You are on page 1of 6

Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

PAMBANSANG PAARALAN NG PALAWAN


Ikatlong Panahunang Pagsusulit
FILIPINO VIII

APELYIDO PANGALAN MI

Taon/Pangkat__________________________Petsa ____________________Iskor___________

PANGKALAHATANG PANUTO: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA KATANUNGAN SA BAWAT AYTEM. PILIIN AT ITIMAN ANG
TITIK NA KUMAKATAWAN NG WASTONG KASAGUTAN SA INYONG SAGUTANG PAPEL.

A B C D 1. Kompletuhin
Sanhi: Si Chester ay masyadong babad sa paggamit ng Social Media.
Bunga: _________________________________________________
a. Mas lumusog ang kaniyang pangangatawan.
b. Tumaas ang grado niya sa lahat ng asignatura.
c. Napabayaan na ang mga gawaing pampaaralan at pantahanan.
d. Lagi siyang napupuri ng kanyang mga magulang sa kaniyang kasipagan.

A B C D 2. Ano ang pinakaposibleng sanhi ng pahayag na “Nagpapagpag ang mga tao para may makain.”?
a. Dulot ng kahirapan ng mga tao
b. Maginhawa ang pamumuhay ng mga tao.
c. May maayos na hanapbuhay ang mga mamamayan.
d. Suportado ng gobyerno ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Teksto 2 (Para sa bilang 3-6),


Mar: Naku, Partner! Nabalitaan mo na ba ang mainit na isyu ngayon patungkol sa pag-alis ng Filipino at
panitikan sa kolehiyo?
Lyn: Siyempre naman Partner, Naghain nga ang Tanggol Wika- isang grupo ng mga propesor, mag-aaral,
manunulat,at cultural activist ng motion for reconsideration sa Korte Suprema dahil sa ruling nito noong
Oktubre 9 kaugnay sa CHED Memorandum Order No. 20, na nagtatanggal sa Filipino at pantikan bilang
core subjects sa kolehiyo.
Mar: Oo nga partner. Ayon pa sa grupo, kung susundin ang pangangatwiran ng Korte Suprema, maaari ring
alisin ang iba pang basic education subjects gaya ng English, Science, Math st History bilang mandatory
subject dahil itinuturo rin ang mga ito sa basic education. Pero, sang-ayon ka rin ba rito?

A B C D 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang batay sa katotohanan?


a. Pero, sang-ayon ka rin ba dito?
b. Partner, nabalitaan mo na ba ang mainit na isyu ngayon patungkol sa pag-alis ng Filipino at panitikan sa
kolehiyo?
c. Kaugnay sa CHED Memorandum Order No. 20, na nagtatanggal sa Filipino at pantikan bilang core
subjects sa kolehiyo.
d. Naghain nga ang Tanggol Wika- isang grupo ng mga propesor, mag-aaral, manunulat,at cultural activist
ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.

A B C D 4. Ano ang tono o himig na pinahihiwatig ng pahayag na nasasalungguhitan mula sa teksto?


a. Pagtanggi b. Pagkagulat c. Pagsang-ayon d. Pagkainis

A B C D 5. Sa anong kategorya ng isyung panlipunan napapaloob ang tinalakay nina Mar at Lyn?
a. Sosyo-kultural b. Edukasyunal c. Sosyo-Politikal d. Ekonomikal

A B C D 6. Alin sa mga sumusunod na kataga ang nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan?


