You are on page 1of 11

PANGALAN:_____________________________________

8
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter III – Linggo 2
Pagtukoy sa mga Salitang
Ginagamit sa Impormal
na Komunikasyon

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 2: Pagtukoy sa mga Salitang Ginagamit sa Impormal na
Komunikasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Girlie P. Macmac
Pangnilalamang Patnugot: Jonalyn F. Pedigan
Editor ng Wika: Evelyn D. Peralta
Tagawasto: Girlie P. Macmac
Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B. Dongor
at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora
Tagalapat: Maricel A. Zamora
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal
na Komunikasyon
MELCs: Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan
sa paksa (F8PT-IIIe-f-31);
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita, komentaryo at iba pa (F8PU-IIIa-c-30); at
Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). (F8WG-IIIa-c-30)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang tamang letra sa puzzle na may kaugnayan sa paksa.
2. Natutukoy ang mga bahagi ng editoryal.
3. Nagagamit ang wastong mga salita sa impormal na komunikasyon.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan na may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang karaniwang may palit koda o halong koda na ibig sabihin pinaghahalo sa
pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles?
A. pormal B. balbal C. kolokyal D. banyaga
2. Ano ang wikang hiram at walang katumbas na literal na kahulugan sa isang wika?
A. banyaga B. kolokyal C. balbal D. pambansa
3. Alin sa sumusunod na salita ang hindi mauuri sa antas na balbal?

A. olats B. yosi C. ewan D. sikyo


4. “Natawa ang utol ko dahil sa aking sambakol na mukha at alam na niya ang kasunod
na sasabihin ko ng bilmoko.” Sa pahayag na ito, sa anong orihinal na salita
nanggaling ang may salungguhit na salita?

A. bil na ako B.bilhin mo ako C. ibili mo ako D. bibili ako


5. “Sundin mo ____________ ang payo ng iyong magulang upang di ka mapahamak.”
Anong angkop na salitang kolokyal ang maaaring ipuno sa patlang?
A. sana B. kako C. nga D. na

Panuto: Iguhit ang J kung tama ang pangungusap at L naman kung mali. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
__________6. Balbal ang tawag sa mga salitang hiram o walang literal na salin sa isang wika.

__________7. Ang mga salitang pinaikli at karaniwang naririnig na palasak sa araw-araw na


pananalita ay mauuri sa antas na banyaga.

1
__________8. Ang mga salitang nalilikha lamang at naririnig sa kalye na mga salita ay
tinatawag ding balbal.
__________9. Kung ang banyagang mga salita ay karaniwang hiram at walang salin sa
Filipino ang kolokyal naman ay mga salitang pinaikli ang kahulugan.
__________10. Ang lahat ng mga salita ay mauuri lamang sa di-pormal o impormal na antas.

Ating Alamin at Tuklasin

Ang ating panitikan ay mayaman sa mga salitang nagpapahayag ng


iba’t ibang damdamin, ideya o kaisipan na maaaring mauri sa kaantasan
ng mga salita. Sa tulong ng mga antas ng salita na ito, higit na
nagkakaunawaan ang bawat mamamayan sa isang pangkat o lahing
kinabibilangan.

Baul ng Kaalaman Neneng, pakeman ako kung Een Doy, may


abuat mo ren imong takdang- abuat ako
Antas- kalagayan o uri aralin sa komunikasyon? ren.
ng isang salita
Impormal- hindi
naaayon sa takda,
opisyal o kinagawian

Komunikasyon-
paraan o proseso ng
pagpapahayag, palitan
ng ideya o damdamin

Sana ay lubusan mong naunawaan ang patungkol sa mga babasahin na may


kaugnayan sa panitikang popular at ang responsableng paggamit ng mga aplikasyon
gamit ang mga makabagong teknolohiya. Ngayon naman ay simulan na natin ang pag-
aaral tungkol sa paggamit ng impormal na mga salita.

Basahin at suriin ang teksto na nasa ibaba.

Biskuwit
ni Asuncion B. Bola
Isang blockbuster ang pelikula n’on. Maraming manonood. ‘Yan ang Pinoy.
Kabilang na kami ng utol kong manonood. Unta adlaw kami manonood kaya lang wala
ang titser namin ngayon kaya maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan, naghihintay
sa aking utol na sinundo pa ng aking ina sa aming tahanan. Mas maganda kasing
manood sa sinehan kaysa sa mga PC, tablet o TV.

