You are on page 1of 29

9

Filipino
Kwarter I - Modyul 5
Tiyo Simon
(Dula mula sa Pilipinas)

CLIK
CONTEXTUALIZED LEARNING-INSTRUCTION KIT

SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY


Filipino – Baitang 9
Contextualized Learning- Instruction Kit (CLIK)
Kwarter I – Modyul 5: Tiyo Simon (Dula mula sa Pilipinas)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang mga karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda n g mga ito. Walang anumang parte ng
materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Jane D. Altes (Palawan National School)


Pangnilalamang Patnugot: Lorna A. Quiatzon (Palawan National School)
Editor: Lorna A. Quiatzon (Palawan National School)
Tagawasto: Lorna A. Quiatzon (Palawan National School)
Mary Jane D. Altes (Palawan National School)
Tagasuri: Luis R. Mationg EPS - Filipino
Tagaguhit: Patricia Leonor Adorna (Palawan National School)
Tagalapat: Patricia Leonor Adorna (Palawan National School)
Renante G. Nuas (Palawan National School)

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Mabel F. Musa, PhD, OIC-ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS - Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Panlabas na Tagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor
College of Education, Palawan State University

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
9
Filipino
Kwarter I - Modyul 5
Tiyo Simon
(Dula mula sa Pilipinas)

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro at mga program supervisor mula sa mga pampublikong paaralan
ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa. Hinihikayat namin ang
ibang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
puertoprincesa@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa mga Guro:

Inihanda ang modyul na ito upang magamit ng mga guro bilang karagdagang
kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ng modyul na ito na makatulong sa
mga guro upang higit na maibigay ang pagkatutong inaasahan sa mga mag-aaral.
Ang mga gawaing kalakip nito ay ipinapanukalang gamitin ng mga mag-aaral sa
paggabay pa rin ng mga guro. Mahalaga ang gampanin ng mga guro sa
pagpapatupad ng mga gawaing kalakip ng modyul na ito dahil nakasalalay sa kanila
ang ikatatagumpay ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa at inihanda para sa iyo upang ikaw ay mas higit
pang magkaroon ng kaalaman na iyong maaaring magamit sa pagtahak ng
panibagong yugto sa pag-aaral. Sa araling ito, inaasahan na malinang ang iyong
kaalaman at kakayahan na maipaliwanag ang Dula mula sa Pilipinas.

Ang mga babasahin at gawain ay iniangkop sa iyong kakayahan at kasanayan


upang higit na magkaroon ng interes sa pag-aaral ng aralin. Ikaw ay hinihikayat din
ng modyul na ito na makapagbahagi ng iyong opinyon, suhestiyon, reaksyon, at
ideya tungkol sa mga usapin sa paksa.

Ang mga gawain sa modyul na ito ay binubuo ng sumusunod:

Maikling paunang salita tungkol sa modyul,


Alamin paglalahad ng layunin na dapat malaman sa
modyul.

Subukin Paunang pagsusulit upang subukin ang iyong


kaalaman tungkol sa araling tatalakayin.

Balikan Maikling balik-aral sa nakaraang aralin.

Pagpapakilala sa bagong aralin sa paraang


Tuklasin gawain o aktibiti.

Suriin Magbigay ng mga teksto upang higit pang


maunawaan ang aralin.
Pagbibigay ng mga gawain na makatutulong sa
Pagyamanin
paghubog at pagbuo ng konsepto ng aralin.

Isaisip Mga pagbubuod sa impormasyong natutuhan.


Maaaring mga katanungan na magbibigay
kasagutan sa natutuhan sa aralin o modyul.

Isagawa Pagsasagawa ng iyong natutuhan batay sa


modyul.

Karagdagang Karagdagang aktibiti na may kaugnayan sa


Gawain aralin o modyul.

Tayahin Subukin ang iyong sarili kung lubos na


naunawaan ang aralin.

Gabay sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang masining at maagham na
pangggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinakatha at itinatanghal upang
magsilbing salamin ng buhay sa wika. Sa kilos at sa damdamin. Bilang sining,
may layunin itong makaaliw, makapagturo o magbigay ng mensahe, makaantig ng
damdamin at makapukaw ng isip.