a. Oo nga b. Naku c. Talaga naman d. Sang-ayon
Teksto 3 (Para sa bilang 7-10)
Bata, Bata…Paano ka Ginawa?
(Isang pagsusuri)
Ang paggawa ng isang bata ay di agad masasagot nang walang pag-unawa sa tanong na "Bata , bata..
Pa'no ka Ginawa ? Isang tanong na nakatatawa ngunit napapanahon, lalo na sa mga kabataang naghahanap
ng katotohanan tungkol sa kanilang buhay at sa kontemporaryong mundong ginagalawan. Tayo'y nilikha ng
Diyos sa pamamagitan ng ating mga magulang, sila na nagbibigay buhay sa atin. Ang paggawa ng bata ay
may kaakibat na responsibilidad at di nagtatapos sa panganganak. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa
paglaki at ang paglaki ng bata ay siya ring paglaki ng magulang bilang isang tao sa mga aspetong
emosyonal, intelektwal, sikolohikal at ispiritwal. Kasama sa pag-unlad ng pag-iisip ng anak pati na rin sa
pag-usbong ng mga bagong kaisipan mula rito.
"Bata, Bata…paano ka ginawa?’’ Paano ka ginawa sa isang lipunang ang tunggalian ay
makauri, isang panahong ang bayan ay nasa krisis, sa isang pamilyang nakikipaglaban sa taong tiwalag sa
kapwa ? Paano? Sa pag-ibig, at sa pag-ibig kailangan ding mabuhay at mag-alay ng buhay

A B C D 7. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI TOTOO batay sa teksto?


a. Sabay na lumalaki sa iba’t ibang aspeto ng buhay ang magulang at ang anak.
b. Kabahagi ang lipunang kinabibilangan ng isang bata sa paghubog ng kanyang pagkatao.
c. Ang bawat bata ay nilikha ng Diyos na binigyang buhay sa pamamagitan ng pagsasama ng mga
magulang.
d. Masasabing ganap ang pagiging isang magulang sa sandaling matamo na ng kanilang anak ang
maturidad.

A B C D 8. Anong kaisipan ang pinahihiwatig ng bahaging nasasalungguhitan mula sa teksto?


a. Sa pag-aasawa ay dapat maagang planuhin ang magiging pamilya.
b. Mahirap ang magsilang ng isang anak ngunit mas mahirap ang maging isang magulang.
c. Magiging kumpleto ang pagsasama ng mag-asawa kung mabibiyayaan ng sariling anak.
d. Ang responsableng magulang ay naibibigay ang lahat ng pangangailangang materyal ng kanyang anak.

A B C D 9. Gumawa ng isang pahayag na nagpapakita ng pwersa ng lipunan sa paghubog ng pagkatao ng isang


bata?
a. Ikinatakot ni Lea na baka kunin ng mga ama ng kanyang mga anak sina Ojie at Maya.
b. Pinili nina Ojie at Maya ang kanilang ina na si Lea, isang desisyon na hindi iginiit sa kanila.
c. Sa pagbibinata ni Ojie ay nakakilala siya ng mga kaibigang naging masamang impluwensya sa kanya.
d. Si Maya, 7 taong gulang, ay nagsimulang magtanong-tanong ukol sa kakaibang sitwasyon ng kanilang
pamilya.

A B C D 10. “…mga kabataang naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanilang buhay at sa kontemporaryong


mundong ginagalawan.” Batay sa pagkakagamit sa pangungusap, alin sa mga sumusunod ang
kasingkahulugan ng salitang “kontemporaryo’’?
a. popular b. nauuso c. makabago d. kasabayan
II. Ugnay-Panitikan (bilang 11-37)

A B C D 11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paghahanda para sa panayam upang maisakatuparan
ang pagbuo ng dokumentaryong pantelebisyon?
a. Kilalanin ang kakapanayamin
b. Magpaalam sa kakapanayamin
c. Maghanda ng mga katanungan batay sa mga nais mong malaman
d. Dumiretso agad sa kakapanayamin, depende sa iyong nais na oras
A B C D 12. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang mungkahing paraan sa pagsugpo ng sariling kahirapan?
a. Diyos na ang bahala, manalangin ka nalang.
b. Sa Pagsali sa welga, uusad ang ekonomiya ng bansa.
c. Sa pagtulong sa sarili na maging produktibo ay makakaahon din.
d. Maiibsan ang kahirapan sa paghihintay ng tulong mula sa pamahalaan.
A B C D 13. Gumawa ng pangungusap na nagpapakita ng pagkakaiba ng kontemporaryong panitikan sa tradisyunal
na panitikan?
a. Ang kontemporaryong panitikan ay madaling malaos.
b. Ito ay makabago sa anyo, estilo, at pamamaraan ng pagpapalaganap.
c. Ito ay mga panitikang nanggaling sa mga ninuno at nailathala sa mga libro.
d. Magkapareho ang kontemporaryo at tradisyonal na panitikan at walang pinagkaiba.
A B C D 14. Alin sa mga grupo ng panitikan ang HINDI kabilang sa panitikang popular?
a. pelikula, internet blog, komiks c. alamat, epiko, dulang pantanghalan
b. teleserye, balitang panradyo, pocketbook d. programa sa TV, magasin, dulang panradyo

