You are on page 1of 22

Philippine Christian University

Senior High School


- Manila

Modyul sa Filipino 1

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
(Mga Konseptong Pangwika
)

Unang Markahan
Baitang 11
Oryentasyon
Patakaran ng PCU
PCU MANUAL

PCU Bisyon
Isang natatanging matibay na Pamantasang Kristiyano na pinagsama ang
pananampalataya, kabutihang-asal at paglilingkod na sinasapatan ang
pangangailangan ng bawat isa at ng kalahatan tungo sa paglikha at pagpapabuting
uri ng buhay sa isang makataong lipunan

PCU Misyon
Kami, na nasa PCU, na isang paaralang nakaugnay sa simbahan, ay nakalaan na
magkaloob ng edukasyon na magpapabuti sa pagpapa-unlad ng kaugaliang
Kristiyano, pagsusulong ng pang-akadmikang kahusayan at mataas na kalidad ng
edukasyon, tumutugon sa pangangailangan at mga iba’t ibang kalagayan ng ating
bansa, maging isang mabuting katiwala sa lahat ng mga nilikha ng Diyos,
nagpapaunlad ng pandaigdigang pagkaka-unawaan at kagandahang-loob at
sumusuporta sa pang-ekumenikong kilusan.

Himno ng PCU
Fulfillment of our yearning
For Christian higher learning
To thee our eyes are turning PCU;

Thy blue and silver banner


In firm unchanging manner Is
steadied by unshaken loyalty
REFRAIN:
Thine is love of man in service tendered,
Thine is love of God in worship rendered,
Thine is wholesome growth in Christ engendered, Alma Mater, PCU.
Modyul I

I. Asignatura - Filipino 1
Yunit 1-Tungo sa Mabisang Komunikasyon

II. Paksa
Aralin 1- Konseptong Pangwika

Paghandaan natin

Puso o Isip? Anong Pipiliin Mo?


Kantahin ang tatlong bersyon ng awiting “Mahal Ko o Mahal Ako” ni Edwin Marollano
na pinasikat ni KZ Tandingan. (Maaring hatiin ang klase sa tatlong grupo upang
mabigyan ito ng sari-sariling interpretasyon)

Sino ang iibigin ko? Jino aru ang betchay kes?


Ikaw ba na pangarap ko? Jikaw ba na kyongarap kes?
O, siya bang kumakatok sa puso O ombs na kumokyotok sa
ko? arumbels?
Oh, anong paiiralin ko? Oh! Anong eme ang mas award?
Isip ba o ang puso ko? Jisip ba o ang arumbels?
Nalilitong litong lito… Nauutik na ang kuning, utik...

Sinong pipiliin ko… Jinu bang pipiliin kes?


Mahal ko o mahal ako? Bet ko o yung bet akes?
SAGOT:
1. Sa tatlong bersyon ng awitin ang nagustohan ko ay yung unang kanta marahil ang
wikang ginamit dito ay filipino. Sa dalawang bersyon na inilahad ay may isang
dialekto na hindi ako pamilyar at para sakin masmaganda ang bersyon na orihinal.
2.
3. Kung ako ang nasa kalagayan ng tao na nagtaatanong ang aking pipiliin ay ang
tao na mahal ako kesa mahal ko dahil ang pagmamahal ay natututunan at ang
pagmamahal ay may halong pagtangap
4. Sa aking palagay, ang unang bersyon ay ang orihinal na bersyon ng kanta at ang
dialect na ginamit ay filipino, sa pangalawang bersyon ay parang “gay language”
o tinatawag na slangs. At para sakin ito ay di madaling intindihin ngunit ito ay
nakakamangha at ang huling bersyon ay ang ingles.
5. Base sa aking pagkakaintindi, merong mga pagkakaiba ng mensahe sa tatlong
bersyon dahil iba iba ang kanilang kahulugan.
6. Orihinal na baryon ang mas nakakapukaw, para sakin, ito ang mas may emotion
at mas may dating lalo nap ag merong kanta.
7. . Ang wika ay isang mahalagang kasangpan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan
ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din upang
makipagkaibigan,makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang ibat ibang opinion
at kaisipan.
Katanungan:

1. Sa tatlong bersyon ng awitin, alin


ang pinaka-nagustuhan mo?
Bakit?
2. Ano ang iyong naramdaman nang
kantahin ang bersyong iniatang sa
Who shall my heart choose? iyo/ sa inyong pangkat? Bakit?
My dream, my love; my every dream? 3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
Or the one who’s giving me everything? taong nagtatanong sa awiting ito,
sino ang pipiliin mo?
Oh, should I listen to my heart? 4. Suriin ang tatlong bersyon ng
Or I heed what’s on my mind? awitin, anong wika ang napansin
I don’t know what to do. To do… mong ginamit sa mga bersyong
ito?
Who would I rather choose? 5. May nabago ba sa mensahe ng
The one I want or the one who loves awitin dahil sa pagkakaiba ng
me? wikang ginamit?
6. Sa aling wika mo lubos na
naunawaan at naramdaman ang
mensaheng ipinapaabot ng
awitin?
7. Sa iyong pananaw, ano ang
nagagawa ng wika sa ating
buhay?