2
Habang naghihintay, naisipan ko muna magbasa sa wattpad at tumabi ako sa
nakaupong lespu na abala sa kanyang cp sa pag-tetext. Maya-maya nakaramdam ako
ng pagkalam ng aking sikmura kaya kumuha ako ng isang pirasong biskuwit na nasa
aking tabi. Nilingon ako ng lespu at kumuha rin siya. Diri naman sanang problema kung
ginhatag ko sa kaniya o kumuha siya. Kaya lang napansin ko na sa bawat pagkuha ko
ng biskuwit kumukuha rin siya hanggang isa na lang ang natira. Aba, gusto pa niyang
kunin. Inunahan ko nga siya, sabay tayo at irap ang ginawa ko. Ngumiti lang ang lespu.
“Infairness” sabi ko sa sarili, mabait din naman siya.
Sa wakas natanaw ko na rin sina utol at kasama pa ni Ina ang kanyang mga
kaututang-dila. Ang mga gurangers talaga nakikiuso rin manood kina Piolo at Sarah.
Ikinuwento ko sa aking utol ang nangyari habang papasok sa loob. Inginuso ko sa
kaniya ang alaws hiyang lespu na abala pa rin sa pag-tetext. Natawa ang utol ko dahil
sa aking sambakol na mukha at alam na niya ang kasunod na sasabihin ko ng bilmoko.
Di niya pinansin ang aking paglalambing kaya pumasok na kami ang inis at galit ko ay
nawala nang magsimula ang palabas. Ang lahat ay natahimik.

Hanggang sa humantong ang usapan sa pagbabalik ni Gino at Trixie.


“Puwede ba wag mo na akong patayin muli…“ Naluluha ako sa usapang ito kaya
naisipan kong kunin ang dala kong panyo ngunit iba ang nakapa ko sa aking bag. OMG!
Ang biskuwit na pinagtripan ng lespu kanina ay nasa bag ko pala. Napatawa ako nang
malakas na ikinagulat ng aking mga katabi.
Sa gitna ng drama ako’y tumatawa. Hiyang-hiya ako sa aking sarili.
(Pinagkunan: Marilyn S. Api-it et al, Panitikang Rehiyunal 7 Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig
City: Department of Education- Bloombooks Inc, 2020, 96-97.)

Di-Pormal o Impormal na Salita- wikang ginagamit ng karamihang tao sa araw-araw.


Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang.
Tinatanggap dito ang mga tonong kombersesyonal at ang paggamit ang mga panghalip
na “ako” at “mo.”
Mga Uri ng Di- Pormal o Impormal na Salita
1. Balbal- wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang
antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha.
Mga halimbawa: lespu, ermat, erpat, boga, toma.
2. Kolokyal- antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap. Pagpapaiksi ng mga salita o grupo ng mga
salita. Karaniwang may palit koda (code switching) o halong koda (mixed
switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at
Ingles.
Mga halimbawa: pinoy, nasan , penge, diba, antay

3. Banyaga- mga salitang hiram sa ibang wika na walang salin sa wikang Filipino.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham at
simbolong pangmatematika.
Mga Halimbawa: cañao, xerox, H2O, photosyntheses, decimal
(Pinagkunan: Marilyn S. Api-it et al, Panitikang Rehiyunal 7 Kagamitan ng Mag-aaral, Pasig
City: Department of Education- Bloombooks Inc, 2020, 98-99.)

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang letra ang puzzle upang mabuo ang mga salita na may kaugnayan
sa paksang binasa.
1.

Pababa:
1. Iba pang katawagan sa kapatid
2. Alagad ng batas na kung tawagin din ay 3. 2. 6.
parak 5.
3. Cellphone- sa anong antas ng wika ito
mauuri?
Pahalang:
4. Balbal na salita ng wala
5. Wika na madalas sinasalita sa lansangan-
6. Daglat ng “Oh My God!”
4.

Gawain 2

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na depinisyon ng mga bahagi ng editoryal sa


Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_______ 1. Bahaging nagbibigay-diin sa kuru-kuro ng A. simula
patnugot o pahayagan
B. katawan
_______ 2. Pangalan o ulo ng balita
C. pamagat
_______ 3. Pinakadiwang bahagi ng editoryal D. editoyal
_______ 4. Pambungad na pagtalakay sa isang sinusuri E. dokumentaryo
_______ 5. Nagbibigay-kahulugan sa mga balitang F. katapusan
nalalathala

Ano ang kahalagahan ng di-


pormal o impormal na salita sa
ating pakikipagtalastasan?

4
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Salungguhitan ang mga salitang impormal na ginamit sa loob ng pangungusap.


1. Isang blockbuster ang pelikula n’on. Maraming manonood.
2. Sa wakas natanaw ko na rin sina utol at kasama pa ni Ina ang kanyang mga
kaututang-dila.
3. Natawa ang utol ko dahil sa aking sambakol na mukha at alam na niya ang
kasunod na sasabihin ko ng bilmoko.
4. Ngumiti lang ang lespu. “Infairness” sabi ko sa sarili, mabait din naman siya.
5. Inginuso ko sa kaniya ang alaws hiyang lespu na abala pa rin sa pag-tetext.

Gawain 2

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na di- pomal o impormal na salitang maaaring
ipuno sa loob ng usapan.

ermat oks bagets alaws don

stalagmite Underground River Butterfly Garden


s

Hanep sa Ganda, Puerto Princesa


Thor: Kamusta ka na Rhesta? Nag-enjoy ba si 1._______________ mo sa naging tour ninyo?
Rhesta: 2.__________ naman kami medyo napagod lang ng kaunti pero ang saya namin
kasi sobrang ganda pala ng 3.___________________________________. Nagustuhan talaga ni
nanay ang pangako ko na ipasyal siya.
Thor: Ay! oo naman talagang maganda 4._____________. Narating ko na rin iyon eh!
Rhesta: Nakamamangha talaga ang mga formation ng stalactite at 5.____________________.
Thor: Tama ka! Nakita mo ba doon si Sharon Stone, iyong Holy Family, mukha ni Papa
Jesus at market section na mga hugis ng bato?