A B C D 15. Ito ay ang salik na nagpapabilis sa paglaganap ng kontemporaryong panitikan sa kasalukuyan. Ano
ito?
a. Advertisement b. Teknolohiya c. Popularidad d. Kompyuter

A B C D 16. Tukuyin sa mga sumusunod ang broadcast media?


a. komiks at magasin c. aklat at tabloid
b. radyo at telebisyon d. internet at kompyuter

A B C D 17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahalagang papel na ginagampanan ng broadcast
media sa lipunan?
a. Nakapagbibigay ito ng libangan at aliw sa mga mamamayan.
b. Nagiging tanyag o sikat ang mga artista dahil sa broadcast media.
c. Naimumulat nito ang mamamayan sa mga isyung nagaganap sa bansa.
d. Napalalakas nito ang ekonomiya ng bansa dahil bumibili ang pamilya ng bagong TV at radyo.

A B C D 18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gamit ng kontemporaryong panitikan upang makatulong
ang mga kabataan sa pagbabago ng lipunan?
a. Sa klase ni Gng. Reyes sa Filipino ay pinanood niya ng pelikula ukol sa kahirapan ang mga mag-aaral.
b. Nagbabasa araw-araw ng mga balitang showbiz sa tabloid ang mga mag-aaral bilang pampalipas
oras.
c. Gumawa ng youtube video ang isang pangkat sa PNS na nanghihikayat tumulong sa mga nasalanta
ng bagyo.
d. Sumulat ng liham sa editor ng isang magazine si Marie pagkatapos niyang magustuhan ang
nilalaman nito.

A B C D 19. Nais ni Marie na malaman ang pinakanauusong estilo ng pananamit at pagpapaganda, alin sa mga
sumusunod na popular na babasahin ang dapat niyang tangkilikin?
a. komiks b. magazine c. tabloid d. dagli

A B C D 20. Gustong malaman ni Allan ang iba’t ibang pangyayari sa bansa ngunit sila ay walang kuryente sa
kanilang komunidad. Ano ang mabisa niyang gawin?
a. Tumungo sa silid-aklatan at tingnan sa encyclopedia.
b. Pumunta sa internet shop at magdownload ng mga balita.
c. Bumili ng dyaryo at magbasa ng iba’t ibang balita mula dito.
d. Magpakabit ng kuryente at abangan ang balita sa TV at radyo.

A B C D 21. Ito ay mga palabas sa telebisyon na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong


proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang
lipunan. Ano ito?
a. Advertisement b. Dokyumentaryo c. Teleserye d. Talk Show

A B C D 22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga layunin ng dokumentaryong pantelebisyon sa
mga manonood?
a. Ito ay nagbibigay impormasyon at nagpapamulat ng kaisipan.
b. Ito ay ekpresyong biswal na representasyon ng realidad ng lipunan.
c. Sinasalamin nito ang masasalimuot na katotohanan sa buhay ng tao.
d. Ito ay pagtakas sa katotohanan at nag-iiwan ng pantasya sa mga manonood.

