You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Division of Sorsogon
Bagacay National High School
Bagacay, Gubat Sorsogon
SY 2018-2019
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Pangalan_________________Baitang at Pangkat_____________Petsa_____________Iskor___________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. “Tabi-tabi, Ingkong kami po’y nakikiraan lamang.” Anong kaisipan ang ipinakikita sa bulong na ito?
A. Nagpapakita ng pagkamagalang sa taong C. Nagpapasintabi sa dinaraanan.
kausap. D. Naniniwala sa mga di nakikita
B. Nagpapakita ng paggalang sa mga di nakikita.
2. Ano ang katangiang nangibabaw sa tauhang si Fel sa dulang Patria Amanda?
A. pagiging matiyaga C. pagiging matalino
B. pagiging mabait D. pagiging masipag
3. Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pahayag ni Prinsesa Talisay na, "aking Amang
Hari, kung ako na lamang ang tanging pag-asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay
pumapayag na maging alay.“?
A. pagpapahalaga sa pamilya C. pagpapahalaga sa kalikasan
B. pagpapahalaga sa kapuwa D. pagmamahal sa sarili
4. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba’t ibang lugar mula sa
kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit dapat
ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?
A. Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
B. May mga pakikipaglabang nagaganap.
C. Magkaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan sa kasalukuyan.
D. Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noon.
5. Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang kabataang tulad mo?
A. pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala
B. pagiging malakas sa pakikipaglaban
C. pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok
D. paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin
6. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?
A. Pagbabasa ng mga akda tuwing oras ng asignaturang Filipino lamang.
B. Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa.
C. Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito.
D. Paghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito.
7. Sa pahayag na:“Di hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid.”, anong uri ng pang-uri ang
sinalungguhitan sa pangungusap?
A. palamang C. pasahol
B. magkatulad D. pasukdol
8. Anong antas ng wika ang pinakagamitin sa kabataan na nasa paaralan o wala sa paaralan?
A. balbal C. kolokyal
B. lalawiganin D. masining
9. Anong pahayag o kataga ang ginagamit upang makatulong sa pag-uugnay ng mga kaisipan o
pangyayari?
A. pahayag sa paghahambing
B. panghalip na anaporik at kataporik
C. pang-ugnay sa paglalahad at pagsasalaysay
D. pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
10. Sa pahayag na: “Noong unang panahon, ang estado ng kababaihan ay talagang naiiba sa
kasalukuyan.” Paano ginamit ang pang-ugnay na may salungguhit?
A. pagkukuwento
B. paglalarawan
C. pagpapatotoo at panghihikayat
D. pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
11. Sa pahayag na “Marami sa ilaw ng tahanan ang nangingibang bansa para kumita”, anong antas ng
wika ang ginamit sa nakasalungguhit na mga salita?
A. balbal C. kolokyal
B. lalawiganin D. pampanitikan
12. “Siguradong matutuwa ang kabataan kung maglalagay ng free wifi sa lahat ng pampublikong lugar.”
Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. kung C. siguradong
B. sa lahat D. ng
13. Alin ang angkop na kahulugan sa pahayag na, “maraming bata ang iniwan ng magulang.”
A. bubukod ng tirahan
B. dahil sa hirap ng buhay
C. dahil akala iyon ay pawang pang-aapi
D. dahil iisa lamang sila sa mundo
14. Sa pangungusap na, "Niligawan niya si Alunsina na sintagal ng pagkakabuo ng kalawakan“ , anong
salita ang nagpapahayag ng paghahambing?
A. pagkakabuo C. sintagal
B. niya D. kalawakan
15. Ano ang salitang-ugat ng salitang pinagbilinan?
A. bilin C. bili
B. pinag D. bilinan
16. Sa pangungusap na, “Bilang panghuli, ang pakikiisa ninyo ay lalong kinakailangan para sa
ikatatagumpay ng programa ng paaralan”, anong pang-ugnay ang ginamit sa pahayag?
A. ang pakikiisa ninyo C. Bilang panghuli
B. programa ng paaralan D. para sa ikatatagumpay
17. Sa pahayag na: “Bilmoko ng bagong gamit.” Anong antas ng wika ang salitang may salungguhit?
A. balbal C. kolokyal
B. lalawiganin E. pampanitikan
18. Aling pang-ugnay ang maaaring iangkop sa pangungusap na: “Takot na takot si Lucy nang sumakay sa
taksing nakaparada sa harap ng bahay. ________ tinatambol ang dibdib niya.”
A. anupat C. datapuwat
B. kundi lang D. palibhasa
19. Magandang tamnan ng mangga ang lupain ng Guimaras dahil sa mas mataba ang lupa dito. Anong
pang-uri sa paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. maganda C. lupa
B. mas mataba D. tamnan
20. Sa pangungusap na: “Talagang nakadidismaya, may mga mambabatas na sumusuway sa R.A. 9211
o Tobacco Regulation”, aling pahayag ang nakatulong upang makahikayat o makumbinsi ang
mambabasa o tagapakinig?
