You are on page 1of 4

FILIPINO 10

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _________________________________________ Iskor:


____________________________________
Guro: ___________________________________________ Baitang at Seksyon:
_________________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ang “Moses.Moses” ay halimbawa sa akda na ____________________.


A..Dula B. Maikling kuwento
C.mitolohiya D. Tula

2. Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng tunay na pagkatao ng pangunahing


tauhan.
A. Dagli B. komiks
C. Maikling Kuwento D. kuwentong -bayan

3. Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan o damdamin.


A. Dagli B. Nobela
C. Talinghaga D. Tula

4. Natatanging kuwento na kadalasang tumalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang


kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Kuwentong bayan
C. Mitolohiya D. Tula

5. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat. Ang mga
sinalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
A. pang-abay B. pang-angkop
C. pang-ugnay D. Pang-uri

6. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang _____ ng pangungusap.
A. direksyon B. kaganapan
C. paksa D. panaguri

7. Ang siyang naglalarawan o nagsasabi ukol sa pinag-uusapan sa pangungusap.


A. paksa B. panaguri
C. panghalip D. pangngalan

8. Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. paksa B. panaguri
C. pandiwa D. pangngalan

9. Ano ang namamayaning damdamin sa loob ng tula?


“Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan
At iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?”
A. kabiguan B. kalungkutan
C. pangungulila D. pagkahinayang
10. Ano ang simbolismong makikita sa saknong ng tula:
“Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.”
A. dalawin B. bahay
C. nag-ibigan D. kaluluwa

Para sa mga bilang 11


Tunay na isang mabisa,walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela.
Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan,bagkus ipinapakita nito sa mambabasa
sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang
magagawa kundi harapin at tanggapin.

11. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng
opinion o reaksyonmula sa suring-basa?
A. tunay na B. sa makatotohanan
B. bagkus D. totoo

12. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

13. Anong elemento ng mitolohiya ang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna
ang panahon.
A. tauhan B. tagpuan
C. banghay D. tema
14. Ginamit nila ang __________ ni Ymir upang lumikha ng kagubatan sabuongmundo na
magprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante.
A. bungo B. kilay
C.paa D.ugat
15. Mula sa katawan ng higante nilikha ng mga Aesir ang ______________.
A. ang gitnang bahagi ng mundo B. bituin, araw at buwan
C. graba at hanggahan D. ulap

16. Nagsilbing mga graba at hanggahan ang ______________ng higante.


A. ang dugo ng higante B. ang utak ng higante
C. kilay ng higante D. mga ngipin at ilang buto nito
17. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sapinagmulan ng mga
diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikhang mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko
C. kuwentong bayan D. mitolohiya
18. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
A. pangngalan B. panghalip
C. pandiwa D. pang-uri
19. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?
A. -in, i-, -an, -hin B. –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa-
20. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng ating mga balakin. Alin
ang tamang panlaping dapat ikabit sasalitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka-
C. makapag- D. maki-
21. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa?
A. pag-iibigan ng magkasintahan
B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik-tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay
D. sakripisyo ng isang magulang

21. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.


A. Simbolismo B. Sukat
C. Tono D. Tugma

23. Ano ang mabubuong salita kung ang salitang ugat na tapon ay lalapiannggitlaping in at
hulaping an?
A. itinapon B. magtapon
C. tinapunan D. tapunin

24. Ano ang salitang ugat ng salitang kalakaran?


A. kalakar B. lakad
C. lakaran D. lakaran

25. Sa anong sangkap ng dula ipinakilala ang mga tauhan ang papel nagagampanan ng mga ito?
A. gitna B. simula
C. tunggalian D. wakas

26. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.


A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao
27. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagmamalabis D. Pagtatao
28. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
anaki’y, animo, at iba pa.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis
C. Pagwawangis D. Pagtatao

29. Ito ang bumubuo sa isang pangungusap na ginagamit sa pakikipagdiyalogo.


A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika

30. Nabili ko ang relos na ito dahil _______________ ko ang aking buhok.
A. binenta B. ibebenta
C. binibenta D. ibinibenta

31. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy kas sa paglalayag at harapin ang
anumang dumating.” ay tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang___
A. alipin B. kolonyal
C. negatibo D. positibo
32. Sumalagpak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang sumalagpak ay
______.
A. napaupo B. napahandusay
C. natumba D. napahiga
33. Ito ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling
kuwento, tula,sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.
A. Dagli B. Talumpati
C. Maikling kuwento o Suring Basa D. Suring Basa
34.Ang katotohanan ang binbigyan -diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay.
A.Imahismo B.Marxismo
C. Realismo D. Romantisismo

35. Ito ay tumutukoy kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa.
A.Bisa sa damdamin B. Bisa sa isip
C. Buod D. Paksa
36. Sa pamamagitan nito, madali nating naipararating sa ating kapwa ang mga gusto nating
ipahiwatig at mga nararamdaman.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
37. Nakatuon ito sa pagtulong sa mga tao na makakilala ng mga bagong kaibigan, makibalita sa
mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya sa web.
A. blog B. Friendster
C. twitter D. youtube
38. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della.
“Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. pag-alala B. pagtataka
C. pagkainis D. pagkatampo
39. Sa pamamagitan nito, maaaring magdaragdag ng mga kaibigan at magpadala ng mga
mensahe sa kanila at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigayalam sa kanilang
mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
A. blog B. facebook
C. twitter D. youtube
40. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulitulit na ninanais
ni Santiago?
A. Sana siya ay bata pa.
B. Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
C. Sana ang lahat ng mangingisda na nagaalipusta sa kanya ay naroon para maging saksi
sa kanyang tagumpay
D.Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.

You might also like