A B C D 23. Ito ay elemento ng pelikula na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang


kwento. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
a. Sequence Iskrip b. Sinematograpiya c. Tunog at Musika d. Pagdidirehe

A B C D 24. Iba pang elemento ng pelikula na nagpapanatilli ng kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
a. Tunog at Musika b. Pagdidirihe c. Sinematograpiya d. Disenyong pamproduksyon
A B C D 25. Alin sa mga sumusunod ang ginamitan ng tamang bantas?
a. Hala? May Sunog. b. Hala. May sunog. c. Hala, May sunog! d. Hala! May sunog!

A B C D 26. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang gumamit ng tamang pamamaraam sa pangangalap ng
impormasyon.
a. Hindi malinaw ang paksang ibinabalita.
b. Paktwal ang mga impormasyong inilalahad.
c. Pakikipagpanayam sa mg akasangkot sa isyu nang walang pahintulot.
d. Hindi nakapaghanda ng mga katanungan para sa panayam na gagawin.

A B C D 27. Alin sa mga sumusunod ang dapat IWASAN sa pagbibigay komentaryo sa radyo?
a. Magsaliksik sa paksa o isyu. c. Ibigay ang mga basehan o suportang datos ng komento.
b. Hayaang magpadala sa emosyon. d. Gawing balanse ang komento sa bawat panig ng isyu.

A B C D 28. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay
sa inilalarawan ng dibuhista.
a. Kuwadro b. Kahon ng Salaysay c. Larawang Guhit d. Lobo ng Usapan

A B C D 29. Ito ay bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo sa kuwento.


a. Kuwadro b. Kahon ng Salaysay c. Larawang Guhit d. Lobo ng Usapan

A B C D 30. Ito ay ang pinakamatandang magazine sa Pilipinas na nagtatampok ng iba’t ibang akdang
pampanitikan.
a. Candy Magazine b. Yes! c. Liwayway d. Cosmopolitan

A B C D 31. Isang uri ng magasin kung saan binibigyang pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng mga
kabataan.
a. Candy b. Metro c. T3 d. Cosmopolitan

A B C D 32. Sinong kilalang direktor ang nagtangkang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na komiks sa
sirkulasyon ng Pilipinas taong 2007?
a. Alex Niño b. Carlo J. Caparas c. Pablo S. Gomez d. Alfredo Alcala

A B C D 33. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon?


a. Tabloid b. Komiks c. Broadsheet d. Magasin

A B C D 34. Ano ang isa sa mahalagang gawain ng mga personalidad sa radio at telebisyon?
a. Pakikipanayam
b. Maging palakaibigan
c. Wastong gamit ng mga salita
d. Pagpili ng makabuluhang paksang tatalakayin

A B C D 35. Anong gampanin ng dokumentaryong pantelebisyon sa lipunan?


a. Magbigay kaalaman
b. Magbigay ng tulong pinasyal
c. Upang gisingin ang natutulog na isipan ng mga mamamayan
d. Magbigay kabatirang panlipunan, pang-espiritwal, pangkultura, pangmoralidad,
pang-edukasyon at iba pa.

A B C D 36. Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
a. Tunog at Musika b. Pagdidirihe c. Sinematograpiya d. Disenyong pamproduksyon

A B C D 37. Bigyang hinuha ang sitwasyong nasa ibaba.


“ Laganap sa ibang mga kabundukan ang ilegal na pagputol ng mga puno.”
a. Dumagsa ang mga turista.
b. Guminhawa ang buhay ng mga taganayon.
c. Nagkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa.
d. Tumaas ang populasyon ng mga taga-ilang sa kabundukan.
III. Ugnay-Wika
(Para sa bilang 38-40)

A B C D 38. “Ay chenes! May naisip akong magandang pang-motivate sa students natin!” Batay sa konstruksyon
ng pangungusap at ginamit na mga salita, ang dayalogong ito ay nasa anong antas ng wika?
a. Pormal b. Di-Pormal c. Makata d. Akademiko

A B C D 39. Gamitin ang salitang “mudra” upang maging balbal ang isang pahayag.
a. “Punongguro, siya po ang aking mudra.”
b. “Beshies, binilhan ako ni mudra ng bagong damit.”
c. “Mahal kong mga guro, ipakikilala ko sa inyo ang aking mudra.”
d. “Sa pormal na pagpupulong na ito, si mudra ang magiging paksa.”

