You are on page 1of 37

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
Konseptong Pangwika
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o
pahahayag. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit ng
tunog.
a. Wika b. ponema c. baybayin d. alibata
2. Ang salitang Latin na lingua ay nangahulugang:
a. wika at tunog b.titik at dila c. titik at tunog d. dila at wika.
3. Saan ibinatay ang pagpili ng Wikang Pambansa?
a. ibinatay sa mga dayuhang wika.
b. ibinatay sa katutubong wika na umiiral sa bansa.
c. ibinatay sa wikain ng mga mayayamang angkan ng bansa
d. ibinatay sa kung anong wika ang gusting gamitin ng mga tao.
4. Siya ang pangulong ang nagmungkahi na ibatay ang wikang Pambansa sa mga katutubong wika na umiiral sa bansa.
a. Ramon Magsaysay c.Manuel L. Quezon
b. Carlos P. Garcia d. Jose P. Laurel
5. Pinalitan ang tawag ng Wikang Pambansa mula Tagalog, ito ay ginawang___________ sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blng
a. Filipino b. Pilipino c. Ingles d. Nihonggo
6. Siya ang Ama ng Wikang Pambansa.
a. Lope K. Santos c. Jose P. Laurel
b. Manuel L. Quezon d. Benigno Aquino
7. Ang surian na siyang nag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan
upang mapaunlad at mapatibay ang pambansang wika.
a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang
Filipino
b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa
Wikang Pambansa
8. Kailan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang Kalayaan ng bansa?
a. Hulyo 4, 1946 c. Hunyo 4, 1944
b. Hulyo 16, 1944 d. Hunyo 12, 1948
_______9. Ilan ang wika at diyalekto ng ating bansa?
a. Mahigit kumulang 150 c. Mahigit kumulang 155
b. Mahigit kumulang 144 d. Mahigit kumulang 140
_______10. Ang surian na siyang nagpatibay sa isang panlahat na wikang
pambansang kinilalang Filipino.
Mga
Konseptong
Pangwika
Panuto: Magbigay ng anim na salita na naglalawan sa
salitang wika. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Ang Wika
Isang napakahalagang
instrument ng komunikasyon ang wika.
Mula sa pnagsamasamang makabuluhang
tunog, simbolo, at tuntunin ay nabuo ang
mga salitang nakapagpapahayag ng
kahulugan at kaisipan. Ito ay behikulong
ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Nagkakaintindihan tayo,
makapagbibigayan tayo ng ating mga
pananaw o ideya, opinion, kautusan,
tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga
mensaheng tumatagos sa puso at isipan
ng ibang tao, pasalitan man o pasilat
gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika”
o“lengguwahe”. Ito ay pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y nagging language na siya na ring
ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa
buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito
marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang
tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman ang, ang
wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal-
symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang
pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag ugnayan sa isa’t
isa.
Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t
ibang pagpapakahulugan sa wika katulad ng mga
sumusunod:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra(2003:1), ang wika ay
tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin.Ito ay behikulo
ng ating eksprsyon at komunikasyon na epektibong
nagagamit.Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip,
sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usapsa ibang
tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Ayon kay Henry
Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor
emeritus sa University of Toronto, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan:
ito ay isang Sistema ng komunikasyonng nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang
ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mgamamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng
gawain. Samantalang ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniwalang ang wika ay isang
sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rind aw ito
tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
Gayumpama’y naiiba ito sa mga pangkaraniwang sining dahil ang tao,y may likas na
kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakpak ng mga bata; wala kasing batang
may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bakae, o sumulat. Higit sa lahat, walang
philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito ay marahan at
hindi sinasadyang malinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso. Madalas hindi
na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika
sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating
pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang
napagtanto na ang wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito’y isang
napakahalagang instrument ng komunikasyon. Nagapapahayag ang tao ng kanyang saloobin
sa pamamagitan ng wika kaya’t nararapat lang na pagyamanin at gamitin nang naayon sa
angkop na layunin.
PANLAHAT NA KATANGIAN NG
WIKA
Batay sa pagpapakahulugan ng mga dalubhasa sa wika, masasabing ang wika ay may
sumusunod na katangian:

A. Ang wika ay masistemang balangkas.

• Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit
katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa
sistematikong ayos sa isang tiyak na balangkas. Kaya mahalagang maunawaan na lahat ng wika
ay may gramatika at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika.
B. Ang wika ay sistemang tunog

• Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-


sunod na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng
interaksyon ng iba’t ibangaparato sa pagsasalita
tulad ng bibig, dila ngipin, ngalangala, velum at
galagid. Ang mga bahagi ng katawang ito na
ginagamit natin sa pagpapahayag ay tinatawag na
speech organs. Kailangan itong mabigkas nang
mabuti upang maging makabuluhan ang nabuong
mga tunog at makilala ng tagapakinig ang
pagkakaiba ng mga tunog.
C. Ang wika ay kaugnay ng kultura
• Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala.
Mula pagsilang ng tao ay may kakambal nang kultura. Wika ang kaluluwa ng
tao kaya’t nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil dito, itinuturing na
dalawang magkabuhol na aspekto ang wika at kultura ng tao. Walang wika
kung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Di
maikakaila na magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya’t
habang may tao at umuunlad ang kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko
ang wika. Sa panahon ngayon, pinakamabisang tagapagpalaganap ng wika ay
ang kultura. Kultura ang tunay na aklat ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap
ng bayan.
D. Ang wika ay ginagamit
• Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
upang magkaroon ng saysay ang isang wika,
kailangan patuloy itong gamitin. Kapag ang wika
ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting
mawawala at tuluyang mamatay.
E. Ang wika ay natatangi
• Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika.
Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika
ay may itinakda na mga yunit panggramatika at
sariling Sistema ng ponolohiya (palatunugan),
morpolohiya (palabuuan) at sintaksis (palaugnayan)
at maging sa aspektong pansemantika.
F. Ang wika ay malikhain
• May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng
walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang
taong may alam sa isang wika ay nakapagsasalita at
nakabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng
anumang narinig o nabasang pahayag. Habang patuloy
itong ginamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila
ng mga bagong pahayag. (Belvez, etal.,2003)
G. Ang wika ay umuunlad