III. Maikling Pagkilala

Sa tuwing maitatanong sa atin kung ano ang wika, ang madalas nating
naitutugon ay ganito: ito ang ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan o
pakikipagusap sa iba’t ibang grupo ng tao. Dahil iba’t-iba tayo ng pinagmulan at

Ngunit ang wika ay hindi lamang usapin hinggil sa kung paano ito gagamitin,
kundi ito ay sumasalamin din sa Kasaysayan, Kultura at Karunungang taglay ng isang
kinalakhan, gumagamit tayo ng sari-sariling kaparaanan ng pagpapahayag ng ating
naiisip, nadarama, o naisin na nakaayon sa ating pangangailangan.

bansa.

IV. Inaasahan

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga


magaaral ang sumusunod:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.


2. Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino.
3. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga
konseptong pag-wika.

V. Unang Pagsubok

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang salitang makabubuo


sa mga sumusunod na pahayag.

1. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ____________.


a. Tagalog c. Filipino
b. Pilipino d. Ingles
2. Ang Ama ng Wikang Pambansang Pilipinas ay si ____________.
a. Jose P. Rizal c. Manuel L. Quezon
b. Francisco Baltazar d. Lope K. Santos

Nagkakaiba-iba ang wika ng bansa at mga pangkat dahil sa


pagkakaiba-iba ng kanilang ___________.
a. edukasyon c. kultura
b. konsepto d. kabuhayan
3. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay ___________.
a. pinipili c. Kagila-gilalas
b. isinasaayos d. Dinamiko

4. Ang _________ ay instrumento o midyum na ginagamit sa


pakikipagtalastasan o komunikasyon.
a. prinsipyo c. elemento
b. Wika d. Produkto
5.

VI. Pagtalakay sa Aralin

▪ Kahulugan ng Wika
Ang Wika ay pangunahing instrumento o midyum ng komunikasyong panlipunan.
Ito ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at
ng mga simbolong isinusulat, sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan,
nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag
ng tao ang kanyang naiisip, maibahagi ang kanyang mga karanasan, at maipadama
ang kanyang nararmdaman. Samakatuwid, ang wika ay gamit sa komunikasyon, may
tunog man o wala.

▪ Kahalagahan ng Wika

• Instrumento sa komunikasyon; komunikasyon hindi lamang sa pagpapalitan ng


mensahe kundi sa pagkatutuo at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.
• Mahalaga ang Wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa
tradisyon at kalinangan, paniniwala at iba pang bagay na kaugnay ng paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
• Wika ang nagpapanatili ng pambansang kamulatan at pagkakilanlan. Ito ang
tagapagbandila ng pagkakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito.

▪ Katangian ng Wika

1. Ang wika ay tunog- unang natutuhan ang wika sa mga tunog na naririnig,
hindi sa mga titik na nababasa.

Tandaan:

2. Ang wika ay arbitraryo- ang salitang arbitraryo ay ang pagbuo ng mga


simbulo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan.
Ang mga taong kabilang sa isang tiyak na pook ang nagpapasya sa salita o
tuntunin na dapat sundin.

Halimbawa:

Tagalog ibon
Ilokano billit
Cebuano langgam

Mahalaga ang nasabing tunog sa batang namumulat sa kanyang unang wika dahil
narerehistro ito sa kaniyang isip , sa tinatawag na “language acquisition device o LAD”.
Tandaan:
Pinapakita sa halimbawa na magkakaiba ang ginamit na salita sa
magkakaibang pook ngunit ito ay may magkatulad na kahulugan.

3. Ang wika ay masistema- ang wika ay may tiyak na ayos na sinusunod upang
makabuo ng kahulugan.

Halimbawa:

Filipino: batang malusog o malusog na bata


Ingles: healthy child

Tandaan:

Sa pagbuo ng pariralang pang-uri sa Filipino, maaring mauna ang panggalan


(bata) bago ang pang-uri (malusog) hindi katulad sa Ingles nauuna palagi ang pang-
uri.