5
Resta: Oo naman kitang-kita ko talaga ‘yong mga yun at saka may malaki pang bayawak,
mga ahas at mga paniki sa loob ng kuweba. Malinis din ang kanilang mga dalampasigan
at infairness sobrang ganda ng kanilang karagatan.
Thor: Ehem! Sinabi mo pa. Tapos masasarap din ang mga pagkain diba? Higit sa lahat
mababait ang mga mamamayan nila.
Rhesta: Ay oo! Grabe talaga 6. ____________ na talaga akong masabi sa ganda ng Puerto
Princesa kundi hanep sa ganda.

Paano mo gagamitin sa tamang


pamamaraan ng pakikipagtalastasan
ang mga salitang di-pormal o
impormal?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang pahayag.

DUDUGTUNGAN KO!
Ang 1. _________________________________ ay wikang ginagamit ng karamihang tao
sa araw-araw na bokabularyo at ang mga pangungusap ay maiiksi lamang. Ito ay may
2. ___________________ kombersesyonal at maaaring gumamit ng mga panghalip na “ako”
at “mo”. Mayroong itong mga uri at ilan sa mga ito ay ang 3. __________________________
na ginagamit sa lansangan at maituturing na pinakamababang antas ng wika. Ang
4.__________________________ ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipag-usap at ang 5. ____________________________ na mga salitang
hiram sa ibang wika na walang salin sa wikang Filipino.

6
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan na may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang wikang ginagamit sa lansangan o kalye at madalas ay karaniwang likha


lamang?
A. lalawiganin B. kolokyal C. balbal D. banyaga

2. Ano ang karaniwang may palit koda o halong koda na ibig sabihin pinaghahalo sa
pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles.
A. kolokyal B. balbal C. banyaga D. pormal

3. Alin sa sumusunod na salita ang mauuri sa antas na balbal?


A. ala eh! B. carbon dioxide C. ewan D. erpat

4. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga kolokyal na salita, alin ang hindi kabilang
sa pangkat?
A. nasan B. kelan C. musta D. doon

5. “Natawa ang utol ko dahil sa aking sambakol na mukha at alam na niya ang
kasunod na sasabihin ko ng bilmoko.” Sa pahayag na ito, sa anong orihinal na
salita nanggaling ang may salungguhit na salita?
A. ibili mo ako B. bil na ako C. bilhin mo ako D. bibili ako

Panuto: Piliin ang sa loob ng kahon ang angkop na di-pormal o impormal na salitang
maaaring ipuno sa loob ng usapan.

A. facebook D. antay
B. utol E. kelan
C. arat F. erpat

Ana: Hello! Kamusta na? 6.)_________________ na pasyal na tayo sa SM at kumain doon.


Rhea: Naku! Hindi ako pinayagan ni 7.)____________________ dahil sa tumataas na kaso ng
COVID ngayon.
Ana: Halaaa ganun… oo nga pala. Nabasa ko sa newsfeed ko sa 8.)_________________ ko
kanina. Parami nang parami ang local transmission ngayon.
Rhea: 9.)____________________ kaya matatapos ang pandemyang ito? Gustong-gusto ko
nang lumabas para sa mamasyal at pumasok sa paaralan.
Ana: Kaya nga, nasasabik na akong pumasok. 10.)_____________________ na lang tayo kung
kalian babalik sa normal ang lahat.

7
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin Ating Subukin
Gawain 1 1. C
Gawain 1 2. A
Pababa: 1. blockbuster, non 3. C
2. utol 4. C
1. UTOL 5. B
3. utol, bilmoko
2. LESPU 4. lespu “infairness” 6. L
5. alaws, lespu, pagtetext 7. L
3. BANYAGA 8. J
GAWAIN 2 9. J
Pahalang:
1. ermat 10. L
4. ALAWS
2. oks
5. BALBAL 3. Underground River
4. don
6. OMG Ating Tayahin
5. stalagmites
1. C
6. alaws 2. A
Gawain 2
Ang Aking Natutuhan 3. D
1. F 4. D
2. C 1. di-pormal o 5. A
3. B impormal na salita 6. arat
4. A 2. tonong 7. erpat
5. D 3. balbal 8. facebook
4. kolokyal 9. kelan
5. banyaga 10. antay

Sanggunian

Aklat
Api-it, Marilyn S., Ma. Teresa P. Barcelo, Asuncion B. Bola, Christopher G. Francisco,
Nemia G. Gajo, Ernesto U. Natividad Jr. Geraldine V. Nones, Kent Mike S.A. San
Juan, Jocelyn C. Trinidad at Bennedick T. Viola Panitikang Rehiyunal 7 Kagamitan
ng Mag-aaral, Pasig City: Department of Education- Bloombooks Inc. 2020.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like