You are on page 1of 9

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan: _______________________ Iskor: _________________


Seksyon: ________________________ Petsa: ________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong o pahayag. Tukuyin at isulat ang
katumbas na letra ng pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Ang Alibughang Anak


Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang matanda kaya
naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak.Gayunman, isang araw
ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama.
Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-
arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang
magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang
pumunta sa mga kasiyahan.
Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nagdesisyon ito na
bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti
ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso.
Tinanggap, pinakain at binihisang muli. Sinabi naman ng ama na ang kaniyang
pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa ng pamilya.

_____1. Mula sa binasang akda, ano ang mahihinuhang katangian ng bunsong anak?
a. maunawain b. makasarili c. madamot d. magastos

_____2. Anong aral ang nangibabaw sa binasang parabula?


a. Pagkakaroon ng awa sa ginawang pagkakamali.
b. Pagtitiis sa isang miyembro ng pamilya.
c. Pagpapatawad sa taong nagkasala sa iyo.
d. Lahat ng nabanggit.

_____3. Tinanggap, pinakain at binihisang muli. Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa
anak ay ang tunay na diwa ng pamilya. Ayon sa pahayag ano ang magandang asal na pinapakita
ng ama?
a. Pagmamahal sa anak c. pagmamalasakit sa anak
b. Pagtanggap sa anak d. Lahat ng nabanggit.

_____4. Ano ang napatunayan ni Psyche sa lahat ng mga pagsubok na ibinigay sa kanya ni Venus?
a. Napatunayan niyang hindi na niya mahal si Cupid.
b. Napatunayan niyang hindi sya gusto ni Venus.
c. Napatunayan niyang malabo silang magkayuluyan ni Cupid.
d. Napatunayan niyang kaya niyang gawin lahat para sa taong mahal niya.

_____5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at
Psyche?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
_____6. Akdang pamapanitikan na gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng
diin ang kahulugan. Ito rin ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan.
a. Maikling kwento b. tula c. parabula d. epiko

_____7. Lubhang nalibang si Mathilde sa pagkakasayaw kaya’t mag-ikakaapat na ng madaling araw


nang sila’y nauwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Maliit na bangka c. pampasaherong dyip
b. Lumang kotse d. kalesa

_____8. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan
ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Kagandahan b. kabutihan c. kayamanan d. kadakilaan

_____9. Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Matilde ay maghapong naghihintay na


Sapupo ng di-matingkalang pangamba. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Sapo b. sagot c. salita d. hawak

_____10. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik natanggap ang nasasabitan
ng mamahaling kurtina. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Kaisipan b. imahinasyon c. alaala d. isip

Para sa aytem bilang na 11-15. Panuto: Punan ng wastong panghalip ang mga sumusunod na
pahayag.

_____11. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal _______kay
Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
a. ito b. siya c. sila d. kina

_____12. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.


Puspusan ang pagkalinga _______ sa mga nangangailangan at kapuspalad.
a. nina b. nito c.nila d. niya

_____13. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. ____
ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
a. doon b.dito c. sila d. siya nga

_____14. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. ______ ay maituturing na kayamanan ng


isang bansa.
a. Siya b.Ito c.Sila d. Kani-kanino

_____15. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban ang
kanilang karapatan. _______ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
a. Siya b. Sila c. Sila-sila d. Sino-sino

Para sa aytem bilang na 16-18. Panuto: Suriin ang makatotohanang nangyari sa maikling kwentong ‘Ang
Kwintas’.

_____16. Ano ang naging reaksyon ni Mathilde sa imbitasyon na kanyang natanggap?


a. Tuwang-tuwa si Mathilde dahil mararanasan nya ang ganong klase ng pagtitipon.
b. Napaiyak sa saya si Mathilde ng marinig na siya ay inimbita kasama ang kanyang asawa.
c. Hindi natuwa si Mathilde dahil ayaw niyang mapagastos.
d. Hindi natuwa si Mathilde dahil iniisip niya ang kanyang susuotin sa araw na iyon.

_____17.Ano ang naging sanhi ng kahirapan ni Mathilde at ng kanyang asawa?


a. Pagkamaluho nilang mag-asawa
b. Pagkakaroon ni Mathilde ng malubhang sakit
c. Pagkabaon sa utang ni Mathilde
d. Natanggal sa trabaho ang asawa ni Mathilde
_____18. Bakit ninais pang humiram ni Mathilde ng hiyas kay Madam Forestier?
a. Para matuwa ang kanyang asawa sa kanya.
b. Para maging sentro siya ng kagandahan sa pagtitipon.
c. Para magandahan ang ibang lalaki sa kanya.
d. Lahat ng nabanggit.

