan
ang mga importanteng aral ay makukuha. Galing sa salitang Ingles na “Parables” ang
parabula at galing naman ito sa salitang Greek na “Parabole“
Ang Parabole ay maiksing sanaysay ukol sa mga posibleng mangyari o nangyayari sa
buhay. Kadalasan ito ay nagtuturo ng aral ispiritwal o kagandahang asal na maaring
gamiting gabay ng tao sa pagdedesisyon.
Bukod rito, ang parabula ay maaaring nasa anyong patula o prosa.
Kadalasan, isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
https://philnews.ph/2020/02/07/ano-ang-parabula-maikling-kuwentong-may-aral-galing-sa-bibliya/

MGA KATANGIAN NG PARABULA

1. Ang parabula ay isang salaysay.


Ang mga sangkap na bumubuo sa isang maikling kwento, gaya ng tauhan, tagpuan,
banghay, tema, pananaw, at iba pa ay ang mga sangkap na maaari ring gamitin sa
pagsulat ng parabula.
2. Ang parabula ay isang metapora.
May mga pagkakataong nagkukulang ang tuwirang paglalarawan sa isang bagay
upang maintindihan ito ng tao. Sa ganitong mga sitwasyon angkop ang paggamit ng mas
masining na pagpapahayag, gaya ng paggamit ng metapora. Ang metapora ay isang
masining na pananalita na tumutulong sa isang tao na maintindihan ang anumang hindi
niya alam o nakalilito sa kanya gamit ang bagay na dati na niyang alam.Sa parabula, ang
pagkakatulad ay nasa karanasan ng tauhan at karanasan ng karaniwang mambabasa.
Bawat tao, minsan sa kaniyang buhay, ay nakakaranas nang mamatayan. Minsan,
dumarating pa sa puntong hindi niya ito matanggap at sinisisi ang Langit o ang sarili. Bago
maisip ng tao na hindi patas ang kapalaran dahil nangyari na ito sa kanya, itinuturo ng
parabula ang mga aral na mapupulot sa bawat kabiguan ng isang tao.
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/09/08/mga-katangian-ng- parabula/

Basahin at Suriin ang mga salitang nakadiin sa teksto.


Unang nagigising sa mga magkakapatid si Leo dahil siya ang panganay kailangan
niyang magbanat ng buto kahit sa murang edad palamang kaya bakas sa katawan ni
Leo ang paghihirap.Pagkatapos makapagayos ay tatawagin ang kaniyang mga
nakababatang kapatid para maghanda sa kanilang pagpasok sa paaralan.
Mailalarawan na isang huwarang kapatid si Leo sapagkat hindi niya ginagawang
hadlang ang patong patong na responsibilidad sa kaniyang balikat kaya naman lubos
ang paghanga sakaniya ng mga taong nakapaligid sakanila

Mababasa sa teksto sa itaas ang mga salita na nakadiin tulad ng unang, kaya,
pagkatapos, para sapagkat at kaya naman. Masasabi mo ba kung anong bahagi
ng pananalita ang mga ito? Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa
ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o
nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na
cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng
wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito. Sa pagkakaroon ng
organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang
mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pang- ugnay na ginagamit sa
pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang
mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan
Alam mo ba na...
Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay
o panandang pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon -


Ginagamit ang pang- ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal - Ginagamit ang


pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng sanhi o dahilan at bunga,
paraan at pati ang layunin, mga paraan at iba pang resulta kasama na
rin ang mga pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.

Kabilang na pang-ugnay o panandang diskurso sa bahaging ito ang


mga sumusunod: dahil sa, sapagkat at kasi. samantalang sa
paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na
kaya,kung kaya,kaya naman, tuloy at bunga.

GAWAIN 5
Panuto: Salungguhitan ang tamang pang-ugnay sa loob ng panaklong.
1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang
mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat
ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa
gitna ng gubat.
GAWAIN 6:

Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mo ang mga pagsubok kahapon,


alam kong ikaw ay handang handa na para sa susunod na hamon.
Sumulat nang maayos na paliwanag tungkol sa alinman sa mga paksa.
Gumamit ng mga PANG-UGNAY sa puntong pinag-uusapan o paksa,
Salungguhitan ang mga ito. Pumili lamang ng isa sa mga paksang nasa loob
ng kahon.
(Tunghayan ang rubrik sa pagwawasto ng teksto)

Child Labor tumaas ang Programang K to 12 Epekto ng pagbabago ng


bilang Inilunsad klima
Bullying Act sa Teenage Marriage Paggamit ng Social Media sa
Paaralan Pinatupa komunikasyon

