You are on page 1of 4

DESIREE FAE ALLA BEED 2

Panimulang Pagtataya: A. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kapag ang sumusunod na pahayag ay
ukol sa kahalagahan ng wikang Filipino.

 1. Mahalin, gamitin, at pagyamanin ang pambansang wika.

_______2. Huwag gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasan sa

nakararaming mamamayan.

 3. Nararapat lamang na ang bawat Pilipino ay maalam sa paggamit

ng kanyang sariling wika.

_______4. Anumang talakayan na ukol sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas

ay higit na mauunawaan kung wikang Ingles ang gagamitin.

 5. Huwag ikahiya ang wikang Filipino, bagkus ipagmalaki ito at idambana.


 6. Isang kayamanang maituturing ang pagkakaroon ng pambansang wika

kaya dapat natin ito’y pahalagahan.

 7. Mahalaga sa bawat Pilipino, ang paggalang sa sariling wika.

_______8. Kinakailangan na matuto ng maraming wika, lalo na ang wikang

Ingles ang bawat mamamayan ng bansang Pilipinas.

 9. Gamitin ang sariling wika, ang wikang Filipino sa lahat ng

pagkakataon.

 10. Upang maunawaan nang lubusan, kinakailangan na ang isang Pilipino

ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

Pagpapalalim (Abstraction)

Panuto: Ipaliwanag nang may kahusayan ang mga paksang natutunan mo sa unang aralin.

1. kahulugan ng wika
 Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang
particular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga
signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan.
2. katangian ng wika
 Ang wika ay masistemang balangkas, ang wika ay sinasalitang tunog, ang wika ay
arbitraryon simbolo ng mga tunog, ang wika ay komunikasyon, ang wika ay pantao, ang
wika ay kaugnay ng kultura, ang wika ay ginagamit, ang wika ay natatangi, ang wika ay
dinamiko, ang wika ay malikhain.
3. tungkulin ng wika
 Sa anumang bagay o Gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating
ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang
ating pagiisip maging ang ating pag-uugali.

Paglalapat (Application)

Panuto: Sumulat ng tatlong kasabihan na may kinalaman sa wikang Filipino at ipaliwanag mo ang bawat
isa sa dalawa hanggang tatlong pangungusap

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”

-Dapat nating mahalin ang ating sariling wika sapagkat dito tayo naninirahan, kung hindi man lang natin
kayang mahalin ang ating wika wala tayong katulad sa mga hayop na walang pinag aralan at hindi
manlang alam ang ginagawa

“Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa”

-Ang isang bansa ang siyang dahilan kung bakit tayo naturing na kakaiba, dahil sa wika ito ang nag
sisilbing orihinal sa ating bansa.

“Ang wika ay kaluluwa o salamin sa pagkatao ng isang bansa”

-Kung ano ang mabuting ginagawa natin sa ating sariling wika ay siya ring repleksyon sa ating bansa.

Repleksyon: Bilang isang estudyante, paano mo maipakikita o maipahahayag ang iyong pagmamahal sa
wikang Filipino?

Maipapakita natin ang pagpapahalaga sa sariling wika kung atin itong ipinagmamalaki at
nirerespeto. Dapat natin itong gamitin sa maayos na paraan. Gamitin ito sa wqaastong pakikipag
talastasan o pakiki[ag usap sa kapwa ko Filipino. Hihikayatin ko ang mga kapwa kabataan na mahalin ang
ating sariling wika. Ipapakita ko sa buong Pilipinas na dapat mas bigyang atensiyon ang sariling wika.
Mamahalin ko ito ng buong puso sapagkat ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino/ Panghuli,
ipapamahagi ko ang kaalaman kung paano mag salita ang isang tunay na Pilipino.
Post- Assessment: I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

c. 1. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong palawakin ang imahinasyon ng isang tao.

a. Representasyunal b. Regulatori c. Imahinatibo d. Personal

d. 2. Ang wika ay isinaaayos sa paraang nauunawaan ng lahat. Sa pagbuo ng pangungusap, ang


mga salita ay pinagsasama-sama sa pamamagitan ng mga patakaran tulad ng pagbuo ng
pangungusap.

a. Ang wika ay makahulugan/simboliko c. Ang wika ay arbitraryo


b. Ang wika ay nakabatay sa kultura d. Ang wika pinipili at isinasaayos

a. 3. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong mapatatag ang pakikipagkapwa o


pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang kapwa.

a. Interaksyunal b. Instrumental c. Heuristik d. Imahinatibo

a 4. Sa pamamagitan ng wika, nakakapagbahagi ang tao ng mga pangyayari o di kaya ay


nakapagpapahayag ng mga detalye.

a. Instrumental b.Personal c. Representasyunal d. Personal

a. 5. Ang lahat ng wika ay may kanya-kanyang sistema ng pagkakabuo.

a. Ang wika ay masistemang balangkas c. Ang wika ay nakabatay sa kultura

b. Ang wika ay arbitraryo d. Ang wika ay makahulugan/ simboliko

a. 6. Sa pamamagitan ng wika, naipahahayag ng tao ang kanyang mga pansariling kalooban na


maaaring magpakita ng kanyang personalidad o nararamdaman.
a. Personal b.Interaksyunal c. Regulatori d. Instrumental

a 7. Sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng isang tao ang kanyang mga mungkahi, panghihikayat,
pagbibigay-utos at maging ang pagbibigay ng pangalan sa isang bagay o pangyayaring kanyang
kinapapalooban.

a. Imahinatibo b.Representasyunal c. Intrumental d. Personal


a. 8. Ang wika ay pangunahing binubuo ng mga tunog na nagmumula sa mga sangkap ng pananalita
tulad ng dila, labi, babagtingang-tinig, ngalangala, ngipin at iba pa.

a. Ang wika ay sinasalitang tunog c. Ang wika ay arbitraryo

b. Ang wika ay makahulugan/ simboliko d. Ang wika ay nakabatay sa kultura

a. 9. Tumutulong ang wika upang makamit ng tao ang iba’t ibang kaalaman sa mundo.

a. Regulatori b. Interaksyunal c.Personal d. Heuristik

d. 10. Ginagamit ang wika nang sa gayon magawa ang isang individwal ang kanyang nais gawin.

a. Instrumental b. regulatori c. Heuristik d. Personal

You might also like