Handa ka na? Halina at alamin mo ang nakapaloob sa dula.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,


mapanuring napag-iisip pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan
gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling- akdang
Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Nakapaglalahad ng mga impormasyon sa tulong ng mga pandiwang


nasa panaganong upang magsasalaysay ng makatotohanang
pangyayari.
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO

 Nakabubuo ng kritikal na paghuhusga sa karakterisasyon ng mga


tauhan sa kasiningan ng akda (F9PN-lg-h-43)

 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula


(F9PU-lg-h-45)

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang


estruktura nito (F9PT-lg-h-43)

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan ng mga


mag-aaral ang sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga pahayag na nagbibigay makatotohanang pangyayari


sa dula;

2. Nakikilala ang iba’t ibang panagano ng pandiwa na ginamit sa


pagpapahayag; at

3. Nakalalahad at nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga


tauhan sa akda

1
Simulan mo munang sagutin ang paunang pagsusulit na ito upang sukatin ang
iyong kaalaman sa paksang nakapaloob sa modyul na ito.

Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na
tinutukoy sa bawat aytem.

1. Ano ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha


upang itanghal at magsilbing salamin ng tunay na buhay?
A. Kathambuhay B. Teatro C. Dula D. Sarsuwela
2. Ang pinakalayunin ng dula ay ________sa tanghalan.
A. mabigkas B. maiawit C. maitanghal D. maikwento
3. Uri ng dula na nagtataglay ng malungkot na pangyayari subalit nagwawakas
sa masaya.
A. Saynete B. Melodrama C. Trahedya D. Komedya
4. Ang dula gaya ng ibang akdang pampanitikan ay mula sa __________.
A. likhang-isip C. totoong buhay
B. pagmumuni-muni D. mula sa aklat
5. Nagmula ang dula sa salitang _______ na ibig sabihin ay “drama”.
A. Ingles B. Griyego C. Espanyol D. Katutubo

Tiyo Simon: Dahil sa kapansang ito ng aking paa, boy natutuhan ko ang
tumalikod hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos.Nabasa ko
ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
Pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan, ngunit hindi ako
naging maligaya. Boy, makaramdam ng kasiyahan

Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?

Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin. Nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang
sa mapag-isa ako…

(Pinagkunan: Romulo N. Peralta et al. Panitikang Asyano Filipino 9


Pasig City: Department of Education-Vibal Group Inc.,2015, 65)

2
6. Anong damdamin ang nagingibabaw kay Tiyo Simon dulot ng kanyang
kapansanan?
A. galit B. lungkot C. saya D. takot

7. Ano nag nawala kay Tiyo Simon dahil sa kanyang pag-uugali?


A. kayamanan B. kaibigan C. pamilya D. trabaho

8. Aling pahayag ang maaring makapatatag kay Tiyo Simon?


A. Iwasan ang pagiging bugnutin
B. Daanin mo sa bisyo ang iyong problema
C. Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay
D. Sundin ang pilosopiya na nabasa
9. Ano ang sanhi ng pagtalikod at paglimot ni Tiyo Simon sa Diyos?
A. wala siyang panahon sa Diyos C. sinisisi niya ang Diyos
B. hindi kinikilala ang Diyos D. hindi naniniwala sa Diyos

10. Alin sa mga katangian ang hindi nakikita kay Tiyo Simon dulot ng kanyang
kapansanan?
A. malungkutin B. bugnutin C. walang imik D. masayahin

11.Magsisimba ang pamilya ni Boy sa Linggo. Alin ang pandiwa sa


pangungusap?
A. tuwing linggo B. pamilya C. nagsisimba D. ang

12. Maagang nag-ayos ang ina ng almusal para kay Boy. Anong panlapi ang
ginamit sa salitang may salungguhit?
A. unlapi B. gitlapi C. hulapi D. magkabilaan

13. Alin sa mga salita ang nasa panaganong paturol?


A. nanalig B. tutulungan C. makinig D. sasama

14. Naglalakad si Tiyo Simon malapit sa nasagasaan na bata. Anong aspekto ng


pandiwa ang salitang naglalakad?
A. perpektibo C. kontemplatibo
B. imperpektibo D. perpektibong katatapos

15. Ang salitang ibigay kung babanghayin sa aspektong katatapos ay ________.


A. ibibigay B. ibinibigay C. kabibigay D. ibinigay

Ops! Huwag mabahala kung may naging maling sagot sapagkat gagabayan
ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga ito.