A B C D 40. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang mayroong tamang gamit ng di-pormal na salita na
nagpapahiwatig ng pagsang-ayon?
a. Dehins ako naniniwala sa kaniya.
b. Ay, chenes! Dumaan ang crush ko.
c. May recitation, ultimate pressure pa!
d. True ang kaniyang sinasabi, sa’n ka pa!

A B C D 41. Ang pahayag na may tamang gamit ng ekspresyon ng konsepto ng pananaw ay ______________.
a. Dahil sa’yo ako ay lalaban.
b. Maaari bang ako’y ibigin mong muli?
c. Siguro nga’y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa akin.
c. Ayon sa DepEd, kailangang mapagtibay ang kahalagahan ng edukasyon.

A B C D 42. Alin sa mga sumusunod ang ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng pasya at/o
pananaw?
a. Ayon b. Sa isang banda c. Siguro d. Maaari

A B C D 43. Alin sa mga pangungusap ang may relasyong sanhi at bunga?


a. Sa mabuting pag-aaral ay natuto siya.
b. Dahil nag-aral siyang mabuti ay natuto siya.
c. Para matuto nang husto ay nag-aaral siyang mabuti.
d. Kung nag-aral ka lang nang mabuti, sana ay natuto ka.

A B C D 44. Alin sa pangungusap ang may relasyong kondisyon at bunga na tumbalik?


a. Sa mabuting pag-aaral ay natuto siya.
b. Dahil nag-aral siyang mabuti ay natuto siya.
c. Para matuto nang husto ay nag-aaral siyang mabuti.
d. Kung nag-aral ka lang nang mabuti, sana ay natuto ka.

A B C D 45. “Sa kayayabang niya sa kanyang mga kaibigan, unti-unti siyang iniwan sa ere.” Anong uri ng
kaugnayang lohikal ang ginamit sa pangungusap?
a. Paraan at Layunin b. Paraan at Resulta c. Sanhi at bunga d. Kondisyon at bunga
Para sa bilang 46, tukuyin ang paraan ng pagpapahayag, gawi, o damdamin ng mga dayalogo mula sa pelikula.

Para sa bilang 46 A B C D 46. Ano ang paraan ng pagpapahayag ng dayalogo ni George?


a. Naghihinayang b. Nagtitiwala c. Nananabik
Primo: Mahal pa rin kita, Jo. d. Nagmamakaawa
George: Ano na naman
‘yung kapalit? Ilang taon na A B C D 47. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang ligalig sa pahayag na
naman ng buhay ko ang “Nagkaroon ng ligaig sa kaniyang isipan
sasayangin ko? matapos malaman ang katotohanan?”
a. kaginhawaan b. kaguluhan c. kalinawagan
d. kapanatagan
Daniel
Padilla at Kathryn A B C D 48. Sino ang may akda ng “Pintig, Ligalig at Daigdig”?
Bernardo, mula sa a. Jet Orin Gellecano b. Jose Corazon de Jesus c. Karlo Magno
pelikulang “The Hows of d. Ligaya Vicencio
Us” A B C D 49. Alin sa mga sumusunod ang TAMA ukol sa sinematograpiya?
a. kombinasyon ng ilaw at lente ng kamera.
b. Nagbibigay ng direksyon sa daloy ng pelikula.
c. Nagbibigay-aksyon sa mga kaganapan sa pelikula.
d. Pinagganapan ng mahahalagang tagpo sa pelikula.

A B C D 50. Anong bantas ang ginagamit sa paglalahad ng masidhing damdamin?


a. Kuwit b. Tandang Padamdam c. Tandang Pananong d. Tuldok

Ang ugat ng karunungan ay mapait subalit ang bunga ay matamis. 

Inihanda nina: JAP, JDS at KAT 

You might also like