You are on page 1of 8

Saint Matthew Montessori and Science High School

224 J.P. Rizal St. Bermudez Compound, Brgy. Uno, Cabuyao, Laguna

Modyul sa Filipino 11

KOMUNIKASYONG AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

(9th -10th Weeks Module)

Inihanda ni:
Ginang Maricel G. San Buenaventura
(Guro)
Aralin 6: Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
____________________________________________________________________________________

Basahin anq sumusunod na liriko mula sa mga pillng saknong ng ilang awiting Filipino

Kumusta ka?
Ano ba’ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong Hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta, mahal pa rin klta
-"Kumusta ka?"
Nonoy Zuñiga

Kaytagal din nating di nagkita


Ako’y nasasabik na sa'yo
Kamusta ka na nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Umulan bumagyo ayos lang,
Huwag kang mangangamba, ayos lang
Kumusta ka mahal ko, ayos ba?
Sanay di pa rin nagbabago
-"Kumusta Ka Na?"
Rey Valera

Bakit kayo nagkagulo, bakit kayo nag-away


Prinsipyo mo’y igagalang ko kung ako’y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo
- "Cotabato"
Asin

Sa nakaraang aralin, sinimulan mong pag-aralan ang mga gamit ng wika. Itutuloy natin sa araling ito ang
iba pang gamit ng wika ayon pa rin kay Roman Jacobson.

Basahin ang mga sumusunod na diyalogo.

DIYALOGO 1
Thelma: Uy, napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya baka may problema. Halika,
lapitan natin siya.
Thelma: Sol, kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo?
Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami.
Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako
kagabi sa pagsulat ng term paper natin.
Thelma: Hay... pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term
paper.
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.
Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa, ha.
DIYALOGO 2

Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.


Lito:
Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring 'yan. Natatakot ako
na baka lumala pa ang giyera. Sana huwag naman. Maraming masasayang
na kabuhayan. Tiyak na lalaganap ang kahirapan sa Mindanao.
Myrna: Hindi lang 'yan! Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa
buhay. Lalo na 'yung mga batang nawawalan ng magulang. Kawawa talaga
sila.
Lito:
Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ang giyera at
nang magkaroon na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Myrna: Ipagdasal natin'yan.

DIYALOGO 3
Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction. Sobrang
mahal naman kasi ng tiket. Paboritong-paborito ko pa naman sila.
Ester: Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng
concert na 'yan.
Doris: Bakit naman?
Ester: Hindi ako mahilig sa foreign artist. Mas gusto kong tangkilin ang rnga kanta at concert ng
local artist natin. Sila ang mas pinapanonood ko.

Doris: Talaqa? Palagay ko, kani kaniya naman talaqang hilig yan. Basta ako, kahit foreign o
local basta gusto ko ang mga kanta, nagiging paborito ko.

Matutukoy mo ba ang mga gamit ng wika sa mga diyalogo sa itaas?

Balikan mo ang mga pahayag na ito sa Diyalogo I:


"Uy, napansin mo ba?"
"Kumusta ko?"
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
"May problema ka ba?"

Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito. Ginagamit natin ang wika bilang panimula ng
usapan. Kapag may nakasalubong tayong kaibigan, binabati natin ito at madalas ay tinatanong ng, "Saan ang
punta mo?" o kaya ay, "May lakad ka yata?"

Basahin mo muli ang mga pahayag na ito mula pa rin sa Diyalogo 1:


"Baka makatulong kami."

"Mabuti naman, Sol, at okey ka lang."

Nagpapakita naman ng mabuting pakikipagkapuwa-tao o pakikipag-ugnayan sa kapuwa ang mga


pahayag na ito. Madalas kaysa hindi, nais ng bawat isa sa atin na magkaroon ng maganda at matatag na
relasyon sa ating kapuwa. Halimbawa, kapag may kakilala tayong maysakit, sinasabi natin ang, "Sana gumaling
ka agad" o kaya ay, "Magpagaling ka." Kung may mangingibang-bayan, sinasabi natin ang, "Sana maging ligtas
ang inyong paglalakbay." Kung may dumating naman mula sa paglalakbay, sinasabi nating, "Salamat at
nakarating kayo nang ligtas."
Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, "Kumain ka na?"; mga pahayag na nagpapatibay
ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, "Natutuwa talaga ako sa'yo!"; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng,
"Magandang umaga", pagpapaalam gaya ng, "Diyan na muna kayo, uuwi na 'ko." ay phatic na gamit ng wika.
Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk. Sa
isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Ang iba pang pag-uusapan
pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika. Kung minsan din, hindi nangangailangan ng sagot
ang mga tanong na phatic katulad ng, "Kumusta ka?" lalo na kung ito ay ginamit lamang natin bilang pambati
sa isang kakilala.