3
Aralin
Tiyo Simon
1 (Dula mula sa Pilipinas)

Isang masayang pagbati! Ito ang huling modyul sa Filipino 9. Sisimulan mo


ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa isang anyo ng
panitikan. Maaalala mo pa kaya?

Natalunton mo na ang daang patungong Indonesia at napag-aralan ang ilan


sa kanilang panitikan na nakaambag sa sarili nating panitikan dahil sa kanilang
sanaysay.
Nailahad at natalakay na ang isang babaing nagnanais na kumawala sa
nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at mamumuhay nang naayon sa
depenisyon niya sa modernong babae.
Kung naunawaan mo ang huling paksa isulat mo nga ang pagkakaiba ng
sinauna at modernong babae.
Gawain: Ihambing Mo, Noon at Ngayon
Panuto: Hanapin o piliin mo sa kahon sa ibaba ang pagkakaiba ng moderno at
sinaunang babae at ito’y isulat sa kahon na nasa ibaba.

Sumusunod sa uso Nagsusuot ng baro’t saya Nagtatrabaho sa opisina


Hinaharana sa bahay Nagpapakulay ng buhok Nagmamaneho ng sasakyan
Pumili ng sariling kurso Walang trabaho Magulang ang pumipili ng asawa

Noon Ngayon

Wow! Batid kong naunawaan mo ang huling paksang natalakay.


Maaari na ba tayong tumuklas ng bagong aralin? Kung gayon tara na!
4
Alamin ko nga muna ang lawak ng iyong kaalaman sa bagong aralin.
Subukin mo ngang sagutin ang gawain sa ibaba.

Gawain A. Amain Ko, Kilalanin Mo


Panuto: Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain na labis mong
hinahangaan. Magsalaysay ng ilang patunay.

Katangian Katangian

1____________________ 4_____________________

2____________________ 5_____________________

3____________________ 6_____________________

Ang Aking Amain

Patunay

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

5
Gawain B. Sagot Mo, I-solve Mo

Panuto: I-solve mo ang mga numero na nasa ibaba at tingnan ang letrang
katumbas nito upang mabuo kung anong uri ng dula ang paksang iyong babasahin.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.

9 6 13 4 8 5 7

A D E L M O R

1. 4+4 = ______ 6. 2X3+1 = ______

2. 4X2+5 = ______ 7. 2+3+4 = ______

3. 8 - 4 = ______ 8. 4X2 = ______

4. 10 - 5 = ______ 9. 5X2-1 = ______

5. 3X2 = ______

Ano ang nabuo mong salita? Ano sa palagay mo ang kaugnayan nito sa
aralin na nakapaloob sa modyul na ito?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Magaling! Hayan nakapagbigay ka ng sagot sa bawat gawain. Tuloy na


tayo sa pagsuri sa akda.

6
May mga dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao dahil sa galaw at
pagbabago rin ng mundo. Dumarating ang isang pagkakataon o isang bagay na
hindi man inaasahan. Halina’t alamin ang naiibang kwento ni “Tiyo Simon” Paano
binago ng bata ang kaniyang paniniwala? Bakit ito dulang melodrama.

Basahin mo ito nang may pang-unawa!

Tiyo Simon
ni N.P.S. Toribio

Mga Tauhan:

Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang


gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga
paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na
relihiyosa.

Boy-pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang

Ina—ina ni Boy

Oras - umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw.

Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan


ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa
pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking
larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal. Sa tabi ng
nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa
kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.

Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina.


Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang
kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak,
saka ngingiti.)

INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang
magbibihis.

BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!

INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At


anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na
pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon...

7
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... patawarin ako ng Diyos.

BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na


lamang ako kay Tiyo Simon...

INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento?


Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?

BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...

INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap


sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.

BOY: Pero...

INA: Husto na sabi, e!

(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay,


palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y
makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)

INA: (Paungol) Uh... sino ‘yan?

TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong…

(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang


kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)

TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si
Boy...

BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito.
Hindi ako sasama kay Mama.

INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin


mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa
simbahan...

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang


papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.)

TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa


simbahan, Boy. Kung gusto mo… kung gusto mong
isama ako ay maghintay kayo at ako’y
magbibihis...magsisimba tayo.

(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo


Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay namangha
rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang
natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)

8
INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang
sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa
Diyos...

BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon, sasama rin ako.

INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung
hindi ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat
hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid
na iyon ng iyong ama na isa ring...

(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata.


Magmamalas laman si Boy.)

INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang


nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa
simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y
magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na...

(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi


pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon
sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kanyang mukha, pasasayahin ito, at
saka tutunguhin ang pinto.)

INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna
kayo ni Boy, kuya...

(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad


tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad,
naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)

TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling


mangawit, mahina ang katawan at... (biglang matitigil nang
mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may
kapansanang paa. Matatawa.)

BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na
iya’y parusa ng Diyos?...

TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?

BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala
sa Diyos. Hindi raw kasi...
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako
naniniwala sa Diyos...

BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin
kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?

9
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay
nahindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga
bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa
sariling pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na
ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.

BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...

TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay.
Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong
Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala
ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging
maligaya.

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga


alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na
kamapana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng
batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kanyang may
kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).

TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong
tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko
ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi
ako naging maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.

BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...

TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang
sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin
ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.

BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...?

(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan.


Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)

TIYO SIMON: ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya
noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan
niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y
nasagasaaan...nasagasaan siya. Nadurog ang kanyang binti,
namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako
noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang
lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang
mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa
kamatayan...

BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon?

10
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang
pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang
damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at
nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng
pagkadurog ng Kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya
ay walang kamatayan...

(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si


Boy. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas,
mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling
magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)

TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang
pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi
inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa
akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang
hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking
tinandaan sa isip: kailangan ngisang tao ang pananalig kay
Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng
kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may
makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa
buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling


yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)

INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa.


Hinahanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya

BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na


Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli,
tayo na!

(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si


Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong
magiging malakas, habang bumababa ang tabing).

11
Karagdagang Kaalaman

Dula - isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng


pananalita, kilos at galaw ng isipan ng may akda. Gaya ng panitikan karamihan sa
mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. Nahango ito sa salitang
Griyego na “drama” na nangangahulugang gawain o ikilos
Melodrama o “soap opera”- kasiya-siya rin ang wakas nito bagamat ang uring ito’y
may malungkot na bahagi.
(Pinagkunan: Romulo N. Peralta et al. Panitikang Asyano Filipino 9. Pasig City: Department of
Education- Vibal Group Inc.,2015, 62- 66.)

Retorika

Matapos mong mapag-aralan ang mga pangyayari sa dulang


“Tiyo Simon”,hinihikayat kitang basahin ang kasunod na teksto. Subukin mo
namang alamin kung paano nakatulong ang pandiwang panaganong paturol
upang mapalutang ang mensahe sa tekstong nagsasalaysay.

Basahin mo at suriin ang mga salitang may salungguhit sa talata.