• Nagbabago ang wika dahil patuloy sa pagbabago


ng pamumuhay ng tao at iniuugnay ang wika sa
bilis ng takbo ng buhay dulot ng agham at
teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang
pinto nito sa pag-unlad upang makaangkop sa
mga pangangailangang pangkomunikasyon ng
sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay
patuloy na dumarami, nadaragdagan at
umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo,
nagbabgo ang Sistema ng pagsulat at
palabaybayan.
Ang Wikang
Pambansa

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang


pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at
diyalekto. Humigitkumullang 150 wika at diyalekto ang umiiral
sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang nagging pangunahing
dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga
Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mga
mamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.
Kung balikan ang ating kasaysayan, makikitang
hindi naging Madali ang pagpili sa wikang
pagbabatayan ng wikang Pambansa. Mahaba at
masalimoot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa
huling dalawang aralin ng kabanatang ito ay
tatalakayin nang mas malaliman ang kasaysayan ng
ating wika simula sa panahon bago dumating ang
mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon
subalit sa ngayon ay magkakaroon ka ng paunang
impormasyon sa pamamagitan ng timeline sa mga
pangyayaring nagbigaydaan sa paghirang sa Filipino
bilang wikang Pambansa.
1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa
iba’t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral ditto, nagging
isang paksang mainitang pinagtatalunan, pinag-isipan, at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang
pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-
ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang
dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga
maka-Ingles na niniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino
ang pagiging mahusay sa Ingles. Subalit nagging ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope
K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay
salungat ni Manuel L.
1935: Ang pagsuong na ito ni Manuel L. Quezon ay nagbigay daan sa
probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo VIV, Seksyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
“Ang konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansang ibababatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at
Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay
nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang
gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito
ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas sa isinulat
ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang “mag-aral ng
mga diyalekto sa pangkaahatan para sa layuning
magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang
wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at
sinasalita ng nakararaming Pilipino.”
Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili
nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
Pambansa dahil ang naaturang wika ay tumugma
sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng
mga sumusunod:
“ang wikang pipiliin ay dapat……
 Wika ng sentro ng pamahalaan;
 Wika ng sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan; at
 Wika ng pinakamarami at pinakadakilang
nasusulat na panitikan.”
1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay
iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon
ang wikang Tagalog upang maging batayan ng
Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng
Surian sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134. Mgkakabisa ang kautusang ito
pagkaraan ng dalawang taon.
1940: Dalawang taon matapos
mapagtibay ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang
Pambansa na batay sa Tagalog sa mga
paaralang pampubliko at pribado.
1946: Nang ipagkaloob ng
Amerikano ang ating Kalayaan, sa
Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas
noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag
ding ang mga wikang opisyal sa
bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng
Batas Komonwelt Bilang 570.
1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa
wikang Pambansa. Mula Tagalog ito ay nagging Pilipino sa
bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni
Jose E. Romera, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa
panahong ito’y higit na binigyang halaga at lumaganap ang
paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa
mga tanggapan,gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa, gayundin sa
iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng
diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks.
1972: Muling nagkaroon ng mainitang
pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal
noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa
huli, it ang naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV,
Seksiyon 3, blg. 2:
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa
isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong
katawagan sa wikang Pambansa sa Pilipinas. Gayunpama’y
hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal
na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng Saligang
Batas.
Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang
Pambansa upang maging isa itong wikang nagbubuklod sa
mga Pilipino. Marami itong
pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at
magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa
kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo pa tayong
magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo
sapag-unlad at pagtatagumpay.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang
buong papel.

1. Bakit kailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang


magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino?
2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagkakaroon natin ng wikang Pambansa?Nararapat ba ang parangal sa kanya
bilang “Ama ng Wikang Pambansa”? Ipaliwanag.
3. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang
nagging pangunahing tungkulin nila?
4. Sa iyong palagay, angkop kaya ang Tagalog sa pamantayang ito? Bakit oo o
bakit hindi?
5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang,
“hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago
matutuhan”? ipaliwanag ang iyong pananaw
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng
mahigit pitong libong pulo na nabibilang sa tatlong
malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa:ang Luzon,
Visayas at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang
heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng
iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-
kanyang wika at diyalekto. Ito ang nagbigay daan sa
napakaraming wika at diyalektong ginamit sa iba’t
ibang bahagi ng bansa.
Panuto: Sa isang buong papel,gumawa ng dayagram na
kagaya sa ibaba. Sa iyong sariling salita, punan ang mga
kahon ng mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa
pagpapatibay sa Filipino bilang wikang Pambansa.
Gawing gabay ang petsang nakalahad sa mga kahon. Ang
una’y pinunan para sa iyo.
Thank You
Presenter name
Email address
Website address

Tuesday, February 2, 20XX Sample Footer Text 37

You might also like