Balikan mo naman ang usapan sa Diyalogo 2:


"Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring Jyan."
"Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera."
"Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay."

Mababasa sa diyalogong ito ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot,
takot, at awa. Sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin
ang ating nararamdam o emosyon sa ating kausap.

Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako, nahihiya ako, kinakabahan ako, at iba pa. Sa mga
sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika.

Basahin mo ulit ang mga pahayag na Ito mula sa Diyalogo 3:


"Paboritong paborito ko pa naman sila."
" . kahit may pera akong pambill, hindl pa rln ako manonood ng concert na 'yan."
"Hindi ako mahilig sa foreign artists."
"Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists natin."
"Palagay ko, kani-kaniyanaman talagang hilig 'yan"

Ano ang kapansin-pansin sa mga pahayag na ito? Ano ang ipinahihiwatig ng mga pariralang "paborito
ko,""hindi ako mahilig sa...,""gusto ko ang ...," at "palagay ko"? Ang mga ito ay halimbawa ng mga personal na
pahayag, opinyon, o saloobin.

Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling
paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at
marami pang iba. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o
kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit nating wika.

Ang expressive na gamit ng wika ay nakatutulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng
ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.

AKTIBIDAD

Gumamit ang mga piling saknong ng mga awit sa Balik-tanaw, Tukuyin kung alin sa mga linya ng awit ang
phatic, emotive, at expressive.

Phatic Emotive Expressive


Aralin 7: Instrumental, Regulatori, at Heuristikong Tungkulin ng Wika

Instrumental, Regulatori, at Heuristikong Tungkulin ng Wika

Ano ang iba't ibang tungkulin ng wika na tumutugon sa pangangailangan ng tao? Bakit mahalaga ang
panlipunang konteksto sa makabuluhang paggamit ng wika? Paano makatutulong sa akademiko at praktikal na
larang ng pang-araw-araw na paggamit ng wika ang pag-unawa sa mga tungkulin nito?Tatalakayin sa bahaging
ito ang mahahalagangnito kaugnay sa instrumental, regulatori, at heuristikong tungkulin ng wika.
Ano mang wika ay may tungkuling tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang kinabibilangan nito.
Halimbawa, hindi lubos na mauunawaan ang baryasyon ng wika kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga
lingguwistikong estrukturang bumubuo rito, pagsulpot nito bilang panlipunang gamit at produkto ng isang
layunin sa komunikasyon. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa-gamit (functional approach)
na pag-aaral sa wika na ipinanukala ni Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga
naunang teorya nina Malinowski (1923), Firth (1957), at iba pa.
Ipinapalagay ni Malowski na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto (sa
Haslett 2008). Ibig sabihin, ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito
sa isang partikular na kultura. Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong ginagamit bilang
konsiderasyon sa kultural na aspekto nq pakikipag ugnay.in. Gaya na lamang ng pag uutos, gumagamit tayo ng
"paki” bilang pagpapakita ng paggalang at mabuting pakikitungo. Ang paggamit ng'po at"opo'ay mga katagang
nakabatay sa kultural na aspekto ng ating wika at walang kinalaman estruktural. Kultural din ang lobika sa
paggamit ng "kayo" at "sila" na estruktural na tumutukoy sa maramihan ngunit sa ilang pagkakataon ay
ginagamit bilang pananda sa pagpapakita ng paggalang. Maghahambing ito sa kultura ng mga Espanyol sa
paggamit ng tu (pamilyar na ikaw) at usted (magalang na pagtukoy sa ikaw).