Kapag Naisahan Ako ng Aking Diyos


ni Raquel E. Sison-Buban

Madalas kong kontrolin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay ko


dahil ayokong-ayokong pumalpak. Kasi takot akong mawala at mawalan.
Takot akong mawala sa sirkulasyon ng dati nang nakagawiang ritmo ng
buhay. Takot din akong mawalan nang ini-enjoy na pribilehiyo at istatus sa
buhay, Kaya gusto kong kontrolado ko ang lahat ng bagay sa aking buhay.
Madalas ko ring makita ang sarili kong walang kontrol - lalo na kapag
ginagawa ko ang isang bagay na gustong-gusto kong mapasaakin; maging
materyal man o hindi. Bunga ng mga ito, madalas mangyari sa akin ang mga
labis kong kinakatakutan; ang pumalpak, ang mawala at mawalan
Madalas matuklasan na ang may pakana at may kagagawan ng lahat ng
ito ay ang aking Diyos. Sa likod ng lahatt ng mga pangyayaring ito sa aking
buhay ang aking Diyos ang siyang nanggugulo sa akin sukat masira ang lahat
ng plano ko sa buhay. Sa tuwing, ako’y nadidismaya sa kapalpakan ng isang
plano, madalas kong naisip na, “Naisahan na naman ako ng aking Diyos”.

12
Alam mo Ba?

Tahasang sinasabi ng pandiwang panaganong paturol ang kilos na


ipinahahayag nito? Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naapektuhan ng
tagaganap ang ipinahahayag ng kilos ng pandiwa. Lahat ng uri ng pandiwa ay
nababanghay para sa aspekto.

Panaganong Paturol - tumutukoy sa panagano ng wika kung saan nagbabago


ang anyo ng wika batay sa aspekto ng pandiwa. Ito ay mga salitang- ugat na
maaring kabitan ng mga panlapi.

Perpektibo (Pangnagdaan/Naganap) - ang salitang kilos ay nangyari o tapos


na.
Imperpektibo (Pangkasalukuyan/Nagaganap) - ang mga salita o kilos ay
kasalukuyang nagaganap o nangyayari o palaging ginagawa.

Kontemplatibo (Panghinaharap/Magaganap) - ang mga salita o kilos ay hindi


pa nangyayari. Ito ay magaganap o mangyayari sa hinaharap.

Perpektibong katatapos - nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka-


pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat + salitang-ugat.

(Pinagkunan: Romulo N. Peralta et al. Panitikang Asyano Filipino 9. Pasig City:


Department of Education-Vibal Group Inc.,2015, 70.)

Halimbawa ng pagbabanghay ng mga salita:

Salitang-ugat Panlapi Neutral/Pawatas


Awit um- umawit
Laro mag- maglaro
Tanggap ma- matanggap
Sabi -hin sabihin
Bigay i- ibigay

Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibong Katatapos

umawit umaawit aawit kaaawit


naglaro naglalaro maglalaro kalalaro
natanggap natatanggap matatanggap katatanggap
sinabi sinasabi sasabihin kasasabi
ibinigay ibinibigay ibibigay kabibigay

Nasusundan mo ba? Yan ang tamang pagbabanghay ng mga salita kapag nasa
aspekto na ng pandiwa. Para mas mapalawak ang iyong kasanayan isagawa mo
ang susunod na gawain.

13
Natamo mo sa bahaging Suriin ang mga sapat na kaalaman tungkol sa aralin.
Ngayon naman, paigtingin mo ang iyong kaalaman at pag-unawa ukol sa Dula
“Tiyo Simon” at panagano ng pandiwa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga
gawaing magpapatunay sa mga ito. Inaasahang mauunawaan at masasagot mo
ang mga tanong at magagawa mo ang mga gawaing may kaugnayan dito.
Gawain 1: Talasalitaan, Bigyang Kahulugan

Panuto: Piliin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng salita na nasa Hanay A.


Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____1. Araw ng pangingilin a. namatay
_____2. Namatay na hindi nakapag-Hesus b. pananampalataya
_____3. Sumakabilang-buhay na c. pagsimba
_____4. Naulinigan kong may itinutol siya d. nabendisyunan
_____5. Kailangan ng pananalig e. matibay
f. narinig
Gawain 2: Retorika, Kilalanin

Panuto: Bilugan mo ang pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin mo ang


aspekto nito. Piliin sa kahon ang maaring mong maging sagot.

a. perpektibo c. kontemplatibo

b. imperpektibo d. perpektibong katatapos

____1. Ang mga Pilipino ay nag-alay ng dasal sa mga yumao dulot ng COVID-19.

____2. Mamimigay ng pagkain ang DSWD sa mga apektadong mamamayan.

____3. Kabibigay lang ng panukala upang umiwas sa nakamamatay na bakterya.

____4. Ang aming pamilya ay kumakain ng prutas para lumakas ang resistensiya.

____5. Umaasa pa rin ang mga Pilipino na may solusyon sa COVID-19.

14
Gawain 3: Opinyon mo, Ihahayag Mo

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Ipaliwanag ang sagot.