_____19. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.” Anong estilo ng may-akda ang lumutang batay sa mga
salita at ekspresyong ginamit sa akda.
a. Panghihinayang b. pag-aalinlangan c. pagkagalit d. pagtataka

Para sa aytem 20-22. PANUTO: Suriin ang sumusunod na pangungusap batay sa panghalip gamit ang
kohesyong gramatikal.

______20. Siya ay ang tinaguriang ama ng katipunan. Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
a. Anapora b. katapora c. pandiwa d. gramatika

______21. Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag
ng
mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
a. Anapora b. katapora c. pandiwa d. gramatika

______22. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay mga sikat at tinitingala na artista ngayon. Sila ay
ginagaya at nirerespeto ng lahat.
a. Anapora b. katapora c. pandiwa d. gramatika

Para sa aytem bilang na 23-25. Panuto: Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin sa bawat
pahayag, piliin ang letra ng tamang kasagutan.

_____23. “Ako ang pumutol ng punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?
a. pag-asa b. paghanga c. pagkalungkot d. pagtataka

_____24. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”
a. pagtataka b. pag-asa c. pagkatuwa d. pagkalungkot

_____25.Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya
ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.
a. Paghanga b. pagkalungkot c. pagkatuwa d. pagkainis

Para sa aytem bilang na 26-30. Panuto: Suriin ang mga pandiwa sa mga pangungusap ayon sa gamit
nito.
_____26. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao
sa kagandahan ni Psyche.
a. aksyon b. karansan c. pangyayari d. proseso

______27. Bumaha ang lungsod ng Maynila dahil sa matinding baha.


a. aksyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso

______28. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrocia kay Psyche.
a. aksyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso

______29. Ikinagulat ng pamilya ni Martha ang nangyari sa kanya.


a. aksyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso

______30. Naglingkod ang mga tao sa pista ng San Roque.


a. Aksyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso

Para sa aytem bilang na 31-35. Panuto: Punan ng angkop na pang-ugnay ang sasalaysay.

_____31. Si Ramon ay galing sa mahirap na pamilya at kapos sa paghangad ng mga ibang bagay sa
buhay ___________ pinipilit niyang makapagtapos ng pag-aaral.
a. para b. bagaman c. upang d. dahil

_____32. _________ siya ay mahina sa klase, kakikitaan naman siya ng kagandahang asal.
a. At b. Bagamat c. Sapagkat d. Subalit

_____33. _________ siya ang kinilalang mahusay na manunulat sa larangan ng Journalism.


a. Sa madaling sabi b. Samakatuwid c. At d. Ngunit

_____34. Kapos ang kanilang pamilya _________ hindi ito naging hadlang para tumigil si Ramon sa
pagkamit ng kanyang mga pangarap sa buhay.
a. subalit b. sapagkat c. para d. at

_____35. Siya ay natapos ______ mabilis sa paggawa ng mga proyekto sa Filipino.


a. ng b. nang c. kundi d. at

1.)Nang sumunod na araw, Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa


pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng
latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Ikalawa, nisip niya ang dahilan ng kanyang
pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman
ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. 5.) Sa bandang huli nadarama ng
kanyang katawan ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat paghahamak sa kaniya ng
mga taong naroroon.

______36. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkasunod-sunod?


a. Pangungusap 1 at 2 b. pangungusap 2 c. pangungusap 1,3 at 5 d. pangungusap 4

______37. Magbigay ng isang hudyat ng pagkasunod-sunod mula sa binasa.


a. Sa bawat b. ang lahat c. dahilan ng d. Ikalawa

_____38. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa pamilya ang may kaugnayan sa pag-iibigan nina
Cupid at Psyche na nagdulot ng matinding pagsubok sa ginawa ni Venus?
a. Nabalin si Psyche sa sobrang pagmamahal
b. Nawalan ng tiwala ang magkasintahan
c. Nagkagulo sa pakikisangkot ng mga kapatid
d. Naghiwalay dahil sa pakikialam ni Venus