4. Ang wika ay komunikasyon- ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at


katulad ng iba pang kasangkapan, patuloy itong ginagamit. Kapag ang wika ay
hindi na ginagamit, ito ay unti-uting mawawala.

5. Ang wika ay nakabatay sa kultura- ang iba’t-ibang larangan ng sining,


paniniwala, kaugalian, karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura.
Ang mga taong kabahagi ng isang kultura ay lumilinang ng isang wikang
naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay. May mga salitang
banyaga na walang eksaktong kahulugan sa Filipino dahil hindi ito parte ng
kultura ng bansa.

Halimbawa:

Iloko Tagalog Ingles


Nabasa Basa Cooked rice
(watery)
Nakset Sunog Cooked rice (burnt)
6. Ang wika ay nagbabago o dinamiko- ang wika ay nagbabago dala ng
panahon at ugnayan na mga tao sa isa’t-isa.

7. Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay- ang wika ang humuhulma


sa kaisipan ng tao sapagkat gamit ang wika, naipapakita ng tao kung paano
niya nakikita ang lipunang kanyang kinabibilangan.

❖ Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika

1. Teoryang Behaviorism o Behaviorist Approach - B.F. Skinner (1904-


1998)
- Maaring matuto ng wika sa pamamagitan ng pagkontrol at pagganyak,
katulad ng pagpapabunya at pagpaparusa.

2. Teoryang Innative o Nativist Approach – Noam Chomsky (1928)


- Ayon sa teoryang ito, lahat ng tao ay may “likas” na kakayahang
matuto at matutunan ang wika dahil sa paniniwalang lahat ng
ipinapanganak ay taglay ang isang ‘built-in-device’ o isang likhang
isip na aparato na kung tawagin ay “black box” na kung saan ito ang
responsable sa pagkatuto ng wika.

3. Teoryang Kognitib – Jean Piaget (1896- 1990)


- Ayon sa kanya, ang pagkatuto ng wika ng isang bata ay nakaugnay sa
kakayahan nitong mag-isip. Kung ang bata ay may pag-unawa sa mga
konseptong nakalantad sa kanyang kapaligiran mas madali niya itong
magagamit sa pagsasalita.

4. Teoryang Makatao – Stephen Krasen (1941)


- Binibigyang pansin ng teoryang ito ang kahalagahan ng damdamin at
emosyon ng tao.

1. Pormal - binubuo ito ng mga salitang pamantayan o istandard dahil ito ay


kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng karamihang nakapag -aaral ng wika,
katulad ng mga nasa akademya, pamahalaan, at iba’t-ibang institusyon.

a.) Pampanitikan - ito ang wikang ang ginagamit ay matalinhaga at


masining na kadalasang gamit sa iba’t-ibang akdang pampanitikan.
❖ May apat (4) na Kaantasanang Wika na nahahati sa dalawang (2)
kategorya ayon sa pormalidad nito:
`

Halimbawa:
• nagmumurang kamatis
• nagtataingang kawali

b.) Pambansa- ito ang wikang ginagamit sa pamahalaan at sa


paaralan. Ang mga salitang ginagamit ay makikita rin sa mga
aklat pangwika at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan.

Halimbawa:
• Pilosopiya
• Republika
• Edukasyon

2. Impormal- ito ay anng wika na karaniwan, palasak, at gamit sa kaswal


na usapan sa pang araw-araw.

a.) Lalawiganin- dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang


rehiyon.

b.) Kolokyal- ito ay nagmula sa pormal na mga salita at ginagamit


sa ordinaryong mga usapan. Ito ang nagpapaikli ng isa o
dalawang titik sa salita.

Halimbawa:
• nasan (nasaan)
• kelan (kailan)

c.) Balbal- ito ang tinatawag sa Ingles na ‘Slang’. Umusbong ang


mga salitang ito sa mga lansangan at kadalasang ginagamit ng
mga masa ngunit hindi nagtagal ay ginamit na rin ng ibang tao.
Iba’t-ibang pangkat ng tao ang kadalasang gumagamit nito
katulad ng mga taong nasa ikatlong kasarian. Bumubuo ng sarili
nitong lengguwahe na sila lamang ang nagkakaintindihan.

