You are on page 1of 10

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER -WEEK 2

Pangalan:_____________________Baitang/Seksyon:_____________Iskor:_____
Asignatura: FILIPINO 8 Guro: _________________________Petsa: ________

I. Pamagat ng Gawain: WIKA NG KABATAAN, ATING PAKINGGAN!

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa sa konsepto


Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)
III. MELCs:
 MELC 3: Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika
ng kabataan. (F8WG-IVa-b-35)
 MELC 4: Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.
(F8PN-IVc-d-34)

IV. Layunin:

1. Natutukoy ang iba’t ibang wika ng kabataan at kahalagahan nito.


2. Nailalahad ang halaga ng wika ng kabataan.
3. Naiisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa aralin.
4. Nakasusulat ng Spoken Word tungkol sa saloobin sa isang paksa gamit ang
wika ng kabataan.

V. Mga Sanggunian:
Print Material/s:
 Mondragon et. al. (2015), Florante at Laura Binagong Edisyon, pp.22-29

Online Resource/s:
 Stodocu, Kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa
kasalukuyang panahon, April 23, 2021
 https://www.studocu.com/ph/document/far-eastern-university/komunikasyon-
sa-akademikong-filipino/other/kalagayan-o-sitwasyon-ng-wikang-filipino-sa-
mga-kabataan-sa-kasalukuyang-panahon/8674134/view

VI. Pagpapaunawa ng Konsepto

Napakahalaga ang wika sa pang-araw-araw na aspekto ng buhay. Wika ang


ginagamit natin upang tayo’y patuloy pa ring konektado sa mundong ating

1
ginagalawan. At sa pagpasok ng modernong panahon kung saan laganap ang
paggamit ng teknolohiya kagaya ng social media, pagcha-chat sa messenger at iba
pang messaging applications, pagtetext sa cellphone at iba pa gamit ang mga
gadgets, di natin maitatangging karamihan sa ating mga Pilipino lalo na sa mga
kabataan ay naiimpluwensiyahan mula sa mga ito at tayo’y pilit ding umaangkop,
nakikibagay at nakikisabay sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran
lalong-lalo na pagdating sa wika.
Patunay dito ang mga salitang nalilikha sa modernong panahon tulad ng
jejemon, taglish, gay lingo, mga acronym, mga salitang baliktad, mga salitang
umusbong dahil sa memes, mga salitang nagsilabasan sa mundo ng social
media at iba pang mga salitang ginagamit ng mga kabataan ngayon na
kalimitang ginagamit sa text, sa chat, sa iba’t ibang social media platforms upang
maihayag ang kanilang saloobin sa paggawa o pagbuo ng memes, mensahe, rap,
fliptop, spoken word at pick-up lines o hugot lines.
Madalas ginagamit ang fliptop, spoken poetry at hugot lines. Ang fliptop ay
ang palitan ng salita ng magkabilang panig. Itinuturing itong makabagong
balagtasan na kung saan ang palitan ng salita ay patula.
Halimbawa:
Juana: Lodi! alam mo ba bang puso’y dapat sundin?
Upang matuwa ang iyong mamahalin!
Alam mo bang dapat ito’y di susuwayin?
Subukan mo’t sa sakit ika’y papatayin!

Maria: Aba! Aba! Sist! Alam mo bang isip ang pinakamahalaga?


Dahil mas mataas ito sa puso ah
Isip pa rin ang may alam ng lahat
Puso minsan ay salat

Ang Spoken Word naman ay tula na hindi kailangang magkakatugma,


ngunit may mga bahaging magkakatugma upang mabigyang-diin ang nais
iparating.

Halimbawa:
WALA NGA PALANG TAYO
Tayo,
Tanging apat na letra para lang mabuo,
Anes nga ba tayo?
Teka wala nga palang tayo ang meron lang ay ikaw at ako.

May mas masakit pa ba ‘pag nakita kitang may kasamang iba?


Sa silong ng puno ng mangga makikita kitang masaya kasama siya?
May mas masakit pa ba mahal ko?
Ngayong naaalala ko na namang wala nga palang tayo.

Luvz, ipagmaumanhin mo
Ipagpaumanhin mo ako nang matapos ko na ‘tong tulang ito,
Dahil napapagod at nadudurog na ako
Sa bawat sambit ko ng katagang “WALA NGA PALANG TAYO”

2
Samantalang ang Hugot Lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga
pangungusap na nabuo mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan na
kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig. Kalimitan ito’y balbal o pang-aliw sa
mga diskurso.