1. Ano ang malaking impluwensya ng pangunahing tauhan kay Boy?


Patunayan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa


pagbabalik-loob niya sa Diyos?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Kapani-paniwala ba ang mga pangyayaring inilahad sa dula? Tukuyin ang


pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan sa akda?
Patunayan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

4. Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita sa pagsasabing, “Iniisahan ako ng


aking Diyos?”
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Naniniwala ka bang parusa ng langit ang mga pagsubok na mararanasan


ng tao? Patunayan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

15
Hayan…dahil nasagot mo na ang gawain na nasa unahan ibubuod mo
ang iyong natutunan sa bahaging ito.

Gawain: Buod-Kaalaman
Panuto: Unawain mong mabuti ang tanong at ipaliwanag nang malinaw ang
sagot.

1. Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas


siya ng mga kabiguan sa buhay? Pangutuwiranan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ibigay ang mensahe ng akda sa mga mambabasa.

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Bilang paglalagom sa iyong ginawa, buuin mo ang sumusunod na


pangungusap.

a. Natutuhan ko na ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto, ito ay ang

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

b. Natutuhan ko rin na mahalagang tama ang paggamit natin sa mga

panaganong paturol dahil

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

16
Gawain: Repleksiyon Ko, Ihahayag Ko

Panuto: Matapos mong mabasa at masuri ang akda, sagutin ang sumusunod na
tanong.

Ano ang iyong


nadama?

Ano ang binago


nito sa iyong
pag-uugali?

Bakit mo ibabahagi
sa iba na basahin ito?

Mahusay ang ipinakikita mong sigasig upang matutuhan at maunawan


ang aralin sa modyul na ito. Upang subukin kung naunawaan mo ang
mahahalagang konsepto na dapat mong matamo.

17
Gawain: Ikuwento Mo

Panuto: Magsalaysay ng sariling karanasan o karanasan ng iba na may


kaugnayan sa salitang nasa ibaba. Isalaysay kung anong pangyayari o
pagkakataon ang nagtulak sa iyo o sa iba na magbagong-buhay. Salungguhitan
ang mga salitang nasa panaganong paturol. Gawing batayan ang rubriks sa
pagsulat.

Rubriks sa Pagsulat

Krayterya 3 2 1

Magkakaugnay ang Kakikitaan nang Medyo may Hindi masyadong


nilalaman malinaw ang kaunting malinaw ang mga punto
mga punto ng kalinawan ng nilalaman
nilalaman ang mga
punto ng
nilalaman

Kaangkupan sa paksa May Medyo may Walang kaangkupan sa


kaangkupan sa kaangkupan paksa
paksa sa paksa
Hindi
May wastong gamit ng Mahusay ang gaanong Hindi nagamit nang
mga salita gamit ng salita nagamit nang maayos ang salita
maayos ang
salita
Malinis at maayos ang Malinis at Malinis
pagkakagawa maayos ang subalit hindi Hindi masyadong malinis
nilalaman at maayos ang at maayos
pahayag sa nilalaman at
sitwasyon pahayag sa
sitwasyon

18
Pagbabagong-buhay

Mahusay! Natutuwa akong naibahagi mo ang iyong karanasan sa


pamamagitan ng karagdagang gawain.

19
Nasusundan mo ba? Kung oo atin nang tayahin kung nakamit mo ba
layunin ng ating aralin.

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng


tamang sagot sa bawat aytem.