Halimbawa:
• Sino ito? – (sinetchitech)
• Marijuana- (chongke)

❖ Iba Pang Konseptong Pangwika

a) Wikang Pambansa- Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ang wikang


pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit na pasalita at pasulat ng
isang bansa. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyong 6-9 ng Konstitusyong
1987.

b) Wikang Panturo- ito ang wikang ginagamit na midyum o daluyan ng


pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon.

c) Wikang Opisyal- ito ay ang wikang itinadhana ng batas bilang wikang


gagamitin/ ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon ng gobyerno; maging
sa sistema ng edukasyon. Matatagpuan sa Artikulo XIV, Seksyon 7-8 ng
Konstitusyong 1987 ang mga probisyong kaugnay ng wika.

❖ Bilingguwalismo

• Ito ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal


ng isang tao kung nakakapagsalita siya ng dalawang wika nang may pantay na
kahusayan.
• Bilang patakarang pang-edukasyon sa Piilipinas, nangangahulugan ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t-ibang magkakahiwalay
na subject.
• Ang patakarang bilingguwal ay pagtupad sa Artikulo XV, Seksyon 2-3 ng
1973 Konstitusyon hinggil sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng
komunikasyon at pagtuturo.

❖ Multilingguwalismo

• Ito ay ang pagkakaroon ng natural na kasanayan at kahusayan sa paggamit ng


higit pa sa dalawang wika.
• Kinilala rin sa larangan ng edukasyon sa ating bansa ito bilang patakarang
pangedukasyon dahil sa ating karanasang pangkasaysayan at sa likas na
pagiging mayaman ng ating bansa sa iba’t-ibang wika at kultura.

❖ Barayti ng Wika

••

▪ Mga Uri ng Barayti ng Wika

a. Idyolek- ito ay paggamit sa sariling paraan ng isang indibidwal yunik o


peculiar sa kanya. Kabilang dito ang ginagamit na bokabularyo, gramatika
at pagbigkas.
b. Diyalekto- nalilinang ito mula sa rehiyong kinabibilanan ng isang tao. Ito
ay may nabubuo dahil sa tiyak na ugnayan ng mga taong nasa partikular
na lokayon.

Ito ay tinatawag ding ‘speech variety’.


Ito ay tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng
pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
Kadalasan ay nakikita ito sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo ng mga
pangungusap at bokabularyo.
Halimbawa:

Wikang Tagalog ngunit ang dayalekto nito ay:

• Tagalog-Quezon • Tagalog-Batangas

• Tagalog-Cavite • Tagalog-Bulacan

c. Sosyolek- tinatawag din itong ‘social dialect’, barayti ng wika na


ginagamit ng isang partikular na ‘social strata’ o grupo ng iba’t-ibang uri o
klasipikasyon ng mamamayan sa lipunan.

Halimbawa:

• Wika ng mga dukha • Wika ng mga mayayaman


• Wika ng mga middle class • Wika ng mga aktibista

•‘Gay lingo’

❖ Register ng Wika

larangan o disiplina.

▪ Tatlong (3) Kategorya ng Register ngWika

Ang register ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa espisipikong
1. Field- tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan. Ang paksa ng diskurso
ay maaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit ng
mga taong nasa partikular na disiplina o larangan.

Salita Larangan Kahulugan


Agham/ Teknolohiya Maware o software na
nakakasira ng sistema
Virus ng kompyuter
Medesina Maliit na organismo na
nakakapagdulot sakit sa
tao at naipapasa sa iba
pang tao o hayop
2. Tenor of discourse- tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang relasyon
ng mga taong nag-uusap sa isang sitwasyon.

Halimbawa:

Ang pakikipag-usap sa kasing-edad o gulang ay naiiba sa pakikipag-usap sa


nakatatanda.

3. Mode of discourse- tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga


tagapagsalita pasulat o pasalita.

Halimbawa:

Ang sariling paraan ng pagsasalita sa klase ay hindi maaring gamitin kung


sumusulat ng isang pormal na sanaysay.

❖ Lingguwistikong Komunidad (Speech Community) – ito ay isang pangkat ng


mga taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog, ekspresyon) ng
kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang sila lamang ang nakakaalam.

❖ Homogenous na ‘speech community’ - ay yaong binubuo ng mga miyembrong


kabilang at nagkakasundo sa iisang koda na sila lamang ang nagkakaunawaan.
❖ Heterogenous na lingguwistikong komunidad ay yaong mga miyembrong may
tuwirang ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan.

❖ Unang Wika – ito ay kadalasan na tinatawag ding katutubong wika o sinusong


wika (mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula
pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang nauunawaan at
nagagamit ng tao ang nasabing wika.

Halimbawa:

Kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga taal na Iloko, ngunit
simula pagkapanganak ay tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang
kanyang katutubong wika o mother tongue.