Halimbawa:
Lodicakes! Pustiso ka ba?
Kasi I can’t smile without you!

Ang mga salitang ito na nalilikha sa modernong panahon ay tinatawag na


wika ng kabataan.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wika ng kabataan:


 Werpa – na ang ibig sabihin ay power
 Lodicakes – na ang ibig sabihin ay idol
 GG – na ang ibig sabihin ay good game
 Sinetch – na ang ibig sabihin ay sino
 Wer na u – na ang ibig sabihin ay nasaan ka na
 Mixz n kta – na ang ibig sabihin ay miss na kita
 Yarn – na ang ibig sabihin ay ‘yan

Ang wika ng kabataan ay mga salitang maaari ring gamitin upang mailahad
ang damdamin o saloobin ng may-akda ng pinag-aaralang akda. Upang lubusang
maunawaan ang nais iparating sa atin ng may-akda, kailangan nating matukoy ang
mga mahahalagang pangyayaring nakapaloob dito. Sa pamamagitan nito lubos
nating mauunawan ang saloobin o damdaming nais ipabatid sa atin ng awtor mula
sa kanyang akda. Ang saloobin o damdamin ay ang mga kabatirang nais
iparating sa atin ng may-akda. Ito ang kanyang mensahe na mababasa mula sa
kanyang akda na nais niyang ipabatid sa atin.
Napakahalagang malaman ang paraan sa pag-unawa ng aralin lalong-lalo na
sa pag-aaral ng Obra Maestrang: Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Sa
kadahilanang ang awit na ito ay punong-puno ng aral.
Ating tuklasin ang mga nais iparating sa atin ni Balagtas sa bahaging Kay
Selya at Sa Babasa Nito. Malalaman natin ang mensaheng handog ni Balagtas kay
Selya at kung sino nga ba si Selya sa kanyang buhay. Ipaparating din sa atin ni
Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito” ang kanyang tagubilin sa lahat ng
magbabasa ng kanyang aklat na Florante at Laura.

KAYA MO ITO

Gawain 1
Panuto: Unawain ang mga sumusunod na tanong tungkol sa wika ng kabataan.
Piliin ang pinakatumpak na sagot at isulat ang letra nito sa patlang.
_____1. Ang tawag sa mga salitang nalilikha sa modernong panahon.
a. Wikang Filipino c.Wika ng mga Bata
b.Wika ng Kabataan d. Wikang Pilipino
_____2. Ito ay isang halimbawa ng Wika ng Kabataan.
a.Yarn c. Ikaw
b. Miss d. Good Game

3
_____3. Ang Wika ng Kabataan ay katulad ng __________.
a. Tagalog c.Taglish
b. Iloko d.Wala sa nabanggit
_____4. Ginagamit ang Wika ng Kabataan upang makabuo ng mga sumusunod
maliban sa ___________.
a. Fliptop c.Pormal na Sanaysay
b. Hugot lines d. Facebook Status
_____5. Saan madalas ginagamit ang mga Wika ng Kabataan?
a. Pagsulat ng Pormal na Sanaysay c. Pagsulat ng Liham
Pangangakal
b. Pagbuo ng Haiku d. Pagbuo ng Rap

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita ay halimbawa ng Wika ng
Kabataan at ekis (x) naman kung hindi.
_____1.BRB
_____2.NASA
_____3.Lodi
_____4.Sinetch Itey?
_____5.Petmalu

Gawain 3
Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos
nito.

Naalala Ko!
Naalala ko, petmalu, petmalu ang una kong comment sa facebook live stream niya.
Hanggang sa chatbox patuloy ko siyang sinusundan. “Lodi! Napakagaling mo namang
maglaro ng ML.” “G! isama mo naman ako sa susunod na game.” Ito ang mga sinabi ko
sa kanya. Pinagbigyan naman niya ako. Sa ML panay ang aming asaran, tawanan na tila
ba matagal na kaming magkakilala. “GG! Tara game ulit.” Ang patuloy kong wika.
Tuloy lang ang laro di alintana ang gutom at pagod. Hanggang ang mga kamay ay unti-
unti nang nangawit at ang mga mata ay unti-unti na ring napagod. “BRB, lodi.” Ang huli
kong wika. Dahil ang akala ko sa mga susunod na oras at araw ay ganoon pa rin ang
mangyayari. Comment ako ng comment at chat ng chat ngunit wala akong nahintay na
sagot. Naalala ko isa lang pala akong fan, hindi nag-iisa kaya hindi ko kailanman
masasabi kung kailan ulit ako mapapansin ng taong inaabangan at hinahangaan sa mundo
ng social media. Naalala ko na naman.