_____39. Ano ang pangyayari sa pamilya ang may kaugnayan sa pangyayaring ito; pagkasilaw sa
kayamanan na isa sa pangyayari sa mitolohiyang Cupid at Psyche?
a. Pagkakamkam ng ari-arian o lupain
b. Pag-aagawan ng mana sa magulang
c. Hindi patas na paghati-hati ng kayamanan ng miyembro ng pamilya.
d. Lahat ng nabanggit

_____40. Ano ang naging pagsubok kay Cupid sa kanilang pagmamahalan ni Psyche?
a. Hindi gusto si Cupid ng kanyang mga kapatid
b. Hindi sang-ayon si Venus sa pagmamahalan nilang dalawa
c. Hindi sang-ayon ang ama ni Cupid sa kanilang pag-iibigan
d. Lahat ng nabanggit

Para sa aytem bilang na 41-45. Panuto: Tukuyin ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap.
_____41. Ang sirang bubong ay kinukumpuni nina tatay at kuya.
a. sanhi b. tagaganap c. layon d. tagatanggap
_____42. Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya.
a. sanhi b. tagaganap c. layon d. tagatanggap
_____43. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.
a. tagatanggap b. tagaganap c. layon d. ganapan
_____44. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula.
a. tagatanggap b. tagaganap c. layon d. ganapan
_____45. Si G. Ramirez ang nagtatag ng organisasyong ito.
a. tagatanggap b. tagaganap c. layon d. ganapan

Para sa aytem bilang na 46-50

PAGSULAT: Sumulat ng isang suring basa batay sa ‘Ningning at Liwanag’ ni Emilio Jacinto.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Inihanda Nina: CECILIA A. RAFAEL (Dalubguro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

LOVELY C. CABATO (Guro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

Sinuri Ni: CRISCEL S. CACHUELA (Ulong Guro III, – Dr. Ramon de Santos NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

SUSI NG MGA SAGOT


UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Taong Panuruan 2023-2024

1. D 26. A
2. C 27. C
3. A 28. B
4. D 29. B
5. B 30. A
6. D 31. B
7. D 32. B
8. A 33. B
9. A 34. A
10. C 35. B
11. B 36. C
12. B 37. D
13. A 38. D
14. B 39. D
15. B 40. B
16. D 41. C
17. C 42. A
18. B 43. D
19. C 44. A
20. B 45. B
21. A 46-50 Suring Basa
22. A
23. D
24. A
25. A

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang Bilan Blooms’ Taxonomy (Cognitive Level)
g ng
Ayte

KARANIWAN

MAHIRAP
m

MADALI

(30%)

(60%)

(10%)
15

30

5
Pinaka-esensyal
na Kakayahan sa
Pag-aaral

Pag-aanalisa
Pag-unawa

Paglalapat

Pagtataya
Pag-alala

Paglikha
1 Naiuugnay ang 5
mga kaisipang
nakapaloob sa
akda sa nangyayari
sa: sarili pamilya 38,39,40 4,5
pamayanan lipunan
daigdig F10PB-Ia-
b-62

2 Nagagamit ang 5
angkop na pandiwa
bilang aksiyon,
pangyayari at 26,27,28,
karanasan. 29,30
F10WG-Ia-b-57

3 Nakapagsusuri ng 4
tiyak na bahagi ng
nabasa/napakingga 6 1,2,3
ng parabula na
naglalahad ng
katotohanan,
kabutihan at
kagandahang-asal.
(F10PN-Ib-c-63)

4 Nagagamit o 5
nasusulat ang
angkop na mga
piling pang-ugnay 31,32,
sa pagsasalaysay 33,34,35
(pagsisimula,
pagpapadaloy ng
mga pangyayari,
pagwawakas)
F10WG-Ib-c-58

5 Nabibigyang 3
-reaksiyon ang mga
kaisipan o ideya sa
tinalakay
na akda, ang 16,17,18
pagiging
makatotohanan/di-
makatotohanan ng
mga pangyayari sa
maikling kuwento
F10PB-Ic-d-64
6 Nabibigyang -puna 4
ang estilo ng may -
akda batay sa mga 23,24,25
salita at 19
Inihanda Nina: CECILIA A. RAFAEL (Dalubguro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

LOVELY C. CABATO (Guro I – Dr. Ramon de Santos NHS, CD-I)

Sinuri Ni: CRISCEL S. CACHUELA (Ulong Guro III, – Dr. Ramon de Santos NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

You might also like