1. Alin ang pandiwa sa kasunod na pangungusap? Magsisimba ang pamilya ni


Boy sa Linggo.
A. tuwing Linggo B. pamilya C. magsisimba D. ang

2. Anong panlapi ang ginamit sa pangungusap na, Maagang nag-ayos ang ina
ng almusal para kay Boy.
A. ayos B. nag- C. mag- D. i-
3. Alin sa mga salita ang nasa panaganong paturol?
A. nanalig B. tutulungan C. makinig D. sasama

4. Naglalakad si Tiyo Simon malapit sa nasagasaan na bata. Anong aspekto ng


pandiwa ang salitang naglalakad?
A. perpektibo C. kontemplatibo
B. imperpektibo D. perpektibong katatapos

5. Ang salitang ibigay kung babanghayin sa aspektong katatapos ay ______.


A. ibibigay B. ibinibigay C. kabibigay D. ibinigay

6. Ano ang sining ng pangggaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha


upang itanghal at magsilbing salamin ng tunay na buhay?
A. Kathambuhay B. Teatro C. Dula D. sarsuwela
7. Ang pinakalayunin ng dula ay ________sa tanghalan.
A. maibigkas C. maitanghal
B. maiawit D. maikwento

8. Uri ng dula na nagtataglay ng malungkot na pangyayari subalit nagwawakas


sa masaya.
A. Saynete B. Melodrama C. Trahedya D. Komedya

9. Ang dula gaya ng ibang akdang pampanitikan ay mula sa __________.


A. likhang-isip C. totoong buhay
B. pagmumuni-muni D. mula sa ibang aklat

10. Nagmula ang dula sa salitang _______ na ibig sabihin ay “drama”.


A. Ingles B. Griyego C. Espanyol D. Katutubo

20
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, boy natutunan ko ang
tumalikod hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos.Nabasa ko
ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
Pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan, ngunit hindi ako
naging maligaya. Boy, makaramdam ng kasiyahan

Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon…?

Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin. Nawalan ako ng mga kaibigan,
hanggang sa mapag-isa ako…

(Pinagkunan: Romulo N. Peralta et al. Panitikang Asyano Filipino 9. Pasig City: Department
of Education-Vibal Group Inc.2015. 65)

11. Anong damdamin ang nagingibabaw kay Tiyo Simon dulot ng kanyang
kapansanan?
A. galit B. lungkot C. saya D. takot

12. Ano ang nawala kay Tiyo Simon dahil sa kanyang pag-uugali?
A. kayamanan C. pamilya
B. kaibigan D. trabaho
13.Alin ang pahayag na maaring makapatatag kay Tiyo Simon?
A. Iwasan ang pagiging bugnutin
B. Daanin mo sa bisyo ang iyong problema
C. Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay
D. Sundin ang pilosopiya na nabasa

14. Ang sanhi ng pagtalikod at paglimot ni Tiyo Simon sa Diyos ay dahil


sa_______.
A. wala siyang panahon sa Diyos C.sinisisi niya ang Diyos
B. hindi kinikilala ang Diyos D.hindi naniniwala sa Diyos

15. Alin sa mga katangian ang hindi nakikita kay Tiyo Simon dulot ng kanyang
kapansanan?
A. malungkutin C. bugnutin
B. walang imik D. masayahin

Binabati kita at matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa


modyul na ito. Natugunan mo ang lahat ng gawaing inilaan sa iyo.

21
Aklat

Peralta, Romulo N., Donabel C. Lajarca, Eric O. Carińo, Aurora C. Lugto, Mary
Grace A. Tabora, Sheila C. Molina, Julieta U. Rivera, Jocelyn C. Trinidad,
Lucelma O. Carpio, at Vilma C. Ambat. Panitikang Asyano Modyul ng
Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City: Department of Education - Vibal Group
Inc., 2015

22
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLIK Modyul na ito. Hangarin
nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang modyul na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang modyul na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY


Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo
at pagkatuto ng inyong anak gamit ang modyul na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number: __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng Modyul:

Petsa ng Pagbalik ng Modyul:

Lagda ng Guro:

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Division of Puerto Princesa City


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
(02) 634-1054 o 634-1072
puertoprincesa@deped.gov.ph

24

You might also like