1. Tungkol saan ang teksto?


2. Ano ang damdamin ng may-akda na nangibabaw sa binasa?
3. Paano nagsimula ang koneksyon ng dalawang tauhan?
4. Ilahad ang daloy ng kanilang kuwento.
5. Paano nagwakas ang teksto?

4
MARAMI KA PANG MAGAGAWA

Gawain 4
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag tungkol sa Wika ng Kabataan.

Bilang isang milenial, mahalaga para sa akin ang Wika ng Kabataan


dahil_______________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________

Gawain 5
Panuto: Unawain ang aralin mula sa Florante at Laura na “Kay Selya” at sagutin
ang mga tanong na kasunod nito.
Kay Selya

1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip


8 Di mamakailang mupo ng panimdim
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
sa puno ng manggang naraanan natin,
may mahahagilap kayang natititik
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
liban kay Selyang namugad sa dibdib?
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
2 Yaong Selyang laging pinanganganiban
9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
baka makalimot sa pag-iibigan,
sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
ang ikinalubog niring kapalaran
himutok ko noo’y inaaring-Langit,
sa lubhang malalim na karalitaan.
Paraiso naman ang may tulong-silid.
3 Makaligtaan ko kayang di basahin,
10 Nililigawan ko ang iyong larawan
nagdaang panahon ng Suyuan namin,
sa Makating ilog na kinalalagyan;
kaniyang pagsinta ginugol sa akin at
binabakas ko rin sa masayang do’ngan
pinuhunan kong pagod at hilahil?
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
at walang natira kundi ang pag-ibig,
dito ang panahong masayang lumipas,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
na kung maliligo’y sa tubig aagap
hanggang sa libingan bangkay koy maidlip.
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
5 Ngayon namamanglaw sa pangungulila,
12 Parang naririnig ang lagi mong wika;
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
“tatlong araw na di nagtatanaw-tama,
nagdaang panaho’y inaalala,
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
“sa isang katao’y marami ang handa.”
6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
13 Ano pa nga’t walang di nasisiyasat
kusang inilimbag sa puso’t panimdim,
ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
sa kagugunita luha’y lalagaslas,
at di mananakaw magpahanggang libing.
sabay ang taghoy kong “o,
nasawing palad!”
7 Ang kaluluwa ko’y laging dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw,
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
nahan ang panahong isa niyang titig
5 ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
15 Bakit baga noong kami’ymaghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay,
kung gunitain ko’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di kamapaparam.

16 Itong di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, o! nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’y tumula
awitin ang buhay ng isang naaba.

17 Selya’y talastas ko’t malabis na umid


mangmang ang musa ko’ t malumbay ang tinig,
di kinabahagya hindi malait
palaring dinggin mo ang tainga’tisip.

18 Ito’y unang bukal ng bait kong kutad


na inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap
nagbuhat sa puso ng lingkod natapat.

19 Kung kasadlakan man ng pula’tpag-ayop


tubo ko’y dakila sa puhunang pagod,
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaringnaghahandog.

20 Masasayang nimpas sa lawa ng Bai,


sirenang ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.

21 Ahon sa dalata’t pampang na nagligid


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

22 Ikaw na bulaklak niring dilidili,


Selyang sagisag mo’y ang M. A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasiang
tapat mong lingkod na si F.B.

Mga Tanong:
1.Anong damdamin ang taglay ng mga saknong ng pag-aalay ng may-akda para kay
Selya?
2.Ano ang nakapaloob sa mga saknong 8, 9, 10 at 11 na tungkol kay Selya?
3.Sa tingin mo, alin sa mga saknong ang magpapatunay sa labis na pagmamahal ni
Balagtas kay Selya?
4.Nakapaloob sa mga saknong ang pagbabalik-tanaw ni Balagtas kay “Selya” ang
babaeng minahal niya nang labis subalit naging dahilan din ng pinakamalaki niyang
kabiguan sa pag-ibig. Nangyayari pa rin ba sa kasalukuyang panahon ang labis na
kalungkutan kapag nawawala ang isang mahal? Maglahad ng patunay.
5. Paano mo hinaharap ang mga pagsubok 6at masasakit na pangyayaring dumarating sa
iyong buhay?
Gawain 6
Panuto: Unawain ang aralin mula sa Florante at Laura na “Sa Babasa Nito” at
sagutin ang mga tanong kasunod nito.