Makikita naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth (1957) ang paglalarawan sa


kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa tiyak na konteksto.

Inilahad niya ang proseso ng pormal na paglalapat nito:


1) pagsusuri sa mga kalahok (kabilang ang kanilang mga makabuluhang berbal at di-berbal na pahayag);
2) makabuluhang bagay at di-berbal na pangyayari o pagkakataon sa isang tiyak na konteksto; at
3) epekto ng mismong mga pahayag. Masusuri sa panukalang proseso sa paglalapat ng teorya ni Firth
ang halaga ng obserbasyon na nakabatay sa mga natural at karaniwang sitwasyong komunikatibo upang
maunawaan ang makabuluhang gamit ng wika at epektibong proseso sa pag-aaral nito.

Ganito rin ang naging batayan ni Halliday (1978) sa sariling eksplorasyon ng dulog-sa-gamit na paraan
ng pag-aaral ng wika at pagpapanukala ng teorya ukol sa panlipunang tungkulin ng wika na natuklasan niya sa
simpleng obserbasyon sa mga yugto ng pagtatamo ng wika ng isang bata.

Sa obserbasyon ni Halliday, nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba't ibang yugto ng
pagkakagamit ng isang bata. Napansin niya na ang isang bata ay may hakbang-hakbang na yugto ng kakayahan
sa paggamit ng wika samantalang ang nakatatanda ay may kakayahan nang ilapat ang maraming tungkulin na
ito. Nagsisimula ang isang bata sa yugto na ginagamit niya ang wika upang magpahayag ng kaniyang
pangangailangan, na tutungo sa pag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa kaniyang paligid, hanggang sa may sapat
siyang kakayahan para magtanong-tanong upang tumuklas.

Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga
ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema. Ibig sabihin, ang wika
bilang potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na
panlipunang seting ng komunikasyon.

May instrumental na tungkulin ang wika kung layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa
pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at
pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa
paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at panghihikayat. Kailangang gamiting
mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan,
naiisip, o nararamdaman. Halimbawa, alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng ninanais na
pakikipaghiwalay?
A. Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.
B. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.

Sa unang pahayag, hindi mabisang nailapat ang instrumental na tungkulin ng wika sapagkat hindi ito
naglilinaw ng tiyak na kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya ng ikalawa na may tiyakna
paggamit ng pahayag na"gusto ko..."upang sapat na makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita.Sa kabilang banda,
maaaari ding ituring na mabisa ang pahayag kung ginamit ito sa angkop na sitwasyon at layunin sa
pakikipagkapwa.

May regulatori na tungkulin ang wika na may kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-
uugali ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, magutos at
humilinh sa kniyng kausao o sinoman sa kaniyang paligid. Madalas, may negatibong konotasyon ang ideya ng
pagkontrol, ngunit maaari namang isagawa ito sa positibong paraan na paggamit sa wika. Kailangang maging
malinaw na ang anomang uri ng komunikasyon ay makapngyarihan; maariring positibo ngunit maaari ding
maging negatibo ang implikasyon sa kapuwa tagapagsahta at tagapakinig. Halimbawa, sa herbal na
komunikasyon, maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika upang positibong hikayatin ang isang tao
kung unang babanggitin ang kaniyang mga kalakasan; maaari din namang makasakit kung iinsultuhin ang isang
tao dahil sa kaniyang mga limitasyon. Bagaman, maaari din naman talaga nating tulungang umunlad
ang isang tao kung ipapaabot natin sa kaniya ang mga kahinaan niya para mabigyan ng pagkakataong
mapagpabago at umunlad.

Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng
panuto, batas, at pagtuturo. Halimbawa sa ideolohiya ng mga negosyante at kapitalista, ginagamit nila ang wika
sa mga patalastas upang makapanghikayat at ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil nililikha nila sa
isip ng kausap ang pangangailangan nila sa produkto (kailangan mo ito...) at nag-uutos na gayahin o gamitin
ang kanilang produkto (gawin mo ito...) para sa interes ng kapital. Suriin ang mga tagline ng patalastas ng
produktong inumin kung paano inilalapat arig regulatori na tungkulin ng wika sa kanilang tag line. Ano ang
epekto sa iyo ng mga patalastas na ito?
Paano ka kinokontrol ng mga ginagamit na tag line nito?

Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa
kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika. Sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng
wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng
isang bata o indibidwal. Maaari din na sumulpot sa paraan ng pag-alam sa mga bagay-bagay, pagdududa, o
palagay. Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng
imbestigasyon, pagtatanong, at pananaliksik. Halimbawa ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong
tungkulin ng wika ang, "Ano'ng nangyari?""Para saan?""Bakit mo ginawa iyon?""Sabihin mo sa akin kung
bakit?"at"Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno?"
Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano mo nga ba nagagamit ang mga
nabanggit na tungkulin ng wika?

AKTIBIDAD

1. Lumikha ng isang islogan na humihikayat o nakaiimpluwensiya sa pagsusulong ng pangangalaga sa


ating kalikasan. Maging malikhain sa paggawa nito.
Aralin 8: Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong Tungkulin ng Wika

Interaksiyonal, Personal, at Imahinatibong Tungkulin ng Wika

Ayon kay Halliday (1973), ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung paano bumuo ng kahulugan. Sa
ganitong prinsipyo, mahalaga ang potensiyal sa pagpapakahulugan batay sa konteksto at gamit. Sa pananaw ng
sistematikong lingguwistika, nasa pundasyon ng wika ang kultural at panlipunang anyo bunga ng kultural at
panlipunang prosesona lumilikha ng kahulugan sa isang umiiral na kultura.

Ang konsepto ng "potensiyal sa pagpapakahulugan" ni Halliday ay naniniwalang ang wika ay isang set
ng tiyak at magkakaugnay na sistema ng mga semantikong pagpipilian na mauunawaan sa pamamagitan ng
pananalita o leksikogramatikal na estruktura ng bokabularyo at sintaks. Kung gayon, hindi maihihiwalay ang
kultura at lipunan sa pagpa- pakahulugan ng mga pahayag.

Maraming pang-araw-araw na gawain ang tao na nagpapakita ng iba't ibang sitwasyon at gawain na may
limitadong gamit ang wika sa tiyak na panlipunang konteksto. May tinatawag na transaksiyonal na kahulugan
at funsiyonal (tungkulin) na konteksto. Transaksiyonal ang pagpapakahulugan ng dalawang taong nag-uusap sa
magkabilang linya ng telepono ngunit ang panlipunang estruktura na nagtatakda ng wastong pagsisimula at
pagtatapos ng isang pag-uusap ay malinaw na nagkokonsidera sa kontekstwal na tungkulin
ng wika.

Sa madaling salita, ang wika ay Isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong elementong
panggramatika. May panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa
mga aktuwal na sltwasyon at natural na tungkulin nito upang tumugon sa mga tiyak na layunln at panlipunang
konteksto.

Kapag nagbubukas ng Interakslyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may


interaksiyonal na tungkulin. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang
kaniyang kapuwa sa pallgid. Ang "ako"at "ikaw" na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang
ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning maklpagkapuwa gaya ng, "Mahal
Kita,""Kamusta?" "Nanay," at "Mabuhay!"

Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya


ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagwiwika ng katawan
(mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang mga kilos). Gayundin, nagpapatuloy ang
epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang eskpresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa
pakikipag-usap.

Pinalalakas ng interaksiyonal na tungkulin ng wika ang pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan.


Nagsisilbing gampanin naman ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang
kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at pagkakakilanlan. Mahalaga naman ang imahinatibong
tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyoh at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig. Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng
tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang-akit na komunikasyon. Ang paglikha ng
mga popular na pick-up lines halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng
isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. Halimbawa: "Password ka ba?- 'Dikasikita makalimutan"
"Papupulis kita!-Ninakaw mo kasi ang puso ko."

AKTIBIDAD

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga terminolohiyang nabanggit sa ginawang pagtalakay.

1. potensiyal sa pagpapakahulugan -____________________________________________

2. sistematikong lingguwistika - _______________________________________________


3. transaksiyonal na pagpapakahulugan -__________________________________________
4. kontekstwal na tungkulin -___________________________________________________

You might also like