❖ Pangalawang Wika- ito ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao labas
pa sa kanyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para

VII. Mahalagang Ideya

1. Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyon ng komunikasyong


panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaring matamo ng tao ang mga instrumental
at sentimental niyang pangangailangan. Ito ay dinamiko at laging nakatakdang
humarap sa mga pagbabago.

2. Ang Komunikasyon ay isang kakayahang likas sa tao, kahit kasisilang o musmos


pa lamang gagawa ng paraan ang tao upang maipahayagang kanyang nais na
sabihin.

3. Ang Filipino ay hindi lamang dapat gamiting wikang panturo kundi dapat pa ring
pag-aralan bilang bukod na disiplina, kasabay ng mga propesyonal na kursong
pinag-aaralan ng mga mag -aaral sa kolehiyo. Sa pamamagitan kasi nito ay
napapataas ang kakayahan ng mga magiging propesyonal na magamit ang wikang
pambansa sa aktuwal nilang praktis sa larangan.
sa tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong
nagsasalita.
uVIII. Gawain
Bigyang kahulugan mula sa pag -unawa Bigyan ng mga salitang
sa paksang tinalakay kasingkahulugan
may tiyak na ayos na sinusunod; sinasalita
Tandaang hindi lamang gamit kabuhol
ang wika sa komunikasyon o ng kultura; nagbabago ayon sa panahon at
sa simpleng pagpapahayag ng kasaysayan; malikhain at may kapangyarihang
kaisipan at saloobin. lumikha; at makapangyarihan; at nakaaapekto sa
kaisipan at pagkilos.

Mahalaga gamitin ang WIKA


wika,komunikasyon at
filipino sapagkat na
ipaparating neto ang mga
nasaloob na ideya at
damdamin ng isang tao.

Dito rin mas nag


kakaintindihan at nag
kakaunawaan ang mga
filipino.

Gamitin nang makabuluhan sa Gumuhit ng larawang


loob ng pangungusap sumisimbolo dito
Mahalagang Pagkatuto

Sa modyul na ito, tinalakay ang mga kahulugan, katangian, kabuluhan


ng mga konseptong pang-wika. Tandaang hindi lamang gamit ang wika sa
komunikasyon o sa simpleng pagpapahayag ng kaisipan at saloobin. Ito rin ay
impukan-kuhanan ng isang kultura sapagkat nabibigyan nito ng anyo ang bawat
kaisipan, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan sa pamamagitan ng mga salita.
Tandaan din natin na ang wika ay natutuhan sa pamamagitan ng tunog; may kani-
kaniyang napagkasunduang kahulugan ayon sa lingguwistikong komunidad; may
tiyak na ayos na sinusunod; sinasalita kabuhol ng kultura; nagbabago ayon sa
panahon at kasaysayan; malikhain at may kapangyarihang lumikha; at
makapangyarihan; at nakaaapekto sa kaisipan at pagkilos.

Sipat-salita

Tukuyin ang kahulugan ng salitang nasa kahon sa pamamagitan ng Vocabulary Word


Map.

Kultura
Kasaysayan

Kumunikasyon Kaalaman
WIKA  kaisipan

Damdamin
Damdamin
 Saloobin

Lingguwistikong na tunog
 Panahon
 Kasaysayan
 Kaisipan at
pagkilos
IX. Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ang pangungusap at isulat sa patlang ang hinihinging konsepto na nakaloob
sa kahon.

• Bilingguwalismo • Dayalek
• Wikang Pambansa • Wikang Panturo
• Tunog • Wika
• Idyolek • Unang Wika
• Register ng Wika • Balbal

Wikang Panturo 1. Wikang ginagamit na midyum sa pagkatuto.

Balbal 2. Mga salitang tinatawag sa Ingles na ‘slang’.

Wika 3. Ito ang kasangkapan sa komunikasyon na dapat patuloy na ginagamit.

Bilingguwalismo 4. Tawag sa kaalaman at pagkatuto sa dalawang wika.

Register ng Wika 5. Tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng mga taong nasa


espisipikong larangan.
Wikang Pambansa 6. Isang wikang ginagamit ng pasalita at pasulat ng mga
mamamayan.

Diyalek 7. Wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon.

Unang Wika 8. Tinatawag na katutubong wika o ‘mother tongue’.


Idyolek 9. Ito ang paggamit ng wika sa sariling paraan ng isang indibidwal.

Tunog 10. Ito ang batayang sangkap ng wika.

SIKHAY: AKLAT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

Website:
X. Sanggunian

PILIPINO

j2neE7cUU

You might also like