Sa Babasa Nito

1 Salamat sa iyo o! nanasang irog 4 Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo
kung halagahan mo, itong aking pagod, bago mo hatulan, katkatin at liko,
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos, pasuriin muna ang luwasa't hulo
pakikinabangan ng ibig tumarok. at makikilalang malinaw at wasto.

2 Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap 5 Ang may tandang letra alinmang talata,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat, di mo mawatasa't malalim na wika,
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap, ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
masasarapan din ang babasang pantas. buong kahuluga'y mapag-uunawa.

3 Di ko hinihinging pakamahalin mo, 6 Hanggang dito ako, o! nanasang pantas


tawana't dustain ang abang tula ko, sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo, sa gayong katamis wikang masasarap,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso. ay sa kababago ng tula'y umalat.

Mga Tanong:
1. Ano ang nais iparating ni Balagtas sa mga mambabasa sa saknong 1?
2. Ano ang paglalarawan ni Balagtas sa kanyang aklat na Florante at Laura sa
saknong 2?
3. Ilahad ang mensahe ni Balagtas sa saknong 3.
4. Kung mayroon kang hindi maunawaan sa mga saknong ng Florante at Laura, ano
ang iyong hahanapin na sinasabi sa saknong 5?
5. Bakit sinabi ni Balagtas sa saknong 6 na hihinto na siya sa pagkakataong iyon?
Ano ang maaaring kaugnayan ni Segismundo rito?

7
SUBUKIN ANG IYONG SARILI

Gawain 7
Panuto: Bigyan ng caption ang larawan batay sa damdamin ni Balagtas na
nangingibabaw sa bahaging “Kay Selya” gumamit ng salitang kabilang sa wika ng
kabataan.
What’s on your mind?__________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Ang larawan ay mula sa aklat na ____________________________________
Florante at Laura Binagong Edisyon ____________________________________
nina: Mondragon et. al. (2015). ____________________________________

Gawain 8
Panuto: Balikang muli ang mga saknong 1, 2, 3, 5 at 6 ng bahaging “Sa Babasa
Nito”. Tukuyin ang mensahe ng mga nabanggit na saknong at isulat ang mga ito
gamit ang wika ng kabataan.

Sa mga katulad kong mambabasa. . .


Narito ang mga nais iparating sa atin ni Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito”
Saknong 1_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Saknong 2_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Saknong 3_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Saknong 5_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Saknong 6_______________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
Gawain 9
Panuto: Basahin ang sumusunod na saknong. Bumuo ng hugot mula sa saloobin ni
Balagtas na nakapaloob sa saknong na ito.

Ano pa nga’t walang di nasisiyasat


ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas
sa kagugunita luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “o, nasawing palad!”

Hugot Time!

DAGDAGAN MO PA

Gawain 10
Panuto: Unawain ang sumusunod na saknong. Isulat ang dapat at di dapat gawin sa
awit na Florante at Laura ni Francisco Balagtas ayon sa tagubiling nakapaloob sa
saknong.

Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko,
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Di dapat gawin . . .

Dapat gawin . . .

9
Gawain 11
Panuto: Sumulat ng piyesa ng Spoken Word tungkol sa saloobin sa paksang
kahalagahan ng muling pagbangon at pagpapatuloy sa harap ng anumang
pagsubok o suliraning dumarating sa buhay gamit ang wika ng kabataan.

______________________________________
(Pamagat)

Gawain 12
Panuto: Batay sa mga tagubilin ni Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito” sumulat
ng piyesa ng Fliptop tungkol sa paksang “Dapat ba o di dapat sundin ang tagubilin
ng isang manunulat?” Gamitin ang format sa ibaba.

“Dapat ba o di dapat sundin ang tagubilin ng isang manunulat?”

Lakandiwa:_______________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Dapat:___________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Di Dapat:________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

10

You might also like