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _

_ _
Kategorya Higit na Inaasahan (5) Nakamit ang
Inaasahan (4)
Introduksyon Nakapanghihikayat ang Nakalahad Nakalahad sa
introduksyon. Malinaw sa introduksyon introduksyon ang
na nakalahad ang ang pangunahing pangunahing paksa
pangunahing paksa paksa gayundin subalit hindi sapat
gayundin ang panlahat ang panlahat na ang
na pagtanaw ukol dito. pagtanaw pagpapaliwanag
ukol dito ukol dito
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa
bawat talata dahil sa may sapat na detalye
husay na detalye
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol sa
paksa.
Organisasyon ng Lohikal at mahusay ang
Naipakita ang Lohikal ang
mga Ideya pagkakasunud-sunod
debelopment pagkakaayos
ng mga ideya; gumamit
din ng mga ng mga talata ng mga talata
transisyunal na subalit hindi subalit ang
pantulong tungo sa makinis ang mga ideya ay
kalinawan ng mga pagkakalahad hindi ganap
ideya na
nadebelop
Paggamit Nakagamit ng 8-10 Nakagamit 5-7 Ng Nakagamit ng 2-4
cohesive Devices pang Ugnay na Walang pang ugnay na na pang ugnay Na
o Mga PANG- pagkakamali sa halos Walang maraming
UGNAY paggamit ng pang- Pagkakamali sa Pagkakamali sa
ugnay na pag Paggamit ng pang- Paggamit ng
dadagdag o pag-iisa ng ugnay na pag pang-ugnay na pag
Impormasyon at dadagdag o pag- dadagdag o pag-
Pagpapahayag ng iisa ng iisa ng
kaugnayang lohikal Impormasyon at Impormasyon at
pagpapahayag ng pagpapahayag ng
kaugnayang kaugnayang lohikal
lohikal
KABUUAN
Tayahin

GAWAIN 7: Kaibigan, palagay ang loob ko at natitiyak kong nagabayan ka ng modyul na ito
sa isa na namang siksik-liglig na kaalaman. Narito pa ang mga aytem na tatasa sa iyong
natutunan. Maligayang pagsagot!

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___ 1. Isang taong binigyan ng posisyon upang mamahala sa mga ari-arian ng kaniyang
pinaglilingkuran.
a.presidente c. katiwala
b.amo d. alipin
___ 2. Sa binasang parabula "Tusong katiwala" sino ang sinisimbulo ng katiwala sa teksto.
a. mga politiko c. mga matatalino
b. tayong mga tao d. mga taong nakapagaral
___ 3. Maiksing sanaysay ukol sa mga posibleng mangyari o nangyayari sa buhay. Kadalasan
ito ay nagtuturo ng aral.
a. sanaysay c. parabula
b. alamat d. maikling kwento
___ 4. Sa simula pa lamang ng laban, na ng mga makaPacquiao na muli niyang maiuuwi ang
panalo.Anong pang-ugnay ang dapat gamitin?
a. alinsunod c. samantala
b. ayon sa d. pinaniniwalaan
___ 5.Hindi rin naman naging magaan kay Manny ang laban mahusay ding boksingero si Keith.
a. saka c. sapagkat
b. isa pa d. kaya naman
___ 6. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos
na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
a. kapag ginawan mo ng kabutihan ang iyong kapwa kabutihan din ang igaganti niya
sayo.
b. kapag gumawa ka ng mabuti siguradong magtatagumpay ka sa buhay.
c. kapag kabutihan ang ginawa mo habang ikaw ay nasa mundong ibabaw mawala
man ang lahat lahat siguradong merong magbubukas ng pinto para sayo.
d. kapag ang gumawa ka ng kabutihan gaganda ang buhay mo.
___ 7. Mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
a. pang-uri c. pandiwa
b. pang-abay d. pang-ugnay
___ 8. Batay sa binasang teksto ano ang naging katangian ng katiwala.
a. makasarili c. sakim
b. madamot d. tuso
___ 9. Sa binasang parabula "Tusong katiwala" sino naman ang sinisimbulo ng amo sa teksto.
a. presidente c. panginoon
b.hari d. matataas na opisyal
___ 10. Tungkol saan ang mensahe ng parabula?
a. paggawa ng mabuti sa kapwa
c. pagiging masunurin
b. paglilingkod sa amo
d.pagiging tapat

Karagdagang Gawain

GAWAIN 8:
Pagbati! Sa tagpong ito, Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong
presentasyon.

1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakatutulong ba ang pag-
unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?
2. Paano nakatutulong ang mga pangatnig sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan
ang mensaheng nakapaloob dito?

PARABULA

KAHALAGAHAN PAG-UNAWA

Naging matiwasay ba ang iyong paglalayag sa ating mga gawain?


Huwag isiping ito ang huli, sapagkat nag-uumpisa pa lamang ang nag-
uumapaw na karagatan ng paglalakbay. Ngunit, heto muna ang wakas,
hanggang sa muling paglalayag. Pagbati, mahusay na manlalayag!
TAYAHIN GAWAIN (5)
1. C 1. UPANG
2. B 2. DAHIL
3. C 3. KASI
4. D 4. HABANG
5. C 5. BAGO
6. C 6. KUNG
7. D 7. KAPAG
8. D 8. O
9. C 9. AT
10. D 10. HANGGANG
SUBUKIN
1. C
2. D
3. B
GAWAIN (5) 4. C
5. B
1. PAGKALUNGKOT 6. C
2. PAGKAGALIT 7. B
3. PAGHIHINAYANG 8. C
4. PAGKAAWA 9. C
5. PAGTATAKA 10. V
Susi sa Sagot- Lesson 3
Sanggunian

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2009844

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/
05/ang-tusong- katiwala.html

https://philnews.ph/2020/02/07/ano-ang-
parabula-maikling- kuwentong-may-aral-galing-
sa-bibliya/

https://blogadagdps.wordpress.com/2015/09/08/mg
a-katangian-ng- parabula/

You might also like