A. Talagang C. sumusuway
B. batas D. mambabatas
21. Ano ang layon ng paggamit sa pangungusap ng mga pangatnig na: sa totoo lang, tunay, talaga?
A. pagpapatotoo at panghihikayat C. paglalahad ng paksa
B.pagsusunod-sunod ng mga pangyayari D. pagbibigay ng buod
22. Paano masasalamin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng awiting-bayang: “Ang
nuno nating lahat, sa kulog di nasindak”?
A. nagpapahayag ng katapangan ng ating mga ninuno
B. kahit kulog ay haharapin ng ating mga ninuno
C. nagpapakita na kailangang makipagpaligsahan sa kulog
D. nagpapahayag na pahalagahan ang kalikasan
23. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang alamat sa inyong lugar, anong uri ng teksto
ang iyong isusulat?
A. nangangatuwiran C. naglalarawan
B. naglalahad D. nagsasalaysay
24. Ang sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang HINDI dapat gawin?
A. paggamit ng mayamang imahinasyon
B. limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang
C. pagtalakay sa pinagmulan
D. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
25. Kung ikaw ay susulat ng sariling alamat tungkol sa isang produkto na ang pamagat ay “Ang Alamat ng
Mangga”, alin ang panimulang maaaring gamitin?
A. Ang mangga sa Visayas ay tinatawag na pahutan.
B. May isang magsasaka na ang pangalan ay Mang Isko.
C. Ang tagpuan ay sa isang malawak na bukirin.
D. Sa isang malayong lugar sa Visayas sa Negros Occidental.
26. Tinugunan at tinulungan nila ang mga taong ang mga bahay ay malapit sa dalampasigan ng Bacjawan
Sur at nailigtas nila mula sa mapaminsalang bagyo ang mga tagaroon, bata man o matanda. Ngunit sa
kanilang pagbabalik sa evacuation area, isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay Rogelio
na naging dahilan ng kaniyang pagkalaglag mula sa trak. Anong uri ng teksto ang binasa?
A. naglalahad C. nagsasalaysay
B. nangangatuwiran D. naglalarawan
27. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, ‘’Inay, igagalang ko ang gusto
mo.’’ Ano ang kahulugan ng salitang naumid?
A. di-nakaimik C. di-nakapagsalita
B. di-nagulat D. di-nabahala
28. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipagusap sa mga hayop at
insekto. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. hindi alam ng lahat C. inilihim sa tao
B. alam na alam na ng lahat D. ipinagsabi sa tao
29. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?
A. laruan C.bato
B. pahayag D. nalaman
29. Ano naman ang konotasyong kahulugan ng bola kapag ginamit sa pangungusap na: “Ayaw ko ng
bola”, pahayag ng dalaga sa isang manliligaw.
A. laruan C. bato
B. niloloko D. binibiro
30. Ang pamimilit ni Alunsina kay Tungkung Langit na siya’y makalikha rin ng mga bagay na nalilikha ng
kaniyang asawa ay nagdulot sa kanila ng di pagkakaunawaan. Ano ang sinisimbolo ng paglikha na nais
gawin ni Alunsina?
A. pagtakas
B. pakikipaghiwalay
C. paghahanapbuhay
D. pakikipagtunggali
31. Paano naiiba ang awiting-bayan sa bulong?
A. isang panalangin
B. paulit-ulit na binubulong C. nilalapatan ng himig D. ginagamit sa ritwal
32. Anong uri ng tuluyan ang nagsasalaysay na ang karaniwang paksa ay buhay ng tao na nangyayari
araw-araw na nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. nobela
B. sanaysay
C. maikling kuwento
D. dula
33. Anong uri ng akdang tuluyan ang binubuo ng mga yugto at kailangang itanghal sa tanghalan?
A. awiting-bayan C.maikling kuwento
B. nobela D. dula
34. Anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng tawag sa isang bagay?
A. tula
B. alamat
C. maikling kuwento
D. epiko
34. Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa iba pang akdang
pampanitikan?
A. naiibang pagkilos at pagsasalita
B. nakikipaglaban hanggang sa mamatay
C. nagtataglay ng kapangyarihan
D. naglalakbay sa malayong lugar
35. Ano ang karaniwang paksa ng epiko?
A. kabayanihan C. katatagan
B. karangalan D. kahusayan
Para sa Bilang 36-37
Dugtungan ng salita o parirala ang taludtod sa bawat bilang upang mabuo ang halimbawang bulong.
36. Batang maganda _____________.
A. ikaw ay mag-ingat C.tumabi-tabi ka
B. kumain nang mabuti D. maligo araw-araw

37. Baka ikaw ay _________________.


A. mapahamak C.masaktan
B. magtagumpay D. magmadali
38. Ano ang gawi o nakasanayang gawin ng mga taga-Visayas matapos magtrabaho buhat sa awiting-
bayang
“Si Felimon, Si Felimon”?
Si Felimon, si Felimon
Nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli Ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili
Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
A. umiinom ng tuba para mawala ang pagod
B. umiinom ng tuba para makalimot
C. umiinom ng tuba para makatakas sa asawa
D. umiinom ng tuba para masunod ang bisyo
39. Ang konotasyong kahulugan ng salitang ahas? “Inahas ni Ricky ang nobya ng tropa niyang si diego”.
a.sawi c.kaaway
b.taksil d.kakampi
40.Ang konotasyon kahulugan ng salitang nilagyan?”Nilagyan ang mga hurado kaya nanalo ang hindi
dapat manalo”
A.binigay
B.sinuhulan
C.inilagay
D.tinanggap

You might also like